TALAARAWAN NI JAVERT
SI ALVIN (UNANG KWENTO)
javert1042@y...
I
December 17, 2003.
Huwebes. December na naman. At gaya ng mga nakaraan pang mga
taon, handang handa na
ang lahat sa pagsalubong sa pasko. Masikip na ang mga
malls sa dami ng
namimili at halos magsawa ka na sa dami ng patugtog ng mga
Christmas Carols. Lahat
masaya. Lalo na mga bata. Kahit sa opisina na
pinagtatrabahuan ko
dito sa Ortigas, masaya na ang lahat kahit tambak ang
trabaho.
Sa mga panahon din na
ito, hindi rin maiwasan na may mga tao ring malungkot. Yun
ang mga taong walang
kayakap kapag malamig na humahampas ang hanging amihan.
Mga kasapi ng SMP –
Samahan ng Malalamig ang Pasko. Kasama ako dun. Kaya nga
ginawang proyekto ng
mga kaibigan ko na ihanap ako ng match. Ano daw ba gusto
ko, lalaki o babae.
Tawa lang ako. Hindi kasi ako halata.
Isang normal na araw ng
pagtatrabaho. May tinatapos ako na report at naghihintay
sa incoming tray ko ang
dalawang proposal na kailangan kong isubmit ngayong
araw. Biglang na-ring
ang cell phone ko. Dali kong dinampot kaya lang matapos
ang dalawang ring,
biglang naputol. Miss call lang pala. Wala sa phone book ko
ang number so
definitely hindi ko kilala.
Dati hindi ko ito
pinapansin. Sayang lang yan sa load. Siguro may tao lang na
bagong bili ang cell
phone at trigger happy pa na mag-text at maghanap ng
textmate. Pero dahil
service oriented ang line ng business ng company namin,
baka prospective client
ang tumawag. Nakalagay kasi ang personal phone number ko
sa calling card ko na
provide ng company, and at the rate ng pag distribute ko
ng calling card ko, the
probability is not remote.
Tinawagan ko ang number
niya. Sumagot. Sa boses niya parang mga late 20’s na.
Halos kasing edad ko
lang.
“Sir magandang hapon
po, I am from ABC Consultancy. Nagregister po kasi ang
number ninyo sa cell
phone ko. May I know who is this sir?” ito ang line ko
palagi pag ganito ang
sitwasyon.
“Ah e, this is Alvin.
Is this Javert?”, sagot niya.
“Yes sir, may I know
sir Alvin, from what company po sila?”
“Ah e, binigay lang po
ng kaibigan ko yung number mo. Actually student pa ako.
Puwede
makipagkaibigan?”
Nagbago ang mind set
ko. Akala ko prospective client. Medyo nawala ang gana ko
ng konti. Wrong timing
kasi at nakakasira ng momentum sa trabaho. Magalang ko
naming sinabi na ok
lang pero nagtatrabaho ako ngayon at may kailangan ako
tapusin. Kaya text na
lang muna.
Sa ibang pagkakataon,
sasabihin ko na hindi pwede at madami ako ginagawa. Pero
pumayag ako na maging
textmate niya. Dalawa ang rason kung bakit interesado ako
makipagkaibigan sa
kanya. Una, mabait ang boses niya, at pangalawa, gusto ko
malaman kung sino ang
kaibigan ko na nagbigay ng number ko sa kanya. Baka ito na
yung match na hinahanap
ng mga kaibigan ko para sa akin. Seryosohin ba naman.
Text ako sa lahat ng
kaibigan ko na posibleng nagbigay ng number ko para
mabatukan ko. Kailangan
ko malaman kung sino ang salarin. Lahat sila negative
ang sagot. Isang
unwritten law kasi sa aming magkakaibigan na ipamudmod ang cell
phone number sa kung
kani-kanino.
Wala akong choice kung
hindi pigain si Alvin kung saan niya nakuha ang number
ko. Kaya nakipagpalitan
ako ng text messages sa kanya. From bits and pieces of
information na nakuha
ko from his text messages, I came up with his profile.
Twenty five years old
daw siya. Sa ngayon nag-aaral siya ng music sa UST. Uy,
potential, plus pogi
points na iyon. Madali ako mahulog sa taong maganda ang
boses.
Pero hindi ko pa rin
alam kung sino ang nagbigay ng number ko sa kanya. Ayaw daw
niya sabihin kasi baka
magalit daw ako sa taong nagbigay. Sabi ko naman kung
kaibigan ko siya,
siguro wise enough ang reason niya para ibigay ang number ko,
unless kinuha niya ang
number sa phone book ng walang paalam.
Kahit anong pilit ko e
ayaw niya talaga sabihin kung sino ang nagbigay ng number
kaya na lalo ako
nagka-interest sa kanya. Mababatukan ko pag nalaman ko kung
sino man ang nagbigay.
Madami pa ako kailangang tapusin kaya sinabi ko sa kanya
na work muna ako.
Tumigil siya sa kaka text at nagconcentrate na ako sa trabaho
at na divert na ang
attention ko.
Gabi na. Sa boarding
house na ako. Nakahiga na ako sa bed ko. Pinipiga ko ng
hinlalaki at hintuturo
ang bridge ng ilong ko, yung sa pagitan ng mga mata,
habang unti-unti ko
pinapaikot. Ito ang pang relax sa mata ko, kasi masakit
dahil may marka na sa
salamin na suot ko at dahil maghapon ako humarap sa
computer. Nag ring ang
cell phone.
Si Alvin. Na store ko
na ang pangalan niya sa phone book. Miss call na naman
ito, sabi ko. Pero
matapos ang limang ring, hindi huminto. Sinagot ko na. Baka
gusto niya ng may
makausap.
“Hello, Alvin”
“Sorry, tulog ka na
ba?”
“Hindi, papahinga lang
po ako.”
“Alam mo ba ang ibig
sabihin ng Amigos para Siyempre?”
Nabigla ako.
“Friends for Life”,
sabi ko, “yan yung theme song ng 1992 Barcelona Olympics,
kinanta ni Sarah
Brightman at Jose Carreras. Bakit mo natanong?”
“Tama nga siya. Mahilig
ka raw kasi sa classical at broadway musical. Si Andrew
Lloyd Weber nag compose
non di ba? Same composer of Cats at Phantom of the Opera
? ”
Lalo akong nabigla. Is
this guy trying to impress me? Lalo ako nagtaka. Ibig
sabihin hindi siya
nanloloko na kaibigan ko nga ang pinagkunan niya ng number
ko. Hindi puwede client
lang na pinagbigyan ko ng calling card. Dahil isang
malapit na kaibigan
lang ang makaaalam ng ganoong ka- trivial na impormasyon sa
akin.
“Sinong siya? Kanino mo
ba talaga nakuha ang number ko?”
“Huwag na. Magagalit
kasi siya sa akin”
Hindi ako nagpaalam at
kinansel ko ang tawag. Sabay baba ng cell phone sa kama.
Wala pang one minute,
nag ring na naman ulit. Si Alvin. Napangiti ako.
“Nabigla ko, hehehe,”
sabi ko sa sarili ko.
Pero ako pala ang mabibigla.
”Kilala mo ba si
Miguel?”
”Sinong Miguel?”
“Miguel Cruz, sa kanya
ko nakuha ang number mo.”
Umakyat ng mabilis ang
dugo sa ulo ko. Parang biglang lumaki at pumiltag ang
ugat sa ulo parang
sasabog sa dami ng dugo. Ang daming mga ala-ala ang
sabay-sabay na pumasok
sa utak ko. Tapos biglang nagdilim.
“Hello, adyan ka pa ba?
Galit ka ba?” sunod sunod niya na tanong.
Hindi ko siya sinagot.
Pinatay ko ang phone ko. Hindi lang cut ang tawag. In
–off ko.
Miguel Cruz.
At bumalik ng malinaw
ang ala-ala.
II
May 28, 2003. Nakilala
ko si Miggs habang nanonood ako ng sine sa SM North. Wala
ako trabaho nun at
katatapos ko pa lang ng interview ko sa kumpanyang
pinapasukan ko ngayon.
Niyaya niya ako kumain sa foodcourt, at dahil tapos ko na
naman panoorin ang
pelikula, at wala na naman ako iba gagawin, pinaunlakan ko
siya.
Isa siyang sales
manager sa isang kilalang kumpanya dito sa Manila. Nasa mid
30’s na siya, tubong
Bulacan. Galing din kahirapan at dahil sa sikap at tiyaga,
napaganda ang buhay.
Masarap siya kausap kasi may sense ang sinasabi niya.
Halos kasing tangkad ko
siya. Mga 5’ 7”. Maputi at bilugin ang mukha. Clean
shaven siya at
kagalang-galang ang dating dahil sa suot na polo barong.
Attracted ako sa older
guys kaya pasadong pasado na siya sa akin. Sa isang
aspeto lang siya
bumagsak: may asawa na daw siya at may anak na one month old pa
lang. Pinakita niya sa
akin and cell phone niya at picture ng anak niya ang
ginawa niya na wall
paper. Kamukha niya ang baby, bilugin ang mukha.
Dahil bago panganak
lang asawa niya, palagay ko e marami na itong ipon na init
sa katawan. Akala ko
may mangyayari sa amin pero nabigo ako. Kuwento lang siya.
Walang kabalak-balak na
lumabas at magpalabas ng init ng katawan.
Matapos kumain,
nagpaalam na ako at sinabi ko na gumagabi na at kailangan ko ng
umuwi ng Pampanga. Nang
maghiwalay kami, hindi niya binigay ang number niya.
Sabi niya siya daw ang
tatawag kasi baka mabuko ng asawa niya. Binigay ko ang
number ko ng cell phone
pati ang landline number sa bahay sa probinsiya. Hindi
ko na expect na tatawag
siya kasi nga mukhang takot sa asawa niya.
After three days lang
siya tumawag sa cell phone ko at walang number na
nagregister sa phone
ko. Gamit daw niya ay pay phone. Praning talaga itong tao
na ito sabi ko sa
sarili. Petty talks lang, walang saysay na usapan. Nasabi ko
na may interview ulit
ako on the same company the following week. Sabi niya kung
puwede kami magkita
after my interview. Sabi ko ok lang.
Pagkatapos ng interview
ko, nagkita kami at hinatid niya ako ng Pampanga. Nasa
Cavite daw asawa niya
kaya malaya siya gumala. Bago niya ako hinatid sa amin,
dinaan niya ako sa
biglang liko. Dun naganap ang una naming pagtatalik.
Pumasa ako sa kumpanya.
Natuwa siya kasi malapit lang siya sa pinagtatrabahuan
ko. Mas natuwa ako
siyempre. Kasama ko siya naghanap ng boarding house ko.
Kasama ko siya naghakot
ng gamit. Dumalas kaming magkita lalo na pag umaalis ang
asawa niya.
Mga ilang buwan din
kami na ganito at ganoon lang. Puro sex, pero walang
commitment. Siyempre
siya attached na at wala ako laban. Isang araw seryoso ko
siya tinanong.
“Paano kung malaman ng
asawa mo to? Ano gagawin mo?”
“Di ko alam.” Yun lang
ang sagot niya.
“Paano kung sabihin ko
sa iyo na mahal na kita” susog ko ulit.
Hindi ko inaasahan ang
naging reaksiyon niya. Natawa lang siya ng malakas. Para
ako nainsulto. Pero
para hindi ako mahalata nakitawa na lang ako.
Nag sex kami nung araw
na yun. Nagiging mas matindi ang sex. Hindi
pangkaraniwan. First
time ko na matira sa likod. Siya ang unang lalaki na
nakagawa nun sa akin.
Hindi ko makakalimutan ang araw na iyon. Dahil iyon din
ang huli naming
pagkikita.
Nag text ako ng mga
sumunod na araw pero hindi na siya sumasagot. Pag miss call
ako, cannot be reached.
Nung minsan naka-connect ako sabi niya, nagmamaneho daw
siya at tawagan na lang
niya ako pagkatapos. Yun ang panghuling beses na narinig
ko ang boses niya.
Hindi ako manhid para
hindi makahalata. Iniiwasan na niya ako. Nakaramdam ako ng
matinding depression.
Buti na lang bago ako sa trabaho at madami ako ginagawa at
dapat matutunan.
Na-focus ang attention ko sa trabaho.
Dumaan ang birthday ko
at kahit na maliit na message wala ako natanggap sa
kanya. Yun na ang final
sign na kailangan ko na tanggapin na wala na siya.
Iniyakan ko siya ng
tatlong araw, tapos sinubukan ko na kalimutan ko siya. Pero
pag minsan nag-iisa
ako, naiisip ko pa rin siya at mapapaluha lang ako.
III
December 18, 2003.
Masakit ang ulo ko ng idilat ko ang aking mga mata. Hindi ko
namalayan na nakatulog
pala ako kagabi sa pag-iyak at pag-alala kay Miguel. Ang
sakit naman ng biro ng
tadhana sa akin. Kung kailan masasabi ko na limot ko na
ang tao saka naman may
darating para ipaalala sa akin ito.
Napabalikwas ako sa
pagkakahiga ng may matigas ako naramdaman. Kinapa ako at
nakita ko ang cell
phone ko. Dagli ko itong binuksan. Walang pang isang minuto
ng sunod-sunod ang
pagdating ng text.
Kay Alvin lahat galing.
“Galit ka ba?”
“Tawag me pro wala ka?
Bat mo patay?”
“Sensya na. Sabi mo sau
magalit ka pag nalaman mo Miguel ko kuha number mo. Cge
di na me magtxt. Slamat
na lang. bye”
Naawa naman ako sa
message niya. Una, hindi naman niya kasalanan na ipaalala sa
akin ang tungkol kay
Miguel. Pangalawa, gusto ko malaman ang totoong kwento kung
bakit biglang nawala si
Miguel. Pangatlo, ano ang relasyon niya kay Miguel. Pero
siyempre may kutob na
ako na may relasyon sila.
Tinawagan ko siya.
“Hello Alvin, Pasensiya
na po kagabi”
“Ako nga dapat
manghingi ng pasensiya”, sagot naman niya.
“Hindi ako. Kasalanan
ko kasi pinilit kita na sabihin mo kung kanino mo galing”,
sagot ko naman.
Biglang tumahimik kami
pareho. Isang nakabibinging katahimikan.
“Kumusta na siya”,
basag ko. Tinutukoy ko si Miguel.
“Hindi ko alam. Hindi
na rin kami nagkikita. Kayo nagkikita pa ba?”
“Hindi na po. Ganoon po
ba maging reaksyon ko kung nagkikita pa kami?”
“Mahal mo pa ba siya”,
tanong niya sa akin.
“Hindi na po siguro.
Nabigla lang po ako kaya ganoon ang naging reaction ko
kagabi. Bakit ikaw
mahal mo ba siya?”. Hindi ko tinanong kung naging sila ba ni
Miguel pero sa linya ng
pagtatanong niya madali na mahulaan ang relasyon nila ni
Miguel.
Walang sagot. Tahimik
ang kabilang linya. Hindi niya tinanggi ang relasyon nila
ni Miguel. Pero hindi
rin niya sinagot ang tanong ko.
“O sige na po.” Basag
ko ng katahimikan. “Salamat na lang po. Maligo pa ko baka
ma-late ako sa pasok
ko. Ingat na lang. “ sabi ko sa kanyan.
“Salamat din sa tawag.
Pasensiya na ulit.” Sabi niya sabay patay ng phone.
Pasok na ako sa office.
Gusto ko sana na mag-leave kaya lang hindi pwede dahil
may naka-schedule ako
na client call after lunch. Pag-upo ko pa lang, lumapit na
agad ang procurement
officer naming sabay tanong kung nasa mood ako. Sabi ko
sabihin na agad ang
masamang balita dahil sira na ang araw ko at wala ng sisira
pa.
Wala daw sasakyan ako
gagamitin mamaya sa pagpunta ko sa Cubao. Pwede ba daw na
taxi na lang ako. Ok
lang sabi ko pero early lunch na lang ako. Pumayag siya at
sinabing siya na lang
bahala na explain sa boss ko, sabay papirma ng petty cash
sa akin.
Mas mabuti yun sabi ko
sa loob ko at makakain ako sa labas. Hawak ko pa ang time
ko. Pwede ako bumalik
ng office ng late dahil pwede ko idahilan ang trapik.
Paalis na ako ng
biglang may nagtext ulit. Si Alvin.
“San ka?”
Sabi ko paalis ako at
may client call ako sa Cubao pero kain ako ng maaga sa
labas. Sagot siya agad
sa akin kung pwede ba daw kami mag meet. Sabi ko sure
itinext ko sa kanya na
magkita na lang kami sa may Farmer’s third floor sa may
Chowking.
Hindi ko alam kung
bakit umandar na naman ang impulsiveness ko at nakipag meet
ako sa isang taong
hindi ko na kilala, may connection pa sa isang taong minsan
ay naging bahagi ng
buhay ko.
Inisip ko na trapik kaya
sumakay na lang ako ng MRT. Mas madali iyon kasi sa
mismong Farmer’s na ang
baba. Iniisip ko kung ano ang hitsura niya. At least
makikita ko na ang
taong maaaring maging daan para malinawan ako kung ano
nangyari kay Miggs at
mabistahan ko rin ang taong posibleng pinampalit niya sa
akin.
Pagdating sa Cubao,
akyat ako kaagad sa Chowking at nilingon ko ang paligid.
Wala naman ako makita
na nag-iisa at parang naghihintay. Wala pa siya sabi ko sa
loob ko. Order ako ng
pagkain.
Maya-maya lang ay
tumunog ang cell ko. Si Alvin ang nagregister na number. Hindi
ko sinagot kasi nakita
ko na ang tumatawag. Papalapit pa lang sa Chowking, may
hawak na cell phone na
nakadikit sa tainga at palingon-lingon. Itinaas ko ang
aking kamay upang
sabihing ako ang tinatawagan niya. Nakita niya ako ngumiti at
lumapit sa kinauupuan
ko.
Nas 5’5” ang height
niya. Maganda ang stock ng built pero hindi muscular. Mga
kasing edad ko lang.
Mid twenties. Moreno, at balbon. Madaling makita ang
makapal na balbon sa
kanyang braso at medyo makapal ang kanyang bigote pero well
shaven. Subtle ang suot
na pabango, parang Cool Water. Naka white shirt lang at
pantalon. Simpleng tao.
“Alvin” pakilala niya,
sabay abot ng kanyang kamay.
“Javert”, sabi ko
naman. Inabot ko ang kanyang kamay. May karakter ang lalakeng
ito, naisip ko. May
grip ang kanyang handshake, ibig sabihin edukado. Maganda
ang timbre ng boses
niya. Masculine pero hindi husky.
Offer ko siya kumain
pero tumanggi siya, kumain na daw siya sa school. UST daw
siya nag-aaral. Eksakto
lang na nasa may vicinity siya ng Cubao ng tumawag siya
sa akin.
Magiliw ang naging
usapan namin. Madami na napagkukuwentuhan subalit patuloy na
iniiwasan ang isang
paksa na nag-uugnay sa aming dalawa at ang dahilan ng aming
pagkikita. Nalaman ko
mula sa kanyang kwento na estudyante pa siya ng Music pero
second course na niya
ito kasi ito ang hilig niya. May nagbigay sa kanya na
scholarship. Last sem
na niya kaya busy na siya sa papalapit na graduation.
Tubong Bulacan. Yun
lang ang nakikita ko na connection nila dalawa ni Miguel.
Hindi ako makuwento na
tao kaya pinabayaan ko lang siya na magkwento at
paminsan-minsan ay
sumasagot sa mga tanong niya. Puro safe answer ako.
Hindi maiwasan na
minsan ay bigla na lamang siya tatahimik, titingin sa akin at
mangingiti. Pareho
siguro ang umiikot sa aming isipan. Hanggang kailan namin
iiwasan ang tungkol kay
Miguel.
“Hindi binigay ni
Miguel ang number mo. Palihim ko siya na kinuha”, binago niya
ang usapan namin. Hindi
ko inasahan iyon kaya tinignan ko lang siya at hindi ako
sumagot. “Noong minsan
na tumawag ka, nagdadrive siya, kasama ko siya noon.”
“A oo, naaalala ko yon
kasi yun ang panghuling beses na narinig ko ang boses
niya, Hindi na siya nag
return call kaya alam ko na hindi ako kailangan umasa
pa.” sagot ko sa kanya.
Para ako sinikmuraan sa
narinig ko. Pero magaling ako magtago. Ang ibig sabihin
nun, magkakila na sila
nung mga panahon na nagkikita pa kami ni Miggs. At hindi
mahirap mag conclude na
siya ang pinampalit ni Miggs sa akin.
“Hindi niya alam na tinawagan
kita at nagkita tayo.”, nakayuko niya paliwanag.
“Kumusta na siya?
Kumusta na kayo?” may panginginig ko na tanong.
“Hindi na kami
nagkikita. Nag-away kami.” Tumingin siya ng deretso sa aking mga
mata sabay bigkas, “may
asawa sya, alam mo ba?”, seryoso siya.
“Alam ko. Akala ko nga
yun ang dahilan ng pag-iwas niya. Hindi ko alam na may
ipinalit na pala siya
sa akin”
“Sorry po”.
“Ok lang yun, I already
got over him. Ikaw siguro ang pinili niya noon. Mahal mo
pa ba siya?”
Hindi siya sumagot.
Yumuko lang siya. Tapos bigla na lang gumalaw-galaw ang
balikat niya.
Unti-unti, impit sa una, narinig ko na palakas ng palakas. Umiiyak
siya.
IV
December 20, 2003.
Sabado. Tinignan ko ulit ang aking relos. Malapit na mag 7PM.
Tumanaw ako ulit sa may
bintana at mula sa ikawalang palapag ng Jollibee kita ko
ang mga naggagandahang
mga parol na kung saan kilalang kilala ang Pampanga.
Patuloy pa rin ang
pagtugtog ng Christmas Carols sa radio.
Hinihintay ko ang
pagdating ni Alvin.
Hindi ko alam kung
papaano ko siya naimbitahan. Marahil dahil na rin sa hindi ko
inaasahan na bigla na
lang siyang iiyak sa ganoong lugar. Hindi ko alam ang
naging reaction ng mga
crew ng Chowking ng bigla silang makakita ng dalawang
lalake na nag-uusap at
umiiyak ang isa sa kanila. Ang tanging naaalala ko ay
inakay ko siya sa labas
para hindi halata at dinala ko siya sa CR na malapit.
Nagkaroon ako ng
pagkakataon na magpaalam sa kanya dahil malapit na ako ma late
sa appointment ko na
client. Pero bago kami naghiwalay ay naimbitahan ko na siya
na pumunta sa amin sa
Pampanga ng sabado. Hindi ko mawari ang dahilan ko kung
bakit ko siya
inimbitahan. Marahil ay naawa ako sa kanya at ako itong
nagpapakabayani na
tulungan siya sa kanyang problema. Maaari rin na gusto ko pa
rin na may makausap para
lalo ako maliwanagan sa pangyayari at makabuti naman sa
akin isipan. Or
simpleng dahilan, impulsive lang talaga ako.
I don’t normally want
to call it impulsiveness. Mas gusto ko siyang tawaging gut
feel. At sa
pagkakataong ito, umandar naman ang gut feel ko to my advantage.
Una, walang tao sa
bahay kasi attend lahat sila ng Christmas party sa
kani-kanilang work. At
least hindi ako kailangang magpaalam at mag explain kung
sino ang kasama ko.
Pangalawa, pwede ko siya imbitahin manood ng Giant Lantern
Festival sa likod ng
SM. May alibi kung baga. Hindi masasabi ni Alvin na may
balak ako na gapangin
siya.
Pero bakit nga ba
hindi. May hitsura naman siya at malinis sa katawan. May
character at ok naman
kausap. May pagka-emotinal oo, pero naintindihan ko kasi
iniyakan ko rin naman
ang taong iniiyakan niya ngayon. Pero sa kabilang banda,
may kaunting kurot sa
aking puso. Si Alvin ang taong pinagpalit sa akin ni
Miguel. At nagkikita na
sila ng panahong nagkikita pa kami ni Miguel.
Lamang ba si Alvin sa
akin para ipagpalit ako ni Miguel. Sa talino pareho lang.
Mas matangkad ako pero
mas maganda ang katawan niya. Siguro nagkatalo lang dahil
balbon siya. K
Naputol ang aking
pagmumuni-muni ng matanaw ko siya na padating. Nakangiti at
parang ok na siya. May
dala-dala siya na backpack na sigurado na sisidlan ng mga
gamit niya.
Kumain na daw siya kaya
hindi na siya umupo at parang nagmamadali na umalis. Ok
pala ang taong ito,
eksakto sa oras. Dumeretso kami sa SM Pampanga kung saan
gaganapin ang Lantern
Festival. Makapal na ang tao dahil isa ito sa mga
inaabangan ng mga
kapampangan. Pinilit naming na sumiksik at humawak siya sa
kamay ko para hindi
kami magkahiwalay.
Parang may kuryente na
dumaloy sa aking pagkatao. Parang switch na unti-unting
bumuhay sa aking pagkatao.
Sinikap ko na balewalain sa gitna ng mga taong nais
na makapwesto ng mabuti
at mapanood ang competition. Kahit na masikip na at
maalikabok na. Tiniis
naming para makakuha ng magandang pwesto.
Maya-maya lang ay
nagsimula na competition at sinindihan na ang unang parol.
Medyo tumigil ang mga
tao sa pag-ingay. Dahil mas matangkad ako kay Alvin sa
likod niya ako puwesto.
Nakapatong ang kanang siko ko sa kaliwang balikat niya.
Hinawakan ko balikat
niya pero dahil marami pa ring sumisiksik sa likuran ko,
hindi ko maiwasan na
madikit ang harapan ko sa likuran niya. Nahiya ako dahil
unti-unti na naman
tumigas ang titi ko.
Pero nginitian niya
ako. Ibig sabihin ok lang. Dahil sa dami ng tao at siyang
siya sila sa panonood
hindi na nila pansin kung may mangyaring milagro sa
pagitan namin ni Alvin.
Nanloko pa siya dahil unti-unti niya binubundol ang
likuran niya sa harapan
ko.
Dahil lokohan naman,
naki- ride lang ako. Medyo nilapit ko sa kanya ang aking
mukha na animo’y may
ibubulong pero bagkus dumampi ang aking labi sa kanyang
pisngi. Natamaan ng
kanyang bigote ang aking labi na lalong nagpatindi sa aking
kiliti. Ngiti lang ulit
siya.
Maya-maya lang ay
naramdaman ko na nilagay na niya ang kanyang kamay sa aking
harapan. Walang
pasakalye, diretso sa titi ko. Natawa siya na matigas na iyon.
“Malaki pala” bulong
niya.
Nangiti lang ako. Paano
na ito. Hindi ko inasahan na sa pag-imbita sa kanya ay
posibleng may mangyari
sa aming dalawa. Parang hindi dapat dahil pareho lang
kami ng taong inibig at
hindi pa rin nakakawala sa sakit na dulot ng pag-ibig na
yun. Hindi ba parang
mali ang motibo? Ginagantihan lang namin si Miguel.
“Javert, hindi mo ba
ako gusto” tanong niya sa akin.
“Gusto, gwapo ka
naman.”, sagot ko.
“Pero hindi
kasinggandang lalaki ni Miguel?” tanong niya ulit.
“Vin, wag nating isali
si Miguel sa usapan. Matatanda na tayo para malaman yun“,
sabi ko.
”Gusto mo ba tong
ginagawa ko“ tanong niya sa akin sabay himas sa aking alaga.
Hindi ako santo para
tanggihan ang lalaking nasa harap ko. Hinawakan ko ang
kanyang kamay at
hinanap namin ang daan palabas. Matagal bago kami nakalabas sa
dami ng mga taong
nanonood.
The greatest pleasure
daw is the pleasure of anticipation. Pathetic pero I find
it true. Inip na inip
ako habang nakasakay kami ng jeep patungo sa bahay namin.
Pagdating sa bahay
diretso agad kami sa kwarto ko. Binaba niya ang kanyang bag
at umupo sa gilid ng
kama. Lumapit ako at hinalikan ko siya sa labi. Nagpaubaya
si Alvin kaya dinaganan
ko siya at nahiga kami sa kama. Hinubad ko na agad ang
damit niya. T shirt
muna. Lumantad ang ballbon niya sa dibdib. Sapatos. Medyas.
Sinunod ko ang kanyang
pantalon. Mula sa puti niya brief naaninag ko ang kanyang
titi. Hindi kalakihan
pero mataba.
Wala namang tao sa
bahay. Naghubad na rin ako ng sapatos at medyas. Siya ang
naghubad ng tshirt ko.
Itinaas ko ang aking mga kamay habang inaalis niya ang
t-shirt ko. Sabay halik
sa utong ko. Napaungol ako sa sarap lalo ng ng idinidiin
niya ang labi sa dibdib
ko. Ramdam ko ang bigote niya na nagbibigay ng isang
libot- isang kiliti.
Kumilos siya pababa.
Naramdaman ko ang labi at dila niya. Pati ang mga bigote
niya niya sumasayad sa
tyan ko. Binuksan niya ang butones ng pantalon. Marahas
na binaba kasabay na
ang brief. Narinig ko na parang nawarak pa ang garter dahil
sa biglang paghatak
niya. Bigla niya sinubo ang titi ko at sagad na sagad.
Napaigting ako sa sarap
lalo pa ng simulan na niyang magtaas-baba. Nararamdaman
ko ba tumatama ang
bigote niya na bayag ko kaya lalo ako napaungol.
Ramdam ko na malapit na
ako labasan kaya hinila ko pataas ang ulo niya at
hinalikan ko siya sa
labi. Ayoko naman na makaraos ako ng hindi ko pa man siya
napapaligaya din.
Pumaibabaw ako sa kanya at sinimulan ko rin kumilos pababa.
Hinalikan ko siya sa
leeg, patungo sa punong tainga. Pababa ng utong at sa
puson. Banayad kong
hinahalikan ang kanyang katawan habang dinadampi ang palad
sa balbon niyang
dibdib. Hinila ko pababa ang kanyang puting brief at tumambad
sa akin ang kanyang
ari. Katamtaman lang ang haba pero mataba ang puno. Mas
mataba ang ulo na
mamula-mula pa.
“Javert, isubo mo na
please….” Sabay tulak sa ulo ko palapit sa titi niya.
Sinubo ko muna ang ulo
at pinaikot ko ang dila ko paikot. Napaigtad siya sa at
naririnig ko ang
pag-ungol niya at pagtigas ng kanyang mga binti. Idiniin niya
ang ulo ko tanda na
gusto niya na isubo ko ng buo. Hindi naman ako nahirapan
dahil hindi naman
ganoon kahaba pero masakit sa panga dahil sa taba nito at ayaw
ko na mataman ng ngipin
ko.
Sinubo ko ng buo, sagad
na sagad at hinayaan ko lang sa ganoong posisyon. Siya
ang nagsimula na
kumadyot at hinayaan ko lang, Pinag-aralan ko ang ritmong ng
kadyot na nais niya.
Isang mababaw na ulos, bunot, isang madiin na ulos, bunot.
Paulit-ulit pero
nasiyahan ako dahil sa ungol na naririnig ko sa kanya. Nang
masiguro ko na ito ang
nais niya, hinawakan ko siya sa balakang at sinimulan ko
ang pagtaas baba ng ulo
ko. Subo ng kalahati, hugot hanggang ulo, ikot ng dila,
subo ng sagad, hugot.
Ulit-ulitin lang.
Hindi ko alam kung
gaano katagal ito. Nawili ako sa ritmo na naganap. Bigla
siyang umungol ng
malakas at sinabing malapit na daw siya. Naramdaman ko sa
bibig ko na lumaki ang
ulo ng kanyang titi. Idiniin niya ng kanyang kamay ang
aking ulo upang buong
buo ko yung maisubo.
“ayan na ko…ahhhhh…
Miggs ang sarap…Miggs….. ahhhhhh…. I love you Miggs….”.
Napatigil ako. Hindi ko
na narinig ang ungol niya. Hindi ko na rin napansin ang
tamod na patuloy na
naiipon sa aking bibig. Biglang katahimikan ang aking
nadama, umiikot ang
laman ng aking utak. Nawala lahat ng libog ko sa katawan.
Isang tinig lang ang
paulit-ulit na sumusuot sa aking isip.
Hindi ako si Miguel.
Ako si Javert.
EPILOGUE
Madami ang puwedeng
isulat na kuwento. Kasingdami ng mga taong nabubuhay sa
mundo ngayon. Bawat isa
may sarili at kakaibang karanasan. Pati ang mga taong
yumao, may kuwento rin.
Ang iba nga lang, dinadala na nila sa hukay at hindi na
kailanman maririnig.
Hindi lahat ng kuwento
ay masaya. Dahil iba-iba rin ang manunulat. Maaring
maikuwento nila ang
iisang paksa subalit iba ang kanilang mga pananaw. Depende
pa ang tono ng
paglalahad sa kasalukuyang nararamdaman ng manunulat. Dahil sa
bawat kuwento na
kanilang ilalahad, maaaninag ang munting bahagi ng kanilang
pagkatao. Madalas
nailalabas ang saloobin na hindi kayang palayain sa ibang
pagkakataon.
Madami daw akong
hinahing sa buhay. May mga desisyon at mga bagay ako na ginawa
na hindi ko
maipagmalaki ngunit malaki ang naging impluwensiya sa aking pagkatao
ngayon. May mga tao ako
na iniwasan at mga karanasan na hindi ko parin matanggap
at ni ayaw ko maalala
sa hinagap. Sabi ng kaibigan ko na psychologist, unang
paraan upang makalaya
sa mga multo ng nakaraan ay tanggapin ito. At ang
pinakamabisang paraan
para matanggap ang mga ito ay ilahad o isulat ang mga
karanasang ito.
Sa pagsulat ko sa
kwentong ito, madami pa rin ang mga katanungang bumalot sa
katauhan ni Miguel at
Alvin. Anim na buwan na ang lumipas ng mangyari ang gabi
ng patatalik namin ni
Alvin at may mga bagay ako natuklasan upang maintindihan
ko lalo ang mga
pangyayari. Ngunit ang aking pag-unawa ay hindi pa ganap. Tulad
ninyo, marami pa rin
ako hindi maintindihan.
Sa kabilang banda
nakabuti sa akin ang pagsulat nito dahil nagawa ko na balikan
ang mga multo ng
nakaraan. Sa gayong pagkakataon, nagkaroon ako ng lakas ng loob
na harapin ang
hinaharap.Sa pamamagitan nito, napalaya ko ang damdaming matagal
na sa akin saloobin.
Isa lang naman ang
aking kinatatakutan. Baka sakaling hindi matanggap ng
mambabasa ang mga
karanasang ilalahad ko. Tanging pampalubag loob ko ay ang
katotohanang hindi rin
lahat ng nakabasa ay pare-pareho. Dahil ang bawat
mambabasa ay may kanya
kanya ring karanasan. Iba ang reaksiyon at damdaming
mapupukaw sa mambabasa
at ito ay depende sa mga karanasan, pananaw at damdamin
niya. Inaasahan na ang
pagtanggap ng iba ay maaaring hindi katulad ng ilan.
Gayon pa man, hinihingi
ko ang inyong pananaw kung papaano pa ako maaaring
humusay sa paglalahad.
Salamat sa pagbigay na
panahon sa pagbabasa ng una kong kwento.
No comments:
Post a Comment
Iputok mo ditto, Pre!