by: Light bringer
You have the right to remain silent - anything you say can and will be used against you in a court of law...", ang mga katagang lumalabas sa aking mga bibig habang pinoposasan ko ang isa sa mga baklang nabitag ng aming operasyon.
"Pero Yuri...", pagmamakaawa ng bakla habang nagpupumiglas habang ang mga luha'y di mo mawari kung ito ba ay sa pagkapahiya o sa sama ng loob na naramdaman, o di kaya'y sa pagkabitin.
Napangiti na lamang ako habang tinapos ang pagposas sa kanya. " You have the right to speak to an attorney, and to have an attorney present during any questioning..."
At tuluyan ko nang ibinaba ng motel si "Sam", ang alyas na kanyang ibinigay sa akin nung kanya akong "binibili" sa kahabaan ng Baywalk. Pagkababa ng motel ay agad akong nakita ni SP03 Geraldez na siya nang umalalay kay Sam. Dahil siguro sa kahihiyan ay tahimik ito, na di nakuhang magsalita.
Kakaiba ito, hindi siya katulad ng mga karaniwang bakla na magsisisigaw na sa mga oras na ito.
"Good job, Anton. For sure, mababawasan na itong mga nagkalat na tumatangkilik sa ganitong... negosyo."
Napatango na lang ako sa pagsang-ayon. Totoo naman na dapat ring hulihin ang mga bumibili ng ligaya – ng mga bawal na sandali, kagaya rin ng mga nagbebenta nito. Medyo delikado nga lamang ang pinasukan ko ngayon, na ako ang naging pain ng aming distrito para bawasan ang mga callboy at pokpok na nagkalat sa lansangan ng Maynila.
Humarurot na papaalis ang police car namin at naiwan ako matapos magpaalam ng tropa ni Geraldez. Napakabilis ng mga pangyayari, kanina lamang ay kasama ko sa isang kwarto ang akala mong lalaking-lalaki na si Sam, na ang tunay na pangalan pala ay Miguel. Miguel San Dejas, 28-anyos, nagtatrabaho bilang Team Leader sa isang sikat na Call Center sa Makati, may asawa at dalawang anak.
Pinick-up ako nito sa kahabaan ng Baywalk habang nakasandal ako sa isang puno ng niyog, nakatingin sa kawalan at parang naghihintay sa kung sino – gaya ng mga callboy na aming minamatyagan sa may Muntinlupa. Dahan-dahang hinihithit ang isang stick ng Philip, nang may tumigil sa harapan ko.
"Mukhang malalim ang iniisip mo, pare ah." Ang paunang bati niya. Akala ko ay makikisindi lang ito ng sigarilyo, pero di na ako nagtaka ng akbayan niya ako.
Hindi ko inalis ang pagkaka-akbay niya, dahil kasali sa palabas kong ito ang magkunwaring game, upang di mahalata na isa lamang bitag ang lahat.
"Oo, pare. Nasa ospital ang kapatid ko, kailangan ko ng pambili ng gamot..."
"Ganon ba." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Ito ang kinakatakot ko, ang mahalata na hindi totoong wala akong pera. Di naman sa nagyayabang ako pero sa taas kong 5'9" at sa kinis ng aking mukha at kayumangging balat, para na akong model nito. Kunsabagay, pati nga mga artista, nagcacallboy din kung minsan kapag walang-wala na talaga.
"Gwapo ka, pare. Bakit di ka magmodel, o di kaya mag-dancer?", tanong niya na ngayon eh medyo dinidiin ang pagkakapisil sa aking matigas na braso, na di niya alam, dulot ng ensayo sa pulisya.
"Mahiyain kasi ako, teka pare, ano bang ginagawa mo...". Sa anino ng puno ng niyog, di mo na mahahalata ang ginagawa niyang paghimas sa matitipuno kong dibdib. Inalis ko ito, dahil naiilang akong may ibang lalaking humahawak sa akin, nandidiri ako sa ginagawa niya. Pero kailangan sa trabaho.
"Mahiyain ka nga...," sabay tawa niyang banggit. "Kung gusto mo, sumama ka sa akin, at ako nang bahala sa gamot ng kapatid mo..." hawak niya ang kamay ko at pinilit na akong sumama sa kanya.
"Go-Ton. Motel-gamit-resibo-security cam-Reden-evidence." Rinig ko mula sa speaker na nakakabit sa aking tainga. Si Geraldez, ang boss ko.
Sumama ako sa kanya, sumakay kami sa taxi na undercover police din ang driver at habang nasa loob kami, panay ang himas niya sa katawan ko. Pati ang kargada ko na nasa loob ng pantaloon ko, di niya pinalagpas.
"Ako nga pala si Sam, ikaw, anong pangalan mo?"
"Y-yuri."
"Pagod ka ba?"
"Di naman. Bakit?"
"Parang ayaw tumigas ng alaga mo. Baka siguro nasisikipan. Ako nang magpapahinga sa kanya..." Sinubukan niyang alisin pero tinabig ko ang kamay niya. Medyo napalakas ako at nakita kong sumimangot siya.
"Pucha naman pare, sakit nun ah."
"Sorry..."
"Di bale na nga. Manong, sa Wise tayo – drive thru."
Tumango lang si Reden, habang niliko ang sasakyan bago dumating sa motel na pupuntahan namin. Pagkarating doon, iginarahe na ni Reden ang kotse sa loob ng garage ng isa sa mga mumunting parausan ng Wise. iInabutan ni Sam si Reden ng isandaang piso bago ako hatakin pataas ng kuwarto.
"Lika na." yaya ni Sam sa akin.
Tumalima ako at sumunod sa kanya, habang nilingon si Reden na sumenyales na papunta na sila Geraldez.
Pagkasaradong-pagkasarado ni Sam ng pinto, agad akong niyakap ng mahigpit, pinipilit ang amoy-sigarilyo niyang labi na makipaglaplapan sa akin. Itinulak ko siya, at bahagya siyang sumimangot. Di ako makapaniwalang ang lalaking ito eh lalaki rin ang hanap. Di halata sa itsura niya. May kataasan siya, siguro nasa 5'7" siya, clean cut, may kaputian, halatang nag-ggym at may itsura, iisipin mong kamag-anak siya ni Albert Martinez sa tangos ng ilong at lalim ng mga mata.
Siguro libog na libog na si Sam kaya't napakabilis nitong maghubad, itinira lamang ang bikini brief nito. Siguro kung pumapatol ako sa mga lalaki eh malamang, jackpot ako sa kanya dahil nga maganda rin ang katawan ni Sam, na alam mong alaga.
"Pare naman, pakipot ka mashado, babayaran naman kita ah." Muli niya akong niyakap at pilit makipaghalikan, habang hinuhubad ang suot kong itim na tshirt. Buti kamo at wireless ang radio earpiece na suot ko, donated ng USA FBI nung nagpunta sila dito sa Manila last year. Medyo masakit nga lang sa tainga kapag napalakas.
Lumantad sa kanya ang pino kong dibdib na tinubuan ng konting maliliit na buhok, na tila ba lalong nagpabaliw kay Sam. Pero di pa siya nakuntento na makita ang dibdib ko, he wants it all the way.
Hinubad niya ang pantalon ko at ipinahawak sa akin, at nadisappoint ng makita ang suot kong boxers. Huhubarin na niya ito ng maabot ko ang aking posas sa loob ng aking pantalon. Agad ko siyang in-arm lock at ipinosas.
"Pucha Yuri, ganito pala ang gusto mo..." akala siguro nito, isang laro ang lahat...
"You have the right to remain silent - anything you say can and will be used against you in a court of law...", habang kinapa ang aking NBI police badge at ipinakita sa kanya.
"You gotta be kidding me...", ang medyo nanghihina niyang sagot. Ang kaninang mala-animal na lalaking hayok na hayok sa laman ay tila ngayon isang maamong tupa na naghahanap ng sagot.
Hindi na ako kasama sa presinto. Pero isang tanong ang naglalaro sa isip ko, kapag nahuli na at nakulong, kahit nasa batas natin na ang pakikipagsex sa isang prostitute ay isa ring krimen, ano ang mangyayari sa mga taong nabitag namin? Marami ang hindi nakakaalam na ayon sa Philippine Republic Act 9208, Section 4 line E, (hahaha... siyempre kailangan kong alamin ito, baka sakaling may magtanong sa akin kung ano ba ang krimen na ginawa nila) na isa ngang krimen ito... pero bakit tila sige pa rin ang mga tao?
O sadyang mas malakas ang tawag ng laman, kaysa sa takot na mabilanggo?
Napagdesisyunan ko ng kailangan ko nang umuwi at maligo, alisin sa aking katawan ang alaala ng isang kaluluwang nasira ang buhay dahil sa libog.
Si Sam ang ika-siyam na lalaking aking nabitag, at pang-34th na taong nasira ang buhay dahil sa pag-aakalang isa akong bayarang lalaki.
Natatawa na lang ako, siguro kung kami pa ni Louise ay tiyak ang galit nun sa akin. Pero anong magagawa ko, malaki ang kita dito, bukod sa sweldo ko sa NBI ay may dagdag pa ako mula kay Mayor na tuwang-tuwa na nakikitang may development ang kanyang nasasakupan.
Who would not want a secured place to go to? Na kahit dis-oras ng gabi, malaya kang makakapaglakad sa kalsada at hindi kinakailangang mag-alala na may hahablot ng iyong gamit o sumitsit sa iyo para maghatid ng panandaliang ligaya. Na kahit dis-oras ng gabi, malaya ang ating mga kabataan na ninanamnam ang ating kapaligiran, walang mga pokpok na sisira sa kanilang pagiging musmos...
Matapos marating ang aking tahanan, binaybay ko ang daan patungo sa aking banyo, naghubad at sandaliang sinamba ang tila-perpektong katawan, na si Louise lamang ang nabiyayaan. Si Louise na lumisan matapos makilala ang isang Macho Dancer sa Bridal Shower ng kaibigan niya.
Enough said. Di ako naghihiganti or what. Basta alam ko, tama ang aking ginagawa. At di ko na kinakailangan pang pag-isipan kung tama ba ito o mali. Kasalanan nilang magtaksil sa kanilang pamilya at magpadala sa kanilang init ng katawan.
No comments:
Post a Comment
Iputok mo ditto, Pre!