Tukayo - Part 1
|
by: qatar boy
|
The Plot
An overseas worker finding himself being so confused that somehow, made
man to man relationship while abroad.
The story which will be in a series will vividly portray the hardship, the
confusion, the lust, the adventure of his past and present sexual relationship.
In the end, this Author will try to bring to the reader a lesson that life
is not that easy. Whether you are in a third sex, respect to one another is an
important factor to be considered so that mutual understanding will be
achieved.
---------------------
I know I am a bright person. I graduated with honors from elementary until
college and a consistent Dean’s Lister in one of the universities in Manila.
Bukod pa rito ang pagiging aktibo ko sa mga school activities during my days in
school, I had been a COCC officer and an Editor in Chief of our high school
official organ wherein I joined and won several regional and national
journalism contests nationwide. In my college days, I was honored as one of the
Top Ten College Scholar in our university.
Dala ang mataas na pagkilala sa aking pagkatao, masasabi kong isa akong matagumpay na tao sa mundong aking kinagagalawan. Pangalawa sa bunso sa walong magkakapatid, lahat ng masasabi kong layaw na gusto ng katawan ko ay naibibigay sa akin, bukod pa rito ang pagkamulat ko na ang apat sa aking mga kapatid ay puro nasa ibang bansa.
Dala ang mataas na pagkilala sa aking pagkatao, masasabi kong isa akong matagumpay na tao sa mundong aking kinagagalawan. Pangalawa sa bunso sa walong magkakapatid, lahat ng masasabi kong layaw na gusto ng katawan ko ay naibibigay sa akin, bukod pa rito ang pagkamulat ko na ang apat sa aking mga kapatid ay puro nasa ibang bansa.
Three months after I graduated in college, nagtrabaho agad ako sa isa sa
mga pinakamalaking munisipyo sa Maynila. Dala ang mataas na pagtingin sa aking
sarili at sa kagustuhang makapaglingkod sa bansa, tinanggap ko ang posisyon na
inialok sa akin sa tulong ng aking Konsehal na tiyuhin. Sa unang araw pa
lamang, alam ko sa aking sarili na kaya ko ang mga trabahong itinalaga sa akin.
Madaling lumipas ang panahon, nagdesisyon ako na lumipat sa mas maayos na
tanggapan ng pamahalaan. Isa ito sa mga constitutional bodies … na ibang iba sa
dati kong pinaglingkuran. Palibhasa, may sariling pondo ang aming tanggapan,
mas marami ang aming benepisyo kaysa sa karaniwang tanggapan. Nakakatanggap
kami ng hanggang 17th month bonus, depende sa ipon ng aming tanggapan, bukod pa
sa prestihiyo na dulot nito na kahit na sinuman ang makaaalam na doon ako
nagtatrabaho, mataas agad ang pagtingin sa akin ng mga tao. Subalit kailanman,
masasabi kong hindi ko ito ginamit sa pansariling interes. Tapat akong
naglingkod sa aming Tanggapan kahit na kabilaan ang mga alok na may kinalaman
sa aking trabaho.
Makailang panahon ng paglilingkod, napagpasyahan ko na mag ipon para sa
aking pamilya. Hindi ako hirap sa pangkabuhayan subalit kailangan ko ang
tumingin sa mas malalim na kahulugan ng buhay. Ang pagkakaroon ng isang mas
matatag na kinabukasan nang hindi gaanong gugugol ng matagal na panahon.
ABROAD
“Sir, after browsing your Curriculum Vitae, and luckily, your employer
abroad was impressed of the same, we decided to give you the following as our
offer: US $ 1500 a month, $7.20 per hour in excess of regular eight hours a day
in six days, free food and single accommodation. We will be giving one month
bonus for every year of contract completion.”
I was thinking “this is it”. This is my rare chance of having an enough or
let us say, more than enough savings for my future. So, without having a wink
of an eye, I accepted the offer.
Agad na inayos ng agency ang aking papeles at makaraan ang dalawang
linggo, lumipad ako papunta sa bansang aking magiging pansamantalang tirahan sa
loob ng ilang taon, depende sa project completion. Magkahalo ang excitement,
kaba at pag asa, tinahak ko kasama ng aking mga pangarap at buung buong
pagkatao ang inalok na trabaho sa akin.
Sa unang tuntong pa palang sa bansang nai assign sa akin, wala akong
nagging problema bukod sa pagkangulila sa aking mga mahal sa buhay. Subalit,
sabi nga nila, kapalit ng kagustuhan mong makapag ipon ng sapat na pera ang
pangungulila.
“Ito ang iyong magiging accommodation.,” habang nililibot ko ang aking mga
mata. Alone in a 300 sq. meter flat, two bedrooms, kitchen with new utensils,
new sala set and TV with receiver to get all the international channels. “Not
bad,” I was thinking then. After a minute or so doing the observations, I
offered my hand to the person in charge of our accommodation. Thereafter, alone
and unpacking my things, “this is it.” Welcome to Qatar,: I told myself.
Hindi naman naging mahirap sa akin ang mag adjust sa mga bagay bagay dito.
Palibhasa, sanay naman ako kahit na paano maging independent, na mamuhay mag
isa, in a way, hindi ako nahirapan na mag adjust sa aking bagong environment.
What I have in mind on that time is kayang kaya ko at kakayanin ko ang anumang
pagsubok na darating sa akin. Ang importante ay ipon para sa kinabukasan.
ANG PAGSIBOL SA PANAGINIP
Nalaman ko, sa unang araw ng aking trabaho, na bukod sa mga benepisyo at
suweldo na inialok sa akin sa Maynila, mayroon pa kaming extra allowance na
Qatari Riyal 50 (halos kulang-kulang na P700 sa pera natin sa Pilipinas) para
sa pagkain. Ibig sabihin, mas malaki laki ang maiipon ko dahil sa bukod sa
sweldo, mayroon pa kaming extra allowance na sadyang may kataasan.
Sa mga unang buwan ko sa aking bagong daigdig, marami akong natutunan sa
pang araw araw na pamumuhay. Nalaman ko kinakailangang idisiplina ang aking
sarili upang gumising ng alas kuwatro ng madaling araw upang maligo at maghanda
ng pagkain para sa tanghalian dahilan sa nasa disyerto ang aming site office
dahil halos isang oras araw araw ang biyahe simula sa lungsod na aming tirahan
papunta sa site office. Umaalis an gaming service ng ika 5:30 ng umaga papunta
sa site office at matatapos an gaming trabaho ng ika 6:30 ng gabi, simula
Sabado hanggang Miyerkules kada linggo. Noong very strenuous ang unang linggo
dahil iba ibang lahi ang aming mga kasamahan. Palibhasa, it is an Italian
company, marami ang Italyano sa aming tanggapan. Maryoon ding mga Croatian na
halos puro 6” footer ang mga height, mga Egyptian, Indians at siyempre, mga
Filipino engineers na karamihan ay puro supervisors.
Tatlo sa aking mga kasamahan sa aming opisina ang kaagad kong naging mga
kaibigan. Sina Ferdie, Willy at Rupert. Si Ferdie, may kaputian, may asawa na,
halos 5”7 ang taas. Matangos ang ilong at may kakiputan ang mga labi. Mabait
siya at halos hindi naging iba ang turing niya sa akin. Palibhasa ay
labinlimang taon na raw siya sa trabaho naming, alam niya ang mga pasikot sikot
sa trabaho. kapatid na ang turing sa akin. Sa kanya ako laging nagtatanong ng
mga bagay na hindi ko alam sa aking bagong mundong ginagalawan. “Ninong” ang
naging tawag ko sa kanya sa pagdaan ng mga panahon.
Si Willy, may asawa na rin, May tindig na 5’9”, maputi at mapapansin mo
ang kaputian ng mga ngipin na pantay pantay. Talagang maganda siyang ngumiti.
Medyo may kaunting katabaan na bumagay sa taas niya. Medyo tahimik nga lamang
kaya nakagkakamalang suplado ng ilan naming mga kababayang pinoy. Si Rupert
naman, nasa 5’8”, may kutis-Pinoy. Nalaman ko rin na isa siyang nurse sa atin
sa Pilipinas pero nagkaroon din ng pagkakataon na magtrabaho sa ibang bansa.
Samantalang ako, I stand 5”5 1/2 , medyo chinito, malambing dahil siguro sa
dugong Ilonggo ang mother ko. Yun nga lang, hindi ako marunong at umintindi ng
salitang ilonggo dahil sa Maynila na kaming magkakapatid lumaki.
Sa opisina, naging maganda ang aming samahan. Tulungan sa mga trabaho,
tanungan ng mga hindi alam, hagikhikan kahit na sandali sa bawat sandaling
medyo maluwag ang aming mga ginagawa. Kami ni Willy ang naging mas close sa
isa’t isa dahil para kaming mga bata na laging nag aaway.
Nakadagdag sa pagiging close naming apat ang pagkakaroon ni Ninong ng
lisensiya para makabili kami ng alak sa bayan. Palibhasa, may kamahalan ang
bond na aabot ng P15,000 sa atin para magkaroon, napagkaisahan naming apat at
anim pa sa kabilang departamento na magambag-ambag ng P1500 bawat isa at
gamitin ang pangalan ni Ninong para siya maisyuhan ng lisensiya sa alak.
Simula noon, tuwing halos Huwebes ng gabi, nagkakaroon kami ng kaunting
salu salu sa tirahan nina Ninong at kaunting inuman for winding up after a week
of works. Isang araw ng Miyerkules, ibinulong sa akin ni Ninong na kaarawan daw
ni Rupert noong araw na iyon. Napagpasiyahan naming na maghanda ng kaunting
salu salo para kay Rupert. Dahil sa halos araw araw na ulam naming ay karne at
manok, napagpasiyahan ko at sinang ayunan naman ni Rupert na maghanda kami ng
kakaiba … paa ng manok. “Marunong akong magluto ng adobong adidas,” sabi ko.
“Ako na ang bahala sa adobo pero hindi ko alam kung saan ang bilihan.” Sinagot
ni Ninong na siya ang bahala sa pamimili basta ako ang magluluto na kaagad kong
sinang ayunan.
Dumating ang Huwebes ng gabi, matapos an gaming mga trabaho, kami na ring
apat ang dumiretso sa bayan at bumili ng adidas ng manok para mailuto. Kaagad
akong nag init ng tubig para ibabad ang may halos tatlong kilo na paa ng manok
samantalang abala naman ang Ninong ko sa iba pang putahe at si Willy naman ang
taga hiwa ng mga kakailanganing rekado para sa iba pang pulutan.
“Tama na iyan,” sabi ni Ninong sa akin. “Baka maluto na ang chicken feet,”
patuloy nito. Agad agad akong tinulungan ni Rupert na ihaon ang mga nakababad
na paa ng manok. True enough, pagkapalamig ko ng mga iyon para balatan,
nagsamahan lahat pati na ang mga maliliit na laman ng paa ng manok. “Ay, bakit
ganito ang paa ng manok dito, Ninong, nasasama pati na laman.” “Eh paano po,
ang tagal ninyong pinakuluan. Kinuha ni Willy ang ilan sa mga ito para siya ang
magbalat subalit katulad ng mga nauna kong ginawa, sumasama rin ang mga laman
tuwing aalisin niya ang mga kaliskis nito. Nagtawanan na lamang kami.
Wala na akong nagawa kundi itapon na lamang ang nabili naming mga paa ng
manok dahil ayaw ko ring maubos ang oras sa paghihimay ng mga iyon. Ang
nangyari, nagkasya na lamang kami sa kalderetang baka, sweet and sour na
lapulapu at lumpia na iniluto ng ninong ko na masarap din naman dahil nagmana
ang Ninong ko sa kanyang ama na chef raw sa isang barko.
Habang nag-iinuman kami, doon ko napansin si Willy na sadya naming
napakainis ng kutis. Medyo may kaitiman ang mga buhok niya sa kilikili na
sadyang bumabagay sa kanyang mapuputing complexion. At nakakatuwa ring tingnan
ang paminsan misang dumudungaw na mamula mula niyang mga utong sa tuwing
lumalabas sa suot niyang sando kung inaabot ang kanyang mga tagay.
Nakarami rin kami ng nainom ng gabing iyon. Masayang-masaya rin ako dahil
kahit na paano, natapos ang panibangong linggo sa amin ng may ngiti sa labi.
“Gusto mong halikan kita”, sabay lapit ng mga labi ni Willy sa aking mga
labi. Hindi ako nakaimik sabay lapat ng aming mga labi. Naramdaman ko na lang
na niyayapos niya ako ng mahigpit, sabay gapang ng kanyang mga maiinit na bisig
sa aking likod. Hindi ako nakakilos ng mga panahong iyon, samantalang patuloy
ang paggapang ng kanyang mga halik sa aking mga leeg. Hinubaran niya ako,
“masarap ba?”
Bigla akong nagising sa himbing ng aking pagkakatulog. Pawisan sa kabila
ng kalamigan ng aircon sa aking kuwarto. “Ha!!! Sabay balikwas sa kama.
Nanaginip ako pero kakaiba. “Si Willy, hinahalikan ako?” Daglian akong pumunta
sa kusina at uminom ng malamig na tubig. Hindi ko lubos maisip na mananaginip
ako ng kakatwa. “Siguro, nasobrahan lang ako sa vodka,” isip ko. Muli akong
bumalik sa kama upang matulog subalit sa pagpikit ng aking mga mata, lalong
naging malinaw ang mga pangyayari sa aking panaginip. Hinahalikan niya ako ng
buong suyo at may kainitan ang paggapang ng kanyang mga kamay na nagbibigay sa
akin ng maliliit na boltaheng naghahatid ng init sa aking katawan …. sa aking
isipan.
“Mali ang pangyayari. Hindi ako dapat magpadala sa maling panaginip. Nakakahiya kung malaman ni Willy na itinuturing kong isa sa unang malalapit kong bagong kaibigan sa bagong mundo na aking ginagalawan na nanaginip ako na kaming dalawa ay … mali ito,” iyon ang nasa isipan ko subalit hindi ko maaaring dayain ang aking puso. May kaunting kiliti na naghahatid sa aking buong pagkatao ang aking panaginip. Noon ay halos ikalawa pa lamang ng umaga. Muli akong pumikit. “Kailan ba ako gumawa ng …”
No comments:
Post a Comment
Iputok mo ditto, Pre!