Sunday, September 4, 2016

KARANASAN NG ISANG CALLBOY 2


KARANASAN NG ISANG CALLBOY……..Danny Lim Fernandez

 

(Karugtong)

 

 

 

Wala akong nakitang mga babae sa loob ng club na katulad sa karamihang nakikita ko sa labas,  mga sinasabing bar or club na kung minsan nasisilip mo rin sa mga bintana na may mga babae.  Ang lugar na ito ay kaiiba ang dating.  Pero maganda naman ang lugar, contodo sa mga decoration.  Hindi na ako nakatiis, nagtanong na ako sa kanila.

 

 

 

D        Anong klasing club ‘tong lugar na  ‘to, mukhang iba ata sa nakikita  ko sa ibang bar o club.  Wala ba kayong babae ditong kasama?  Halos puro mga lalake ang nakikita ko ah!.

 

 

 

R        Dan, ito ang tinatawag ng gay bar.  Ang gay bar ay para ding club o bar,  kaso lang imbis na babae ang mag-estima sa customer, lalake ang mag-eestima.  Pati yung ka-table, lalaki rin.  Karamihang nagpupunta dito ay mga bakla o kaya’y silahis.  Paminsan-minsan din may mga mujer rin na pumapasok dito.

 

 

 

D        Anong silahis?  Anong Mujer? Ang alam ko bakla o bading.

 

 

 

R        Ay naku ika talaga o!!..Yung mujer, babae yun tunay at yung silahis na tinatawag e lalake rin yun, kaso lang, hindi mo makilalang bading o bakla sila, kasi ang porma lalake, pati boses pero ganoon din ang nararamdaman nila tulad sa bading.  Kaya ikaw mag-ingat sa silahis.  Malay mo ang kaharap mo lalake, yun pala silahis, yung nagkagusto sa lalake at gusto ang aliw ng lalake.

 

 

 

Maya-maya, sumigaw na si mother “Hoy, mag-umpisa na kayong mag-sayaw ha!”  sabi niya.  May sumagot naman “Mother, wala pa namang customer,e”.  “Maski mayron o walang customer, kailangang magsayaw kayo, baka mamaya may biglang customer na pumasok, aatras na lang dahil walang nakitang naglalambada dyan” sabi ni mother.

 

 

 

Nakikita ko na isa-isang umakyat sa mga kanto-kantong may ilaw ang mga lalake at nag-sasayaw.  Kaiba yung sayaw nila.  Parang sayaw din ng mga babae na nakikita mo sa mga beer house, kaso lang, mga lalake sila.

 

 

 

Bimbo            O ayos ka lang ba dyan Danny?  Mamaya pag-nagtratrabaho kami, dyan ka na lang at manood ka na lang para malibang ka.  Mamaya kasi, kung may customer, baka ma-itable si Ruel mag-isa ka na lang dyan.  Kasi sasayaw ako mamaya.  Andyan naman si Allan, paminsan-minsan kusapin mo rin,siya okay ba?

 

 

 

May sumayaw na dalawang lalake sa gitna na naka-underwear lang at yung isa ay bikini ata ang suot.  Biglang may nalag-lag, ashtray atang metal na kumalansing.

 

 

 

Brannggggg!….Krang!…Kring!..

 

 

 

“Ay ano yun!”….nabigla yung isang nagsasayaw sa gitna, at biglang pomormang bading ang poise at nagtawanan ang lahat na andoon.

 

 

 

Mother           Ano ba yan!…mga hudas kayo ha!  Pag-ganyan ang ayos ninyo, bukya ang labas ninyo.  Sige, bahala kayo sa buhay ninyo! (Natahimik ang lahat at nagbubulungan).  Doon siya naka-upo sa may malapit sa pintuan at may kausap.

 

 

 

Seguro mag alas 10:30 na ng gabi, tinawag ko si Bimbo dahil mag-paalam na ako na uuwi na.

 

 

 

Bimbo            Bakit uuwi ka na?  Maaga pa?  Wala naman kayong pasok bukas, di sama ka na lang sa amin.  Mamaya lalabas tayo, marami naman tayo at pupunta tayo sa disco.  Ano naman ang gagawin mo sa inyo, di ba wala? 

 

 

 

Danny           Hindi ba nakakahiya? Sa iba?

 

 

 

Bimbo            Bakit? andito naman kami ni Ruel at kilala ka na ng ibang kasamahan namin dito..

 

 

 

Sumabat si mother, “Anong bang pinag-usapan ninyong dalawa, ha?”

 

 

 

Bimbo            Si Danny mother uuwi na daw.  Pero sabi ko dito na lang muna siya total wala namang pasok bukas at isama namin siya.

 

 

 

Mother           Yun pala, e di dyan ka muna sa tabi, hintayin mo na lang ang mga iyan at may happenings ata!  At saka! Saan na naman ninyo dadalhin si Danny Aber! Baka kung saan-saan naman kayo maglalamyerda?  Charing lang!!!!….....O sige dyan ka na lang muna maupo Danny, tingnan mo ang mga kafatid mo at ng marami kang matutunan mga yan.  (Sabay alis at bumalik sa pag-kaupo at may kinausap na customer).

 

 

 

Bimbo            Ganyan lang si mother, mabait sa amin yan at lagi kaming pinaalahanan, para na kasi kaming anak-anakan niya. 

 

 

 

Danny           O sigi! Total ano naman ang gagawin ko sa bahay.

 

 

 

Bimbo            Good! Para makasama ka naman sa tropa.  O sige ako na ang susunod na sasayaw, dyan ka muna.

 

 

 

Actually, by batch ang sayaw nila, ‘ika grupo-grupo ang nag-sasayaw. Seguro nahati sa tatlong grupo sila at bawat grupo tatlong tugtog at pakatapos ng tatlong tugtog, palitan naman.  Si Ruel ay nai-table na, pero panay kaway-kaway sa akin.  Kaya medyo gusto ko nang umalis dahil medyo may tama na ako pero okay na ngayon, dahil parang biglang kumapal ang mukha ko, I mean na parang hindi ako nahiyang makipag-usap.  Dati-rati nga hindi ko kinusap si mother noon dahil nailang ako, pero ngayon, parang pakiramdam ko, kasama na ako sa tropa.  Ngayon nga lang nakausap si mother at nakangiti pa sa akin sabay akbay sa akin kanina.  Sa totoo lang din medyo nahiya rin ako kasi naka t-shirt lang ako ng puti at naka-maong na baston na kupasin pa.  Kaya andoon lang ako sa gilid ng counter nagmamasid. 

 

 

 

Padami ng padami ang mga tao, may nakita pa ata akong mga babae na pumasok.  Kaso nga lang madilim yung kinaupuan ko, andoon kasi ako sa sulok ng counter naka-upo.  Buti nga na lang at andoon si Allan sa counter at kung minsan binabati ako.

 

 

 

Allan             Oy Danny, okay ka lang ba dyan?

 

 

 

Danny           Ayos lang, medyo nalibang naman din ako.

 

 

 

Allan     Hindi bali mamaya, sama-sama tayo.  Magdisco tayo at may mga chicks tayong kasama basta mamaya.

 

 

 

Bigla na lang may kumalabit sa tagiliran ko, “Boss beer o, bigay doon sa table na yun!”, waiter pala,  at sabay turo sa isang lamesa na may dalawang taong nakaupo.

 

 

 

Danny           Thank you pare,  (sininyasan ko na ayaw ko), baka pabayaran sa akin yan wala akong pera ‘dre.

 

 

 

Waiter           Pards, libre ito, dahil naka-charge ito sa kanila.  Huwag kang mag-alala libre ito para sa iyo.  Buti ka nga naka-upo ka dyan may libre ka pang beer, sige na para hindi masayang.

 

 

 

Danny           Sigurado ka pards ha!  Walang sabit ito ha!

 

 

 

Dumaan si Ruel tinanong ko kung may nagbibigay ng beer. 

 

 

 

Ito ba ay may bayad na? ang tanong ko.

 

 

 

Ruel              Oo no!!!, bayad na yan, sige sa iyo na yan. Basta relax ka lang. (Sabay punta sa CR)

 

 

 

Lumapit si Mother sa akin.

 

 

 

Mother           Alam mo Danny, sabi ko naman sa kanila na hindi ka pwede dahil hindi ka nagtratrabaho dito, pero namilit yung isa doon sa kabilang table na kung pwede daw ma-I-table ka.  O ano payag ka ba iho?

 

 

 

Danny           Mother, hindi ko alam ang gagawin ko (kinabahan ako)

 

 

 

Mother           Basta maupo ka doon, I-ti-table ka lang, basta wala kang gagawin doon.  May bayad yun.  Pag-omorder ka, may cut ka din doon.  Basta nakipag-usap sa iyo kausapin mo, yun lang.  Pag may ginawa sa iyo, sabihin mo sa akin.  Dahil alam naman nila na hindi ka nagtratrabaho dito, nakursunadahan ka lang at type ka lang na ma-I-table.  O sige na, lakad na. (Tapos tinapik niya ako sa balikat).

 

 

 

Noong dumaan ako sa mga ibang lamesa, nakatingin sa akin yung nadaanan ko, pero patay mali lang ako.  Pagdaan ko sa table ni Ruel, kinalabit ako, “Ayos yan pards, pag-tarantado, upakan natin, o sigi punta ka na doon”. (Sabay yango sa ulo ko).

 

 

 

Sa totoo lang kinabahan din ako maski nakainom.  Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan. Bit-bit ko ang isang boteng beer habang naglalakad patungo sa table na pupuntahan ko. Pagdating ko doon.

 

 

 

D                  “Hi”

 

Customer       “hello”, upo ka o (sabay hila sa isang upuan).

 

 

 

Nagpakilala sila sa akin.  “Ako nga pala si Rudy at siya naman si Ben.  Magkabarkada lang kami.  Medyo nagkatuwaang nag-happy-happy.

 

 

 

R          Napansin ka namin nung nakaupo na kami dito.  Kasi bakit ka ba doon nagtatago at ang dilim pa naman doon sa sulok na yun.  Dumaan nga si Ben sa may harap mo noong nagpunta siya sa CR at sinabi nga niya sa akin baka pwede kaming may kasama sa table para naman may ibang kausap.

 

 

 

D          Actually hindi naman ako taga rito, sabi ko.  May mga barkada lang kasi akong nagtratrabaho dito.  Kaya pumasok na lang ako at dito na lang daw akong maghintay sa loob total malamig naman dito at malilibang daw ako kaya pumasok na ako dito.

 

 

 

Habang kinausap ko si Rudy, nakatitig naman din si Ben sa akin.

 

 

 

R        Lagi ka bang andito?

 

 

 

D          Paminsan, ngayon kasi e may lakad yung dalawang barkada at isasama daw ako kaya hihintayin ko na lang sila dito.   Syanga pala, alam ba ninyo na may bayad ang pag-upo ko dito?

 

 

 

Ben     Oo, alam namin dahil kinausap nga namin yung floor manager, ikaw nga ang tinuro namin, pero siya din ang nagsabi na hindi ka taga-rito pero nag-insist kami na kung pwede kang mai-table sa amin.  Kaya siya mismo ang lumapit sa iyo.

 

 

 

Hanggang nagkakwentuhan na kami nila Rudy at Ben.  Kung ano-ano na lang mga tinatanong at kung ano-anong mga topic.  Ang bilis ng oras pag-ganoon pala.  Seguro inabot din ng mahigit na dalawang oras ang pagka-upo ko sa kanila.  Parang palagay ang loob nila habang kausap ako.

 

 

 

R          Syanga pala Dan, pwede ka bang maimbitahan bukas ng hapon.  Magkita-kita tayo pero hindi dito, sa ibang lugar dahil alam mo naman dito, ibang lugar ito.  Kung gusto mo lang naman.  Inuman lang naman at tayong tatlo pa rin ang magkasama, kasi enjoy kami sa company mo.

 

 

 

D        Oo ba?  Saan ba ninyo gustong magkita-kita tayo?

 

 

 

Ben     Sa Harrison plaza,  doon lang sa may main door, alam mo ba yun?

 

 

 

D        Oo alam ko yun, anong oras ko kayong hihintayin doon?

 

 

 

Rudy   Mga bandang 4:00 to 5:00 ng hapon, okey ba yun?

 

 

 

D        O sige.

 

 

 

Tapos nag-paalam sila.  Tinawag yung waiter at hiningi yung chet na babayaran nila.  Nakadalawang bote rin ako sa kanila, medyo ginanahan nga akong uminom, pero hindi naman ako lasing na lasing.  Noong pag-alis nila, bumalik ako sa counter sa dati kong inupuan.

 

 

 

Allan          (Lumapit sa akin)Hoy pards, kumita tayo ngayon a!!!.  Kapapasok mo lang dito may datung ka na kaagad.  Yan ang trabaho dito walang kahirap-hirap, pag may customer ka. 

 

 

 

D        Yun lang ba ang trabaho dito? Ganoon lang?

 

A         Depende, kung gusto kang ilabas ng customer, bahala ka!

 

D         Bakit?  Ilalabas ba sila ng customer din?

 

A         Syempre a.   Dahil gusto ka nila.  Yun may bayad din yun.

 

D         Alam mo ‘lan, naguguluhan tuloy ako sa mga sinasabi mo.

 

A          Mamaya, paglabas natin, magtanong ka kina Ruel at Bimbo.

 

 

 

Maya-maya, nakita kong papalapit si mother sa akin.

 

 

 

Mother           Uy iho, kumita ka ngayon ha!  Mamaya, bago kayo umalis ni Ruel at Bimbo, may ibibigay ako sa iyo para may panggastos ka rin paglabas ninyo, kasama yung mga malandi mong mga kafatid.  Huwag mong kalimutan ha!  Sabay alis at nagpunta naman sa ibang table.

 

 

 

Lumapit si Allan ulit sa akin. “O diba, anong say mo? Si maderika na ang nagsabi sa iyo ano?”.

 

 

 

D        Bahala na. Kung mayron, de-mayron, kung wala, de-wala!

 

A          Etching!….

 

D        Ano yun?

 

A        Hay, naku Danny, marami kang matutunan sa amin paglagi mo kaming kasama.  Mga words ng kabadingan yun.  Kailangang marunong ka din para hindi ka mag-mukhang chapter.

 

D        Ikaw Allan ha, ang dami mong sinasabi sa akin na hindi ko naintindihan.

 

 

 

Tumawa si Allan.”Bago ka nga talaga”, sabi niya.”Wiz sa pag-kaalam”.  Hindi bale, matututo ka rin ditche.

 

 

 

Sa totoo lang, minsan nalilito ako. Itong si Allan, pag-kausap ako, parang malandi na hindi ko maintindihan.  Pag customer naman ang kausap e ang tuwid-tuwid magsalita.  Ano ba ito?

 

 

 

Medyo kumunti ang mga tao at seguro mag- 1:30 na ng umaga.  Nagtayuan yung katable ni Ruel.  Seguro aalis na at parang tinawag yung waiter.  Si Bimbo naman ay nagsasayaw pa.

 

 

 

Habang nakaupo ako sa sulok ng counter.  Maraming naglalaro sa isipan ko.  Ang sarili ko, gusto kong mag-aral, sa probinsiya namin at heto ako may mga bagong kaibigan.  Sino sila? anong klaseng tao sila? Pero mababait naman.  Yung sinasabing silahis, hindi ko masakyan!  Maraming mga bagay na umiikot sa isip ko na kailangan ng sagot.

 

 

 

 

 

(to be continued....)

 

 

No comments:

Post a Comment

Iputok mo ditto, Pre!