Sunday, April 14, 2013

Ang Bestfriend Ko












Ang Bestfriend Ko



submitted by: Captain




Si Capt. Ramon Salas ay isa sa mga magigiting nating sundalo na nakikipagdigma sa parteng south ng Pilipinas upang lupigin ang mga bandido doon. Marami na rin siyang natanggap na medalya at citation sa kanyang pagiging kawal. Subalit bago niya narating ang kinaroroonan niya ngayon ay nagdaan din siya sa pangungutya ng mga taong nakapaligid sa kanya at ang masama pa dito ay mula na rin sa kanyang sariling ama. Lumaki si Ramon sa isang military camp sa Gitnang Luzon. Anak siya ng isang militar. Ang kanyang mga nakagisnan na kalaro ay mga anak din ng militar. Sa murang edad niya ay mas kinagaanan niya ng loob ang makipaglaro sa mga kababaihan. Madalas siya noong tuksuhin na bakla ng mga kababata nitong kalalakihan. Pinilit niyang makipagkaibigan sa kapwa niya lalaki dahil sa tuwing makikita siya ng kanyang ama na nakikipaglaro sa mga babae ay tiyak makakatikim siya ng sinturon pag-uwi niya sa bahay.

Labag man sa kalooban niya ay natuto siyang maglakwatsa kasama ang mga kalaro niyang lalaki. Natuto siyang magtirador ng ibon, manghuli ng gagamba at umakyat sa mga puno upang mamitas ng bunga ng mangga, santol, bayabas at kung anu-ano pa sa paanan ng bundok na malapit sa kampo. Kahit papaano ay naranasan niya ang mga gawain ng mga kalalakihan sa kanilang lugar.

Nang mag-teenager si Ramon ay nahilig siya sa pagsasayaw. Lingid sa kaalaman ng tatay niya ay sumali siya sa isang group dance contest sa kanilang lugar. Kasama niya sa grupo ang tatlong babae at dalawang bading na classmates niya. Bago dumating ang gabi ng contest ay nalaman ng tatay ni Ramon na kasama siya sa dance contest na ang kasama niya ay mga bading at babae kaya naman hindi niya ito pinalabas ng bahay sa araw ng paligsahan. Bugbog sarado si Ramon sa kanyang tatay kaya naman ilang araw din siyang hindi lumabas ng bahay para walang makakita sa kanyang mga pasa. Mahal na mahal si Ramon ng kanyang ina subalit wala itong magawa sa tuwing sasaktan siya ng kanyang tatay. Tanging mga payo na lamang ng kanyang ina ang sundin na lamang ang gusto ng kanyang tatay para hindi na siya masaktan. Ipinaliwanag din sa kanya ng kanyang ina na mataas kasi ang pangarap ng kanyang ama sa sarili kaya lamang ay di na niya ito matutupad. Si Ramon ang nag-iisang anak nila ang inaasahan niyang magiging heneral balang araw. Pilit itinago ni Ramon sa kanilang school ang kanyang tunay na pagkatao. Subalit pinagdududahan pa rin siya dahil di pa rin siya nagkakasyota o di man lang nanliligaw ng babae. Sa halip na bigyang pansin ni Ramon ang mga bagay na iyon ay ibinuhos na lamang niya sa pag-aaral ang kanyang panahon. Naging consistent topnotcher si Ramon sa kanilang klase. Dahil dito ay dumami pa ang naging kaibigan ni Ramon mapababae man o lalaki. Marami ring nagkaka-crush na babae sa kanya dahil may itsura naman si Ramon. Subalit talagang di niya type ang magkasyota.

Fourth year high school si Ramon noon nang makilala niya ang transferee sa kanilang school na si Mark. Galing sa private school si Mark at anak din ng opisyal na militar. Nakick-out daw si Mark sa dating school nito at wala ng private school na gustong tumanggap sa kanya. Palibhasa opisyal sa kampo ang ama ni Mark kaya natanggap siya sa school ni Ramon. Gwapo at napakalinis tignan ni Mark lalo sa sa kasuotan niyang puting polo at itim na pantalon. Halos lahat ng kababaihan sa school ay nagkaka-crush kay Mark. Kay Ramon siya unang nakipagkaibigan ng malaman niyang top notcher ng klase nila si Ramon. Noong nasa private school pa si Mark ay style na niya ang magdididikit sa mga matatalinong classmate niya upang sa oras na mangailangan siya ng tulong sa mga assignment niya ay may malalapitan siya. Ganoon din ang ginawa ni Mark kay Ramon. Mabait naman si Ramon kaya sa tuwing kailangan ni Mark ng tulong niya ay hindi niya ito binibigo. Sa pagsama-sama ni Mark kay Ramon ay di niya inalintana ang mga panunukso sa kanila na magsyota silang dalawa. Kahit aminado si Ramon kay Mark na totoo ang panunukso ng kanilang mga classmates sa kanya na siya'y may pagkasilahis ay binalewala lamang ito ni Mark basta huwag lang daw siyang papatusin nito.

Sa kalagitnaan ng school year ay lalong naging malapit sina Mark at Ramon. Minsan pa nga ay ikinatuwa ng ama ni Ramon nang sa bahay nila Ramon sila gumawa ng assignment. Noon nakilala ng ama ni Ramon si Mark na isang tunay na lalaki. Akala ni Ramon ay pagiging kaibigan lang ang nararamdaman niya kay Mark pero mas higit pa pala doon. Ayaw niya sa kanyang nararamdaman kaya naman pilit niyang iniwasan si Mark upang hindi siya tuluyang ma-in love sa kanyang kaibigan. Napansin ito ni Mark at nang makahanap ito ng pagkakataon ay kinausap niya ng sarilinan si Ramon. Walang ibang dahilan masabi si Ramon kay Mark sa kanyang pag-iwas sa kaibigan. Kaya naman ipinagtapat na lamang niya ang katotohanang umiibig na siya sa kanyang kaibigan. "Yes Mark, aaminin ko na nahuhulog na ang loob ko sa iyo. Sa tingin ko ay mahal na kita" ang pagtatapat ni Ramon kay Mark. "Oh, anong problema doon" ang tanging naisagot ni Mark kay Ramon. "Di ba, sabi mo noon, pwede tayong maging magkaibigan basta huwag lang kitang papatusin" ang dugtong pa ni Ramon. "Sabi ko lang yun noon, eh kung may gusto ka sa akin ay pwede naman nating pag-usapan iyon, huwag ka lang biglang iiwas sa akin" ang paliwanag ni Mark. "Ang ibig mong sabihin ay pwede na tayong dalawa" ang nasabi ni Ramon. "Hep, hep, hep, hindi sa ganoon, basta friends pa rin tayo, basta" ang tugon ni Ramon sabay akbay sa kaibigan.

Sa araw na iyon ay sinamahan ni Mark si Ramon papauwi sa bahay. Pwede namang maglakad papauwi kina Ramon dahil malapit lamang ito sa school kaya nagpasya ang dalawa ng maglakad na lamang. Masaya ang magkaibigan sa kanilang paglalakad at panay kantyawan pa at hagikgikan. Madalas ay nakaakbay si Mark kay Ramon na lalong ikinasaya ng huli. Tanging ang ina ni Ramon ang kanilang nadatnan sa bahay. On duty pala ang ama ni Ramon. Ipinaghanda sila ng merienda ng ina ni Ramon. Nang matapos silang kumain ay pumasok sila sa silid ni Ramon samantalang ang ina naman ni Ramon ay nagpatuloy sa paglalaba sa likod bahay.

"May pag-asa ba na mahalin mo rin ako?" ang tanong ni Ramon kay Mark. "Syempre naman, mahal kita bilang kaibigan" ang tugon ni Mark. "Eh kung higit pa doon" ang muling naitanong ni Ramon. "Ah, ewan, di ko pa rin nasusubukan yun eh, chicks pa lang ang mga naging syota ko eh" ang naisagot ni Mark kay Ramon. "Pero mapag-uusapan naman natin iyan" dugtong pa ni Mark. Biglang niyakap ni Ramon si Mark at hinalikan sa mga labi. Sa simula ay medyo pumipiglas si Mark subalit nagparaya na lamang siya sa ginagawa ng kaibigan. Nang hubaran ni Ramon si Mark ng damit ay hindi na niya ito pinigilan. Naghubad din ng kanyang damit si Ramon at sinimulan na niyang romansahin ang kaibigan sa pamamagitan ng paghalik nito sa buong katawan. Kahit noon pa lamang nagawa ni Ramon ang bagay na iyon ay nasarapan din si Mark. Noon pa rin naman natikman ni Mark na romansahin ng katulad niyang lalaki. Naudlot ang kanilang romansahan nang kumatok ang ina ni Ramon. Nagmadali silang nagbihis at lumabas ng silid. Niyaya ng ina ni Ramon si Mark na doon na maghapunan tutal gabi na rin. Tumanggi si Mark dahil baka hanapin na siya sa kanila. Kinuha ni Mark ang bag niya na naiwan sa silid ni Ramon at nagpaalam na ito sa mag-ina.

Dahil sa nangyari sa silid ni Ramon ay lalong naging malapit ang magkaibigan sa isa't isa. Naging madalas din ang punta ni Mark kanila Ramon kahit wala silang pasok. Madalas na din ang paggawa nila ng patagong romansahan. Hanggang sa mahuli sila ng ama ni Ramon. Nagmakaawa si Mark na huwag ng paratingin sa kanyang ama ang pangyayari sa pangakong iiwas na siya kay Ramon. Si Ramon naman ay nakatikim muli ng bugbog ng ama na naging dahilan ng hindi nito pagpasok ng mahigit dalawang linggo. Sa pag-absent ni Ramon sa klase ay marami siyang lessons at quizzes na na-miss. Ito ang dahilan kung bakit bumaba ang grades niya sa finals. Ito rin ang naging sanhi ng pagiging salutatorian na lamang ng siya ay magtapos sa high school. Sa araw ng kanilang graduation ay muling nagkatabi sa upuan si Ramon at si Mark. Magkasunod kasi sila sa alphabetical listing. Walang magawa ang ama ni Ramon kundi ang bantayan ang dalawa. Alam ng dalawa na magkakatabi sila sa upuan kaya pala naghanda sila ng liham sa isa't isa at nag-abutan ng makakita sila ng pagkakataon. Umakyat si Ramon sa entablado upang magtalumpati. Kahit meron siyang naprepare na talumpati ay naisingit pa rin niya ang pagpapasalamat sa isang kaibigan na naging bahagi ng kanyang buhay at sa kanya niya inialay ang mahigit tatlong taon na pagiging top notcher sa klase. Ang medalya niyang pilak ay inialay niya sa kanyang ama. Maraming nagtaka sa talumpati ni Ramon. Buti na lamang at abala sa pakikipagkwentuhan ang ama ni Ramon sa mga katabi nito kaya di niya gaanong naintidihan ang talumpati ni Ramon. Nang matapos ang graduation ay nagkaroon na kaunting salu-salo sa bahay nila Ramon. Kinagabihan ay binasa ni Ramon ang liham na iniabot sa kanya ni Mark. Ito ang nilalaman ng liham ni Mark:

Dear Ramon,

Bago ang lahat nais kong batiin ka sa pagiging salutatorian mo. Ang galing-galing mo talaga. Sana ay valedictorian ka kung hindi dahil sa akin. Sorry nga pala kung mas minabuti ko pang iwasan ka kaysa malaman ng mga magulang ang tungkol sa atin. Iyon lamang na naisip kong paraan para hindi na lumaki ang gulo.

Alam mo, natatawa ako sa sarili ko. Mahuhulog din pala ang loob ko sa isang katulad mo, eh sana noon pang nasa private school pa ako unang nakaranas ng ganito. Aaminin ka na sa iyo Ramon na isang katulad mo ang naging dahilan kung bakit ako na-kick-out sa school ko dati. May isa akong classmate na anak ng heneral na nagkagusto sa akin. Syempre diring diri ako dahil pareho kaming lalaki kasi. Exclusive school kasi iyon for the boys. Akala ko noong una ay lalaki siyang tunay kaya pumayag ako makipagkaibigan. Pero nang magtapat na siya sa akin ay laking gulat ko dahil hindi naman halata sa kanya ng ganoon nga siya. Simula noon ay iniwasan ko na siya. Sumama ang loob niya sa akin kaya gumawa siya ng paraan para makaganti sa akin. Planted ang marijuana na natagpuan ng gwardya sa aking bag. Naging positibo din ang test sa akin dahil sa impluwensya ng amang heneral ng classmate niya sa laboratoryong sumuri sa akin. Ni minsan ay di pa ako nakatikim ng droga.

Sa iyo ay di ako nagdalawang isip na tanggapin ang pagmamahal mo. Napakabuti mong kaibigan. Swerte ang pag-aalayan mo ng iyong pagmamahal. Sana ako na lang iyon pero maraming balakid sa ating dalawa. Lalo na parehong militar ang ating mga magulang. Di bale, kapag tayong dalawa talaga ay magtatagpo muli ang ating mga landas. Sana magtagumpay ka sa mga pangarap mo at kung matagumpay kana, huwag mo sana akong kalimutan.

I love you, Ramon, maniwala ka man o hindi.

-Mark

Ito ang huling communication nila ni Mark. Si Ramon ay pumasok sa isang military school upang tuparin ang pangarap ng kanyang ama. Sa military school niya muling naranasan ang pagsuso ng ari ng iba. Hindi sa paraang pagpapaligaya kundi bilang parusa sa kanya. May bulong-bulungan kasi sa mga kasamahan niya sa platoon na silahista si Ramon. Laking hirap at sakripisyo ni Ramon sa loob ng military school. Minsan ay naisip niyang mag-quit dahil sa pang-iinsulto ng mga kasamahan niya lalo na nga mga upper classmen niya. Pero mas higit na takot sa ama ang pumigil sa kanya sa balak nito. Pinilit niyang maka-graduate. Nang magtapos si Ramon ay nasa top ten siya sa batch na iyon. Laking tuwa ang ama ni Ramon at halos ipagsigawan sa buong mundo na opisyal na rin ang kanyang anak na si Ramon.

Nagpadestino si Ramon sa Mindanao bilang unang assignment niya. Nais niyang lumayo muna sa kanyang mga magulang at sa mga taong nakakakilala sa kanya. Dalawang taon din ang ipinalagi ni Ramon sa Mindanao bago niya naisipang dalawin ang mga magulang sa Luzon. Nasa serbisyo militar pa rin ang kanyang ama kaya doon pa rin sila nakatira sa kampo. Tyempo din na naka-schedule ang grand reunion sa kanilang school noong high school pa siya kaya nag-attend siya dito. Laking gulat ng mga classmates niya ng dumating si Ramon. Matikas ang pangangatawan at di mo kakikitaan ng pagiging malamya. Ang iba sa classmates niya ay pumasok din sa militar pero hindi sila mga opisyal. Ngayon ay sinasaluduhan na nila si Ramon. Sir pa ang tawag nila sa kanya. Pero siya na rin ang nagpakumbaba na Ramon na lang ang itawag sa kanya. Di naman daw sila nakauniporme.

Sa isang mesa sa loob ng hall ay napansin niya ang isang lalaki na pamilyar sa kanya ang pagmumukha na may kasamang isang babae. Nilapitan niya ito at laking gulat niya ng yakapin siya ng lalaking ito. "Kumusta ka na Ramon? Ang tagal nating di nagkita" ang panimulang bati ni Mark. "Mark, ikaw ba yan?" lalo kang gumagwapo ha. "By the way Ramon, si Belinda pala ang girlfriend ko" ang pagpapakilala ni Mark kay Ramon sa kasama nitong babae. "Hi, Ramon. So ikaw pala yung best friend ni Mark noon high school na madalas niyang ikwento sa akin" ang bungad ni Belinda. "Lahat ba ng sekreto namin ay naikwento na ni Mark?" ang pabirong tanong ni Ramon kay Belinda. "Ewan ko, kung nagsasabi ng totoo sa akin si Mark. Balita ko kasi ang dami nyo daw pinaluhang chicks" ang dugtong pa ni Belinda. "Ha ha ha... Si Mark siguro marami ng pinaluhang..." ang pabirong tugon ni Ramon na naudlot ng sikuhin sya ni Mark sa tagiliran.

Nagpatuloy ang masayahang kwentuhan ng magkaibigan hanggang sa simulan ang pinakaprograma ng reunion. Isa-isang binanggit ng nagsasalita sa entablado ang mga prominenteng tao na alumni ng school na iyon. Nagulat si Ramon ng mabanggit din ang pangalan niya. Di niya akalaing tinuturing na rin pala siyang isang karangalan ng kanyang school. Nang matapos ang programa ay nagpaalam na si Ramon kay Mark at sa nobya nito. Masayang umuwi si Ramon dahil nakita niyang muli si Mark. Subalit may kalungkutan din dahil nakilala niya ang bagong minamahal ni Mark. Hindi makatulog si Ramon ng gabing iyon kaya naman kinuha niya sa wallet niya ang calling card na iniabot ni Mark sa kanya. Naroroon ang cellphone number ni Mark pero nagdalawang isip siya kung tatawagan o ite-text niya si Mark. Sa tagal niyang magdesisyon kung tatawagan niya si Mark ay biglang may pumasok na text message sa kanyang cellphone.

"Hi, Ramon si Mark ito. Di mo naibigay ang number mo kanina kaya gumawa ako ng paraan at nagbaksaling naisulat mo sa registration book ang number mo. Buti na lang naisulat mo. Baka kasi di mo ako tawagan o i-text kahit na may calling card ko ikaw" ang nilalaman ng text message na iyon.

Hindi malaman ni Ramon ang gagawin kaya muli siyang nag-isip kung sasagutin ang text message ng kaibigan. Medyo nainip siguro si Mark sa sagot ni Ramon kaya siya na naman ang nagpadala ng text message.

"Bakit di ka sumasagot? Galit ka ba sa akin dahil hindi man lang ako nagpakita sa iyo after ng graduation natin" ang naging text message muli ni Mark kay Ramon. Sa sandaling iyon ay napilitan ng sagutin ni Ramon ang text message ni Mark.

"Ako nga ang dapat mag-sorry sa iyo. Kasi di ko man lamang naipaglaban kay itay ang tungkol sa atin noon" ang text naman ni Ramon kay Mark.

"Huwag mo ng isipin iyon. Tapos na iyon at matured na tayo ngayon. Kumusta na love life mo?" ang tanong ni Mark sa text message nito kay Ramon.

"Ako, wala pa ring pagbabago. Zero pa rin" ang sagot naman ni Ramon kay Mark sa text.

"Anong wala, eh ang daming gwapong sundalo ang hawak mo ngayon" ang pabirong text ni Mark.

"Ikaw talaga Mark, di maganda iyon. Nakikipagdigma kami sa mga kalaban ng pamahalaan na handang pumatay para sa bayan tapos malalaman nilang ganoon pala ako" ang sagot ni Ramon sa text.

"Biro lang ha, baka magalit ka pa nyan" ang muling text ni Mark kay Ramon. "Hanggang kailan ang bakasyon mo" ang dugtong na text ni Mark kay Ramon.

"Sa isang araw pa. Pero balak ko na sanang bumalik bukas kasi naiinip na rin ako dito sa bahay" ang sagot na text ni Ramon kay Mark.

"Huwag ka munang umuwi bukas. Magkita muna tayo sa kabayanan" ang paanyaya ni Mark sa text nito kay Ramon.

"Eh papaano si Belinda ang girlfriend mo" ang text ni Ramon kay Mark. "Inihatid ko na siya sa bus station kanina. Pinauna ko na pabalik ng Maynila" ang text naman ni Mark kay Ramon.

"Walang hiya ka, bakit mo naman pinagsolong umuwi sa Maynila ang girlfriend mo?" ang muling text ni Ramon kay Mark.

"Syempre nagsinungaling ako sa kanya. Alanganin namang aminin ko sa kanya na nandirito kasi ang tunay na mahal ko kaya mauna na siya" ang pabirong text ni Mark kay Ramon.

"Grabe ka talaga Mark. Sige magkita na lang tayo bukas ng 10:00 AM doon sa tapat ng post office" ang naging tugon ni Ramon sa text.

"Ok, basta bukas kita tayo doon. Goodnight na lang pare" ang huling text ni Mark kay Ramon.

"Goodnight din sa iyo" ang huli text naman ni Ramon kay Mark.

Alas nwebe y medya pa lang ay naroroon na si Ramon sa hintayan nila ni Mark. Hindi rin nagtagal at dumating na si Mark dala nito ang kanyang kotse. Sumakay si Ramon sa kotse at humanap sila ng magandagandang restaurant sa kabayanan. Habang nagla-lunch ang dalawa ay panay kwentuhan pa rin nila ng tungkol sa mga buhay buhay nila buhat ng sila ay maghiwalay. Inabot di sila ng alas-dos ng hapon sa restaurant na kinainan nila. Nagyayang umuwi si Ramon subalit ibang daan ang tinahak nila ni Mark. Palibhasa ay hawak ni Mark ang manubela kaya di na umangal si Ramon. Sa isang motel ipinasok ni Mark ang kotse at biglang nahiya si Ramon ng salubungin sila ng isang empleyado at pinapasok ang kotse nila sa isang garahe. "Bakit dito tayo nagpunta?" ang tanong ni Ramon kay Mark. "Nais ko lang ma-experience muli yung ginagawa nating noon high school pa tayo" ang sagot naman ni Mark. Di na muling nakapagtanong si Ramon dahil inilapat na ni Mark ang mga labi sa mga labi ni Ramon.

Makalipas ang mahigit anim na taon ay muli nilang nadama ang walang kasintulad na kaligayahan. Dahil sa pananabik sa isa't isa ay nakailang ulit ang mga romanhasang nag-aalab. Madilim na ng lumabas sila sa motel. Inihatid ni Mark si Ramon sa kanilang bahay bago ito tumulak pabalik ng Maynila. Kinabukasan naman ay bumalik na rin si Ramon sa Mindanao. Dahil sa cellphone ay naging madalas ang communication ng dalawang magkaibigan. Nang maging aktibo na naman ang rebelde sa lugar kung saan nakadestino si Ramon ay naging abala ito sa pakikipagbaka. Madalas ay nasa dead spot ng cellphone signal si Ramon kaya hindi siya makapagtext o makatawag man lang kay Mark. Inabot din ng ilang buwan ang pagkaputol ng kanilang communication. Isang araw ay sinundo ng helicopter si Ramon sa kanilang pansamantalang kampo. Meron daw naghihintay siyang bisita doon sa base camp nila. Wala ng ibinigay na detalye ang piloto kaya naging malaking katanungan kay Ramon kung sino ang naghahanap sa kanya.

Dali daling nagligpit ng kagamitan si Ramon at nang marating niya ang base camp nila ay nagulat siya na si Mark pala ang kanyang bisita. Ginamit pala ni Mark ang impluwensya ng kanyang ama upang matunton ang kinaroroonan ni Ramon. Mataas na rin kasi ang katungkulan ng kanyang ama sa militar. Wala man sa tamang panahon ay nagfile ng leave si Ramon at agad naman itong pinayagan ng kanyang mga superior sa pakiusap na rin marahil ng ama ni Mark. "Papaano mo napakiusapan ang iyong ama ng mga ganoong bagay?" ang tanong ni Ramon kay Mark. "Simple lang. Sabi ko kasi sa kanya ng magandang lugar dito sa south na pwede naming puntahan ni Belinda sa aming honeymoon" ang tugon naman ni Mark. "Eh, bakit ako ang pinuntahan mo. Bakit hindi ka na lamang nagtanong sa mga travel agencies?" ang tanong muli ni Ramon kay Mark. "Sinabi ko rin na ilang taon ka dito kaya kabisado ang lugar dito. Gusto ko kasi na safe ang lugar na pupuntahan namin ni Belinda at yung hindi masyadong commercialized" ang tugon ni Mark. "Yung simple lang pero maganda at tahimik" dugtong pa ni Mark. "Maraming magagandang lugar dito kaya lang hindi gaanong tahimik. Sa loob ng kampo doon tahimik" ang pabirong sinabi ni Ramon kay Mark. "He he he... Nagpapatawa siya" ang biglang nasabi ni Mark. "Kailan ba ang kasal nyo?" muling nagtanong si Ramon. "Sa isang buwan pa" ang sagot naman ni Mark. "Ikaw pala ang aking best man kaya huwag kang mawawala sa araw na iyon" dugtong pa ni Mark.

"Sige ngayon palang ay magpa-file na ako ng leave para makauwi ako" ang sabi naman ni Ramon. "Heto pala ng imbitasyon, nandiyan ang pangalan ng simbahan at hotel kung saan ang reception" sabay abot ni Mark ng isang puting sobre kay Ramon. Hindi na nagkaroon ng pagkakataong buksan ni Ramon ang sobreng naglalaman ng invitation sa kasal ni Mark. Nagyaya na kasing kumain sa labas ang kaibigan. Matapos kumain ay nagsimula na silang humanap ng lugar na nais ni Mark. Sa araw na iyon ay hindi sila nakahanap ng gustong lugar ni Mark. Kinagabihan ay sa isang hotel sila tumuloy. Katulad ng inaasahan ay naulit muli ang romansahan nila Ramon at Mark. Kinabukasan ay nagpatuloy sila sa paghahanap ng lugar kung saan magha-honeymoon si Mark. Bago magtanghali ay nakapili na ng lugar si Mark. Simple lang ang lugar at malayo sa kabayanan. Maganda at malinis ang beach. Dahil sa kalayuan nito sa kabayanan ay di ito puntahin ng mga tao maliban lamang sa mga dayuhan na regular na pinupuntahan ang lugar na ito.

Nagpareserve si Mark ng isang villa ng gagamitin nila sa loob ng isang linggo at nagbayad na rin ng downpayment. Nang makabalik sila ng kampo at nakisakay na rin si Mark sa military plane papuntang Maynila. Hindi na sila gaanong nakapag-usap ni Ramon dahil bumalik din agad si Ramon sa temporary camp nila. Doon na niya nabuksan ang sobre ng invitation. Laking pagtataka ni Ramon dahil tanging petsa at oras ng misa, pangalan at address ng simbahan at hotel ang tanging laman ng invitation. Hindi na niya nakuhang tanungin ang kaibigan kung bakit ganoon ang invitation sa kanya dahil wala namang signal ng cellphone sa kanilang lugar. Sa kaabalahan ni Ramon sa pakikipagbaka sa mga rebelde ay hindi na niya muling natawagan o nai-text si Mark. Isang araw bago ang nakatakdang araw ng kasal ni Mark ay nagleave na si Ramon. Pumunta siya ng Maynila at tumuloy sa isang hotel na di kalayuan sa lugar kung saan ikakasal si Mark. Namili din siya ng damit na kakailanganin niya tulad ng barong tagalog, pantalon at sapatos. Nagpunta rin siya sa parlor upang magpagupit at para naman magmukhang gwapo muli siya sa simbahan kahit medyo sunog na ang kanyang balat sa araw. Di na rin niyang nagawang tawagan ang kaibigan dahil gusto niyang medyo kabahan ang kaibigan kung darating siya o hindi.

Maaga pa lang ay excited na si Ramon na makapunta sa simbahan. Subalit plano talaga niya na sa eksaktong oras ng kasal siya mapapakita sa simbahan. Nang magpunta siya sa simbahan ay laking pagtataka niya. Mukhang wala namang kasalang magaganap doon. Nagtanong pa siya sa nangangalaga ng simbahan kung may kasalan doon at kung iyon nga ang simbahang nakasulat sa invitation ni Mark. Iyon nga ang simbahan pero walang naka-schedule na kasalan sa araw na iyon. Isang espesyal na misa daw ang gaganapin doon. Sumama ang loob ni Ramon dahil naisip niya na niloko siya ni Mark. Kaya minabuti na lamang niyang lumabas ng simbahan.

Sa kanyang paglabas ay sinalubong siya ng isang lalaking nakabarong tagalog din. Si Mark pala iyon. Kasunod ni Mark ang mga magulang niya, mga kapatid at ang iba pang miyembro ng pamilya. Sa isang van naman ay nakilala ni Ramon ang mga bumabang tao, ang kanyang mga magulang at ilang classmates niya noong high school pa siya. Lahat ay naka-formal na kasuotan. "Oh, ano pang hinhintay natin, baka magsisimula na ang misa, pasok na tayo" ang paanyaya ni Mark sa lahat ng kasama. Hindi na nakapagsalita si Ramon. Magkatabi sa upuan sina Ramon at Mark habang nagmimisa. Nabanggit ng pari na ang misang iyon ay para sa magkaibigang Ramon at Mark na pareho ng matagumpay sa kani-kanilang profession. Sa homily ay pinayuhan ng pari sina Mark at Ramon na huwag lumaki ang mga ulo sa natatamong tagumpay at sana manatili silang matalik na magkaibigan habang buhay at sana maging mapagbigay sila sa isa't isa para maging matatag pa lalo ang kanilang pagkakaibigan.

Matapos ang misa ay tumuloy sila sa isang hotel kung saan nagpareserve si Mark na munting salu-salo. Doon lubusang nakausap ni Ramon ang mga magulang. Nalaman niya sa mga magulang na si Mark ang kumausap sa kanila at nagkumbinse sa kanilang pagdalo sa araw na iyon. Sa pakiusap ni Mark sa kanila ay napag-isip-isip ng ama ni Ramon na panahon na rin siguro na maging maligaya ang kanyang nag-iisang anak. Naging pagkakataon din iyon ng ama ni Ramon na humingi ng tawad sa pagmamalupit nito sa kanya. Ibinilin pa nito kay Mark na huwag nyang sasaktan ang kanyang anak. Nagtaka din si Ramon sa pamilya ni Mark na naging mabait sa pagharap sa kanya. Tulad ng ama ni Ramon, ipinagbilin din si Mark na laging gabayan ni Ramon sa lahat ng desisyon nito. Alam kasi nila na si Ramon ang naging dahilan ng pagbabago sa buhay ni Mark mula ng magkakilala sila. Ang ilang dating classmates ni Ramon naman ay bumati kay Ramon sa mga natamo nitong tagumpay. Nagpaumanhin din sila dahil minsan naging tampulan ng pangungutya si Ramon ng nasa high school palang sila. Hindi pala sukatan ang sexual preference ng isang tao para maabot ang tagumpay. Lahat ay pantay-pantay ano mang larangan ang harapin mo.

Bago natapos ang salu-salo ay naitanong ni Ramon kay Mark kung ano ang nangyari sa kanila ni Belinda. Umamin ang kaibigan na noong hinatid niya sa bus station ang kasintahan ay nagkaroon sila ng di pagkakaunawaan hanggang matuloy sa hiwalayan. Kinabukasan ay nagtungo na ang dalawang magkaibigan sa lugar na pinareserve ni Mark. Silang dalawa pala ang gagamit ng villa doon. Kaya pala yun ang pinili ni Mark ay malaya nilang magagawa ang pagpapahayag ng kanilang nararamdaman sa isa't isa kahit sa harap ng publiko tulad ng pagyakap at paghalik. Ganoon din kasi ang mga banyagang bisita sa resort na iyon. Lalaki man sa lalaki o babae man sa babae. Walang nakikialam sa mga bisita doon at tanggap na rin ng mga Pilipinong empleyado ang ganoong pangitain. Sa unang gabi nila doon ay muling binasa ni Mark ang sulat ni Ramon sa araw ng kanilang graduation. Ito ang nilalaman ng sulat:

Mark,

Salamat sa maikling panahon na napaligaya mo ako. Mas higit ka pa sa medalyang matatanggap ko sa araw na ito. Tulad ng nasabi ko na sa iyo, ikaw pa lamang ang tanging minahal ko ng ganito. Naging mapaghusga man ang kapalaran sa akin, masaya pa rin ako dahil may isang tulad mo na aking minahal at sa tingin ko ay mamahalin ko habang buhay.

Tandaan mo Mark, kahit tuluyan man tayong magkalayo at di na muling magkita, mananatili ka dito sa puso ko.

-Ramon

Sa ngayon ay nagmamay-ari na ng isang condominium unit ang magkaibigan dito sa Maynila. Isa ng manager sa bangko si Mark at si Ramon naman ay isang captain na malapit na mapromote bilang major. Makakasabay sa promotion ni Ramon ang pagdedestino sa kanya dito sa Maynila. Sa panahong iyon ay tiyak na lagi ng magkakasama ang matalik na magkaibigan.

- WAKAS -

 

1 comment:

Iputok mo ditto, Pre!