Sunday, September 4, 2016

Untitled


Untitled
by: bullet_proof

Aug 02, 2006
Ai lintteekkk..naghang... wait, my nag post ng number. smart? maitxt nga...Ü

"Hi"
"Hello! name mo?" reply nya.
"***, (place)" text ko.
"Ahhh…Ü"
"nkita ko ung number mo sa chatrum, nghhnap ka ata ng txtm8…mag-aaply sanaa ko."
"oo nga…pde nman eh."reply nya.
"**_** ryt?"
"yeah,(age, ska place nya)" tugon nya.

So un na… dun na nagsimula ang pagkakaibigang yon. Ang saya saya ko nung magka text kame. Parang puro hangin ang dibdib ko. parang ndi ko akalain na ganun kadali mgiging palagay ang loob ko sa kanya. Ang sarap nya kausap. prang nakikipag-usap ka sa isang estranghero na matagal mu nang kilala. Parang nagkaroon ng kulay ang cellphone ko dahil sa kanya.

Biruin mo, nagcmula kme magkatext ng ala-una. Nakakatawa kase nuon lng kme nagkakilala pero parang ang layo-layo na ng narating naming dalawa. Ayaw pa sanaa naming tumgil nun. Niloko pa nga nya ko na lalabas muna daw sya, kse bka mubos na ung load nya. Sabi ko nman, "niloloko mo b ko? alas dos na , my bukas pa bng tindahan?" aba ang loko, nglalakad na daw sya sa labasan. Saya saya nya tlga nung kausap.

Alas kwatro na ng madaling araw, pero puno pa din kme ng buhay. Parang ayaw na naming tumigil kung d ko pa nlamang ppasok sya ng alas otso that day eh d pa sana kme titigil. Ngulat ako ng sbihin nyang 8 am ang pasok nya sa trabaho. Nhiya nman ako, so I insisted na matulog na kme. Kse my pasok dn nman ako nun. Dun na nagcmula ang storya ng aming pagkakaibigan.

Nung umaga na, nag-good morning pa ko sa kanya nun. Pero ndi sya nagrereply. So, akala ko pmasok na sya. Nung hapon na, nagtext b nman ng gud morning??? Akala ko, late masyado ung msg. un pla, cnadya nya un dhil kagigising lng nya. Hapon na sya nagising at ndi na nkapasok dhil sa puyat. Nkkhiya nman sa knya… tapos nung gabi na, my nasabi ata ko na ikinagalit nya. Ndi ko na maalala ung eksakto pero nagalit ata sya. Tapos mya mya eh, inaaway nko. Ewan ko ba. Tapos bgla bgla nag-sorry. D na daw sya mgttxt. Ang sama sama nya daw. Sampalin ko daw sya... ang gulo nya no? e nagkataong my meeting kme sa skul, d ako masyado mkpag concntrate nun dhil nga lobat ako, tas txt pa sya ng ganun. Bsta.. un ung incident na un.

Then one day, I realized, sobrang miss ko sya. Parang ndi ko kaya na ndi ko sya ktxt. Parag kulang ang araw ko dhil ala syang message sa cp ko. ewan ko, pero prang naiinis ako pag d sya ngttxt. So, bngay ko landlyn namin sa bhay. Un na, tumawag na sya. Nag-usap kme. Bgay nga sya sa trabaho nya. Ang linis ng boses nya sa fone. Ang swabe ika nga… tapos nag-usap kme tungkol sa gusto nya. Dmi ko nlaman. Bsta.. sobrang kulitan kme that tym.

I realized one day na naiinluv na pla ko sa knya. Parang sobrag attached na ko sa kanya at auko ng mawala pa sya saken bruin mo, first time ko mkatagpo ng txtm8 na gnun kgaan ang pkiramdam ko pag kplitan ko ng msgs. Ito pa ang nkakatuwa sa mga message nya… "Asus…", "Haaayyy", "Ü", "mga banat mu weh…", paggamit ng "z" ex. Kggzng, paaliz. "heheheii…", "ewan!!!" at ang walang kamatayng blangko at smyl. Nakakatuwa tlga. Akala ko nung una, ndi un love. Sabi ko, bka naninibago lng ang ako dhil kkiba tlga sya. Sbi ko pa nga, ung txt ang mhal mo, ndi sya. Pero I was wrong…sobra.

Mhal ko pla sya tlga. I admit, nung una, cnusubok ko lang sya. Pero nung lumaon, mhal ko pla sya tlaga. Akala nya nag t3p lang ako. Nagbibiro. Pero seryoso ko sa bawat I love u na pnapasa ko. mnsan nga pkiramdam ko, naiinis na sya dhil sa oras oras na iluv u ko. pero la ko mgagawa. I can’t help my self na sbhan sya na mhal ko sya. Oo, gago ko kse alam ko ala nman ako mapapala. Pero I insisted na khit ako lang ung nagmamahal, ayos lang. wala kong pkialam khit ako lang mgmhal, khit alang sukli at kapalit ung pagmamahal ko, ayos na saken un. Wala kong demands, wala kong hiningi na khit ano…

Ewan ko, pero cmula ng maging txtm8 ko sya, prang d na ko tumigil sa pagloload. Lage na ko my load, at lagi png unli. Mnsan my tawag pa. speaking of tawag, ngttwagan kme. Mnsan 3 mins, mnsan 5. bsta ung free col ko, gngamit ko lang sa knya. Wala kong ibang pnagga2mitan kundi sya lng. Nakakatuwa pa e ang payong. Since gabi na sya kung umuwi, mnsan, umuulan. Lagi ko sya pinapaalalahanan na mgdala ng payong. Mnsan, nstranded sya sa mall dhil sa lakas ng ulan. Tapos nung ako nman ang walang payong, aba nagalit. Bat sya daw, lagi ko cnsabihan na magdala ng payong, pero ako d ko msabihan ang sarili ko. nababanaz daw sya saken. Sabi ko, d nman umuulan eh, pero sa knila pla, mlakas ang ulan. pero sa 22o, my payong ako. D ko lng cnbi, natututwa kse ako na naiiniz sya dhil ala kong payong(hnggang ngaun d nya un alam…hehehe)

Dmi pa kong kwento, pero d ko na isshare. Pero lhat ng nangya2ri smeng 2, mula sa cmpleng txt, hnggang sa mga twag, nkasave sa calendar ng cp ko. nka dokumento halos lhat ng pnag-uusapan namin. Ewan ko, npkhalaga tlga nya saken kya gnun. Grabe, pag bnbasa ko un, iba ang pkirmdam ko. mnsan nga, sbi ko, sanaa ndi na un mtapos. sanaa tumagal pa ung gnun kme. Masaya tlga ko sa knya.

To make the long story short (pero ayoko na ikwento dhil eto na ung sad part ng story.) Oct.02, esyactly 2 months after naming magkakilala. Ngtanong sya kung pde daw hntayin ko sya, kasi d pa sya naka-unlimited. Sbi ko nman, ayos lang, khit hnggang umaga, kaya ko maghintay bsta sya. Swear, ndi ako ntulog, pero ewan ko kung baket. Sobrang late dmating ung mga messages nya. 1 AM na dumating ung iba. My txt pa sya na "Kyang maghintay hnggang umaga ha..ewan!!!" pero d nman tlga ko ntulog. Hinintay ko nga sya, dhil sobrang miss ko na sya (kse kttapoz lng ng bagyo) d sya tumatawag, d dn nagttxt. So un. Nag sori ako. D ko nman un ksalanan, pero pra ala na lng away, ako na nag-sori. ayos nman, un na, nagkwentuhan na kme.

Mya mya, nagtxt sya (e2 ung xsaktong txt) "syangapla, mraming mraming mraming mraming mraming mraming mraming mraming mraming mraming slamat sa lhat lhat.. sa caring, sa sacrifice, sa pagpu2yat, at hgit sa lhat sa pagmmhal na bngay mo saken..wla lng.wag mo sanaang pbbyaan ang srili mo…ingat ka lge…zge…nytnyt…mwuahh"

Huh???? Kkgulat no? bket kya sya nagppsalamat? Knkbhan ako. Tas eto ung sunod na txt:"guz2 ko dn sanaang mgsory, sory kung d ko nsu2klian ang pagmmhal na bnbigay mo…im so unfair!!im rily sorry… lalo na kpag nssakatan kta…ndi ko znsadja…wag ka na umiyak..sorry." whheewww..anu 2? Nttakot na ko. prang iba na to ah… mya mya nman "pde b kong humingi ng pabor sa yo?" "wag mu sbhin sa akin na klmutan na kita?" reply ko… "sanaa 2ruan mong puso mo pti na rn ang srili mo na khit unti unti eh m22nan mong klimutan ako…kya mo yan… hnggat maaga pa, hnggat my oras pa…kya mu yan…alam kong kaya mo..mpgbbgayn mu b ko?"WWWWAAAAAAAAHHHHH…… sbi ko na nga ba.

Iba tlga pkiramdam ko. may mali dun. ndi pde!!! ayoko!!! wag gnun!ndi ko un kayang gawin… nagmmkaawa ako sa knya na wag nman sanaang ipagpilitan na klimutan ko sya. Tapos, eto reply nya sa tanong kong bket "hndi ko alam..pro nhihirpan na ko… hyang hya na ko sau..filing ko ansama sma ko. hrap na hrap na ko.aukong sktan ka… " at anung tngin mu sa gngawa mu saken? pnpasaya m ko?...

***a!!! aukong mwala ka saken, aukong iwan mo. Nsanay na kong anjan ka, nasanaay na kong nkakausap ka? Bat kung kelan 2 bwan na eh saka m ko iiwan? Naiyak na ko..kasma na uhog, tapos pwis kse brownout, anu ba? Nhihirapan akong huminga... nman..bat ngaun mu pa naicipng mag paalam? "Lam mo ba, sa maniwala ka’t sa hindi, umiiyak ako ngaun... aukong mwala ka, pro aukong umabot sa pun2ng ms2ktan kta. .." haayy..ndi ko kaya ang pnapagawa mu sa ken. Icp ako ng icp ng mga bagay na tungkol syau, kng my gnawa b kong mali o nasabi b kong msama para gawin m 2 saken? Ngmura na nman b ko ha? Wala kng maibigay na konkretong dhilan, bsta ang gusto m, klimutan kta. Gnun b un kdali para sayo? Bsta wla lng..gusto mu lang na klimutan ko ang taoong mhal ko? anu ba? "slamat. Mami2s kta. Mami2s kta ng huz2.mami2s ko lhat lhat ng tungkol syau..hay..san mpatawad m ko.mwuah.=’c" hello??? Bket kta pttwarin? Anu b gnaw mo? Wla nman dba?

Para ka lng nman nagtaboy ng pusang pintira mo sa bhay. Pra ka lng nman nagpunas ng tulo ng ulan sa sandong itim mo.o nagtapon ng yosi na paborito mo. Ang hindi mo alam, ung pusang pinatira mo, mahal na mhal ka. Mm2tay un pag pinalayas mo. Ung ambon na tumulo sa sandong itim mo? Magmamantsa lng un dun, dhil dun sya unang nkaranas ng pagiging masya. Haaayyy… pero cgue…

Kung un ang alm mong mkakabuti at makapag ppsaya syo, go ahead. Im giving u up. Auko nman ng dhil lng sa isang tulad ko, sa isang tulad ko lang, e magsakripisyo ka ng mga bgay na magdu2lot syau ng kligayahan. Auko msira ang buhay mo sa piling ng taon mhal mo dhil sa ken. Wala akong mgagawa kung yan ang gusto mo mangyare. sanaa maging masaya ka sa lahat ng oras sa piling nya. OO, hinhayaan na kitang kalimutan ako, pero ikaw, d ko mkklimutan. Slamat sa bawat txt, sa bawat pang-aasar, sa bwat tawag, sa bwat tawa, sa laht lhat ng naidulot mo sa buhay ko. wala kong pinag ccchan sa lhat ng nangyare, lalo na ang makilala kita. Ndi ko ibabaon sa limot ang lhat ng un, d gaya ng sabi mo na ibaon ko na un lhat sa limot.

Habang buhay kong ittreasure ang bawt ala ala na naiwan mo saken. Mhirap klimutn ang gaya mo. Kaw na rin nagsbi, iba ka. Paano? Paano kta mlilimutan gayong ikaw lng ang ngapapasaya sa araw ko?sbihan mu na akong OA pero iun un eh. Akla mo lang, akla mu lng kung gaano ko inaasam na mgtxt ka, na tumawag ka bgo umuwi gling trabaho. Oo... wala na ang lhat ng un. Wala na kong aasahan. Paalam na sayo.. ikaw na bumuo ng pagkatao ko, ikaw na nagturo kung paano maging saya at mging mligaya khit sa mga smpleng bagay lang. paalam kaibgan, katawanan, kaasaran, kakwentuhan, kakulitan, paalam sayo. Ndi ko mlilimot ang gaya mo. Magalit ka na kung d kita mggawang klmutan, pero mas maiging mmtay na lng ako, kesa klimutn ka. Bsta, tndaan mo, d2 lng ako lage. Hihintayin ko ang pagbblik mo. Wag ka magddlawang isip na twagan o itxt ako pag my problema ka. Wag ka mguilty sa nangyare, wala ka nmang gnwang masama. Gusto mu lng maging msaya ndi ba? Hihintayin kta, khit ilang taon pa , khit 5 years gya nga ng sabi mo. Cguro, d2 na mttapos ang lhat para sayo. pero ako? Itutuloy ko ang bwat ala ala at pagkakataong bngay mo. Slamat…d2 lang ako. Txt m ko, o kya tawagn mo ko sa bhay. Maghihintay ako na my ttawag uling detective d2 at ssbhing, "Hello, good evening po. Pde po bang mkausap c _______, anjan po ba sya?"

Pag minahal mo daw ang 1 tao sa maraming dhilan,
May ilan din syang dhilan para ikaw ay klimutan.
Paero pag mnhal mo ngg di alam ang dhilan...
Tiyak, di mo rin alam, kung paano sya mkklimutan.!

Paalam po…yngatan mong sarili mo. Wag mu pababayaang saktan ka nila. Wag mong klimutan na may isang taong nagmamahal sayo ng higit pa sa inaakala mo, ng higt pa sa alam mo.paalam po…slamat sa lahat.mahal na mhal na mhal na mhal kta.

Dexz
October 03, 2006


 

No comments:

Post a Comment

Iputok mo ditto, Pre!