Sunday, September 4, 2016

KARANASAN NG ISANG CALLBOY 3


KARANASAN NG ISANG CALLBOY…….Danny Lim Fernandez (Part-3)

 

(Karugtong)

 

 

 

Nakita kong lumapit si Ruel kay mother at may sinasabi.  Tapos tinuro ang pwesto kong kinaupuan at parang tumatango-tango lang siya.  Tapos iniwanan ni Ruel si mother at tinungo niya ang kinaupuan ko.

 

 

 

R        O ano danny, okay ka ba?  Atleast hindi rin nasayang ang pagtambay mo, kumita ka rin.  Hihintayin natin sina Bimbo, Allan at si Victor at aalis na tayo.

 

 

 

Mga ilang sandali n lang, nagsidatingan ang mga hinihintay namin ni Ruel.

 

 

 

R        Halika Danny, mag-paalam na tayo kay mother, baka nakalimutan na niya.

 

 

 

Lumapit kami kay mother (andoon siya sa may casher).

 

 

 

R          Mother, aalis na kami.

 

 

 

Mother           Oo nga pala, muntik ko ng nakalimutan.  Bigyan mo nga ako ng 50 pesos (sinabi niya sa casher).  At binigyan si mother ng tag-sa-sampu.

 

 

 

Mother           O heto Danny ang commission mo sa gabing ito.  Sinobrahan ko yan dahil baka madala ka.  Paminsan-minsan pwede ka palang pang-emergency, atleast hindi ako napahiya sa customer ko no!!.

 

 

 

Danny           Thank you mother (Pati ako naki-mother na rin).

 

 

 

Ruel              Tayo na at may dadaanan pa tayong mga chicks sa kabilang kalye baka, maasar na naman yung mga yun sa kahihintay.

 

 

 

At umalis na kami.  Nilalakad lang namin ang lugar dahil hindi naman din kalayuan, parteng mabini Street din sa Ermita.  Malayo pa lang, nakita na namin ang anim na chicks na nakatayo sa may bangketa.

 

 

 

Allan             Ayun sila O!

 

 

 

At lumapit kami sa kanila.  “Ang tagal naman ninyo, mga 30 minutes na kaming nag-antay dito akala namin hindi na kayo darating. Nilalanggam na nga kami dine.

 

 

 

Bimbo            Pasinsiya na lang kayo at medyo mayron lang kasing inaayos yung manager namin sa club.  Syanga pala, may bagong myembro sa grupo namin, si Danny.  Danny -- sina Emily, Cristy, Claudia,  Malou, Dina, at ang huli si -----ano ngang pangalan mo?------“Ay ayaw ko ng ganyan, ha Bimbo, lagi mo na lang akong inaalaska”, sabi noong chicks sabay batok sa ulo.

 

 

 

Bimbo            (Umiilag din siya) si ano…annie…annie batong bakal. (Tawanan ang lahat.).  Dyan din sila nagtratrabaho sa Tender Trap, mga sexy girls din yan.  Si Cristy syota ko, si Claudia, syota naman din ni Ruel at si Malou, syota ni Victor at yang tatlo bakante (Tawanan naman).  Si annie, kalog lang talaga yan maski ganyan yan, hindi na-ngangagat yan, pero na ninipsip ng dugo yan. (Tawanan ulit)..

 

 

 

Cristy            Tayo na nga, lagi mo na lang niloloko si Annie, mamaya kung maasar yan, sige.  Let’s go girls.

 

 

 

Ruel              Saan ba tayo ngayon pupunta?

 

 

 

Malou            Dyan lang tayo sa North Harbor Disco para mas malapit sa uwian, mag-alas dos na, alangang oras na.  Next time na lang tayo pupunta sa malayo-layo.

 

 

 

Sumakay kami ng jeep na pamapasahero sa kabilang kalye, del Pilar St., kasi yung North Harbor sa may Mabini St. lang din yun.  Medyo pagbaba namin ng jeep, naglakad pa kami ng kunti.  Nakiramdam din ako ng kunti dahil first time ko ring sumama ng ganito, syempre nanibago pa ako pero medyo malakas pa rin ang loob ko dahil medyo nakainom ako.  Napapansin ko na panay sulyap sa akin ni Emily.  Si Emily, medyo maliit lang at medyo mahaba-haba ang buhok niya, hindi gaanong maputi pero makinis ang balat at seksi kaso medyo maliit lang siya, pero ganyan ang mga type ko sa babae, yung medyo may kaliitan at hindi matangkad at medyo mahaba ang buhok.  Nakiramdam lang ako sa kanya.  Umakyat na kami doon sa Disco at marami pa ring mga tao.  Naghanap ng table na bakante at nakakita naman at medyo malapit-lapit sa dancing floor.  Pagdating agad doon, hindi pa kami naka-upo hatak na agad ni Allan si Annie at nagsayawan agad ang dalawa..  Pumuwesto na kaming umupo at omorder ng drinks.  Puro beer and inorder namin dahil umiinom ng beer yung mga chickas na kasama namin.  Mamaya kunti tumayo sina victor at bimbo kasama yug mga partners nila, tapos hinatak ni Cristy yung dalawang chick at nagsayaw silang tatlong puro babae.  Naiwanan kami ni Ruel.

 

 

 

Danny           Ba’t ayaw mong sumayaw, nagsayaw tuloy yung tatlo.

 

 

 

Ruel              Mamaya na medyo nahihilo ako ng kunti.  Alam mo namang tina-table ako kanina, kaya panay laklak ko ng beer para malakilaki ang commission ko maliban sa table charges..  Bubwelyo lang tayo sandali.

 

 

 

Danny           Bakit ganoon ba? Kailangang marami kang inumin para malaki ang commission mo?

 

 

 

Ruel              Oo A, bawat bote ay may patong, kaya kung malakas kang uminom mas malaki ang kita mo.  Pero okey na rin sa akin yun, naka isang dosena ata ako.  

 

 

 

Danny           ‘uel, yang bang si Allan, bading ba yan? 

 

Ruel              Oo A, bakit mo natanong?

 

Danny           Kasi, nagkwekwentuhan kami kanina, ibang ang kilos niya, pero pag-andoon siya sa counter at may-kausap na customer, lalaking lalake ang dating niya.

 

 

 

Ruel              Talagang ganyan Danny, pa-effect lang niya yun para makatanso ng customer.  Syempre gusto ring kumita.  Lahat naman kami doon pumapatol sa kapwa lalaki, dahil pera din ang hanap namin.  Yung iba doon na mga kasama namin, mga bading din yun at silahis.  Minsan dinadaan-daan sa pagka-callboy, pero mautak din dahil maligaya na sila na nakatanso, may pera pa, ganyan lang dito.  Alam mo ba yung ibang kasama namin doon, mga may kaya sa buhay, iwan ko ba kung bakit pumasok doon.  Paano kasi, hindi makapaglandi sa kanila dahil nahihiya daw.  Kaya sa malayo sila umiibak –naintindihan mo ako!….Si Allan nga, kita mo nagtratrabaho bilang bar tender pero may kaya yan sa kanila.  Kaya nagpunta ng Maynila para makapaglandi ng husto.  Sa kanila daw, sabi niya, ginugulpi ng mga kapatid dahil ayaw na maging bading siya.  Pero ‘asaan ka, heto siya masayang-masaya, pero okey namang kasama yan.  Pero pag sinabi ko sa kanyang mag-behave siya, kikilos na parang lalake yan, kaya lang sabi niya sa akin, hirap na hirap na hirap daw siyang maging lalaki.  Sabi ko, “sige, ikaw rin hindi ka kikita, sayang pa naman yang hitsura mo, ang gandang lalaki, e bading pala, syempre aayawan ka ng bading dahil bading ka,  ayaw kumain na berdeng dugo ang mga bading dahil baka  tamaan ng kidlat masusunog ang kanilang kaluluwa”  yan ang sabi ko sa kanya.

 

 

 

Danny           Sayang, ano? May hitsura pa naman siya at may dating, yun pala bading.

 

Ruel              Ganyan lang ang buhay,  kanya-kanyang diskarte.  Syanga pala, dito ha, hindi tayo gagastos, ang mga chickas ang magbabayad sa inorder natin.  Kaya huwag ka na lang kumibo.  O, anong masasabi mo sa trabaho, I mean yung na-umpisahan mo, gusto mo ba?  Dito sa trabaho namin, okey lang.  Wala namang kapagod-pagod, kunting diskarte lang, pa-upo-upo at umiinom ng libre may bayad pa, di ba mas okey yun.  Yung trabaho mo ang hirap ata? Pagod ka pa at maraming amo.  Dito masarap na, libre pa sa kantot, kung minsan ikaw pa ang babayaran.

 

 

 

Danny           Kaya lang, mukhang mahirap ata yan gawin.  Tapos may sinabi pa si Allan na ilalabas pa raw ng customer.  Akala ko pa-upo-upo lang at painom-inom, e ba’t pa ilalabas pa ng customer, ano naman ang gagawin at lalabas pa.

 

 

 

Ruel              Ibang usapan din yan. Nasa iyo naman din kung gusto mo.  E kung gusto ka ng customer ilabas, ang ibig sabihin noon, ibang bayad naman din yun.  Kaya lang makipag-sex ka sa kanila.  Either ikaw ang bibigay o siya ang bibigay.

 

 

 

Danny           Anong ako ang bibigay o siya ang bibigay?  Anong ibig mong sabihin noon?

 

 

 

Ruel              Ang ibig sabihin noon, either ikaw ang kakantotin niya, o siya ang magpakantot sa iyo, ganoon din, either ikaw ang chuchupa o siya ang chuchupa sa iyo.  Kaya doon palang sa table ninyo, mag-usap na kayo para magkaintindihan.

 

 

 

Nag-isip din ako sa sinabi ni Ruel.  Oo nga naman, walang kahirap-hirap ang trabaho nila at ang dali ng pera.  Di sa katulad ko ngayon, ang hirap ng trabaho ko at ang laking lugar ang nililinis, tapos kung minsan uutos-utusan pa ako ng halos kahat ng empleyado doon.  Kung papasukin ko ito, dito hindi mahirap ang trabaho, naka-upo ka lang, umiinom, kumikita pa, pera kaagad.

 

 

 

Danny           Mukhang mahirap atang gawin yun Ruel,  at saka maraming mga kasama kayo doon na may hitsura kay sa akin.  Tapos mahiyain pa ako, dahil syempre ngayon lang ako naka-incounter ng ganito baka mabigla ako. Mukhang hindi ko masikmura sa sarili ko.  Seguro iinom muna ako bago umintra.

 

 

 

Ruel              Akong bahala sa iyo, inom lang pala, e walang problema, makadiskarte tayo niyan at tuturuan ka namin ni Bimbo.  At mga andoon, huwag kang ma-insecure, may mga iba naman doon na mas may hitsura ka pa sa kanila, pero ayon, hindi rin nawawalan ng customer.  Kanya-kanya lang diskarte.  Yung iba naman doon, mga silahis at bading din kaya hindi mo sila masyadong mahalata.  Pero pagsanay ka na, marunong ka nang mangilatis.  At saka, sa totoo lang Danny, iba ang dating mo,  may porma kasi ang katawan mo, para kang nagge-gym, kaya may hatak ka rin.  Noong ngang dumaan ka sa upuan namin kanina, sabi no’ng isang bading na nasa table naming, bago ka nga raw.  Sabi ko sa bading na hindi ka nagtratrabaho doon at kaibigan kita.  O ano, anong disisyon mo?  Para sabihin ko kay mother.

 

 

 

Danny           (Nag-isip ako)….Pwedeng bang hindi muna ako mag-full time doon, paminsan minsan lang muna?

 

 

 

Ruel              Walang problem yun, akong bahala.

 

 

 

Maya-maya dumating yung tatlong chicks galing sa dance floor at pagod na raw, mamaya na naman daw sila sasayaw.  Sinilip ko si Allan at Annie, masayang-masaya silang nag-sasayawan at tawanan pa.  Nakita ko si Bimbo na parang kinalabit ng kapartner niya na parang gustong maupo na.  Mga ilang sandali lang, nagbago ng tugtug ang music,naging sweet music.  Kaya yung iba tuloy din ang sayaw, parang interval ng disco.  Nagtatakbo si Allan paupo, dahil hinila siya ni Annie para sumayaw ng sweet music pero ayaw na Allan.

 

 

 

Allan             Itong si Annie talaga o!

 

Annie            Bakit? Ayaw mong kasayaw ako ng sweet music?

 

Allan             Hay naku, no!  Baka tamaan tayo ng kidlat!

 

Annie            Itong taong ‘to, napaka-KJ talaga.

 

Ruel              ‘Hus, tama na yan no!  Lagi na lang kayong dalawang nagkasagutan.

 

Allan             Si  Annie kasi e!

 

Annie            Hmmm, ako na naman, ikaw nga dyan e!

 

Ruel              Sige, sige, sige, tama na yan.  Halika sayaw nga tayo (niyaya si Claudiang sumayaw ng sweet music), Hoy Danny, isayaw mo nga si Emily! (Sabay tayo ang dalawa)

 

 

 

Danny           (Tumingin muna kay Emily) Pwede bang sumayaw sa iyo?

 

 

 

Hindi siya kumibo, tapos dahan-dahan siyang tumayo.  Tumayo din ako at nagsayaw  kami ng sweet music.  Wala kaming imikang dalawa, medyo nagkahiyaan pa.

 

 

 

Emily             Saan kayo nagkakilala nila Ruel at Bimbo, matagal na ba kayong magkakilala?

 

Danny           Medyo matagal ko na ring kilala ang dalawa at saka nagkakilala kami sa isang barkada rin na nagpakilala sa kanila (nagsinungaling ako).  Ikaw, may syota ka na ba?

 

Emily             Ba’t mo naman naitanong yan!  Agad yan ang tinatanong mo.  Kayong mga lalake talaga  o segurista, laging nagmamadali!

 

Danny           Bakit masama bang magtanong na ganoon?  Hindi naman yata nakakasakit yun, di ba?

 

Emily             Kasi po, ngayon lang tayo nagkakilala,  agad yan ang mga sinasabi mo.

 

Danny           Huwag mo naman ako po-poin, bakit?  Matanda na ba ako?

 

Emily             ‘sus ko day! Masyado ka naman, bakit matanda lang ba ang pinu-po?

 

Danny           Hindi naman, ikaw talaga o, pilosopo!

 

Emily             Baguhin na nga natin ang usapan.

 

Danny           Anong gusto mo? O sige na nga,…Miss pwede bang makilala?

 

 

 

Bigla ako dinagukan sa ulo at sabay tawa….

 

 

 

Emily             Ikaw talaga o!

 

Danny           seriously Emily, type kita.  Kaya lang baka mayroon ka na…… alam mo na….pero hindi pa rin ako mawalan ng pag-asa.

 

Emily             Sinabi ko na nga ba, e!

 

Danny           Bakit?  Masama bang manligaw?  Binata naman ako a…at syempre dalaga ka pa, di ba?

 

Emily             Alam mo Danny, madaling sabihin, pero mahirap gawin.

 

Danny           Ang alin?

 

Emily             De ba puta naman ako?

 

Danny           Bakit ako ba, hindi puta?

 

Emily             Mmmmm!..sabay batok uli sa uli (pero mahinahon lang) ikaw talaga ha!

 

Danny           Pare-pareho lang naman tayo a!  Bakit wala na ba tayong pagkakataong lumigaya?  Komo ganito tayo, wala na ba tayong karapatan para ding lumigaya?

 

Emily             Alam mo, ang bilis-bilis mo! Kakilala lang natin ngayon, pero parang matagal na kitang kilala.  Kasi para bang magsalita ka, parang matagal mo na akong kakilala.

 

 

 

(Kaya seguro ako madaldal dahil naka-inom ako kaya pag-ganito, lalo na medyo naka-inom ako, lalong magana akong makipagkwentuhan at nawala ang hiya ko.  Pero kung ako hindi naka-inom, bihira mo lang akong marinig magsalita.  Kaya seguro medyo may lakas loob ako ngayong magtatanong kay Emily.  Sa totoo lang, type ko siya noong nakita ko pa lang noong sunsundo sila.)

 

 

 

Danny           O ano?  Hindi mo pa ako sinasagot?  Knock-knock!!!! Whose there?…..O sige na, malapit ng matapos ang tugtug.

 

Emily             Hay naku!  Pasyal ka muna sa club namin minsan para makita ako.  Hindi mo pa nga kilala e, kung anong yang mga sinsabi mo.  Pasyal ka doon, pero ikaw lang mag-isa ha!  Walang kasama.

 

Danny           Kailan? Bukas? Bukas Makalawa?

 

Emily             Sa lunes ng gabi hintayin kita sa labas, 7:00 ng gabi.  Kailangang, 7:00 ng gabi ha!  Andoon ka, Okey?

 

 

 

(To be continued…..)

 

 

 

 

No comments:

Post a Comment

Iputok mo ditto, Pre!