Sunday, September 4, 2016

KARANASAN NG ISANG CALLBOY 5-6


KARANASAN NG ISANG CALLBOY…….Danny Lim Fernandez (Part 5)

 

(Karugtong)

 

 

 

Dumeritso ako sa counter at naupo.  Lumapit si allan sa inuupuan ko.

 

 

 

Allan             Hoy!  Bakit ngayon ka lang! Dapat inaagahan mo ang daming tao ngayon.  Saan ka ba nanggaling at may bitbit-bitbit ka pa!

 

 

 

Danny           Dyan lang Sta. Cruz, nayaya ng mga kaibigan ko.

 

 

 

Allan             Charing, If I know mayroon ka namang nahada at nilasing ka!

 

 

 

Danny           Hindi seguro no, ako pa?

 

 

 

Allan             Kime lang!  Ikaw talaga ha! Hindi ma-etching!  Biro lang.

 

 

 

Tumingin ako sa paligid, maraming tao nga.  Hinanap ko ng tingin si Ruel kung saang table naupo—a andoon sa isang sulok at may kasama na.  Si Bimbo naman ay nag-sasayaw sa isang corner ng bar na para bang pinag-laruan ng mga ilaw pag tumama sa kanya.  Noong nakita ako, kinawayan ako.

 

 

 

Danny           ‘Lan, pakitabi nga naman nitong gamit ko o!.

 

 

 

Allan             Ano ba ito?  Bomba?

 

 

 

Danny           Hindi,…baon kong t-shirt.

 

 

 

Maya-maya nakita ko si Mother na kausap si Ruel.  Tumayo si Ruel at kasabay si mother na papalapit sa akin.

 

 

 

Ruel              Hoy, Danny, kanina ka pa ba?

 

 

 

Danny           Hindi, kararating ko lang (Medyo sumandal ako sa may pader habang naupo).

 

 

 

Ruel              Danny, may sinabi si mother sa akin, kung pupwede ka raw.

 

 

 

Danny           Ano yun?

 

 

 

Mother           Lumapit sa akin.  Danny pwede ka bang mag-sayaw, kasi kulang sa mga dancer e.  Dalawa ang wala e maraming tao.  Ewan ko ba sa mga ‘tung mga baklang dancer na yun, hindi sumipot.  Pag-bakla talaga, mga baklang kausap.  Seguro nangangati na naman yung dalawa.  Pwede ka Danny?

 

 

 

Danny           Mother, hindi ko ho ata kaya at hindi ako marunong.

 

 

 

Ruel              Madali lang yun.  Kunti galaw galaw lang okey na.  Huwag mo munang gayahin sina Bimbo.  Mamaya, pagkatapos nitong tugtug tawagin ko si Bimbo.  Okay ka ba?  Sige na, hindi naman ‘to mahirap basta kunting galaw-galaw lang.  Doon sa banda doon kasi dalawang lugar na bakanteng walang nagsasayaw, atleast mayroon naman sanang isa lang at medyo maraming nakaupong customer doon.

 

 

 

Nag-isip ako ng matagal.  Total wala namang nakakilala sa akin dito, bakit ba?  At isa pa medyo makapal ang mukha ko ngayon dahil naka-inom ako.

 

 

 

Danny           Sige na nga, basta kayo mother, okay lang?

 

 

 

Mother           Ayan!..ayan ang gusto ko sa bata, buti’t dumating ka (At hinalikan ako sa pisngi).  At isa pa, maski nagsasayaw ka, may bayad ka rin.  Huwag mong isipin na libre yan!  Kaya huwag kang mag-alala Idoy may datung ka rin niyan, hanggang 1:00 ng umaga ka lang magsayaw pero hindi na continious ang sayaw ninyo dahil tatlo kayong grupo.

 

 

 

Kinawayan si Bimbo ni Ruel at bumaba sa stage.

 

 

 

Ruel              Pards, bigyan mo ng hints si Danny, sasayaw yan!

 

Bimbo            (Nabigla)  Kayang-kaya kaya ni Danny?

 

Ruel              Huwag mo namang bigyan ng mahirap tulad sa iyo, yung simple lang anong dapat igalaw na medyo okey naman.

 

Bimbo            O di sige,  Danny halika

 

 

 

Nagpunta kami sa dressing room para turuan ng kunti kung ano ang dapat kung gawin.  Habang nagsasalita si Bimbo, pinagmasdan ko kung ano ang ginagawa niya.  Kung ano ang dapat kung gawin, pero hindi gaanong pumasok sa isip ko dahil medyo nahihilo pa ako sa ininom ko.  Tango na lang ako ng tango.

 

 

 

Bimbo            O nakuha mo ba ang ideang sinabi ko sa iyo?

 

Danny           (Nag-isip muna)  Seguro nakuha ko, pero hindi gaano.  Bahala na, basta pagnandoon na ako.  Total nakainom ako ng kunti, ayos lang seguro basta galaw-galaw na lang ako ng kunti seguro OK na at sasabayan ko na lang ang tugtog basta simple lang, ayos lang ba?

 

 

 

Bimbo            Bahala ka na!  Sige hubarin mo na yun pantalon at T-shirt mo.

 

 

 

Naghubad ako ng t-Shirt at pantalon.  Habang naghuhubad ako ng pantalon.  Napuna ko na nakatitig si  Bimbo sa akin.  Pinag-masdan ako ng mabuti.

 

 

 

Danny           Hoy!, anong tintititigan mo dyan, ha!

 

 

 

Bimbo            Maganda pala ang katawan mo Danny, nag-exercise ka ba?

 

 

 

Danny           Hindi  no!, Natural ko lang ito.  Kaya kung minsan kung may tumititig sa akin, naiilang din ako dahil nga pansinin ako, hindi na naman ako nagbubuhat ng kung ano-ano.

 

 

 

Bimbo            Kasi, maganda ang pagkahugis ng katawan mo, hindi ka nga matangkad, pero ayos lang naman ang height mo.  Seguradong iba ang dating mo.

 

 

 

Biglang pumasok si Ruel sa dressing room at

 

 

 

Ruel              Hoy, anong ginagawa ninyong dalawa dyan, ang tatagal-tagal naman.

 

 

 

Bimbo            Oo andyan na!, sobra naman ito o!, heto nga at binigyan ng liksiyon itong tao! (Ako ang tinutokoy niya).  O tayo na Danny, basta ganoon na lang.

 

 

 

Medyo talagan naramdaman ko na parang medyo umiikot na ang paningin ko at medyo naupo ako sa upuan.

 

 

 

Bimbo            Ano ba? Bakit?  Halika ka na nga!

 

 

 

Hinatak ako ni Bimbo at lumabas na kami papunta sa labas ng kuarto at inakbayan ako na parang inalalayan.

 

 

 

Bimbo            Okey ka ba, ha!  Danny?

 

 

 

Danny           Ayos lang seguro medyo nahilo ako ng kunti pero kaya ko naman seguro.

 

 

 

Bimbo            Basta pag-andoon ka na, tingnan mo na lang ako at gaya-gayahin mo ng kunti kung ano ang ginagawa ko, pero pagnahihirapan ka, huwag mong pilitin basta kunting kilos ng katawan mo, ayos ba?

 

 

 

Medyo hinatid na ako sa isang pwesto ni Bimbo sa may gilid na medyo malapit sa may pintuan at sa kabila naman pumuwesto siya na nakaharap sa akin.  At tumugtug ang unang sayaw ko (“I can’t Stand the Rain”) (Ito ang unang tugtug sa una kong pagsasayaw, hanggang ngayon hinding hindi ko makakalimutan ang tugtug na ito, maganda ang lyric nitong  pakinggan)  na parang disco na medyo may timing sa indak ng katawan.  Medyo pakiramdam ko na para akong lumakad sa alapaan dahil medyo nahilo ako tapos yung ilaw na naka-focus sa akin ay patay-sindi/patay-sindi, para bang disco light sa mga discohan tapos kulay pula paman din, lalo akong nahihilo dahil laging natama sa mata ko, pero tuloy pa rin ang sayaw ko.  Pinagmasdan ko si Bimbo sa kabilang pwesto kung ano ang ginagawa niya.  Sa totoo lang halos nagaya ko siya, pero parang mas pa nga ata ako dahil seguro lasing ako at bigay todo talaga.  Tiningnan ko si Bimbo, nangiti siya at tinaas niya ang kamay na nagbigay signal na aprob ang ginawa ko.  Sa totoo lang din, napansin ko na medyo nakikita ko sa ibang andoon na nakatitig sa akin.  Maski si Ruel at si Mother, nakatitig sa akin.   Hanggang pintuan, nakikita ko ang ibang mga customer na pumapasok at napansin ko na andoon si Claro nakatayo sa kalahati ng pintuang bukas at pinagmasdan ako.  Habang nagsasayaw ako, pinaikot ko ang aking paningin sa palibot, na para bang pakiramdam ko na nag-concert ako sa kauna-unahang pagkakataon.  Hindi ko namalayan na tapos na pala ang tatlong tugtog.  Tumutulo ang pawis ko mula ulo hanggang ibang parte ng katawan ko maski naka-aircon sa loob ng club parang pakiramdam ko na. na medyo nabubuwal ako kaya nasandal ako ng dahan-dahan sa dingding.  Maya-maya, napansin ko na lumapit si Bimbo sa akin.

 

 

 

Bimbo            Halika ka na Dan, tapos na ang tugtog  natin. 

 

 

 

Inabot ang kamay niya  sa akin kasi medyo may pagkataas yung pinatungan kong lugar at bumababa ako.  Inakbayan ako na parang batang walang kaimik-imik.

 

 

 

Bimbo            ‘Tol, pawis na pawis ka ah!….Pero bilib din ako sa iyo.  Pinahanga mo rin ako sa nakikita ko.  Parang akala mong matagal ka ng nagsasayaw.  Mas magaling ka pa yatang tingnan kay sa akin.  Yung ibang style mo, iba ring ang dating sa totoo lang.  Ang bilis mong natoto.

 

 

 

(May Karugtong)

 

 

 

P.S.:  Sa totoo lang, pag naalala ko rin ang kalagayan ko noon  parang natulo ang mga luha ko.  Seguro nadala lang ako sa mga nakaraang kahapon ko!!!

================

KARANASAN NG ISANG CALLBOY…….Danny Lim Fernandez (Part 6)

 

(Karugtong)

 

 

 

 

 

 

Maya-maya ng kunti, dumating si mother  at “naku bata ka, ang galing mo namang sumayaw!”, heto na at may nakakursunada na sa iyo, bago ka pa lang, mayroon ka na agad na hada”, yun ang sabi mother sa akin.  Pero nakikinig na lang ako at ngumiti sa kanya.  “O siya, magpahinga ka muna ng kunti dyan at pawis na pawis ka, punasan mo naman ng tuyong tuwalya yung katawan mo at para kang naliligo sa pawis mo” at sabay palabas ni mother sa kuarto.  Inabot sa akin ni Bimbo ang tuwalya, seguro kanya yun.

 

 

 

Bimbo            O heto ‘tol punasan mo muna ang katawan mo, basang-basa ka ah!

 

 

 

At kinuha ko yung inabot na tuwalya at pinunasan ko mula mukha hanggang likod ko dahil pawis na pawis ako.  Maya-maya kunti, naramdaman ko na parang naduduwal ako.

 

 

 

Danny           Pards, saan ba yung CR?

 

Bimbo            Bakit?

 

Danny           Parang gusto kong sumuka.

 

 

 

 

Maya-maya kunti,  hatak hatak ako ni Bimbo sa CR, buti kamo may CR na maliit yung dressing room.   At talaga namang sumuka ako.  Panay himas ng likod ko ni Bimbo at inalalayan niya ako.  Naghilamos ako ng tubig sa mukha dahil syempre nag-suka ako.

 

 

 

Bimbo            Buti pa, mag-shower ka muna dyan sa CR ng kunti para medyo mabasbasan ang pagkalasing mo at para maging presko ang pakiramdam mo.  Gamitin mo na lang yang tuwalya, para may pamunas ka sa katawan.  Paki-mix mo na rin yung hot and cold water para mabasbasan  ang pagkasinglot mo (lasing).

 

Danny           Thanks.

 

 

 

So, hinubad ko ang brief ko at pinaagos ko ang tubig sa shower.  Ang sarap ng pakiramdam ko habang natulo ang tubig sa shower na nag-halo ang init at lamig.  Hindi ko na lang sinerado ang pinto dahil andoon naman sa loob ng kuarto si Bimbo.  Ng natapos akong nag-shower medyo magaan ng kunti ang pakiramdam ko.  Paglabas ko sa ....CR, nakita ko na  uminom ng Gin si Bimbo. 

 

 

 

Danny           O bakit yan ang ininom mo?

 

Bimbo            Ayos ito dahil madali akong mag-init pag hard.  Sa beer kasi, ihi ng ihi tayo tapos bokya pa minsan, katulad ngayon medyo hindi ako natibol.  Baka mamaya seguro.  O heto Dan, uminom ka ng kunti para panghimagas sa nainom mo.  Kunti lang at may tama ka na.

 

 

 

Tinagayan ako ng kunti sa baso, dahil puro yun at sabay inom kasunod ang cheeser o pangtulak na tubig na malamig sa isang baso.  Dumating si Ruel.

 

 

 

Ruel              O, Danny, okay ka lang ba?

 

Danny           Ayos lang pards.  Heto nga at medyo nabawas-bawasan ang lasing ko dahil medyo nakasuka na ako at medyo nag-shower ng kunti.  Pwede namang sumabak.  Medyo heto basa pa ang buhok ko.  (Actually medyo mahaba-haba ng kunti ang buhok ko noon, dahil uso pa naman ang mahabak ng buhok, pero hindi naman mahabang-mahaba).

 

Ruel              Pagkatapos nitong tugtog, kayo na ang kasunod, kaya maghanda na kayong dalawa ni Bimbo.  Ito na rin yung huling tatlong tugtog at tapos na ang linya ninyo.  O sige, mauna ako sa inyo.  Sumunod na kayo ha.

 

Bimbo            Sige, susunod na kami sa iyo.

 

 

 

Umalis si Ruel at lumabas sa kuarto.  Medyo pinunasan ko ang katawan ko ng tuwalya dahil may tubig pa sa katawan ko pero hindi gaano.  Pero yung buhok ko basang-basa pa.

 

 

 

Bimbo            O tayo na Dan, tayo na ang kasunod sa tugtog na yan (Binanggit niya yung tugtug na narinig namin).

 

Danny           Tara na, kaya lang basa pa ang buhok. (sabay tayo)

 

Bimbo            Walang problema yan, basa man o tuyo, tuloy pa ring ang trabaho natin dito.

 

 

 

Noong  matapos ang tugtog, lumabas na kami ni Bimbo at pumuwesto na kami sa kanya-kanyang lugar.  Ako medyo nahimasmasan sa lasing pero medyo may tama pa rin ako, pero OK lang atleast napreskohan ako dahil seguro naka-shower ako at medyo bumaba yung lasing ko, pero nahihilo pa rin ako ng kunti.  Basa pa nga ang buhok kaya medyo natulo pa.  Hindi kasi gaanong napunasan ng maigi pati nga ang ibang parte ng katawan ko.

 

 

 

 

 

Nasa kabila ko (Kaharap) ay doon naman pumuwesto si Bimbo.

 

 

 

Medyo Ganado ata akong nagsayaw…  Habang nagsasayaw ako,  pinaikot ko ng tingin ang palibot.  Ang daming tao.  Masaya sila, parang walang problema sa buhay.  Naririnig mo ang mga halakhak nila, ang iba ay  nagkwekwentuhan at nag bubulungan.  Yun iba naman ay panay himahimas sa mga ka-table nilang GRO na siyang nag-aliw din sa kanila para seguro makalimutan ang problema o kaya nagsaya lang.  

 

 

 

Tiningnan ko ang ibang mga dancer, panay indak at giling sa mga katawan nila, para bang nang-aakit bawat taong nadoon sa club.  Bawat kumpay at timing ng tugtug ay siyang sinasabay sa pag-giling ng mga katawn ng mga mananayaw.

 

 

 

Palalim na ang gabi pero madami pang nga customer at malapit na ring oras sa club para mag-sarado na.  Natapos ang tugtug ng parang kay dali rin kung hindi mo iisipin.  Bumaba ako sa kinatayuan ko at, hinintay ko si Bimbo galing sa kabilang pwesto niya.  Sabay kaming pumasok sa dressing room.  Halos nag-siksikan kami dahil nga tapos na ang sayaw, at yung iba nga ay naka-upo na lang sa gilid, ang iba naman ay nagkwentuhan…

 

 

 

Nagbihis ako at maya-maya….isa-isa silang lumapit sa akin at…..

 

 

 

Bro!!!!…welcome to the group……at yung iba naman!!!!…pards!!!…sama-sama na tayo ngayon…..basta may problema….huwag kang mag-alala andito kami…..

 

 

 

Ewan ko ba, parang iba ang dating ko dito…Sa pinatrabahuan ko, parang wala man lang nakamalay sa akin, para kang aso na kung anong ipapagawa, ay kailangang gawin mo…Dito parang pare-pareho kami.

 

 

 

Pagkabihis ko, sabay kami ni Bimbo lumabas dahil nga masikip na doon sa loob.  Doon kami pumwesto sa table ng malapit sa pintuan…. Marami pa ring tao maski walang ng nagsasayaw, pero may music pa rin, kaya lang medyo mahina na.  Yung ibang customer ay maglabasan na at yung iba naman ay naka-upo pa, seguro tinapos lang nila ang kanilang iniinom.  At yung iba ay may medyo nag-uusap pa sa mga ka-table nila, seguro kanya-kanyang diskarte.  Si Ruel naman nakaupo pa at kausap pa yung dalawa na ka-table niya……

 

 

 

Maya-maya dumating di mother.  O ano Dan?  Gusto mo nang magtrabaho dito?  Dito wala kang kapagod-pagod, mapapagod ka lang sa mga customer, kung sino ang sasamahan mo….Kanina nga may gustong mag-take out sa iyo, pero sinabi ko na bago ka pa…Mahirap na….E hindi mo pa alam ang mga pasikot-sikot dito at mga estelo…Pero hindi bale, andyan naman yang mga kafatid mo, I’m sure na bibigyan ka ng mga hint nila.  Naku!!!!!…mga sanay na yan at may tahid……

 

 

 

Bimbo            Mother hindi naman seguro, sobra naman kayo….E sana may mga kalyo na kami..he!he!he!!!.. (sabay tawa)..

 

 

 

O sya-sya…!!! Tama nang yang hakig-ik mo….Oi!!!…Danny, yung pagsasayaw mo kanina ay may bayad ka!!!!..Huwag kang mag-alala at hindi naman kita titiwayin…Basta umpisa ngayon, kasama ka na sa payroll ng mga dancers….O sige…Dyan muna kayo ha!….naku!!!!…gabi na uuwi pa ako!!!…O sige, mga anak, dyan muna kayo at titingnan ko yung mga iba doon sa dressing room at naku!!!!…nakapakaingay….e maririnig pa ng ibang customer… Sus palibhasa kasi e mga bakla ang iba kaya naglalandian na naman sa dressing room…O sya!!! Dyan muna kayo…

 

 

 

“O sige mother”, sabay pa kaming sumagot ni Bimbo.

 

 

 

Maya-maya parang may lumapit sa likod naming… Nilingon ko, si Claro pala.

 

 

 

Claro             Pards, mauna na ako sa inyo, tapos na ang oras ko.  Paano galit-galit muna tayo ha!!.. (Lumapit si Claro sa akin at…) O ikaw, danny uuwi ka na ba?  Sabi niya…

 

 

 

Bimbo            A…. dito muna matutulog si Danny, dahil medyo may tama pa yan bukas na uuwi yan ng maaga…

 

 

 

Danny           Ba’t claro, saan ka ba na-uwi?

 

 

 

Claro             A dyan lang ako sa Sta. Ana nakatira…may bahay naman din kami dyan….

 

 

 

Danny           Magkalapit lang pala tayo….nasa pandacan ako nakituloy, sa Laura, malapit sa riles ng train…..

 

 

 

Claro             A tamang-tama pala yun…Hindi bali… pag-umuuwi ko isabay na rin kita…Huwag kang mag-alala at hindi naman kita sisingilin dahil on the way lang naman din yun kaya lang sa kabila ko papadaanin ang taxi… O paano, dyan na lang kayo muna t medyo lumalalim na ang gabi!!!!.. 

 

 

 

Tinapik ako ni Claro at ngumiti bago siya lumabas.

 

 

 

Maya-maya, palabas na rin si mother…. O sige ingat kayo dito ha!!! Huwag na kayong lumabas pa at gabi na matulog na lang kayo….Sabay labas sa pintuan.

 

 

 

Hindi rin nagtagal nakita na naming tumayo si Ruel pati ang dalawa niyang ka-table.  Medyo nagkamayan pa ata.  At yung isa nakaakbay kay Ruel na parating naman sa kinaruruonan namin (Dahil malapit nga kami sa may pintuan)… Hinatid pa ni Ruel sa labas at hindi nagtagal bumalik din sa pwesto na kinaupuan naming ni Bimbo.

 

 

 

Bimbo            O ano bro!!!…bakit anong nangyari?  Hindi ata kayo nagkakaintindihan a?

 

 

 

Ruel              Oo nga, medyo duda ako… Kaya sanabi ko next time na lang.. Yung isa OK pero yung isa bro!!!…wala akong tiwala…e mahirap na at dalawa-dalawa pa yun….Kaya sabi ko, next na lang total andito lang naman ako…  O sige, akyat na kayo sa itaas at susunod na lang ako.  (Syanga pala, yung tatlong kwarto na sinasabi ko sa inyo ay nasa second floor)… May kukunin lang ako sandali.

 

 

 

Umakyat kami sa kwarto na tinutulugan naming.  Naupo ako sa may gilid na kama at nakita ko na may dinukot si Bimbo sa isang cabinet…ah!!!…yung traveling bag niya.  Napalit siya ng sando at naka short na lang!!!….  Hindi rin nagtagal dumating si Ruel na may bitbit na supot at tatlong plastik na basong disposable..

 

 

 

Bimbo            O ano yan!!!!..

 

 

 

Hindi kumibo si Ruel, pumunta siya sa cabinet at nagbihi din ng short lang at may kinuha pa...maya-maya.....

 

 

 

Ruel            O dan, magbihis ka ng t-shirt at short para may maisout ka bukas at nang hindi madumihan yan sout mo....

 

 

 

Pumunta aka sa may cabinet at hinubad ko ang suot ko...Sinabit ko lang sa may pakong naka-usli sa may pintuan ng cabinet.

 

 

 

Binuksan ni Ruel ang dala niyang supot at inilabas ang laman, at at isang black label na bote na may laman.. May bawas ng kunti…

 

 

 

Bimbo            Oi!!! OK yan a!! stateside….masarap yan.

 

 

 

Ruel              A bigay ito nong ka-table ko.  Dala nila ito galing sa labas.. Seguro nag-iinuman na yun bago pumasok…  Tagay-tagay muna tao para pampatulog…. O ikaw danny, OK lang ba sa iyo?  Hindi naman tayo maglasingan, kunting pang painit lang…. (Inabot sa akin ni Ruel ang basong may laman.)  O ano ang disisyon mo ngayon?  Nakapag disisyon ka na ba?

 

 

 

Medyo tumahimik ako ng kunti….Iniisip ko rin…Oo nga naman ano…OK ang trabaho ditto, hindi tulad sa trabaho ko na isang floor ako ang babanat sa paglilinis tapos utos-utusan ka pa!!!1…Kung minsan ang utos din nila ay walang katapusan… Dito, paganito-ganito lang ako, pero may pera naman….

 

 

 

Danny           O sige, disidedo na ako…   Seguro, dito makapag-aral na ako dahil hindi naman mahirap ang trabaho dito, di ba?

 

 

 

Ruel              Yun lang!!!…walang problema, total marami kang oras…sanayan lang yun…E ang umpisa naman natin dito e 8 to 9 pm kaya ang haba ng oras mo…

 

 

 

Bimbo            Ako gusto sanang mag-aral kaso lang first year high school lang ako.

 

 

 

Danny           Ba’t ayaw mong tapusin ang high school bro?

 

 

 

Ruel              Sus!!!..yan!!!! ang tamad tamad niyan…ni sa umaga ang hirap bumangon… e sa pag-aaral pa kaya…..he!he!he!!

 

 

 

Bimbo            Naaa!!!….hindi na lang ‘dre, medyo nahihiya na ako at medyo malaki na ako baka mamaya, pagtawanan pa ako…

 

 

 

Ruel              See….anong sinabi ko sa iyo danny….talagang may katwiran ang damuho..

 

 

 

Ang dami naming pinagkwentuhan hanggang inabot din kami ng 3:00 nang madaling araw at nahiga na kami, kanya-kanyang pwesto….

 

 

 

(May Karugtong)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

No comments:

Post a Comment

Iputok mo ditto, Pre!