Wednesday, June 11, 2014

Ang Prinsipe At Ang Ugly Duckling - Part 1










Ang Prinsipe At Ang Ugly Duckling - Part 1
by: silent_charmer

Grade Two:

Isang linggo na rin mula ng huli kaming magkita ni Billy, kaibigan ko siya, malapit lang ang bahay nila sa amin at dahil doon, nag kakilala kami dahil kami lang naman ang mga bata na may ganoong gulang sa area namin. Lagi akong nasa kanila, naglalaro ng "Millionnaires' Game" at pumupunta sa mga pinsan nya kapag tinatamad na kami sa loob o sa bakuran nila. Medyo may pagkaweirdo si Billy, masama magalit dahil nangbabato ng malalaking bato at talagang mahirap humupa ang galit nito. Balik tayo sa kinukwento ko...

Isang linggo na mula ng muli kaming nagkita dahil mula ng nag grade two kami, ewan ko ba parang nagkalayo kami ng nagkalayo eh napakalapit lang naman ng bahay namin sa kanila. Mula noon naging mas kaunti na ang pagkikita namin ni Billy hanggang dumating ang araw na hindi na kmi nagpapansinan.

Second year high school:

Mula nga noong ndi na kami nagkikibuan parang nakalimutan ko na rin na mayroon pala akong childhood best friend. Naging kaibigan ko na kasi ang mga kaklase ko sa elementary at sya mas malayo na ang kanyang pinapasukan na talagang nagpabago sa kanya. at ngayun nga nasa ika isang baitang kami ng high school. at nag iba na din ako. nag iba ang aming mga itsura. ako. naging matangkad na, siguro mga 5'5" ako pagkatapos umatake ang aking mga growth hormones, lumalim ang boses, at nagkaroon ng hubog ang katawan, pero ganun pa din ako, ugly duckling pa din na may dalang laging malaking bag kapag pumapasok sa bago kong paaralan.

Si Billy naman, mas matangkad nasa 5'8", maputi pa rin, weirdo pa rin dahil nahahalata ko na hindi pa din sya lumalabas ng bahay nila, nasa average built na ang pangangatawan na kung ihahalintulad sa akin ay pra akong posporo at siya prang upo. at mas naging kapansin pansin sa kanya ay ang kanyang napaka among mukha, oo sobrang gwapo niya, maschooline talaga ang mukha nya pero may konting kurot din ng pagkababae, para siyang isang prinsipe na hindi makabasag ng pinggan, kahit sino yata na babae magkakagusto sa kanya. Isang araw nga na tiempohan ko syang lumabas sa kanila, nagkatinginan kami pero naghiwalay agad ang aming mga mata na parang may sore eyes kami.

Fourth year high school:

Lumipas ang 2 taon at 4th year na kami. Hindi ko na naman namalayan ang pagdaan ng panahon at ang isa pang prang dumaan na lang ay ang hindi namin paguusap o pagbabatian ni Billy. Sa balita ko na lang nalalaman ang mga nangyayari sa kanila. Meron na pala siyang girlfriend sa schooll nila mula nung mga elemntary days namin at ako wala pa rin. siya nga pala wala pa akong nararamdaman na kakaiba dati para kay Billy ang gusto ko lang talaga ay magkabatian ulit kami at bumalik ang dating pagkakaibigan namin. kung makikita nyo na si Billy ngayun, wow talagang nag iimprove siya at talga ring flawless pa din ang kanyang mukha. at ako ndi pa din nawala ang pagiging nerdy-pimpled-afro-haired na pandak kahit lumaki ako ng isang inch. si Billy naman mga 5'10" na ngayun at mas maganda na ang pangangatawan dahil nag gym sya, ayon sa balita.

First year college:

Nung mga patapos na ang huling yugto ng third quarter nung fourth year, nag inquire na ko sa ibang schools at apat ang aking napili. una sa UP pero sa tingin ko ndi din ako papasa at naisip ko na nursing ang gusto kong i pursue dahil indemand nga pero kung sa UP ko ito kukuhanin baka mabaliw ako ng maaga pa lang. so second choice ko ay ang UST na talagang inisip ko na dito na ko magaaral pero nasaraduhan ako, akala ko meron pang slots pero wala na pala. third ay sa san juan de dios na pumasa ako sa exam at interview pero parang ayoko dahil hinihintay ko pa rin yung score ko sa lasalle at nang natanggap ko ang letter na nakapasa ako, ang tahanan na ng mga nampapana ang pinili kong pasukan. si Billy sa balita ko ay nag inquire din sa lasalle pero pinili niya ang mag aral sa PATTS, isang paaralan sa mga gustong maging piloto.

At heto na nga first year na ko sa bago kong eskwelahan. nagdorm na ko dahil mahirap ang biyahe at mahirap din ang kursong pinasukan ko at kailangan kong mapag isa or else kung sa bahay baka ma tempt lang ako na gumawa ng kung ano anong bagay. at katulad ng panimula ng klase mahirap dahil wala kang kaibigan o kakilala dahil kaunti lang talaga ang nag nursing sa mga highschool classmates ko at ako lang ang napapunta dito. nagkaroon din ako ng kaibigan, kasabay nito ng mga professors na nagpahirap samin sa pamamagitan ng pag bibigay ng mga assignment na kailangan naming gawin sa library.

araw ng sabado. nag hahanap kami ng mga libro sa library para sa aming biology class. pumunta ako sa computer para ilocate ang mga libro na patok sa description ng subject. dinala ako nito sa fourth shelf ng science section, nakita ko nga doon ang aking hinahanap. at dahil sa sobrang dami naming kailangan hanapin at kulang na kami ng oras ay hiniram na lang namin ang libro.

pagdating ko sa dorm biglang nag text sa kin si mama at tinanong kung ako raw ay uuwi ngayung weekends pero dahil nga sa sangkatutak na school works ay sinabi kong ndi na lang at sayang pa sa oras ang biyahe pauwi. mga alas 2 na noon ng hapon at dahil sa kakakain ko lang din ng lunch at pagbabasa ng mga libro ayon sa mga cells ay naantok ako. sa aking pagtulog nanaginip ako at nanduon si Billy, nakatayo sa may bakuran nila at ako nman ay dumaan sa harap niya. sa panaginip tinawag nya ako at naramdaman ko na lang na prang may yumakap sa kin, nakita ko na si Billy yun na napaka amo ang mukha at ang kanyang braso at mga kamay ay matitigas dahil sa kanyang pag gygym. may sinasabi siya pero hindi ko naman marinig kung ano un, ang alam ko lang ay nakayakap sya mula sa aking likuran at napaka ligaya ko.

bigla akong nagising at na asar ako dahil hindi pala totoo ang mga iyon. na asar ako dahil walang way para gawin sa akin yun ni Billy dahil una straight siya, at may girl friend siya at kung may pagnanasa man siya sa lalaki katulad ko, hindi siya papatol sa kin dahil sobrang gwapo nya at ako naman, sobrang pangit. ngayun pala ay ganun pa din ako, 5'6" ang height, mapayat pero toned, moreno, size ten ang paa ko, at punong puno ng pimples ang mukha ko na nag eextend sa dibdib at likod ko, in short kelangan ko talaga ng powers ni vicky belo at ng mag asawang calayan para mapaganda at mag mukhang artista ang skin ko. si Billy naman, flawless pa rin ang mukha, huminto na sya sa pagiging 5'11", maganda ang pangangatawan, maputi pa din, at ang isa pa na ngayun ko lang napansin ang pearly white na teeth niya na talaga namang kapag nakikita ko ito ay parang gusto kong injectionan siya ng pampatulog at igapos sa kama ko at wag na muli pang pakawalan. Balik tayo sa storya, at ayun nga dahil sa panaginip na yun ay lagi ko na syang iniisip. at gusto ko na siya laging nakikita kapag umuuwi ako galing dorm.

Second year college, First semester:

Lumipas ang maraming buwan at hindi ko na muli napaginipan ang tagpo na iyon. siguro dahil nagkaroon na kami ng anatomy at eto na lang ang lagi kong iniisip. kailangan kasi ipasa itong subject na ito or else papanain ako dito papuntang labas o ba-bye school na ko. at dahil din sa mga pa 'major' na minor lang naman na subject, makikita mo kami sa library at nagawa ng mga reports.

isang huwebes nun at kailangan namin talagang maghanap ng libro sa library, dali dali kaming tumakbo from building ng mga nurses papunta sa library na noon ay maraming tao. mabuti naman walang nang hiram ng mga libro na kailangan namin. habang nag bubuklat ako ng libro may napansin akong naka ipit sa isang pahina, isang nakataob na id, nag taka ako kung sino bang tanga ang mag iiwan ng id sa loob ng libro. so natural tiningnan ko kung sino ang taong iyon at nalaman ko na isa siyang engineering student at may nakasulat doon na contact details kaya agad agad kong tinext ang kawawang babae na nakaiwan. ngunit ndi siya nagrereply kaya tinuloy ko na ang paggagawa ng report namin.

Lumipas ang dalawang araw, sabado iyon may nag text sa kin habang nag rereview ako ng anatomy exam namin, nagpakilala siya bilang boyfriend nung babaing nakaiwan ng ID sa libro at tinanong kung nasan ako. sinabi ko naman na nandito lang ako sa may dormitories ng mga estudyante. nag sabi siya na pupunta siya at kukuhanin ang ID. sinabi ko ang dorm ko at kung anong number at after siguro ng mga 2 hours may kumatok sa pintuan at bumungad sa akin ang isang matipuno at gwapong lalaki, si Billy.

Nagulat talaga ako at si Billy ang lalaking iyon at ganon din naman siya. nag kahiyaan kami kaya napa pipe kaming dalawa ng mga ilang segundo at bigla na lang lumabas sa bibig ko ang katagang, 'pasok ka'. at yun nga ang ginawa nya pumasok cya ngunit dahil ndi ko alam ang gagawin, sa bawat pag daan nya sa pintuan ay tumatabi ako sa dinadaanan niya kaya nagkakabunguan kami at ndi siya nakakapasok. pero dahil mejo mahinahon siya, bigla nyang hinawakan ang balikat ko at pinigil ang pag bunggo sa kanya. sabay pasok sa kwarto ko. ako naman ndi ko lam kung sasaraduhin ko ba o hindi. pero bka naman may makakita sa amin at baka pagkamalan pa kaming lovers na nagkakahiyaan kaya sinaraduhan ko na din. at dhil maliit lang ang room ko at wala man lang kahit sang sofa ay sa kama ko na lang siya pinaupo at inalok ko siya ng maiinom.

Billy: ok lang, kakainom ko lang ng soft drinks

Ako: ah ok... ay heto pala yung id ng friend mo

Billy: ah hindi ko siya kaibigan, gf ko siya

Ako: ah ganon ba....

Billy: nag aaral na pala ako dito, ECE ako...

Ako: ah eh gud for u at lasalliano ka na din..

Billy: oo nga eh... naninibago ako sa paligid.

Ako: musta ka na?? (biglang lumabas sa isipan ko at tlgang nag pahiya pa sa akin)

Billy: ok lang naman. eto...

ng biglang nag ring ang phone nya at sinagot niya ito at bigla na lang siyang tumayo mula sa kama at nagpaalm na na aalis na c tapos na pla ang klase ng gf nya. ako nman ay nag paalam na at dahil mejo naguguluhan pa ako, nagawa ko ang hindi ko dapat gawin, lumapit ako sa kanya at siya din ay biglang bumaba at tinaggap ang pag halik ko sa kanyang mga pisngi na sa sobrang bilis ay ndi ko man lang napigilan. sa sobrang hiya ko binuksan ko ang pinto at sya naman biglang umalis na at dali daling naglakad paalis. sobrang bilis ng pintig ng aking puso sa nangyari sa ginawa ko. at kung ano anong ang biglang pumasok sa isip ko tulad ng ano na lang ang iisipin niya, bka ipagkalat nya ung nangyari o pandirian nya ako. sanay kasi akong kapag nakakarinig ng paalis na ay mag bebeso beso kami. at ngayun nga dahil sa sobrang kaba naguluhan ako at humantong sa ganitong pangyayari. umupo ako sa kama pagkatapos dahil talgang nag tetremors ako at nang ipapatong ko na ang aking kamay sa bedsheet ay nakapa ko ang isang matigas na bagay, ng tiningnan ko ay isang notebook na may nka sulat sa harapan na B.K.S. na initials ni Billy.

at pag buklat ko ng unang pahina nakita ko don ang katagang 'if found pls text me at this number 0915652####'. kaya ayun nga ang ginawa ko, tinext ko ang number na nakasulat at...

itutuloy sa part 2

 

1 comment:

  1. Sana may continuation yung prinsipe at ugly duckling. Hmmm. I enjoyed reading this article so i hope the sequel is bound to be posted this week. Hehehe

    ReplyDelete

Iputok mo ditto, Pre!