Sunday, September 4, 2016

KARANASAN NG ISANG CALLBOY 7-8


KARANASAN NG ISANG CALLBOY…….Danny Lim Fernandez (Part 7)

 

(Karugtong)

 

 

 

Mag alas 10 na umaga ng ako’y ginising ni Ruel…  Dali-dali akong nagbihis dahil medyo tanghali na.

 

 

 

Bimbo            O bro!…maligo ka muna bago umalis.

 

Danny           Hindi bali bro!!!…sa bahay na lang ako maliligo.  Dahil baka nag-alala yung mga ‘yun sa akin…Dalawang araw na kasi akong di’ nauwi, nakakahiya naman din sa kanila….   (Nakita kong lumabas si Ruel sa banyo at basa pa, naliligo ata).

 

 

 

Ruel              O pards, eskapo ka na!..

 

Danny           O pard!…medyo tanghali na nga…. Pards Ruel, pass muna ako ngayong gabi dahil bukas, alam mo namang  may trabaho pa ako sa kabila pero mag-papaalam na ako sa pinapasukan ko…  Baka sa Lunes na lang uli ako pupunta dito at isa pa, medyo pahinga muna tayo dahil dalawang araw din tayong sunod-sunod na natoma…

 

 

 

Ruel              O sige, di ikaw, hihitayin ka na lang namin sa Lunes, mga alas-9 dapat andito ka na…OK…

 

 

 

Danny           OK!!!!….Oi!!!…bimbo alis na ako….

 

 

 

Bimbo            O sige pards!,, ingat sila sa iyo!!..he!he!he!!!.

 

 

 

Umalis ako, nag-abang ng jeep papuntang paco sa may m.h. del pilar.  Dahil ang mga jeep kasing galing sa pier papuntang paco or Sta. Ana dumadaan sa m.h. del pilar.  Hindi nagtagal, nakasakay din ako.  Pagdating sa paco, pumunta ako sa paradahan ng mga jeep na papunta naman din sa pandacan…at medyo tamang-tamang ang dating ko dahil pinupuno lang ang jeep at aalis na….   Medyo lumakad pa ako ng kunti dahil medyo may kalayuan din ng kunti yung main road at papasok pa ako sa ibang iskinita…. Habang naglalakad ako, nag-isip ako ng alibi kung ano ang dapat kong sasabihin sa kanila.  Mabait sila sa akin at tinuturing nila ako na kapamilya nila at ayaw ko mag-alala sa akin at mag-isip ng masama na baka naman inaabuso ko sila sa kabaitan nila.    Pag-dating sa bahay, mag 11:30 A.M. na. at umakyat ako sa hagdanan at binuksan ko ang pintuan..

 

 

 

Pag-bukas ko ng pintuan ay tamang-tamang naghain na sila para sa tanghalian…at yung dalawang anak nila na naglalaro sa sala sina boyet at Merly..

 

 

 

Oi!!!….sabi ni Ate Anita, ang asawa ni Kuya Boy, na naglalagay ng pinggan sa mesa.  Bakit ngayon ka lang Danny, dios me na bata ito!…Alam mo bang nag-alala kami sa Kuya at kina ate Clarissa mo (Kapatid niyang matandang dalaga) at ni Lagring (kapatid niyang dalagang bunso)……

 

 

 

Danny           Pasinsiya na ho!!!…medyo napasubo ako…Isa pa, naghahanap ho ako ng trabaho, kasi parang hirap ho ako doon sa pinpasukan ko… Kaya naghanap na lang ako ng iba na medyo hindi naman ganoon at nakakita naman ho ako.  Medyo doon na lang nga ako natulog din sa kakilala ko, dahil medyo gabi na rin at siya rin ang nagpapasok sa akin…

 

 

 

Maya-maya lumabas si Kuya boy galing sa kwarto, medyo kagigising lang ata, seguro narinig yung boses ko…Paglabas pa ay medyo kinuskus pa ang mga mata ng kanyang kamay.

 

 

 

Kuya Boy          O anong nangyari sa iyo bata ka at ilang araw kang hindi na-uwi sa bahay…Hindi tuloy alam ni ate anita mo kung anong gagawin, kasi hindi naman kasi ganoon na biglang-bigla na hindi man lang nagsabi o nag papaalam na hindi uuwi…Sus ikaw na bata ka…e alam  mo namang maynila eto at maraming tarantado dito.

 

 

 

Sinabi ko rin ang ang sinabi ko kay ate anita na may trabaho na ako…

 

 

 

Ano nga pala ang bago mong trabaho ngayon? Tanong ni kuya boy sa akin.

 

 

 

Sa bar o club kuya, isang waiter.

 

 

 

Kuya Boy          E ba’t hindi ka nagsabi sa akin, maipasok  naman kita doon sa pinapasukan ko, sa El Bodegon (Syanga pala, si Kuya boy isang pianista at doon siya napasok sa El-Bodegon sa Ermita)…Medyo may kakilala ako doon at seguro pwede kong pakiusapan.

 

 

 

Danny           Di na seguro kuya, dahil wala pa naman akong experience, pero doon sa pinapasukan ko, no need experience kaya tinanggap ako…Isa po, gusto ko na hong mag-aral, medyo isang taon na ho akong nabakante at sana naman makapasok ako this coming semester, medyo sayang nga yung isang taon na hindi ko pinasukan…..

 

 

 

Kuya Boy          O sige, bahala ka bata ka….OK naman yata ang napasukan mo…Kung may problema ulit, sabihin mo sa akin at akong bahala sa iyo..  Asaan ba yung dalawa (tinutukoy niya sina Clarissa at lagring)…

 

 

 

Ate Anita          Ay naku!…si Clarissa andoon sa tindahan inutusan kong bumili ng softdrink at si Lagring naman, maagang pumasok at may gagawin daw doon at may service.  (Si Ate Anita at lagring ay magkasama sa pinapasukan nila, isa silang beautician pero parang private yun dahil halo-halo ang trabaho nila, yung magugupit at nag mamanicure * pedicure at ano pa dahil yun ay exclusive lang din sa mga private groups).

 

 

 

Maya-maya, may pumasok sa pintuan…

 

 

 

Ate Clarissa          O ano nang nangyari sa iyo, akala namin na salvage ka na! he!he! he!! (pabiro)..

 

 

 

Danny           Hindi naman ata, naghanap lang ako ng trabaho..

 

 

 

Ate Clarissa          (papalapit sa mesa at iniligay ang family size ng pepsi)….O ano OK ka naman sa bago mong pinapasukan…

 

 

 

Danny           Oho….

 

 

 

Kuya Boy          O sige kumain na nga tayo, at medyo mainit pa ang pagkain….Hoy…(kianusap si ate anita)…tawagin mo na yung mga bata na naglalaro dyan sa sala….  O ikaw danny, upo na at kakain na tayo habang maiinit pa ang sabaw….

 

 

 

Tapos naming kumain, tumulong na rin akong nagligpit… pinunasan ko ang mesa at tinulungan kong magligpit nag kinainan namin si Ate Clarissa….

 

 

 

Ate Clarissa          Danny, mag-igib ka nga ng tubig sa poso at kukulangin itong panghugas ko….

 

 

 

Oo ate, sandali lang at magpapalit ho ako ng suot ko.  (Nagpalit ako ng sando at short)…Kinuha ko ang dalawang timba at nagpunta ako sa may poso….Medyo may mga nag-iigib din kaya medyo naghintay ako…May mga naglalaba sa gilid at yung iba sa medyo malayo-layo ng kunti sa may poso dahil mainit at tanghaling tapat.at doon nag lalaba sa may lilim sa may puno ng kamatsili.

 

 

 

Tumingin ako sa paligid at tumingin ako s apartment na katapat na poso (apat na pintuan na paupahan)…Nakita ko yung mama sa tindahan na lagi na lang nakatingin sa akin tuwing dumadaan at nag-iigib ako ng tubig sa poso..  Medyo laging nakasimangot, ewan ko kong galit sa akin, hindi man lang nangiti, pero hindi ko pinapansin… Seguro anak siya sa may-ari ng tindahan…

 

 

 

Hoy!!!!..(may tumawag sa akin sa likod)…Ni lingon ko at si Mercy…yung anak na dalaga sa katabi naming tindahan na lalaba din, kaya  medyo hindi ko nakilala dahil nakatalukbong ng tuwalya sa ulo, seguro para hindi gaanong maiinitan…  Medyo alam ko rin na may gusto sa akin kaso lang parang nag-alinlangan pa ako dahil marami pa akong dapat na gawin sa sarili ko…Medyo laging nagparamdam at nagpapahiwatig sa akin… noon pa man pero hindi ko pinapansin, pero lagi ko siyang binibiro.

 

 

 

Mercy    Ngayon lang ata kita nakita. A!…Saan ka ba naglalagi!…Kahapon nga tinatanong ko sina ate Anita at Ate clarissa, hindi ka raw nauwi!

 

 

 

Danny           A, may nilalakad lang ako na importante, kaya doon muna akon nakikitulog sa kaibigan ko….

 

 

 

Maya-maya, ako na ang kasunod na sasalok ng tubig sa pila…..nang mapuno ang dalawang timba, nag-paalam ako kay Mercy na mauna na ako sa kanya…  tapos nakita ko sa may tindahan na nasa labas yung binatilyo na naka short at yung hinubad na t-shirt ay siyang pinang-paypay niya, seguro naiinitin pero  hindi ko na lang tinetingnan dahil nakatingin pa rin sa akin…..  Binuhat ko ang dalawang timba at tumuloy na sa bahay.

 

 

 

Noong gabi, pagkatapos naming, kumain ng hapunan….  Naisipan kong maglaba dahil gabi na at seguradong walang tao sa poso, baka wala pa nga akong karibal kung maglalaba ako.  Isa pa, medyo nahihiya din akong maglaba ng may araw dahil kalalaki kong tao, naglalaba sa public na poso…Kaya ganoon ang ginagawa ko, sa gabi ako naglalaba..

 

 

 

O saan ka pupunta Danny?  Tanong ni Ate anita na nanonoud ng TV.  Hindi kasi niya napansin yung labahin ko na andoon sa balde.

 

 

 

Danny           Maglalaba ho, e may kunti akong duming damit,  gustong kong labhan…

 

 

 

Ate Anita          Ay naku, bukas na yan at ibigay mo na lang kay ate Clarissa mo para isabay sa labahan bukas total kukunti lang naman yang lalabhan mo….

 

 

 

Danny           Hindi na ho bali, ate, at gusto ko rin naman at isa pa, gusto kong maligo dahil hindi ako nakaligo sa araw na ito, para mamaya pagtulog ko, medyo presko naman ang pakiramdam ko…

 

 

 

O sige kung yan gusto mo…..sabi ni Ate Anita.

 

 

 

Bumaba ako at nagtuloy sa poso…Seguro may 8:30 na ng gabi. Nag-short ako na kulay light yellow at nakasando…..Habang naglalakad ako patungong poso, sinulyapan ko ang tindahan, bukas pa..dahil may ilaw naman sa loob at sa labas ng tindahan.. Gabi na rin sila kasi ring magseserado, seguro either 11 or 12 PM….  Napansin ko na yung binata ay nasa labas naka-upo, seguro naiinitan, doon na-upo sa labas ng tindahan dahil nasablay yung kanyang pang-itaas sa balikat niya..  Medyo nga naman maiinit at maalinsangan ang panahon….  Tuloy-tuloy ako at hindi ko na lang inintindi yun….  Pagkatapos kong nag-laba,  tinabi ko na ang plaanggana kung saan andoon ang mga nilabhan kong damit at sinahod ko uli ang timba…  Hinubad ko ang sando ko at sinabit ko sa may puno ng kamatsile na katabi ng poso….  Pinono ko muna ng tubig ang timba at, kinuha ko ang pangsalok na plastik na lata at binuhusan ko ang sarili ko ng tubig..  Ang sarap ng tubig, medyo malamig-lamig na medyo mainit ng kunti.  Ang sarap ng pakiramdam ko…  hinilod ko ang katawan ko ng kamay ko dahil parang malagkit ang pakiramdam ko seguro dahil hindi ako nakaligo sa araw yun, kaya bumawi na lang ako nitong gabi….  Kinuha ko ang sabon na pamapaligo ang inumpisahan ko ng sabunin ang katawan ko…. Napalinga ako sa may tindahan.  Aba, iba na ang nagbantay, isang dalagitang babae na seguro kapatid niya, tumingala ako sa itaas dahil two floor kasi yung apartment.  Napapansin ko na yung kabilang parte , seguro yun ay sala o kwarto at biglang namatay ang ilaw, tapos parang sinerado ang jellosi ng bintana…  hindi ko pinansin yun baka kako natutulog na seguro sila dahil medyo gabi na kasi, seguro mag 10:30 or 11:00 PM sa tingin ko.  Ang sarap magsabon talaga sa katawan mo lalo na pag sa baba, ang sarap paglaruan yung kargada ko..  tapos sabay hilod sa kamay mo sa mga tagilid-tagiliran…. Kaya Ganado ako, e medyo hindi rin ako nahihirapan dahil d-garter naman din na short ang suot ko na para bang pang-sport, kaya lang kasi, pagnabasa, medyo kung pansinin mo medyo maaninag mo talaga ang nasa loob, lalo pa medyo manipis ito…  Pero sa akin OK lang dahil, ako lang naman ang tao sa poso walang karibal, solong-solo….  Kinoskos ko ng sabon ang katawan ko mula liig hanggang tiyan tapos dukot naman at sinabunan ko  yun kargada ko, pero sa totoo lang, pag-minsan yung bang hindi sinasadya, lumalaki talaga, seguro dahil medyo sa madulas o medyo nasasagi seguro… Pero totoo naman yan, di ba…Maski kayo nga nasubukan na rin ninyo yan maski walang ine-imagine…Sa hindi ko sinasadya, napalinga uli ako sa kabilang apartment, at napaharap ako.. Napansin ko na parang naka-angat ang bintanang Jellosi, at may napansin akong medyo may ilaw ata na may kulay, parang kulay pula.  Medyo parang may naaninag ako na parang may nakatayo sa may bintana, kaso lang hindi mo talagang alam kung sino dahil medyo anino ng kunti na may nakatayo…

 

 

 

Ewan ko rin at bakit naiisip ko rin yun…Seguro parang nakatuwaan ko rin…Kaya ang ginawa ko, doon ako naharap sa apartment…Actually hindi naman din, gaanong malapit yung public na poso, para bang sa kabilang side ng kalye, pero nakikita rin kung may taong gumamit ng poso dahil ang katapat lang nito ay ang poste ng meralco na may ilaw..  Kaya kung ikaw na talagang pinapansin mo ako, makikita mo rin ang situation ko….Medyo tumingin ako sa bawat paligid, walang tao.  At isa pa, sa ganoong oras ay walang gaanong katao-tao dahil kinabukasan nga ay Lunes, syemre unang araw sa trabaho at yung mga pumapasok sa school…

 

 

 

Kaya lalo kung pinag-igihan ang pag-sabon ko sa katawan…at mas lalo na sa baba….Sa tototoo lang. kung may dumaan sa may poso seguradong mapapansin ako sa pinagagawa ko , dahil, sa kakoskos ko sa uten ko, tinitigasan ako, seguro dahil na sa sabon.  Mamaya kunti binalikan ko ng tingin ang bintanang jellosi…Medyo malaki na ang pagkaangat nito at nawala naman ang ilaw na pula, pero na aninag ko na may tao dahil, parang may kunting ilaw na napapsin ko…seguro binuksan niya ang pintuan niya sa may sala at yun ang pinang-ilaw niya seguro… Ewan ko kung sino yun….Kaya heto pinabayaan ko na lang kung sino man siya, baka kako nagkakataon lang seguro…  Shit!!!!…sa isip ko, ang sarap atang mag-bati a!…pero mahirap na, baka makikita ako dahil nasa public poso ako….Talagang inutugan din ako sa kakasabon ko….Kaya ang ginawa ko, binuhusan ko ng binuhusan ng tubig para lumiit uli…E mahirap na nag pag-uwi mo galing sa poso at may masalubong ka, ay talagang nakakahiya..he!he!he!!!…e nipis pa naman ng short na suot ko, kaya kung titigas at bubukol, segurong makikita na nakaangat ang harapan… Buti kamio, tinablan din sa kabubuhos ko…

 

 

 

Maya-maya, nagpunas na ako ng tuwalya….  Pinunasan ko ang ulo ko, noong napalinga ako uli sa tindahan, nakita ko yung mama na nasa labas na uli, panay pagpag sa t-shirt niya sa likod seguro naiinitan…  Napatingin ako sa kanya…habang nagpupunas ng tuwalya….nangiti siya sa akin….(syempre ako lang naman ang tao doon, syempre sino pa bang ngingitian), medyo, nag response din ako, ngumiti rin ako at medyo kinaway ko ang kamay ko (hindi yung nagtatawag ha), tanda sa pagbati ko…

 

 

 

Oi, pare!…gabi na ata tayong naligo a!!!!….yun ang sabi niya (Aba nagsalita na!).

 

 

 

Oo nga ‘dre, medyo hindi kasi ako nakaligo nitong umaga, kaya bumawi na lang ako ngayong gabi at sinabay ko nang labhan ang tatlong t-shirt at dalawang pantalong maong ko…. Yun ang sabi ko

 

 

 

Medyo lumapit siya ng kunti para magkarinigan kami dahil andoon siya sa kabilang kanto ng kalsada.   Medyo binuhat ko na yung mga dala-dala ko…Nilagyan ko ng tubig ang timba para hindi naman masayang tapos binitbit ko na….

 

 

 

Di ba ikaw yung nakatira kina kuya boy?  Yun ang tanong niya sa akin..

 

 

 

Medyo mabigat din yung timba, kaya binaba ko na rin.  At…….Oo ako nga, bakit mo naman natanong?  Sabi ko..

 

 

 

Kasi nakikita kita , bihira lang!…… Siyanga pala!!!!….(lumapit na talaga siya sa akin)…..Ako nga pala si Ed,..(medyo inabot niya ang kamay niya, kaya kinamayan ko na rin)….sabi niya…   Ako naman si Danny, yun ang sagot…

 

 

 

Danny           Alam mo Ed, akala ko suplado ka.

 

 

 

Ed                Bakit mo naman nasabi sa akin yan, mukha ba akong ganoon?

 

 

 

Danny           Kasi tuwing nakikita kita, parang laging nakasimangot ka akala ko medyo galit ka sa akin…

 

 

 

 

Ed                (Medyo ngumiti)..Hindi naman seguro….Seguro ganoon lang ako, pero mabait naman ako…Kaya lang, ugali ko na, pag hindi ko kilala, parang wala..  O sige na, umuwi ka na at basang basa ka pa para makapagpalit naman…

 

 

 

(Binitbit ko uli ang timba dahil tutuloy na sana akong pauwi)  Inakbayan niya ako at…..

 

 

 

 

Ed      kung hindi lang gabi na, sana makapagkwentuhan ako sa iyo…OK ka pala dan, akala ko katulad ka sa mga binata rin dito sa atin…

 

 

 

Danny           Ano yun ?  (medyo napakislot ang noo ko)  At ang init ng braso niya na nakalapat sa balikat ko?  Seguro dahil kaliligo ko lang at syempre nadikitan ng medyo kontra sa lamig..

 

 

 

Ed      Kasi karamihan dito, mga walang trabaho kasi, kita mo laging nakatambay na lang dyan na walang pinagagawa kundi ano-ano…Lasingan dito, gulo doon …Kaya ako, hindi ko pinansin dito ang mga iyan…  Sige, kitakita na lang ulit tayo, andito lang naman din tayo, pero next time, kwentuhan din tayo…(tinapik uli niya ang balikat ko)..

 

 

 

Danny           O sige, yun lang pala. Walang problema…Kung may happenings ka naman, pwede mo naman din ako iimbitahin…(pabiro kong sinabi sa kanya)….

 

 

 

Ed                O ba!…basta kung wala ka doon sa bahay ninyo, ipagbibilin ko na lang sa kanila…. Sige ingat…

 

 

 

Pag dating ko sa bahay, wala na si Ate Anita seguro natulog na dahil may pasok na kinbukasan , pero bukas pa ang TV, maya-maya, lumabas si Kuya Boy galing sa kusina at may bitbit ng isang boteng beer…  Tumuloy na rin ako sa kusina at ilagay ang tubig na inigib ko…

 

 

 

Kuya Boy          O danny, gusto mong iminom, pampatulog lang….Para may makasabay naman ako..

 

 

 

 

Danny           Nako kuya hindi naman ako umiinom…Alam naman ninyo!!!…Inaalok pa ninyo ako!!! Hehehe…medyo natawa pa ako… (Actually, umiinom ako sa labas, pero hindi akong umuwi na lasing na lasing dahil ang pagkaalam nila hindi ako umiinom kaya kung umiinom man ako  ay yung katamtaman lang, kaya nga noong mga ilang araw na lasing ako, hindi ako nauwi dahil nahihiya ako, ano na lang ang sasabihin ni kuya boy sa akin…Halos gabi-gabi na umiinom, e lagi akong inaalok tapos makikita niya akong lasing!…Kaya medyo nag-iingat din ako at ayaw ko na baka sabihin nila na, ito aayaw ayaw , yun pala malakas sa labas. Kaya ayaw kong mawala ang trust nila sa akin)..  O sige kuya, mauna na ako sa iyo, isasampay ko pa itong nilabhan ko at sabay na akong matulog, may pasok pa bukas…E kayo bukas pa ng gabi ang pasok ninyo..he!he!he!!…sabay tawa ng kunti.  (Kasi gabi naman ang pasok niya dahil pianista nga siya)…

 

 

 

Sinampay ko sa may balcon ang mga nilalabhan ko at naglatag na rin ako ng banig doon…Actually doon ako natutulong sa balcon dahil yun lang naman ang medyo malaki na lugar.. Nakikituloy lang din ako at walang upa at isa pa, medyo presko  din doon…

 

 

 

Nahiga ako…pero hindi pa ako dinalaw ng antok……Pinatong ko ang braso ko sa ibabaw ng noo ko….Nag-iisip….  Bukas Lunes na naman.  Anong alibi ang sasabihin ko sa company namin, bakit ako aalis…….Bukas nga pala ng gabi din, pinapunta ako ni Emily a club mga 7 PM.  Bukas na rin ako mag-uumpisa sa bago kong trabaho…Sana naman, makapasok na ako sa school para hindi masayang ang taon ko…Isang taon na akong hindi napasok, nanghihinayang ako sa panahong dumadaan……Dios ko tulungan mo naman ako…Sana alalayan mo naman ako….Wala akong malapitan kon di kayo lang po…….  Hanggang hindi ko namalayan na napikit na pala ang mga mata ko at nakatulog na ako…….

 

 

 

(May Karugtong......)

 

 

==================

 

 KARANASAN NG ISANG CALLBOY…….Danny Lim Fernandez (Part 8)

 

(Karugtong)

 

 

 

 

 

Alas singko y media, nagising na ako… narinig ko ang ingay sa kusina.  Bumangon ako at niligpit ko ang hinigaan ko.  Nakita si Ate Anita na may ginagawa sa kusina…  O gising na  pala kayo ate.

 

 

 

Ate Anita       Oo. E alam mo naman na papasok ang mga bata sa eskwela, kaya nag-handa na rin ako ng almusat at baon sa nga bata. 

 

 

 

Kinuha ko ang bunot at walis dahil ako ang naglilinis sa sala at balkunahi.

 

 

 

Ate Anita          Uminon ka muna ng cape danny para mainitan yung sikmura mo bago ka mag lilinis.  Heto may kape dito sa misa.

 

 

 

Lumapit ako uminom ng kape.  Pagkatapos, inumpisahan ko ng maglinis.  Bununutan ko ang sala, balkunahi hanggang hagdanan.  Tapos, nagpunta ako sa poso dahil maliligo, walang gaanong tao pero may naglalaba na sa tabi ng poso.  Tiningnan ko ang tindahan, hindi pa ata nagbubukas.  Magkatapos kong naligo bumalik ako sa bahay at nagbihis dahil papasok na rin ako sa trabaho.

 

 

 

Ate Anita          Danny, pwede bang ikaw na lang maghatid sa mga bata sa school, dahil masama ata ang pakiramdam ng ate Clarissa mo, ngayon lang naman at isa pa, madadaanan mo naman ang school ng mga bata.

 

 

 

Danny           Oo sige ate ako na ang maghatid ng mga bata, total maaga pa man din.

 

 

 

Paglabas ko sa bahay kasama ang mga bata, nakita ko si Mercy na nagwawalis sa harap ng kanilang tindahan.

 

 

 

Mercy            Papasok ka na Danny?

 

 

 

Danny           Oo

 

 

 

Mercy            Kasabay mo ata ang mga bata?

 

 

 

Danny           Oo, dahil masama ang pakiramdan ni ate Clarissa, pero Ok lang naman dahil doon naman din ako dadaan sa may eskwelahan.  Sige alis na kami.

 

 

 

Mercy            O sige, ingat kayo.

 

 

 

Hinatid ko ang mga bata sa school at hinintay ko pa silang makapasok bago ako tumuloy.  Nag-aabang ako ng jeep na papapuntang paco and hindi nagtagal nakasakay rin ako.  Dalawang sakay kasi ang pag-pasok ko…sasakay muna ako ng jeep papuntang pako tapos doon na rin ako mag-aabang ng jeep na papuntang pier.  Minsan may mga jeep din na galing sa Sta Ana tumuloy hanggang pier o kaya’y yung sasakyan na nakapara rin sa paco ay may papunta namang pier.  Nakasakay kaagad.  Sa jeep pa lang nag-isip na ako kung ano ang sasabihin o alibi ang gagawin ko sa office naming sa pag-reresign ko ng biglaan. Tumatakbo ang sasakyan, noong malapit na United nation dumungaw ako sa may kanan.  Sarado pa ang club, seguro tulog pas sila dahil maaga pa naman. doon ako bumaba sa may T.M. Kalaw dahil sa may kanto lang naman ang trabahong pinapasukan. 

 

 

 

Pagpasok ko pa lang sa building, nakita na ako ng guardia at binati ako…Dumating ako sa office may 7:20 na ang umaga at wala pang mga empleyado dahil 8:00 AM naman ang pasukan sa trabaho naming kaso lang medyo maaga ako dahil syempre bilang isang janitor, marami pa akong lilinisin.  Yung mga mesa nila, yung drawing board at kunting walis-walis…. Nililinis ko din ang toilet baka marumi dahil importante yun.  Mina-mop ko and dalawag CR  (pangbabae at panglalaki).  Tapos medyo nilinis ko ng kunti ang kusina dahil may mga plato at basong hindi nahugasan noon byernes ng hapon dahil nga may party noon at ang mga ka office mate ko ay hindi na nagsiuwian, tumuloy na lang kaming lahat sa party kaya noong beyernes pa ay may mga naiwang hugasan sa kitchen.

 

 

 

Quarter to eight, halos nagkasabay na nagdatingan ang mga ka-office mate ko. Si Aling Carmel na Admin. Assistant namin at yung secretary na si Sol ay andoon na sa office din,   Naupo ako sa kusina at nag-isip pa rin kung anong maganda kong sasabihin kay aling Carmel.  Hanggang may naiisip na ako.  Sinilip ko siya sa may kitchen dahil yung table naman niya ay nasisilip mula sa kusina.  Nakita kong nag-iisa siya ata wala yung secretary na si Sol.. Lumapit ako.

 

 

 

Aling Carmel     O bakit Danny, may kailangan ka ba?

 

 

 

Danny           Aling Carmel, may sasabihin ho ako sana sa inyo, medyo wala nga abiso kasi biglaan.   Hindi ko ho alam kung papaano ko sasabihin.

 

 

 

Bakit ano yun?  Tanong sa akin ni Aling Carmel.  Kasi po, ang tiya ko po andito at pinakuha ako ng mga magulang ko, dahil may sakit ang nanay ko at itong pasukan ho ay mapasok na ho ako ng school doon sa amin, e sa makalawa ho na ang alis niya pabalik sa lalawigan at kailangang kasama ako, sabi ko.

 

 

 

Medyo parang naka kunot ang ang noon ni Aling Carmel.

 

 

 

Sus ang batang ito o, biglaan naman ata yan.  Pero anong gusto mong mangyari ngayon…tanong niya sa akin.

 

 

 

Danny           Mag reresign na lang ho ako . effective ngayon ho…

 

 

 

Hindi nakibo si aling Carmel, parang may iniisip.  O sige, akong bahala, kausapin ko si Mr. Santos ang VP Senior natin….Akong bahala.  Pwede ba danny na sa araw na ito, magtrabaho ka na lang muna, para atleast habang ginagawa ang final settlement mo, hindi masasayang ang araw mo.  E doon pa gagawin sa main office yan, pero akong bahala, Kakausapin ko si Mrs. Reyes ang asawa ng ating Presidente.  Ako na lang ang gagawa ng paraan para mapadali ang pag-ayos sa mga kailangan para sa iyo.  Total dalawa naman din ang janitor sa main, pwede segurong mapakiiusapan si Mrs. Reyes na pwedeng gamitin ang isang tao nila for temporary habang wala pang nakikitang bagong janitor.

 

 

 

Danny           Marami hong salamat aling Carmel.

 

 

 

Aling Carmel          O sige-sige, ako ng bahala at kakausapin ko na ngayon si Mr. Santos habang umaga pa baka mamaya maraming gagawin yan at hindi na natin makakausap.

 

 

 

Bumalik ako sa kusina at at naupo sa misa.  Maya-maya, bumukas ang pintuan  Lumingon ako, si Sol pala yung secretary ni Aling Carmel.

 

 

 

Sol      O sabi sa akin ni aling Carmel, magreresign ka raw danny?  Bakit ?

 

 

 

Danny           Pinauwi na ako sa amin.  Andito nga ang tiyang ko at kinuha na ako at aalis na kami samakalawa.

 

 

 

Sol                A ganoon ba, o sige. (tapos balik pasok uli sa office).

 

 

 

Mag-alas kwatro na at tinawag ako ni Sol sa kusina at kakausapin daw ako ni Aling Carmel.  Pagdating ko sa kanya, binigay ang lahat ng settlement ko.   Medyo malaki-laki ang natanggap ko.  Binilang ko ang pera at sobra-sobra pa para makapasok ako sa first semester at makapag-paenroll na ako sa college maski isang sem lang.  Seguro by next 2 sem, on that time, tuloy-tuloy na seguro ang pag-pasok ko sa school.

 

 

 

Natapos ko ang dapat kung gawin at nag-paalam na rin ako sa mga kasamahan ko sa office, medyo nanghihinayang daw sa akin sa masipag daw ako.  Nag-paalam din ako kina aling Carme at ni Sol.  Pagbaba ko sa elevator, nakausap ko ang mga cleaner at pati ang mga guardia.  Kaya nabigla nga sila pero ang kinakatuwiran ko yung sinabi ko rin kina aling Carme.

 

 

 

Naglakad ako sa Mabini at tinungo ko ang club dahil ito ang una ko talagang pasok sa trabahong napagpasiyahan ko.  Medyo malapit-lapit na ako sa club, lumingon ako sa likod at baka may makakita sa akin na taga office naming baka ano na lang din ang sasabihin pag nakita nila ako.  Wala, wala akong nakikita na kilala ko….Medyo malayo palang nakita kong nakabukas ang pintuan ng kalahati, dali-dali din akong pumasok… Pagpasok ko sa loob nakita ko ang iba na nasa mesa at nagkwekwentuhan. (  Yun mga nag-stay-in doon)…May mga iba naman na napaaga ata ang pasok…. Nakita ko si Allan naglilinis sa counter at inaayos yung mga baso.

 

 

 

O  ano Dan…napaaga ka ‘ata….sabi sa akin ni Allan .  Medyo kaya lang galing pa kasi ako sa dating pinapasukan ko ko.  Sina Bimbo at Ruel, asaan nga pala sila…sabi ko.  A andoon sa itaas, kanina andito sa Ruel, pero umakyat uli, akyat ka na lang doon sa itaas, baka nag memek-up pa ang mga yun….Etchin!!!!…sabi ni  allan, sabay tawa…..Hoy biro lang yun ha!  Baka sasabihin mo sa kanila…nako majumbag ang beauty ko Alam mo naman ang kuya Ruel, he!he!he!!!…sabi ni  allan.   Hindi, hindi ko sasabihin yun….medyo nangiti na lang ako.  O sige akyat muna ako sa itaas….

 

 

 

Pag pasok ko sa kuarto, nagsusuklay si bimbo sa may salamin at si Ruel naman ang nagbibihis ng pantaloon. 

 

 

 

Ruel              O ano, ayos na ba? (yung salubong na tanong sa akin)

 

 

 

Danny           Oo bro, ngayong araw tapos na ako sa trabaho ko, at nagpaalam na ako.

 

 

 

Ruel              Good…  Matutuwa si mother sa iyo….

 

 

 

Syanga pala, kaya medyo napadaan ako dahil sasabihin ko sa iyo na may lakad pa ako pero babalik naman ako bago mag 9:00 PM, para hindi na ninyo ako hahanapin.  Basta andito ako bago mag. 9:00 PM…

 

 

 

Ruel              O sige, alam ko na ata yan…O sige, balik ka na lang dito mamaya.  Total Lunes ngayon, hindi ko alam kong maraming tao o wala….

 

 

 

O sige….aalis muna ako…Uy…Bimbo, pards, alis muna ako ha!!! Babalik naman ako mamaya.

 

 

 

Mimbo           O sige bro, hihintayin ka na lang namin.

 

 

 

Medyo paglabas ko sa club, medyo gabi na at madilim… Marami ng tao sa Mabini, dahil ganoon oras nag lalabasan ang mga taong nagtratrabaho sa gabi….Dumaan muna ako kina manang, yung dating iniistambayan ko na nagtitinda ng sigarilyo.  (Actually may pwesto sila doon na maliit na parang tindahan, kaya lang tama lang isang taong makapasok sa loob)… Naabutan ko si manang na nag-aayos ng mga paninda niya…

 

 

 

Manang          O danny, andyan ka pala… (Actually doon din ako sa kanya nangungutang ng mga pagkain at segarilyo at kung minsan nga pera pag kinapos ako ng budget ko).

 

 

 

Danny           Manang, iiwanan ko sana sa iyo ang pera ko, bukas ko na lang kukunin.  (sinabi ko sa kanya na may lakad ako at ayaw kong magdadala ng pera baka kako mawala o mapapaano, Alamo mo naman sa maynila maraming mga pangyayari na di natin inaasahan, mabuti na yung nakasegurado ako).  Nag-paalam ako sa kanya at nag tuloy ako sa dapat na pupuntahan ko.

 

 

 

Malayo palang , nakikita ko na ang club nila ni Emily na malaki ang signboard sa labas.  Habang naglalakad ako papunta sa club nila.  May nakita akong isang kasing edad ko na naglilinis ng motorseklo sa labas ng club na naka-short lang na maong at naka-sando.  Medyo sumilip ako sa may pintuan baka kako makikita ko si Emily pero medyo malayo ng kunti…

 

 

 

Pare, may hinahanap ka ba?  Sabi noong naglilinis ng motorseklo.  A oo ‘dre, nandyan ba si Emily….sabi ko….  A ikaw seguro ang sinabi sa akin, ano ngang pangalan mo?  Danny ba yun?  Sabi niya…A oo bossing, sagot ko naman sa kanya…

 

 

 

Sandali lang at tatawagin ko , kasi sinabi kasi niya sa akin…Andito siya kanina sa labas, pero pumasok din sa loob pero binilin din niya sa akin na kung may maghanap sa kanya at yun nga, danny ang pangalan, tawagin ko na lang daw siya sa labas.. O sige sandali lang ‘dre..  (binitawan niya ang basahan at nilagay sa may upuan ng motorseklo at pumasok sa loob ng club)…   Naunang lumabas si Emily.

 

 

 

Kanina ka pa ba?  (maya-maya, siya naming labas noong naglinis ng motorsiklo)  Hindi naman, seguro mga 4 minutes lang akong andito sa labas. 

 

 

 

Lumingon si Emily sa mama at lumapit at hinawakan ang braso  at hinilang papalapit sa akin..

 

 

 

Emily             Kuya lando ito nga pala si Danny yung sinabi ko sa iyo.

 

(Lando pala ang pangalan noong mama).  Nagkakilala na ba kayo, sabi ni Emily.  Hindi pa, pero alam ko na ang pangalan niya, pati pangalan ko alam na rin niya dahil binanggit mo naman eh!

 

 

 

(Tumawa si Emily at tinapik ang balikat niya) Ito naman si kuya o, pelosopo lagi… (Pero  nangiti lang si Lando)

 

 

 

‘Dre ako nga pala si lando (inabot niya kamay sa akin at inabot ko rin ang kamay ko sa kanya)…ako nga pala si Danny..(at nagkamayan kaming dalawa, medyo maganda na ang dating, medyo nangiti na.  Kanina kasi mukhang nakasimangot at para mukhang maasim yung  mukha niya)..

 

 

 

Sandali lang kuya at mag-usap muna kami ni Danny…sabi ni Emily (naka short lang siya at medyo naka-blouse)….Ba’t saan naman kayo mag-uusap, sabi naman ni Lando….Si Kuya naman, e dito lang e….medyo naglambing si Emily sa kanya…O sige, e akala ko sa malayo pa kayo mag-uusap.  Sige pa rin siya sa paglilinis ng motorsiklo niya.

 

 

 

Medyo lumayo kami ng kunti sa kanya para hindi maririnig ang pinag-uusapan namin..

 

 

 

O ano na? sabi ko…….. E…medyo parang nag-iisip pa ata si Emily a sabay haplos ng kanyang buhok…E..alam mo naman na ganito ang trabaho ko, OK lang ba sa iyo?  Sabi ni Emily…

 

 

 

Bakit?  Alam ko naman a…di ba?  At alam mo rin kung saan ako napasok? Yun ang sabi ko sa kanya.

 

 

 

E baka mamaya makikita mo akong may kasamang lalaki sa loob, e parti ng trabaho ko yun at yung itatable ako, ganoon din pero hindi ako sumasama, table lang ako at isa pa alam mo naman ding nagsasayaw ako, baka anong sasabihin mo sa akin?..sabi ni Emily…

 

 

 

Sus naman o!…sabi ko sa kanya..E trabaho mo nga yun e ano pa bang magawa ko, e ikaw, e ako ganoon naman din….E ano pa bang masama doon?  Pare-pareho lang naman ang trabaho natin, di ba?  Sabi ko sa kanya….

 

 

 

E ikaw, lalaki ka, e maski may makakita sa iyo, e wala yun…E sa amin, di ba?….sabi ni Emily..

 

 

 

Pabayaan mo sila, e hindi naman tayo namulistiya sa kapwa, e naghahanap buhay naman din tayo.  Ang masama yung nagnakaw tayo, seguro mas grabi yun di ba?

 

 

 

Parang nag-isip pa siya….  O ano! sabi ko hindi ko pa ba malalaman ang sagot at aalis na rin ako, baka naman naka-istorbo sa iyo….sabi ko.

 

 

 

Kunwari aalis na ako…….biglang hinawakan ang braso ko….O ito naman, parang  sira, e…oo na nga, sige….sabi ni Emily.  Anong sige….tanong ko naman sa kanya…. Di mag syota na tayong dalawa….sabi niya at sabay hawak sa baiwang ko…Medyo sinilip ko si Lando, nakatingin pala sa amin….

 

 

 

Hindi ba magalit ang kuya lando ninyo…Sabi ko sa kanya..

 

 

 

Sumilip si Emily at tamang-tama na nakatingin naman siya sa amin at kinawayan si Lando ni Emily na may kasamang ngiti… Medyo tumango lang si Lando noong kinamayan ni Emily…

 

 

 

Hindi, mabait siya pati nga erpat (tatay) ni Lando ang bait sa aming lahat, parang mga anak na rin ang turing niya sa amin at si lando naman para kuya na rin namin yan sabi ni Emily…  Medyo tiningnan ni Emily an relo niya at…Ay mag 8:00 na pala, e paano…papasok na ako sa loob, e ikaw.?  Sabi sa kin… E mamaya pa, nga 9:00 PM pa ako papasok doon sinabi ko na rin kina Ruel at Bimbo.. E papasok na ako…sabi ni Emily.  Sige-sige pasok ka na! sabi ko sa kanya..  Kumain ka na ba?  Sabi ni Emily sa akin….. Hindi pa nga, sagot ko naman din……

 

 

 

Mamaya ha, sunduin mo ako! Sabi ni Emily…  O anon oras naman…sagot ko sa kanya.  Mga alas 2 na seguro dahil may gagawin pa ako.. sabi ni Emily…  O sige, andito ako bago mag 2 (umaga yun)…

 

 

 

Dumukot siya sa bulsa niya at may inabot sa akin.. O ito, kumain ka muna dyan sa restaurant bago ka rin pumasok, e ako nakakain na….Nilagay niya sa bulsa ko yung dinukot.  Hindi na lan ako nakibo…  O sige, ihahatid na kita doon sa may pintuan….sabi ko….Habang nakahawak na sa baiwang ko si Emily…. Medyo noong malapit na kami sa may pintuan, medyo napapailing na lang si Lando at napangiti…  Pumasok si Emily sa loob at naiwan ako sa labas.

 

 

 

Aalis na sana ako…….

 

 

 

Mabait si Emily pare koy… bilib din ako sa kanya.  Matagal na ba kayo? Sabi ni lando..

 

 

 

Medyo hindi na ako natuloy na umalis…

 

 

 

E medyo..sabi ko…  Kasi ngayon lang kita nakita e… sabi ni lando na nakatingin na sa akin at pinunasan niya ang kamay niya sa basahang ginamit niya sa panglinis ng motorseklo..

 

 

 

E seguro hindi lang tayo nagkakataon… na nagpang-abot…sagot ko naman sa kanya..  E anong trabaho mo naman…tanong ni lando sa akin… a dyan lang…waiter sa club…yun ang sagot ko…  Medyo napayango lang siya…  Nag-aaral ka ba? Tanong uli sa akin……Baka nito semester, papasok na ako sa college, naghahanap pa nga kung saan ako papasok dahil hindi ko alam… sabi ko sa kanya.

 

 

 

Good…Doon ka na lang sa MLQ pumasok para sabay na tayo, kung gusto mo…yun ang sabi niya sa akin…Medyo parang nabuhayan ako ng loob at medyo ginanahang nakipag-usap sa kanya….   E kaso lang kasi panghapon ako papasok hindi umaga…sabi ko sa kanya…E ganoon din ako…dahil ayaw ko ring pumasok ng umaga, tinatamad ako at isa, maiinit din e…Hindi katulad sa hapon na medyo OK…E di tamang-tama lang pala. O ano, payag ka para sama-tayong mag-paenroll sa next month… sabi ni Lando sa akin… Oo ba!  Sagot ko naman…  

 

 

 

Para may makasabay naman akong pumasok sa school at isa naka-motor naman tayo, e libre ka na sa pamasahi….he!he!he!…pabirong tawa ni Lando sa akin…. Medyo nangiti lang ako….E ikaw ba, de singilin mo na lang ako pero huwag mo naman akong tatagain dahil syempre nagtipid din ako…..yun naman ang sagot ko sa kanya…….

 

 

 

Naahhhh….biro lang ‘dre!…sabi ni Lando sa akin…   Huwag mo nalang akong tatawagin na ‘dre…..danny na lang para ka namang hindi kaibigan…yun ang sabi ko sa kanya na pabiro…  O sige…di magtawagan na lang tayo sa pangalan natin…. Medyo natawa siya…  O di mula ngayon, Lando na ang itawag mo sa akin at danny naman ang itawag ko sa iyo….

 

 

 

Medyo lumapit ako sa kanya at inakbayan ko siya,…O paano lando, aalis muna ako dahil papasok pa ako sa trabaho… yun ang sabi ko sa kanya…bigla ding hinawakan ang baiwang ko…. O sige, OK lang yun, syempre trabaho muna di ba? Nangiti siya…  O paano aalis na ako….tinanggal ko ang braso ko sa pagkaakbay sa kanya at tinanggal din niya ang pagkahawak sa baiwang ko.  At nag-paalam ako sa kanya…

 

 

 

Tumuloy muna ako sa carenderia at omorder ng pagkain…tiningnan ko ang bulsa ko kung anong nilagay ni Emily .. tag bebenta pala.  So kumain ako at medyo biente lang ang nagastos ko.  Tiningnan ko ang relo ko, medyo maaga pa, 8:30 palang.  Omorder ako ng dalawang boteng beer at uminom ako.. Para medyo matunaw yung kinain ko…  Pumunta ako sa jukebox at pumili ako ng tugtug..   Hinanap ko yung tugtug na nagutuhan ko noong una kong sayaw sa club at pinatugtog ko uli.

 

 

 

 

 

(to be continued….)

 

 

 

 

 

No comments:

Post a Comment

Iputok mo ditto, Pre!