Friday, April 19, 2013

Bagong Lipat, Bagong Pag-Ibig (Lovestory ni Mokong at ni Dean's Lister)












Bagong Lipat, Bagong Pag-Ibig (Lovestory ni Mokong at ni Dean's   Lister)



by: nice mice




Nakakinis pag transferee ka sa isang eskuwelahan. Unpredictable lahat ng mangyayari. Hindi mo alam kung ang mga magiging prof mo ba ay sina Hitler at Defensor; kung magiging kaklase mo ba ay kamukha ng anak ni Janice, ni Chuckie, at ni Bentong; kung pagpasok mo ba ay maling classroom ang mapapasukan mo kasi hindi mo pa kabisado ang bagong paaralan mo; kung kanino ka didikit na barkada; saan ka kakain; saan ka tatambay; blah! blah! blah!

Pero, kelangan ko lumipat, di ko na sasabihin yung dahilan. Magaan lang ang rason ko pero napakahalaga para sa akin. Basta lumipat ako ng paaralan. Parehong kurso pa rin ang kinuha ko. Pangarap ko kasi talaga ang magsilbi sa maraming tao, lalo na sa mga maysakit. Hindi ko naman gusto ang mag-abroad gaya ng iniisip ng marami sa mga nagtatanong bakit ko kinuha itong kurso ko...ang cute ko lang kasing tingnan pag nakuniporme ako. (Asus!)

First day of classes, nasa third year college na ako, buti na lang pagpasok ko wala akong kakalaseng kamukha nila Sadako, Chuckie, Jason, Freddie at ni Bentong. Haaay! Ilang estudyante pa lang ang nasa loob. Room 407, 4th floor, pangalawa sa pinakakanan ang sabi nung janitor. Mukhang tama si manong kasi hindi naman mukhang first year yung mga nasa loob. Umupo ako sa tapat ng aircon kasi pawisin ako. Dun sa pinakadulo sa pinto at pinakalikod mula sa board. Makaraan ang ilang minuto, isa-isa nang dumating ang mga magiging kaklase ko. May makapal ang make-up; may nakapang-party dress kahit nasa school lang; may nakashades kahit nasa loob na ng room; may matangkad; halu-halo...kala mo nasa loob ka ng isang disco bar.

7 am ang klase namin, 7:15 na, wala pa ang prof. Mga bandang 7:30 nang may dumating na grupo ng mga kalalakihan, mga pawisan, malay ko ba kung mga basurero yun. Pare-pareho silang sa likod ng room ang punta. Tama ba naman na magkumpulan ang mga ungas sa tapat ng aircon?!?! Pero ok lang yun, teritoryo nila ito, bagong salta lang ako. Walang reklamo dapat.

"Dude, pahiram naman ng pamaypay...katatapos lang namin magbasketball" panimula nung isa sa akin habang umupo sa kaliwa ko na may kasama pang tapik pa sa balikat ko. Tama bang humiram ng pamaypay?!?! Eh wala ako nun.

"Tol wala eh...sensya na hah" sagot ko at sinabayan ko ng isang ngiti pagkatapos ay kunwaring nagtext ako.

"Uuyy! Ang angas" sagot nya.

Natural na kinabahan ako kasi di ko alam kung bakit siya nagsalita ng ganon. Maangas ang alin? Sinong maangas? Napa-"huh" na lang ako.

"Hindi ikaw hah, yung phone mo. Meron bang mga triple dyan...paforward naman" sagot niya nang nakangiti. Buti na lang, kala ko away agad ang napasukan ko eh. At siyempre parang close kami para magpalitan agad ng mga nasa cellphone, tumanggi na lang ako, pinasinungalingan kong wala. Pero ang totoo po niyan eh puro nude and sex videos ko ang laman ng phone ko. Mga trip lang.

8:00 na nang dumating ang prof namin. Lalaking nakasalamin na mahina magsalita at parang may microscope sa mata dahil sa kapal ng salamin. Mukhang mabait pero terror sa discussion. Biruin nyo first day pa lang, matapos ang pakilala ay nagdiscuss na ng Medical-Surgical. Hindi na daw kami freshmen para magpaliban sa unang araw ng klase. Matapos ang discussion ay nagpakuha siya ng ј sheet ng papel. Akala namin ay exam, buti na lang ay pinalagay lang niya ang buong contact information namin (pangalan, tirahan, telepono, buti na lang walang suking tindahan at proof of purchase...hekhekhek). Si mokong na humiram sa akin kanina ng pamaypay ay nanghihingi ng papel, may pagka parasite itong cute na to sabi ko sa sarili ko. Nakuha ko sa kachatmate ko ang term na Mokong at mula noon ay iyon na ang term ko sa lahat ng may pagka-weirdo.

Lunch break time, patay na! saan ako kakain?!?! Dun ba sa katapat ng school na puro tapsilog, dun ba sa kabilang kanto na parang pub house, dun ba sa mga fast food chains na tatlong kanto ang layo, o sa canteen sa loob ng school. Ang bagsak ko, dun sa canteen ng school kasi nakakatamad lumabas at medyo mainit na kasi mataas na ang araw.

Isang order ng afritada, kanin at softdrinks ang inorder ko para sa tanghalian. Naghahanap na ako ng silya na mauupuan nang may sumisigaw ng "classmate".

"Ei! Classmate! Dude! Dito ka na umupo sa tropa." Dugtong ng boses. Pagtingin ko sa likod ko na pinagmumulan ng boses ay nakita ko na naman si mokong. Ngumiti na lang ako at sumenyas na dun na lang ako uupo sa katabi kong mesa. Ewan ko ba, nakakahiya kasi talaga. Hindi pa naman kami close para tumabi ako sa tropa niya. Maya-maya niyan eh nakita kong papalapit sa kinauupuan ko si mokong.

"Tol, yosi o! Bago ka lang ba dito? Salamat pala sa papel kanina hah. Tsaka, mukha kang matalino sana magkatabi tayo at magkagrupo sa duty" dirediretso niyang sinabi.

"Sige tol maya na lang, tapusin ko lang to. Transferee nga pala ako." Yun lang sinabi ko.

"Kaya pala. I’m Errol nga pala. Errol Torralba" sagot niya at nag-abot ng kamay.

"Uy! Im Mike. Mikell Rodriguez" tugon ko. Nakipagkamay naman ako, medyo magaspang kamay niya. Siguro varsity player to ng basketball o nagwoworkout. After kong kumain ay nagyosi na rin ako. Isang stick lang. Mahirap naman na masabihan akong adik sa yosi, pero sa totoo lang...adik talaga ako sa yosi pero hindi pa naman ako umuubos ng isang kaha sa isang araw.

Nagkuwentuhan kami ni Errol. Academics, personal informations, mga normal na usapan ng dalawang bagong magkakilala. Nasa kalagitnaan kami ng usapan ng tumayo ang mga barkada niya at lumabas dahil tatambay daw sa labas ng school. Nagpaiwan si Errol siguro kasi iniisip niyang nakakhiyang iwanan ako ng magisa. Saan saan na napadpad ang kuwento namin nang mapansin kong text ng text si Errol. Sinabi niya na paparating na si Marge. Sino kaya yun? Siguro gf niya. Inaabangan niya sa pinto ng canteen yung sinasabi niyang Marge. Nang bumukas ay nakita ko ang isang babaeng maganda at maputi. Tumayo si Errol at sinalubong si Marge at hinalikan ito sa pisngi. May dinukot si Errol at sa bulsa at inabot iyon kay Marge. Parang susi. Sa locker siguro or sa kotse. Tapos noon ay umalis na si Marge at bumalik naman si Errol sa puwesto namin. Hindi na ako nag-usisa ng tungkol sa babaeng yun, pero parang may relasyon sila. Sweet kasing tingnan yung dalawa.

Inaya ako ni Errol na lumabas at tumambay. Dun daw sa bilyaran malapit sa school. Pumayag naman ko, maganda nang may tropa agad ako sa bago kong eskuwelahan. Pero sa totoo lang, iniisip ko yung mga kaklase at barkada ko sa pinagmulan kong eskuwelahan. Siyempre nakakamiss ng todo. Papalabas kami nang makasalubong namin ang prof namin, si Mr. Teneros. Ngumiti kami sa kanya at siya man ay ngumiti rin pabalik.

Hindi ko na inintindi ang dahilan ko sa paglipat sa paaralang pinapasukan ko ngayon. Masaya naman pala dito at maraming cute. Lumipas ang ilang araw at naging close kami ni Errol at ng tropa niya. May naging barkada din ako na iba na mga kaklase at kagrupo ko sa duty. Dumami ang mga kakilala ko at unti-unti ko silang nakapalagayan ng loob. Hindi na rin ako nakibalita ng tungkol kay Marge. Basta nakikita ko lang sila ni Errol na magkasama minsan, lalo na pag uuwi. Ayaw ko namang magtanong sa mga barkada niya tungkol kay Marge baka maghinala pa sila. Basta minsan, pag napag-uusapan siya ng barkada namin eh parang lagi siyang over-protective. Mahal na mahal niya siguro (ARAY! hehehe).

Naging instant bestfriends kami ni Errol. Minsan pag may oral revalida or case presentation kami eh doon kami sa bahay namin sa Pasay, pero hindi pa ako nakakapunta sa kanila sa Proj 8. Magkagrupo na kami sa duty, magkatabi na kami sa klase, naging magteam-mate pa kami sa intrams ng school. In short, walang dahilan para hindi ako makaramdam ng paghanga or pagtingin sa bagong buddy ko. Siya naman ay walang pinakita o pinaramdam na sintomas ng kabadingan. Pag nag-iinuman kami, hindi siya "lumalandi" sa akin pag lasing. Pag nasa-cr, hindi siya nagpapakita ng ari niya. Mabuti na nga iyon para hindi masira ang pagiging magkaibigan namin. Super maalalahanin at super mabait bait lang talaga siya, yun lang. Pero may nararamdaman kasi talaga akong kulang sa pagitan naming dalawa. Nakakatawa nga kasi minsan, bumili ako ng ibang sim card para makipagtextmate sa kanya. Nagpanggap akong straight tripper pero hindi niya kinagat. May nililigawan daw kasi siya. Sino kaya yun ang tanong ko? Eh ang alam ko eh sila na ni Marge. Ah ewan!

Minsan eh may nagtext sa akin umagang-umaga. Papasok ako sa duty nun.

"Mag-ingat sana sa biyahe ang taong nagpapahanga sa akin. Matalino at guwapo. Ano pa bang hahanapin ko? Galingan mo sa duty Gud am." text ng misteryosong sender.

Siyempre, medyo curious ako kung sino yun. Hindi naman yun si Errol. Hindi naman siguro si Joel na ex ko sa pinagmulan kong school. Kakakilig na text pero nakakakaba kasi baka may nakakaalam ng tunay kong kasarian.

Pagdating ko sa ospaital kung saan kami nagduduty, si Errol pa lang ang tao sa dressing room na nadatnan ko. Nakikinig ng kanta sa mp3 player niya. Binati ko siya at tumungo naman si Errol. Nakascrub suit na siya, naka-indian sit na lang sa mahabang silya na para na ring kama. Ako naman eh unti-unti nang naghubad upang isuot ang berde kong uniporme.

"Uuuyy! Kel (isa ko pang palayaw...short for Mikell), medyo nadadagdagan na ang pasanin natin hah. Kelangang mabawasan yan. Sex lang katapat niyan pare" sabi ni

"Ulol! Itutulad mo pa ako sayong puro sex ang nasa utak" sagot ko sabay tawa.

"Pero seryoso. Tol, alam mo ba yung tsismis? Wag kang magagalit hah. Pero ikaw daw ata ang type ni Mr.Teneros kaya lagi kang highest. Baka naman kayo na hah?!?" tugon niya habang inaalis sa tenga ang earphones ng player niya.

"Hah?!? Ako?! Bakit ako papatol sa bakla? Kadiri! Kilala mo ako tol" sagot ko na kunwari ay masuka-suka ako sa sinabi niya.

"Ahh...oo nga eh, pinagtanggol pa nga kita nung marinig ko yun. Lam mo naman yung mga babae natin sa room eh puro tsismosa" tugon ni Errol na parang malungkot. Di ko alam kung bakit.

Ako daw, tipo ni Sir?!? Bakit ako? Eh marami namang matalino at guwapo sa school namin. Kinutuban tuloy ako na baka si sir ang nagtext sa akin nung bago ako pumasok. Meron kasi kaming mga contact numbers sa kanya. Sayang, kala ko pa naman si Errol na. Cute si Mr Teneros. Lecture prof namin siya at doctor din siya sa isang ospital sa may edsa-pasay. Kamukha niya si Gino Padilla pero malaki agawat ng edad namin. Pwede ko na siyang maging tatay. Tsaka ang alam ko silahis yun pero may kalive-in, ewan ko kung babae o lalake. Tsaka nakakaturn off yung mahina niyang boses at microscopic eye glasses niya. Ehehehe (sorry sir...the truth hurts...nyehehehe)

Nung sumunod na sem, eh siya pa rin ang naging prof namin. Pre-requisite kasi ang major subject namin ngayong second sem ng subj namin last sem. This time, mas pinagbutihan ko pa sa klase at sa duty para mapansin ako sa academics. Para na rin mapalapit kay Mr. Teneros.

Ang second sem ko ay kapareho lang halos nung unang sem ko dito sa school na nilipatan ko. Nakapag-adjust na ako ng husto sa eskuwelahan ko. Hindi na ako naliligaw-ligaw at marami na akong kaibigan (pati crush). Nawala na sa isipan ko ang dahilang ng paglipat ko.

Nagtetext pa rin halos araw-araw yung mystery texter sa akin. Si Errol naman ay nagboboarding house, ang dami niya kasing minor subjects kaya minsan gabi na siya lumalabas ng school. 3rd year na may nstp pa at p.e pa siya. Bale solo niya ang isang kuwarto kasi ayaw daw niya ng may kasama baka magulo daw sa kuwarto. Sa totoo nga, napansin kong may pagkabanidoso ang bestfriend ko. Maayos manamit, ayaw ng may gulo, gusto laging fresh. Hindi naman siya nagmemake-up pero laging may baong pabango, pamaypay, oil control film, at lip balm. Kaya laging guwapong tingnan, lalo na yung labi niyang mapula kahit malakas mag yosi.

Martes noon, lecture day namin. After ng klase eh pinatawag ako ni Sir. Pinapupunta niya ako sa faculty room at may sasabihin daw siya. Nagpupumilit si Errol na sumama kahit sa labas na lang daw siya maghintay kasi sabay daw kami manananghalian. Pinauna ko na siya. Nakuha pang magloko ni mokong na baka pagsamantalahan lang daw ako ni sir. Ungas talaga yun. Sinabi niya na sa boarding house na lang daw niya ako hihintayin. Malapit lang kasi yun sa school. Ewan ko ba bakit super excited si gagong makasabay akong maglunch.

Pagpasok ko sa faculty room eh akala ko kung ano na ang sasabihin ni sir. Pinaalalahanan lang niya ako na kelangan ko daw panatilihin ang magandang performance ko sa klase. Isa daw ako sa napipisil nilang mag deans lister. Hindi na bago sa akin yan (yabang), pero kunwari ay natuwa ako. Nakakatuwa nga naman talaga. Kinamayan pa ako ni Sir. Tinanong niya kung gusto ko daw bang mag-doktor, dun na lang daw sa pinagaralan niyang unibersidad, maipapasok daw niya ako dun ng walang hirap. Nakikita daw kasi niya sa akin ang sarili niya nung kabataan niya. Ahehe. Binigay niya number niya sa akin at itext ko daw siya kung nakapagdesisyon na nga ako. Nung isinave ko, eh ikinumpara ko ang number niya sa number ng nagtetext sa akin ng sweet quotes at mga pangangamusta. Hindi nagtugma. Nagtaka na naman ako kung sino nga iyon.

Pagdating ko sa boarding house ni Errol ay andun ang tropa namin, sila Rico, Alvin, Tonton, etc. Mga nag-iinuman ang gago at kumakain ng dala-dalang pananghalian. Ang dami nga lang, bucket meal na may mga kung-anu anong take out orders pa. Si Errol naman ay tulog sa kama niya, may klase pa kasi yun. 5-7pm ang p.e. niya. Makikicharge sana ako ng cellphone kasi off battery na ako kaso nga lang tulog si mokong kaya hindi ko na ginising, hindi ko rin naman alam saan niya inilagay ang charger niya kaya hindi na ako nakialam pa. Hindi na ako kumain, bagkus ay nagpabili pa ako kay Tonton ng beer at yosi at ibinalita ko nga na baka maging deans lister ako. Selebrasyong magbabarkada kumbaga.

Mga alas-tres ng hapon ay lumabas ang ilan upang bumalik ng school. Tatlo kaming natira nila Alvin. Pare-pareho kaming nakahiga. Kami ni Errol ay sa kama. Si Alvin naman ay sa maliit na sofa. Nasa gayon kaming posisyon nang may kumatok, tutal hindi naman nakalock ang pinto ay sinabi kong tumuloy na kung sino man iyon. Laking gulat kong nang pumasok si Marge. Napaupo ako sa kama. Nag-ayos ng sarili at ngumiti sa kanya, baka kasi kung ano isipin niya. Sinabihan niya akong wag maingay. Inilagay niya sa lamesa ang bitbit na box ng cake at lumapit kay Errol. Akala ko ay hahalikan niya ang nobyo nang biglang...

"Happy Birthday po kuya! Matanda ka na. Eto nga pala pinabibigay nila mom at Dad" bati ni Marge habang sinasampal niya ito ng magaan sa pisngi. Nang magising naman si Errol ay napangiti ito at yumakap.

Aysus!!! Magkapatid naman pala sila eh!!! Damuho kasi ang utak at puso ko eh, kung anu-ano ang iniisip at dinadamdam, hindi nama sigurado. Laking tuwa ko nang malaman kong magkapatid sila. Pero birthday nga pala niya, nakalimutan ko. Napa-shit na lang ako sa loob-loob ko. Babawi na lang ako mamaya.

"Dinala ko lang iyang regalo nila pero may klase pa ako. Alis na ako. Oist! Nga pala, hindi mo na ako hinahatid ng bahay hah. Pag ako natuto mag-drive akin na ang car mo." Dugtong ng magandang dalaga. Parang ang sarap sa pakiramdam, hipag ko pala si Marge at hindi kalaban. Ahahaha!

"Salamat baby. Sa sabado diba maghahanda sa bahay. Sa sabado na lang tayo sabay." Tugon ng kuya niyang naguunat at binuksan ang regalo.

"Tol, alis na ako. Ako na rin ang sasabay kay Baby mo pabalik ng school...malamang kasi nasa bilyaran sa tapat sila Tonton" bungad ni Alvin.

"Tandaan mo, baby ng pamilya namin yan. Walang talu-talo, kundi ako uupak sayo." Sagot ni Errol sabay ngisi kay Alvin. Pagkatapos nun ay sabay nang lumabas ang dalawa kaya kami na lang ni Errol ang naiwan sa loob. Kaya pala baby ang tawag niya kay marge kasi ayun talaga ang palayaw sa kanya ng pamilya nila kasi siya nga ang bunso.

"Err (tawag ko sa kanya), sorry hindi ko naalala" paumanhin ko sa bestfriend ko.

"Wala yun bro, sa sabado nga pala wag kang mawawala, maghahanda sila ermats. Bente uno na tayo kasi."panimula ni Errol habang nakayukong binubuksan ang regalo. Nasa maliit lang na pambalot. Pagbukas ay nakita ko ang isang kahon. At sa loob ay isang relo. Di ko na babanggitin yung brand pero ang astig talaga ng porma. Sinuot agad ni Errol ang relo sabay nagbukas ng yosi.

"Ang angas no??" tanong niya na parang batang may bagong laruan. Naalala ko nung una kaming magkita. Naangasan din siya sa cell ko, eh pareho lang kaming 7610 ang gamit. Iyon siguro ang ekspresyon niya pag sobrang natutuwa siya sa isang magandang bagay.

Mag-aalas singko na nun at nagpalit si errol ng p.e. uniform niya. Inaya ko na siyang lumabas ng bahay. Sabi ko ay uuwi na ako. Pagtingin ko sa ibabaw ng lamesa ay nakita ko ang phone naming dalawa na magkatabi. Parehong puti ang case, sabay kasi naming binili yung housing na iyon. Hindi ko alam kung alin ang akin. Pareho kami ng network provider at battery, kaya mahirap malaman kung kanino ang isa sa mga cellphone. Basta kinuha ko yung nasa kaliwa kasi nasa kaliwang parte ako naupo. Nasira pala kahapon lang ang charger ni Errol kaya pati siya eh nanghihiram lang ng charger. Bahala na kung magkapalit kami.

Pagdating sa bahay ay chinarge ko agad ang cell ko. Pagbukas ko ay laking gulat ko na ang welcome note ay ang picture niya habang nagdadrive ng kotse na ako ang kumuha. Eh ang welcome note ko naman eh picture ko habang tulog na siya ang kumuha. Patay! Nagkapalit kami! Marami siyang makikitang hindi niya dapat makita. Wala na akong magawa kundi manlumo. Naisipan ko na lang na kalikutin ang phone niya, wala kasi sa ugali naming dalawa ang mangalkal ng laman ng phone. Respect for privacy ika nga.

Binuksan ko ang images folders niya, parang may kung anong kiliti nang mapagdesisyunan ko na buksan ang isang subfolder na ang title "Mahal ko to". Iniisip ko na baka si Meg yun na kaklase namin o si Mam Arnee na prof naming super ganda. Laking gulat ko na lang ng puro picture ko ang andun, parang puro stolen shots. Yung iba ay kuha naming dalawa sa duty namin, sa bilyaran. Pucha, naloko na. Mga 10 o higit pang picture ko ang andun. Nakaramdam ako ng kiliti at tuwa sa puso ko nang makita ko iyon. Ako nga kaya ang mahal ni Errol?

Tinodo ko na ang pangangalikot, pati messages ay pinakialaman ko. Nasa isang subfolder na pinangalanan niyang "text ng mahal ko" ang mga text ko sa kanya tulad ng gud am, gud pm, tulog na tol, ingat sa biyahe, wag papalate, review ng mabuti para sa exam, etc. Nalaman ko din nang makita ko ang reply kong "Hu u? Thanks for admiring pero sana magkakilala tayo". Eh iyon kaya ang reply ko dun sa mystery texter. Naloko na talaga! Si Errol nga yung nagtetext. Ako ang mahal ni Errol. Bahala na kung makita din niya mga pictures niya sa phone ko, pati na ang name niya sa phonebook ko na "pagibig". Hekhekhek!

Ang dami tuloy nabuo sa isip ko, hindi ko alam kung paano ako aamin kay Errol, kung paano na kami ngayon, kung magiging kami ba., at kung ano ang maaaring mangyari. Ipagtatapat ko ba lahat o lalayo na lang ako? Magulo ang sitwasyon ko ngayon pero kailangang harapin.

Kinaumagahan, miyerkules, pagpasok ko ay wala si Errol. Tinanong ko sila Alvin kung nasaan. Maysakit daw kaya umuwi sa kanila. Sabi naman ni Tonton, nagtext daw sa kanya at pinapasabing may pinuntahan lang daw kaya hindi makakapasok. Nalungkot ako kasi nagdadahilan si Errol. Baka galit o nahihiya. Gusto ko pa namang liwanagin ang lahat sa pagitan naming dalawa.

Thursday wala pa rin siya, eh wala pa naman akong pasok tuwing Friday...kaya malamang ay sabado na kami magkita kung papalarin. Naalala kong may handa pala sila, malamang ay magpapakita na iyon. Bago ako pumasok ay bumili ako ng isang regalo para sa kanya, isang teddy bear. Pagdating ko sa school, nakita ko si Errol na nagyoyosi sa tapat ng kotse niya. Malalim ang iniisip kaya hindi niya ako nakitang papalapit.

"Tol, nagkapalit tayo ng phone. Eto, sayo yan." Inabot ko ang phone niya. Dinukot naman niya sa bulsa ang akin at inabot niya. Ngumiti ng bahagya si Errol at halatang kinakabahan.

"Galit ka?!? Quits lang tayo. May sikreto ka rin pala eh" sagot niya sa akin at nagsindi pa uli ng isa pang yosi. "Sorry talaga, wag kang magalit." Dugtong pa niya sabay hithit.

"Kelangan natin magusap" anyaya ko sa kanya.

"Tara, may pupuntahan tayo. Basta, sumama ka na lang" binuksan niya ang pinto ng kotse at pinapasok ako. Matapos ay siya naman ang umupo sa driver’s seat. Pinaandar niya ang kotse at walang imik ay umalis kami. Hindi na kami papasok pa ng klase. Pinaghalong kaba at excitement ang nararamdaman ko. Binuksan ko ang bintana at nagsindi ako ng isang yosi. Habang siya ay tingin ng tingin sa akin at sa dala ko.

"Aaminin ko na mahal kita noon pa. Puro na nga ako papansin, ikaw na nga lang inaatupag ko. Pero walang dating sayo, akala ko tuloy straight ka" sabi niya upang mabasag ang katahimikan. Kahit maingay sa daan ay parang tahimik pa rin kasi pareho kaming nagpapakiramdaman.

"Ahaha! Bakla!" sagot ko na may halong biro.

"Ikaw din, hahaha" sabay tawa kaming dalawa.

"Mahal din kita Errol. Wag ka sana magalit. Ang totoo niyan, kinailangan kong lumipat sa school natin kasi nakachat ko ang isang nick na Mokong sa irc at inaaya akong lumipat ng eskuwelahan. Minahal ko siya ng todo sa una at huling beses na nagchat kami. Akala ko ay magkakausap pa kami at magkakasama pag lumipat ako sa school natin, pero hindi na pala. Sobrang minahal ko siya sa ilang oras na paguugnayan namin sa internet. But then, i have you now, Who cares for mokong!?" Sagot ko.

"Wait! Deans lister!? Ikaw si Deans lister? Ay shit! Shit! Ahaha! Ikaw nga, ikaw yung nakachat ko sa bi-manila. Hindi ko pa nga nakuha ang number mo kasi ayaw mong ibigay at hindi mo naman hiningi ang akin. Tinotoo mong lumipat" nakangiti niyang sagot at napahawak sa kamay ko.

"Talaga?! Tangnang yan! Tayo nga talaga siguro para sa isat-isa. Eh di wala na akong dahilan para hindi maging tayo?" tugon ko. Inalis ko ang pagkakahawak niya at isinara ang bintana ng kotse.

"I love you Mike!" sabi niya na talagang nakapagpakilig sakin ng husto.

"Ang sarap naman noon. I love you too mokong!" sagot ko at sabay tawa. Hinalikan ko siya sa labi, mabilis lang kasi nasa biyahe pa kami.

Pagbaba namin ay nalaman kong sa bahay pala nila kami pumunta. Pagpasok ay nameet ko ang mga kamaganak nila. Andun din siyempre si Marge. Pinakilala niya ako sa mga magulang niya at sa iba pa. Isa-isa ding nagdatingan ang mga barkada namin.

Natapos ang araw na iyon at sa bahay na nila ako natulog kasi malalim na ang gabi. Sa loob ng kuwarto ay inabot ko sa kanya ang teddy bear na regalo ko at pinangalan niya iyong "tambay". Iyon daw kasi ang tambay sa kotse niya, pag tuwing hindi ako ang nakaupo sa tabi ng drivers seat. May nangyari ba sa amin nung gabing iyon? Wala. Pero a week after, nagtalik kami. Siympere naman!! Hehe!

Sa ngayon ay fourth year na kami pareho. Graduating students. Kami pa rin. Walang nakakaalam kahit sino ng tungkol sa amin. Napagdesisyonan namin na tumira rin ako sa boarding house niya. Para kaming mag-asawa pag kaming dalawa lang ang magkasama. Bahagi na kami pareho ng bawat desisyon naming dalawa.

Mokong pa rin ang tawag ko sa kanya, Deans lister naman ang tawag niya sa akin. Iyon na din ang pangalan namin sa phonebook namin. Nakakakilig pa rin hanggang ngayon, mukhang imposible pero nagkatotoo. Natupad ang dahilan ko ng paglipat ng paaralan. Isang malaking desisyon na hindi ko pinagsisihan. Ang pag-ibig na nadama ko sa chatmate at sa bestfriend ko ay iisa pala, buti na lang at hindi na ako nag-alangan pa.

Sana, sa lahat ng nagbabasa, bawat pagkakataon ay wag nating palampasin, mahirap nang ito ay mawala at hindi na maulit pa. Ang pag-ibig ay nangangailangan ng malaking sakripisyo at pagtitiyaga, sapagkat malaking ginhawa at sarap ang idudulot nito pag nasa iyo na.

---o0o---

 

1 comment:

Iputok mo ditto, Pre!