Monday, January 25, 2016

KKK at Ang Softdrinks


KKK at Ang Softdrinks

Have you tried doing it with a soldier? Eto po ang isa pa...Enjoy

Isagani ang pangalan niya. Igan ang tawagan namin. Hindi ko siya
kaibigan pero malapit kami sa isa't isa dahil halos magkatabi lang
ang bahay na inuupahan namin sa Cubao.  Nakadestino siya sa may Crame
at suwerte namang do'n din nakatira ang mag-anak niya. Sanggang-dikit
kami sa isa't-isa lalo na sa tomaan. Siguro nga hindi na iba ang
turingan namin sa isa't isa. Malapit din ang mga anak niya sa akin.
Si Kathleen, mga  walong taong gulang,  ang panganay niya ang
malambing sa akin. Panay ang ungot ng chocolates. Madalas kasing may
sale sa opisina kaya halos panay ang uwi ko sa kanilang magkapatid.
Si Dean Paul naman ang bunso ay kimi, kabaligtaran ng kanyang ate.
Hindi ko naman kasi mapaghindian minsan kasi nga eh maagang nawalay
sa kanilang ina. Iniwan sila ni Marilen at sumama sa ibang lalake
nuong si Kathleen ay  tatlong taon pa lamang. Kaya nga sabik silang
magkapatid pareho sa kalinga.

"Anong atin?", bungad  niya isang umaga ng Sabado. Nagkita kami sa
ibaba sa loob ng compound. Pareho kaming walang pasok lalo na noong
nauso ang walang pasok ng Sabado dahil binayaran na at ini-adjust ang
work schedule ng lahat ng kawani ng aming kumpanya upang dalawang
araw ang pahinga sa isang linggo.

"Bah, ewan ko sa `yo basta alam ko kung anong akin?, pabirong tudyo
ko sa kaniya. Naningkit ang lalo ng singkit niyang mata sa pagngiti
sa biro kong iyon. Mataas siya sa akin sa taas na 5'9". Medium built
ang katawan. Maganda ang kanyang tindig.  Maskulado. Moreno ang
kulay.., malaman. Katakam-takam. Hindi ko alam kung bakit laman din
siya lagi ng aking mga panaginip. Pero pinigil ko ang emosyong iyon
dahil nasabi niya minsan sa akin para raw nakikita niya sa akin ang
kanyang kapatid na pinatay ng mga taong-labas habang siya'y nag-aaral
sa probinsya. Halos lahat kasi ng kamag-anak nila'y sundalo. Dating
heneral sa malayong Luzon ang lolo niya sa tuhod. Hindi na niya
idinetalye yong mga pangyayari. Ramdam ko ang pait sa kanyang mga
salita habang isinasalaysay niya ang pighati ng kanyang pamilya sa
trahedyang iyon. Dagdag pa yung isiping nag-iisa na lamang siyang
anak kaya't lalo iyong nakapagpabigat sa kanya.

Kaya siguro yon din ang dahilan kung bakit nagsigasig siyang maging
sundalo. Nagtagumpay naman siya. Dangan lamang at ilang beses pa lang
siyang nasabak sa labanan ngunit gusto niyang madestino sa lugar
malapit sa kinamatayan ng kanyang kapatid.

"Okey lang ang trabaho. `Yon makulit pa rin ang boss ko.Tumatandang
dalaga na kasi. Ano nga kaya ligawan mo," asar ko sa kanya.

Napapikit siya. Mariin. Parang bumagsak lahat ang langit sa itsura
niya. Nawala ang kani-kanina'y ngiti lamang. Nasabi nga niya sa akin
dati na nawalan na siya ng tiwala sa mga babae  na kinontra ko naman.
Hindi lahat ng babae ay katulad ni Marilen, payo ko noon sa kanya.
Bata ka pa.

Tumahimik ako. Alam kong masakit pa rin ang mga nangyari sa kanyang
buhay. Kaya nga minsan alak ang napagbabalingan niya ng atensyon.
Hindi siya nanigarilyo. Malinis siya sa katawan at kalusugan.

"Sori, Igan. Nasaling ko na naman ba?" ayo ko sa kanya.

Dumilat siya at ngumiti sa akin.

"Wala." May naalala lang ako. Bumaling siya patalikod sa akin. Alam
ko pinahid niya ang luha niyang unti-unting namumuo sa kanyang mga
mata.  Hindi nakapagpababa sa aking paningin ang paghanga sa  ginawi
niyang yon. Hindi naman nakakabawas sa pagkalalake ng isang lalake
ang makita mo siyan umiiyak.

Namumula pa ang mga mata niya ng humarap sa akin. Medyo nahihiya pa
siya at iiling-iling. "Wala yon, Igan."

"Kumusta naman ang mga bata?", pag-iiba ko.

"Yon inihatid ko muna sa mga lola nila. Nami-miss na raw ng matatanda
ang kakulitan nung dalawa. Samantalang nung isang linggo lamang ay
dumalaw sila rito at namasyal sila diyan sa may Carnaval."

"Hayaan mo na. Yon na nga lang ang kaligayahan ng matatanda."

"Kung sana'y nandito pa si…Hindi na niya natuloy ang sasabihin. Kusa
niyang inihinto yon.

"Hey, cheer up!!!. Gusto mo manood tayo ng sine, samahan kita?",
yakag ko. "Pero sagot mo, `lam mo naman bago pa lang ako sa trabaho
saka mas malaki ang suweldo mo kumpara sa akin."

"Deal". Oo na. "O sige ligo muna ko. Hintay ka diyan after thirty(30)
minutes.

"Tagal naman." Umakyat na siyang ngi-ngisi pa sa akin. Nang-aasar.

Hindi ko malaman kung bakit nanabik akong makasama siya sa sinehan.
Sa isipan pa lang na magkakatabi kami sa upuan ay nag-iinit na ako.
Sinupil ko muli ang emosyon na iyon. Hindi kami talo.

Bumaba siya pero halos mag-iisang oras na.

"Sori, Igan. Napasarap ang ligo ko kasi. Saka maaga pa naman. Mamaya-
maya pa ang bukas ng sinehan."

"Halika na. Libot muna tayo sa Alimall. Saka titingnan ko uli yung
sapatos na Nike pag may pera na ko yon ang bibilhin ko para may
magamit na kong bigating sapatos pag nagbabasketball tayo sa looban.
Dyahi na kasi akong laging humiram sa iyo".

Ngumiti lang siya. Iba ang aura niya no'ng umagang iyon. Sa sulok ng
aking mga mata'y panay ang titig ko sa kanyang namumukol na harapan.
Parang hindi tama. Lalake ako, giit na naman ng isip ko. God, I am
physically attracted with this man. Bagong-ahit pa si Igan. Lalong
naningkad ang may kapulahan niyang labi. Dagdag pa ang halos pantay-
pantay na mga ngipin. Mahalimuyak din ang Polo Sport niyang pabango.
He is sporting a Lacoste polo shirt and a Levi's jeans.  He's so
manly. Nakakabakla ka Igan. Hindi ko lubos maisip kung bakit iniwan
siya ni Marilen. Iisa lang ang  sigurado. Tanga ang babaeng yon.

Hindi rin naman ako pahuhuli ng katawan at itsura. Mana ko ang
singkit kong mata sa Intsik kong lolo. Kayumangging-kaligatan namana
ko naman sa Nanay ko. Ang maninipis ko labi at may katangusang ilong
ay mana ko kay Tatay. Bagamat di hubog sa gym, batak naman ang aking
katawan sa natural na trabaho't ehersisyo sa amin sa probinsya.
Ngunit mas lamang si Igan sa tindig at tikas. Kung titigang mabuti sa
malayo't malapit ay `di maipagkakailang kami ay magkapatid.

Sabay kaming naglakad patungo sa mall malapit sa amin. Hindi na kami
sumakay ng dyip. Hindi pa naman kasikatan ng araw at saka makulimlim
ang panahon kaya hindi kami gaanong pinawisan pagpasok sa mall.
Mangilan-ngilan pa lang ang mga taong nagpaparoo't parito sa mga
establisimyentong kabubukas pa lamang. Ngunit pagkaraan ng mga ilang
sandali'y halos dumami ng ang mga ito.

"Igan, do'n tayo", sabay turo sa may gawi ng aking pinag-iipunang
Nike shoes.

"Maganda nga, at mukhang matibay", sang-ayon niya.

"Oo, kaya nga halos pagkamatayan kong ipunan yan.."

Pagkatapos namin gumala ng ilang minuto at tumingin-tingin sa mga
maliliit na shop ay nagpasya kaming kumain muna sa isang fastfood.
Burger lang at softdrinks ang inorder namin dahil pareho naman kaming
nag-almusal bago lumakad. Hindi ko pa nga naubos ang softdrinks.
Hindi kasi ako nasanay uminom ng mga ganoon. Hindi ko rin alam kung
bakit malakas naman akong uminom ng alak.

Bitbit ko pa rin ang hindi ko naubos na softdrinks bagay na pinansin
niya.

"O, bakit", turo niya sa hawak ko..

"Sayang  eh."

"Ang baduy mo Igan, barriotic"., asar niya. Hindi naman ako
naapektuhan sa pang-aasar niya, eh sa totoong sayang nga kasi halos
hindi ko man lang nakalahati yon. Tatawa- tawa siyang naniningkit pa
ang mga matang nakangisi sa akin. Gago, sa isip ko. Halikan kita
riyan eh.

Madilim na ang sinehan at halos nag-uumpisa na ang palabas ng kami'y
pumasok. Doon kami gumawi sa KKK. Kataas-taasang, kadilim-dilimang,
kagilid-gilirang  bahagi ng sinehan. Kakaunti pa lang ang tao o sa
mas tamang sabihin na kaunti lamang ang tao dahil hindi naman
pansinin ang  pelikulang iyon na may tema ng kaseksihan. May ilang
pares lang ng mga lalake't babae ang nadaanan namin. Pare-parehong
abala sa kanilang mga `ginagawa'.

Bakit kaya dito naisipang manood ng mokong na ito? At bakit sa KKK pa
kami gumawi?

"Bakit dito", pakli ko.

"Mas enjoy kasi dito saka kita mo pa ang mga `yan sabay turo sa
magkaparehang abala sa pakikipaghalikan."

"Oo nga., heheheh.", bagamat may halong pananabik yon.
Magkatabi kaming nakaupo sa KKK. Malikot siyang manood. Hindi siya
mapakali. Hindi ko alam kung bakit. Naroong padi-kuwatro. Nakataas
ang isang paa sa upuan. Ako naman ay tahimik lang na nakatutok sa
screen. Hawak ko pa rin at iniinom ang softdrinks. Minsan ay
napapansin ko na panay ang himas niya sa kanyang harapan. Tingin ko
nga'y namumukol na yon. Tinatalaban na si Igan sa palabas. Maya-
maya'y nagwika siya.

"Igan, nalilibugan ako. Jakol tayo."

"Igan, baka mahuli tayo," kontra ko na may halong pananabik. Sabik o
nginig?

"Sige na. Tagal ko ng hindi nakakapagparaos".

Hindi ko alam kung bakit sunud-sunuran akong nagbukas na rin ng
zipper ng makita kong himas-himas na niya ang kanyang ari sa ibabaw
ng kanyang puting brief. Inilabas niya ang kanyang ari na sa tingin
ko'y naglalaway na.

"Tangnang libog yan, rinig kong nasabi niya."

Inilabas ko na rin ang sa akin ngunit hindi pa iyon matigas. Maaring
sa takot na baka may makakita sa amin. Dahil siguro sa excitement at
sa nakikita kong kalibugan sa kanya ay dagli namang tumigas iyon.
Sabay na rin kaming nagtataas-baba habang ang mga mata'y nakatunghay
sa palabas na kasalukuyang nasa mainit na tagpo. Nagsisiping ang
lalaki't babae sa isang kubo habang may naninilip na binatilyo't
kasabay nilang nagpapaligaya sa sarili.

Animo'y kaparis namin ang binatilyo na panay ang taas-baba ang mga
kamay. Nagulat ako ng kinuha ni Igan ang kaliwa kong kamay at
ipinadama niya ang nagtutumigas niyang kaselanan.

"Igan, damhin mo, please.Hindi ko na kasi mapigil. Ang tigas na hindi
ba? Namumungay ang kanyang mga mata.. Hindi ako nakatutol. Mas lalo
akong nagulat no'ng siya naman ang humawak sa ari ko. Putsa ang sarap
ng pakiramdam no'n.

Napa-ooohhh siya ng ipinahid ko ang paunang –katas sa kanyang ari at
dumulas iyon ng ako'y nagtaas-baba  doon. Ganoon din ang ginawa niya.
Kapwa kami nag-iinit habang alerto kami sa aming pwesto na baka may
biglaang may pumasok at gumawi sa banda namin. Nakakadagdag sa libog
ang thrill na yon. That was really erotic.

Kapwa kami pawisan nung kami'y nakaraos. Natapon pa ang softdrinks na
ibinaba ko sa tabi at tumapon iyon sa bandang ibaba ng pantalon ko.
Tawanan kami ngunit tumahimik din ng mapansin naming tumingin ang
iilan sa lugar namin.

Nagbubuskahan kaming lumabas ng sinehan habang pinupunasan ko ang
nabasang pantalon.

"Ang libog, kasi", sisi ko sa kanya.

"Baduy mo, habang tatawa-tawa siya. "Barriotic".

Nasorpresa ako ng labis noong  regaluhan niya ako ng inaasam-asam
kong sapatos ng idaos ko ang aking kaarawan makalipat ang ilang
buwan. Doon ko rin naalala ang softdrinks at ang KKK. Itatanong n'yo
ba kung naulit pa yon? Well that's another story mga tsong.

 

No comments:

Post a Comment

Iputok mo ditto, Pre!