Tuesday, January 27, 2015

Magkataling Puso

by: guevarradon
(Sa paghahanap natin sa ating sarili at sa kaligayahang napakailap dumating, marami tayong nakikilalang tao. Minsan pa nga ay nagkakaroon ng kaugnayan sa atin pero hungkag pa rin ang sarili na parang may hinahanap pa tayo. Sabi nila ang bawat taong ipinapanganak sa mundo ay may katapat na magmamahal at maguukol ng walang katapat na ligaya. Ngunit bakit napakahirap niyang hanapin! O baka naman, nakakasalubong na natin, nakakasalamuha, kilala na natin ng matagal; ang problema ay di pa lang natin natutuklasan na siya pala ang matagal na nating hinihintay.)

“Ang sakit pare, hu hu hu, basted na naman ako kay Anna! Ano ba tong nangyayari sa buhay ko, pangit ba ako haaaaa preeeee?” ang langong langong tanong ni Rolly sa kaibigang si Edgar. “Pare, babae lang yan. Saka ang gwapo mo para umiyak lang sa ganyang babae!” sagot ni Edgar para lang mapakalma si Rolly. “Mabuti ka pa, ok kayo ni Rona, ok rin ang sex life mo!” sabi ni Rolly. Natawa bigla si Edgar, “ Bakit naman pati sex life ko ay inuusisa mo tol? Sige inom na lang uli tayo” naiiling na tugon ni Edgar. “Kasi naman pare, kung ako ang may syotang katulad ni Rona na sexy na, maganda pa at mukhang palaban, aba ehhh araw araw ang romansa.” Sabi ni Rolly na huminto na sa pagmamaktol. “Ano ba sikreto mo dyan ha Pre? May bolitas ka ba dyan sa kargada mo? Papalagay din ako!” Natuloy na sa malakas na pagtawa si Edgar,” tangna naman pare, di ko na kelangan ang bolitas sa babae. Sa sukat pa lang nitong tite ko ay sagad sagaran na ang ligaya ng babae.” Sabay dakot sa harap nya. “Pre, malaki din naman ang tite ko ah! Matagal ko na ngang di ito nagagamit. Tara pare, pagkatapos ditto punta tayo dyan sa malapit na massage parlor. Papatadtad tayo saka iiskor tayo!” sabi ni Rolly. “Hindi pare, iuuwi na kita at baka nagaalala na ang Tita Fely sa yo. Saka may pasok pa tayo sa opisina bukas. Tapusin na natin ito at ng makapagpahinga ka na”.

Ilang beses na bang ganito ang senaryo ng magkaibigang Rolly at Edgar. Mula pa noong elementary days hanggang sa ngayon na nagkasama pa sila sa iisang trabaho ay lagi na lang halinhinan ang magkaibigan sa pagusal ng mga personal na problema sa isat isa. Kung minsan ay si Edgar naman ang nabibigo at si Rolly ang nakikinig sa kanya. Pareho silang accountant sa isang pribadong kompanya sa Makati. Parehong magaling pumorma. Napapagkamalan nga silang magkapatid dahil sa halos magkamukha na silang pumorma dahil sa dalas ng pagsasama. Nagkakaroon din sila ng tampuhan pero naaayos din kaagad. Hanggang sa dumating ang isang pangyayari na sumubok sa kanilang matatag na samahan.

Mula sa isang nabigong relasyon sa babae, ay di halos kumikibo si Rolly ng araw na yon. Mainit ang ulo sa trabaho, sa pakikiharap sa kapwa empleyado. Napansin agad ito ni Edgar kaya lumapit ito sa kaibigan. Pero di nito pinapansin maging ang kaibigan. Pinabayaan na lang ni Edgar si Rolly. Alam naman nito ang ugali ng binata. Ng mga sumunod na araw ay di pumasok si Rolly maging ng mga sumunod pang araw. Tumatawag ito sa bahay ng kaibigan pero madalas na ang ina lang nito ang kumakausap at ayaw daw lumabas ni Rolly ng kwarto. Pumunta si Edgar ng bahay ng kaibigan at agad syang kumatok sa pintuan ng kwarto nito. Walang nagbubukas kahit na pandalas ang tawag nito. Alalang alala na ang ina nito maging si Edgar kaya pandalas na inihampas ang katawan para sapilitang magbukas ang pinto. Nang mabuksan nila ito ay wala sa loob ito. Narinig na lang ni Edgar ang lagaslas ng tubig sa shower mula sa banyo ng kwarto nito. Nakita nyang hubot hubad itong nakasahod ang katawan sa shower. Tila tulala at wala sa sariling bumubulong ng kung anu ano. “ Rolly, pare ano bang nagyayari sa yo?” noon lang nakita ni Edgar kung gaano pinaghina si Rolly ng sunod sunod na pagkabigo nito sa mga niligawang babae. “ Pare si Edgar to, tumayo ka na dyan at aalalayan kita sa kwarto mo.” Bigla pumasok ang nanay ni Rolly. “ Anak! Ano ba ang ginagawa mo sa sarili mo, parang aatakihin ako sa yo.” “ Tita, lumabas na po kayo ng kwarto at ako na bahala ditto kay Rolly!” “ Sige nga Edgar, kaw na bahala dyan sa kaibigan mo, pangaralan mong mabuti.”

Pagkalabas ng matanda ay agad na humagilap ng malinis na tuwalya si Edgar, pinunasan nito ang katawan ni Rolly. Nagtataka si Edgar kung bakit lagi itong basted samantalang ang gwapo naman ng kaibigan. Maganda ang balat at ang katawan naman ay di pahuhuli sa mga artista at modelo. Habang pinupunasan nito ang kaibigan ay di rin nakaligtas sa kanyang mga mata ang makita ang malaki at mahabang tite ng kaibigan. Naisip nito, higit pa nga itong mas may katangian sa kanya dahil malaki ang bentahe nito sa babae dahil sa malaking kargada. Inakay na nya si Rolly sa kama, sinuotan ng sando at pajama at inilatag ang katawan sa kama. Pagkakumot dito ay akmang aalis na ito ng marinig na nagsalita ang kaibigan. “Salamat pare, di ko alam ang gagawin ko kung wala ka.” “ Pare, para na tayong magkapatid, alam mo naming halos magkadugtong na ang bituka natin! Ano ba ang ginagawa mo sa sarili mo?” “Pare, pwede ba dito ka na lang matulog. Ayokong mag-isa ngayon sa kwarto ko. Kailangan ko ngayon ng kausap. Please pare!” pagmamakaawa ni Rolly. “ Pare wala akong dalang damit eh!” “Kumuha ka na lang dyan sa cabinet ko, sige na tol!” Binuksan ni Edgar ang cabinet at kumuha na lang ng isang shorts at hubad baro na lang na tumabi sa kaibigan. “ O! baka may masabi ka pa nyan sa akin ha, katabi mo na ako ngayon. Kaya lang nagaalala ako pakiramdam ko may balak kang masama sa akin. Wag mo na akong rereypin, sabihin mo lang at ibibigay ko sa yo katawan ko ng buong puso!” sabi ni Edgar. “Sira ulo, pero salamat pare, basta dyan ka lang sa tabi ko.” At pumikit na ito na parang bata sa tabi ni Edgar.

Awang–awa si Edgar sa katabi. Pinagmasdan nito ang mukha ng kaibigan na parang kinakabisado ito. Di ito makatulog at hinaplos haplos na lang ang magulong buhok ni Rolly. Ng makitang mahimbing na ang tulog nito ay tumalikod na ito at pinilit na matulog. Ilang sandali ang lumipas naalimpungatan si Edgar ng maramdamang nakaakap sa beywang nya ang isang braso ni Rolly. Nagpalit ito ng pwesto at humarap sa kaibigan. Mahimbing pa rin ang tulog nito. Pinagmasdan ulit nito ang mukha ng binata na lalong tumingkad ang gandang lalake sa konting liwanag ng lampshade sa tabing mesa nito. Hinaplos haplos nya ang pisngi ng kaibigan at tinitigan ang mukha nito. Bigla, nagmulat ng mata si Rolly. Walang salita na nagtagpo ang kanilang mga mata. Parang doon pa lang ay naguusap na at nagkakaintindihan sila. Napansin ni Edgar na nangilid ang luha ni Rolly at tuluyan ng tumulo. “Bakit? Pare may masakit ba sa yo?’ pagaalalang tanong ni Edgar. Walang sinabi si Rolly, kinabig nya ang mukha ni Edgar at idinampi ang labi nya sa labi ng kaibigan. Nagulat si Edgar pero di nya magawang magalit. Nadadala siya ng awa sa nangyayari sa kaibigan kaya pinabayaan lang nya ito. Pagkatapos ay niyakap sya ng mahigpit ni Rolly at hinaplos ang buong katawan ni Edgar pababa sa tite ni Edgar. Nakakadama ng pandidiri si Edgar pero labanan man nya ang kaibigan sa kanyang ginagawa ay nagaalala naman itong kung mapahiya si Rolly ay kung ano ang gawin sa sarili. Hinagod ng hinagod ni Rolly ang kabuuan ni Edgar at dumulas pababa ang ulo para isubo ang tite ni Edgar. Nadadala na ang katawan ng huli sa ginagawang pagdila ni Rolly sa tite nito. Nasasarapan man ay nandoon pa rin ang pagtataka sa ginagawa ni Rolly sa kanya. Ang kanyang kaibigan, bakla? Di man makapaniwala ay ito ang naisip nyang dahilan kung bakit lagi itong bigo sa babae. Ang sarap na ng sensasyong dulot ng ginagawa sa kanya hanggang sa tuluyang sumabog ang kanyang katas sa bibig mismo ni Rolly..

Kinabukasan ng magising si Edgar ay wala na sa katabi nya si Rolly. Hinanap nya ito at natagpuan sa kusina. Napansin ni Rolly na nakatayo na sa may mesa si Edgar. “Uyyy, pare gising ka na pala. Pinagluto kita ng almusal, sabay na tayong kumain bago pumasok ng opisina.” Nagtataka man sa panibagong sigla ni Rolly ay di na nagtanong si Edgar. Hindi na rin nya inungkat sa kaibigan kung ano ang ibig sabihin ng nangyari ng nagdaang gabi. Inunawa na lang nya ito at inilagay sa sariling dala lang ito ng lungkot ng kaibigan.

Lumipas pa ang mga araw at balik na sa normal ang lahat. Masigla na muli si Rolly. Siya naman ay patuloy pa rin ang masayang relasyon kay Rona. May napansin lang si Edgar na mas lalo yatang naging malapit sa kanya, naging lalong maalalahanin si Rolly sa kanya. Ayaw man niyang bigyan ng malisya ang pagbabago ng kaibigan sa pakikitungo sa kanya ay yon pa rin ang pumapasok sa isip nya. Sigurado syang ang kaibigan ay may gusto sa kanya kaya nauwi sa pagkainis at tuluyang pagkagalit kay Rolly ang damdamin ni Edgar.

Kaya unti–unti ay iniwasan nya si Rolly habang kumukuha sya ng ebidensya na makakapagpatunay sa kanyang mga akala. Dumating naman ang isang mabigat na suliranin sa kanya. Natuklasan nya na di lang pala sya ang kasintahan ni Rona. Di lang isa kundi tatlo silang pinagsabay-sabay ng babae. Napamahal ng lubusan si Rona kay Edgar kaya labis nya itong dinamdam. Sa kanyang pagdadalamhati ay laging nandoon sa tabi nya si Rolly. Pero ayaw nya itong pansinin. Galit sya kay Rolly at tila pinadidirihan nya ito. Gayunpaman ay di nagsasawa ang huli na asikasuhin pa rin nya si Edgar kahit madalas ay ipagtabuyan pa sya ng kaibigan.

“Tangina mo, pare. Di ko alam na bakla ka pala. Ano, bakit ka nandito? Gusto mong matikman muli ang tite ko. Halika papatikim ko ulit sa yo at ng di ka na tatakam takam sa katawan ko.” Nangiinsultong wika ni Edgar kay Rolly ng minsang malasing ito at sundan ng kaibigan sa tinutuluyang kwarto. Hindi nagsasalita si Rolly. “ ito ba ang gusto mo?” sabay baba ng pantalon nya. “Putang ina mo pare, ang tagal mo akong niloko. Akala ko kapatid lang ang turing mo sa kin. Yun pala gusto mo lang akong tsupain. Ano pa hinihintay mo dyan, baklaaaaaa!” Nabuwal ito at tuluyang napalugmok sa kalasingan. Naluluhang inasikaso ni Rolly ang lasing na si Edgar. Pinunasan at ng makitang nasa ayos na ay umalis na kaagad.

Bigla ang pagreresign ni Rolly sa trabaho. Nagtataka man ang mga kasamahan ay di naman nagulat si Edgar. Para sa kanya mabuti na nga ang ganoon. Pero itanggi man ni Edgar sa sarili ay hinahanap hanap nya si Rolly. Matagal na ang panahon buhat ng mawala si Rolly at doon napagtanto ni Edgar na mahalaga sa kanya ang kaibigan kahit ano pa man ang sekswalidad nito. Nakatagpo pa rin sya ng ibat ibang relasyon pero madalas sa hindi ay laging bigo. Sa panahong malungkot sya ay hinahanap nya ang kaibigan. Nalaman nya sa sarili ang kahalagahan ng kaibigan nya kung kailan wala na to at di nya alam kung saan nagtungo.

Isang gabing lasing si Edgar na naglalakad pauwi ng inuupahang kwarto ay hinoldap sya ng ilang adik at iniwang halos wala ng buhay. Mabuti na lang at may nagsugod sa kanya sa ospital. Subalit malubha ang kanyang kalagayan. Malayo sya sa kanyang pamilya kaya wala syang maaasahan. Kinakailangang masalinan sya ng dugo dahil marami ang nawala sa kanyang katawan kundi ay maaaring maputol ang kanyang buhay. Sa ganoong kalagayan sya nawalan ng malay tao.

Kinabukasan ng magising ay medyo maganda na ang kanyang pakiramdam. Maayos ang lagay nya at tila binigyan sya ng panibagong buhay. Nagaalala sa gastusin ay agad nyang tinanong ang nurse kung magkano ang kanyang babayaran. “Naku sir, wala na po kayong dapat alalahanin. Ayos na po lahat. Pasalamat po kayo sa lalaking yon na nasa kabilang kama. Siya rin po ang nagbigay ng dugo para kayo makaligtas!” sabi ng nurse. Nilingon ni Edgar ang kabilang kama at doon nga ay nakahiga ang pamilyar na mukha ng taong matagal na nyang hinahanap. Si Rolly, ang kanyang kaibigan na di pa rin sya nagawang pabayaan sa kabila ng lahat ng kanyang ginawa.

Naluha si Edgar. “Babawi ako sa yo kaibigan, babawi ako. Ngayon pang alam ko na mahal na rin kita. Di na kita pakakawalan muli.” ang bulong nito sa sarili.

- wakas -

1 comment:

Iputok mo ditto, Pre!