Sunday, September 4, 2016

KARANASAN NG ISANG CALLBOY 4


KARANASAN NG ISANG CALLBOY…….Danny Lim Fernandez (Part 4)

 

(Karugtong)

 

 

 

Umalis kami s Disco mga 4:30 ng umaga. Kaya hinatid muna namin sila sa kanila sa San Andress Bukid at bumalik kami sa Mabini (sa club) at doon na ako natulog kasama sina Ruel at Bimbo.  Actually tatlong kuartong andoon dahil ginagamit din yun ng ibang gustong mag-short time na mga customer na ayaw mag-hotel o kaya’y may kinakatakutan.  Pero after closing na bar, pwede na naming gamitin ang kuarto.  Tatlo kaming natulog sa isang kama dahil yung ibang kuarto kasi ay may mga tao din na natutulog.  Nasa gitna ako ng kama at makabilaan sila si Bimbo at Ruel sa tagiliran ko.  Puro kami naka-under wear lang.  Nagising kami mag 1:30 na ng hapon, Nagising lang ako ng ginising ni Ruel at kakain na raw ng tanghalian.  Nag-saing na lang sila ng kanin at bimili ng ulam sa Restaurant.  Pagkatapos naming kumain, nagpahinga sandali at na nenigarilyo.  Maya-maya kunti nagpaalam ako kina Bimbo at Ruel na aalis na ako dahil may-pupuntahan ako at may kausap, sabi ko sa kanila na babalik na lang ako mamayang gabi.  Pero sabi sa akin ni Ruel na maligo muna daw ako para magaan ang pakiramdam ko.  So naligo muna ako tapos pinahiram na lang ako ng  T-shirt ni Ruel kaya noong pagkaligo ko, magaan ang pakiramdam ko.

 

 

 

Danny           Sige, aalis muna ako pards(Nag paalam ako sa dalawa)

 

Bimbo            Sige balik ka mamayang gabi Dan, maraming tao ngayong gabi.

 

Danny           O, sige.

 

 

 

Umalis ako sa  club at tumuloy ako sa harrison plaza, sumakay ako ng jeep sa may del pilar.  Pagdating ko doon, andoon na sila, nakatayo sa may pintuan ng Harrison Plaza sina Ben at Rudy, pero wala pa namang 4:30, pero atleast maaga rin sila.

 

 

 

Danny           Kanina pa ba kayo diyan?

 

Rudy             Hindi naman, kararating lang din namin.  Halika, mag-ikot-ikot muna tayo loob at mag-pahangin,  maaga pa naman.

 

 

 

Nagagala muna kami, pumapasok sa mga tindahan, sa mga department store doon sa harizzon plaza.  Hanggang pumasok kami sa Shoe Mart.  Medyo namili rin sila pero hindi na lang ako kumibo dahil sinama lang naman nila ako.

 

 

 

Ben               Ikaw Danny, anong gusto mo?

 

Danny           Wala, okay lang.

 

Rudy             Sige na Danny, regalo lang naman din namin sa iyo.  Anong gusto?

 

Danny           Sige ibili na lang ninyo ako ng T-shirt na puritan, yung white lang, tama na sa akin yun.

 

Ben               Yun lang ang gusto mo?  Baka may gusto ka pang iba?

 

Danny           Wala, wala na, yun lang ang gusto ko.

 

 

 

So,  kumuha si Ben ng t-shirt at tinanong kung anong size ang sukat ko.  Sinabi ko na small size at kumuha siya ng tatlo at siya ang nagbayad.  Tinanong ko kung bakit tatlo ang kinuha niya, isa lang ang kailangan ko.  Pero siya rin ang namilit dahil siya naman daw ang magbabayad.  So, hindi na lang ako nagpumilit pa.

 

 

 

Pagkatapos namin sa shoe-mart lumabas na kami sa harrison plaza at nagpunta kami sa Sta. Cruz at naghanap kami ng maiinoman hanggang napunta kami sa Boom Town Restaurant.  Kumain muna kami ng hapunan dahil syempre mapapasabak sa inuman, kailangang may laman ang sikmura.  Doon kanya-kanyang pakilala sa sarili  at ako nakikinig lang.  Natratrabaho si Rudy sa custom sa pier.  Yung bang taga-check kung anon ang lamang barko, mga items na galing sa abroad  o mga malalaking bagay na lulan sa barkong domaung  ng pier at si Ben naman ay natratrabaho bilang isang male nurse sa isang Hospital. Mahaba ring ang kwentuhan namin, hindi ko napansin na nakarami na kami ng beer.  Noong pagtayo ko, nakabig ko yung baso ko at natapon sa t-shirt at buti kamo hindi sa pantalon.  Pupunta sana ako sa CR para juminggil, yun pala may tama na pala ako sa beer.  Kaya nag-excuse muna ako at pupunta ako sa CR para jiminggil at magpalit ng T-shirt.  Noon andoon ako sa CR, talagang nahilo ako, hindi ko namalayan na marami na pala akong nainom.  Ang ginawa ko sa sarili ko, kinakalikot ko ang lalamunan para maisuka ko yung ibang nainom ko at mabawasbawasan man lang ang lasing ko.  Tapos naghilamos ako ng medyo maligamgam na tubig at pinunasan ko ang mukha ko.  Medyo nagaan ang pakiramdam ko pagkatapos nang lahat.  Nagpalit ako ng T-shirt at nagsuklay ng buhok.  Paglabas ko sa CR, nakita ko na nagtawanan ang dalawa sa mesa.  Tinanong ako kung okay ba?  Sabi ko naman na okay ako pero mag-pa-pass muna ako sa beer dahil medyo sabi ko, masama ang sikmura ko.  Noong tiningnan ko ang relo ko ay mag 9:00 na ng gabi.  Sabi ko na uuwi na ako sa amin dahil gabi na (pero ang totoo, babalik ako sa club).

 

 

 

Rudy             Uuwi ka na?  Maaga pa?

 

Danny           A medyo malayo pa ang uwian ko.  Kaya medyo ganitong oras, may masasakyan pa ako.

 

Ben               Sige, hindi bale sa susunod na lang uli.  May pera ka ba? (Dumukot siya sa wallet niya at inabot sa akin)

 

Danny           Sige, sige, thank you na lang,may pera pa naman ako.

 

Ben               Hindi, tanggapin mo ito, para may pang-taxi ka. At yung pera mo huwag mo nang galawin.

 

 

 

Nag thank you uli ako sa kanila dahil libre na ako sa inom, may pera pa at may bagong t-shirt naman ako. Binigyan din ako ng mga calling cards nila incase na gusto ko silang tawagan. Actually, naisip ko rin yung sinabi sa akin ni Ruel na pagdinala ka ng customer sa labas at pinainum, kailangang daw na huwag maglasing dahil baka mamaya, kung ano pa ang gagawin sa iyo.  Kaya yun lagi ang sa kukuti ko dahil, syempre parang customer ko na rin sila dahil niyaya nila ako sa labas, malay mo kung anong gagawin sa akin pag seguradong lasing-na lasing ako.  Sumakay ako ng jeep byahing Luneta-Harrison.

 

 

 

Pagdating ko doon,  si Claro andoon sa may pintuan naka-upong mag-isa.

 

 

 

Claro             (Tumayo siya at umakbay sa akin) Pards,mukhang singlot (lasing) tayo.  Buti ka pa painom-inom,   Saan ba tayo galing?

 

 

 

Danny           Dyan sa Sta. Cruz, nayaya ng mga kakilala ko.  Nandyan ba sina Ruel at Bimbo?

 

Claro             Nandyan na.  Marami tao ngayon dahil Sabado.  Sigi pasok ka na.

 

 

 

Danny           O sigi pards.  May sigarilyo ka ba?

 

 

 

Claro             Wala nga e!  Mayron ka ba dyan?

 

 

 

Danny           Kaya tinanong kita e

 

 

 

Dumukot ako sa bulsa ko sa likod ng pantaloon ko at binigyan ko siya ng dalawang stick na marlboro.

 

 

 

Danny           O!  heto para mayron ka namang mahithit dyan. 

 

 

 

Anakabayan ako ni Claro at tinapik pa ang balikat ko..

 

 

 

Claro             TY Dan ha!….Buti ka pa, kabago-bago mo lang dito, pero OK kang kasama.  Seguradong  maka vibes kita.   Ngumiti siya kasabay noon.

 

 

 

Danny           OK lang sa akin yan, malay mo rin kung ako wala, syempre hihingi sa iyo kung mayron ka naman, e kung wala, pasinsiya na lang.

 

 

 

 

 

(To be continued-----)

 

 

No comments:

Post a Comment

Iputok mo ditto, Pre!