Sunday, September 4, 2016

KARANASAN NG ISANG CALLBOY 1


KARANASAN NG ISANG CALLBOY -----

Danny L. Fernandez (Unang Yugto)

 

 

Mga pare koy!!!...Magandang araw sa inyong lahat...Bago lang ako sa grupong ito pero nag-enjoy na rin akong nagbabasa sa nga story specially during my break....Bayaan na rin ninyo akong e-share ang buhay ko sa inyo..

 

 

 

Ang lahat ng tao ay hindi masama. Kung masama man, seguro may dahilan. May mga dahilan din na mali at may mga dahilan din na tama. Tayo ay may kanya-kanyang destination sa buhay ng ang Dios lang din ang nakakaalam kung saan ka patungo.

 

 

 

Kung naghihirap ka man, o may mga problema sa buhay na dumarating....yan ay pagsubok NIYA kung hanggang saan ka...Pero sa mga pagsubok sa iyo ay lagi rin siyang nakabantay at nagmamasid.

 

 

 

Tayo ay tao, nagkakamali din, hindi tayo perpekto na gawa NIYA. Kaya huwag naman din kayong manghuhusga sa kapwa dahil sa bandang huli, kayo rin ang huhusgahan.

 

 

 

Kung nagkamali man tayo o nawala sa landas na ating patutunguhan, andyan din siya sa itaas, aakayin ka rin niya sa wastong landas na patutunguhan. Pero kailangan mo rin ang tibay at lakas para masagupa mo ang unos at bagyo sa iyong buhay.

 

 

 

"Tao, magsumikap at tumayo ka sa sarili mong mga paa, ituwid mo ang landas na tinatahak mo at kita'y aakayin".

 

 

 

Danny Lim Fernandez

 

(Note: mga pare ko, pasinsiya na rin kayo sa pagsusulat ko dahil hindi ako bihasang magsulat ng tagalog)

 

 

 

 

 

= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = =

 

KARANASAN NG ISA CALLBOY……..Danny Lim Fernandez

 

 

 

Nag-iisa ako sa buhay ko at napadpad sa maynila. Nakahanap ako ng trabaho sa murang edad ko pero hindi pa sapat sa pangangailangan ko. Mahirap din kasing maghanap ng trabaho sa Maynila, lalo na pag bagong salta na katulad ko. Nagtiis din ako para makaipon dahil pangarap ko rin na makapag-aral. Nagtratrabaho ako bilang isang janitor sa Ermita, ni wala akong kaibigan dahil masyado akong mahiyain. Pag-umuwi ako sa tinitirhan ko, gabi na ako dumarating dahil nahihiya ako sa tinuluyan ko libre kasi eh. Kaya pag-katapos ng trabaho ng alas 5:00 PM, nagagala ako sa luneta o kaya naglakad lakad. O kaya’y nag-iistambay na lang ako kina Manag (nagtinda ng sigarilyo at chitcheria sa may mabini, ermita) at doon ako nag-paabot ng gabi. Umuuwi ako sa bahay mga alas 9:00 ng gabi at pagdating ko doon, natutulog na lang ako. Ganoon lagi ang ginagawa ko. Ang ermita ay lugar ng tinatawag ng green belt. Doon nakikita mo ang iba’t ibang klasing mga tao. Maraming mga foreigners ang nagagala sa lugar na ito dahil ito rin ang pinaka-tourist belt (sentro ng mga turista). Sa ka tatambay ko doon kina manang, doon ko na kilala sina Ruel at Bimbo.

 

 

 

Ruel Manang, pabili ng sigarilyong marlboro,isa stick lang.

 

 

 

Tapos tiningnan niya ako na nakaupo na nagbabasa ng dyaryo.

 

 

 

Ruel Pards, anong balita?

 

 

 

Tumingin ako sa kanya”A marami, anong gusto mo?”

 

 

 

Ruel Yung magandang mapagkwartahan.

 

 

 

Wala ata akong nabasa tungkol doon.

 

 

 

Ruel Syanga pala ako si Ruel, Ikaw?

 

 

 

Danny, Danny Fernandez (Sagot ko sa kanya)

 

 

 

Manang O etong sigarilyo mo.

 

 

 

Inabot yung sigarilyo at nakisindi sa akin.

 

 

 

Ruel Alam mo pards, lagi kitang nakikita ditong nakatambay. Lagi ka na lang nag-iisa. Kamag-anak mo sina Manang?

 

 

 

Danny Eh, kasi wala naman akong matambayan na ibang lugar at isa pa hindi ko kamag-anak si manang, dito nga rin ako nangungutang dahil dyan lang ako sa kabilang building nag-tratrabaho. Tapos ng trabaho ko, kaya dito na lang ako nagtatambay para palipas oras. Kasi ayaw kong umuwi sa amin ng maaga.

 

 

 

R Halika, sama ka doon. Doon na lang tayo magkwentuhan para may kausap ka naman at ipakilala kita sa kaibigan ko. Dito nag-isa ka lang. Doon tayo (tinuro niya ang kabilang kanto at may nakita akong nakaupo doon sa malapit sa pintuan).

 

 

 

D O sige. Total maaga pa naman.

 

 

 

Tumawid kami ng kalsada, sa kabilang kanto at pagdating namin doon kabila, pinakilala ako.

 

 

 

R Bimbo, si Danny, bagong kaibigan natin.

 

 

 

Bimbo Oy, kumusta ‘dre.

 

 

 

D Ayos lang.

 

 

 

B Lagi ka kasing nakikita namin ni Ruel dyan sa kabilang kanto at laging nag-iisang nakatambay kaya sabi ko kay Ruel na kausapin ka.

 

 

 

D Wala kasi akong kaibigan dito at medyo mahiyain din ako masyado. Hindi kasi ako hilig na maglalapit ng ibang tao na hindi ko kilala dahil nagkaroon ako ng pobia.

 

 

 

R O, paano, di kaibigan na tayo. Dito ka na lang magtambay, atleast may-kausap ka at hindi naman kami nangangagat. (sabay tawanan).

 

 

 

B Marami kaming mga kaibigan at makilala mo rin sila.

 

 

 

May lumabas na isang lalaking begotelyo medyo sa tingin ko mukhang suplado. Medyo may kataasan din ang height at maputi at medyo siksik ang katawan. “sino yan” yun ang sabi niya.

 

 

 

R Ah, si Danny kaibigan naming bago, Danny, si Claro, bouncer namin.

 

 

 

Claro “Hi”

 

 

 

B Dito yan mag-tatambay ha, Claro, baka mamaya, sisitahin mo. Kaibigan namin yan. Medyo bago lang yan dito.

 

 

 

C Walang problema yan, buti nga at nakilala ko (sabay ngiti). At isa pa, buti andito si Danny, minsan ako lang naman ang tao dito sa labas, atleast may kausap din ako. Di ba pards okey yun (sabay tingin sa akin at tapik sa balikat ko).

 

 

 

D Ayos yon, atleast may kakilala na ako at kaibigan. Mahirap din palang walang kausap .

 

 

 

Marami kaming kwentuhan, mga chicks, happenings nila, kwento ng kunti ng buhay-buhay nila at kung ano-ano pa.. Kaya nag-enjoy din ako. Mag-alas 8:00 ng gabi at nag-paalam na ako sa kanila at akoy uuwi na.

 

 

 

Kinabukasan, pagkatapos ng trabaho ko, punta uli ako doon at sa labas palang nakita ko na sina bimbo at ruel. “Hi pards”. Actually natatapos ang trabaho ko ay mag 5:30 PM dahil ako ang huling tao na naiiwan sa office namin dahil ako nga ang tagalinis at kilala na rin ako ng security guard sa building. Maya-maya, may lumabas na bading na mataba sa pintuan. “Sino yang kausap ninyo?”

 

 

 

B Mother, si Danny pala, kaibigan namin.

 

 

 

Tiningnan ako mula ulo hanggang paa. “Pwede na rin”...sabi noong bading.

 

 

 

R Mother naman, walang alam yan at kahapon pa lang namin nakilala. Pamangkin yan ni manang (at tinuro yung nag-titinda ng sigarilyo). Dinala lang namin yan dito para may kakwentuhan.

 

 

 

Mother A ganoon ba? O sige boys dito muna ako sa loob (sabay pasok sa pintuan).

 

 

 

D Ruel, ba’t naman sinabi mo na pamangkin ako ni manang.

 

 

 

R Para matigil na sa katatanong ng makalayas na (sabay tawanan). Pero mabait yun maski ganoon lang yun.

 

 

 

D Ano palang lugar ‘to. Di ba dito rin kayo nagtratrabaho?

 

 

 

B A…Oo , sa loob kami nagtratrabaho. Ano, Eh club din ito tulad sa mga nandyan. (Tinuro niya yung mga katabing lugar na beer house, club at mga restaurant sa paligid).

 

 

 

D A ganoon ba. Anong oras naman din ang pasok ninyo dito?

 

 

 

R Normally ang pasok dito mga alas 7:00 PM na ng gabi. Pero kami, dito na rin natutululog yung iba umuuwi pa sa kanila. Ang normal na uwian din dito ay alas 2:00 na ng madaling araw, pwede ka ring umuwi ng 1:00 ng umaga. Ganyan ang timing dito.

 

 

 

D A ganoon ba? Iba pala ang pasok ninyo dito , ano? Di sa umaga nagtutulog lang kayon dahil syempre trabaho pala ninyo pang-gabi, hind ba mahirap?

 

 

 

B Hindi, sanayan lang dito at kung minsan din, kunti lang ang tulog namin dahil kung minsan, sa umaga gumagala rin kami. Kaya nasasanay na lang kami.

 

 

 

Mabait din sina Ruel at Bimbo sa akin, kaya enjoy din silang kasama maski doon lang kaming nagtatambay sa labas ng club. Yung ibang kasama nila, pinakilala din sa akin. Sina Allan, Victor, Norman at yung iba pa. Kaya pagnakita ako ng mga iyon, binabati rin ako. Kaso lang yung iba pag-dumating, tuloy-tuloy din sa loob. Ganoon lagi ang sistema. Lagi lang akong nakatambay doon at pag-mga alas 8:00 na ng gabi umuuwi na ako.

 

 

 

Minsan, niyaya kami ng boss namin sa office sa isang handaan, kasama ako dahil birthday daw niya at doon lang ginanap sa malapit na restaurant sa pinapasukan namin. Libre ang beer at pagkain, beyernes ng gabi ginanap yun dahil Sabado at Linggo wala kaming pasok. Noong mga bandang 9:30 na ng gabi, para ayaw ko na, medyo tinamaan ako ng beer, siguro mga naka apat lang ako. Hindi kasi ako sanay sa inuman. Umiinom ako ng pakunti-kunti lang, hindi yung laklakan. Kaya noon nakaramdam na ako. Umalis na lang akong hindi nag-paalam dahil marami naman ding tao doon at sa restaurant lang ginanap.

 

 

 

Nagpunta ako sa lugar kina Ruel at Bimbo. Pagpunta ko doon, ang nakita ko si Bimbo at sa Claro (yung bouncer nila). Lumapit ako sa kanila. Tumayo si Claro sa kinaupuan niya at lumapit sa akin at inakbayan ako.

 

 

 

C O danny, mukhang naka-toma tayo. Saan ba ang party?

 

 

 

D Dyan lang, nagblow-out yung boss namin at may kunting unuman. Umalis na lang ako dahil baka malasing lang ako ng husto, baka hindi ako makauwi sa amin.

 

 

 

Biglang lumabas si Ruel, “Oy pards, medyo na late tayo ngayon ah at mukhang mestizo pa, saan ka ba nanggaling?” sabi niya. Then kinikwento ni Bimbo na galing ako sa handaan. Maya-maya, biglang lumabas yung bading na tinatawag nilang mother.

 

 

 

Mother Hoy, magsipasok na kayong dalawa, dito na kayo magkwentuhan (Tinawag sina bimbo at Ruel).

 

 

 

Bimbo Halika Dan, pasok ka sa loob muna.

 

 

 

Danny Anong gagawin ko sa loob, baka magalit si Mother ninyo?

 

 

 

Ruel Mother, pwedeng bang isama si Danny sa loob?

 

 

 

Mother Sige, sige, sha…sha….pasok kayong lahat sa loob, mamaya pag may dumarating na customer, e andito kayo nakatambak sa labas.

 

 

 

Kaya pumasok na rin ako sa loob ng club. Pagpasok ko sa club may music na medyo disco at medyo sweet music at may mga kumikislap kislap na mga ilaw, parang dancing light. Nagtungo kami roon sa may counter at nakita ko si Allan sa may counter. Doon pala siya nagtratrabaho as bar tender.

 

 

 

Bimbo Dito na lang tayo Dan, total wala pa namang tao.

 

 

 

Iniikot ko ang tingin ng buong paligid. May mga lamesa nga at mga upuan. At may kunting lugar sa gitna at mga mga ilaw-ilaw pa sa ilalim. Tapos bawat kanto rin ay mga mga ilaw din na nagbabago ang kulay. Walang tao pa sa loob. Ang nakikita ko lang ang yung ibang katrabaho nila Ruel at Bimbo, pero yung iba ay walang damit at pantalon na nakaupo sa mga ibang lamesa at nagtatawanan, yung iba naman at nagkwekwentuhan.

 

 

 

 

 

No comments:

Post a Comment

Iputok mo ditto, Pre!