Thursday, March 26, 2015

Pangalawang Pagmamahal


Pangalawang Pagmamahal
by: joey

based on a true story by city_queer
______________________________________________________________________

After seven years of his previous serious relationship, naipangako na ni Lito na hindi na siya muling magmamahal, pagkatapos ng madrama nyang unang pag-ibig kay Elmer. Para sa kanya mahirap talagang magmahal ng kapwa mo lalaki, wala naman dahilan para maging for keeps ang relasyon sabi nga ng kanta "Love Is Ain't Enough".

Walang nagbibigkis sa pagmamahalan na iyon, hindi mo rin matawag na mag-asawa, walang blessing ng simbahan ang pagsasama nyo and hindi kayo pwedeng magka-anak, in short hindi kayo pwedeng bumuo ng pamilya.

Ang mga dahilan kaya siya na ang kusang lumayo kay Elmer, gusto nya itong magka-roon ng sariling pamilya lalo na ng malaman nyang may babae na itong karelasyon sa office nila. Huli nyang balita ay pumunta na ng America si Elmer after his wedding.

Nagpapasalamat na din siya at naranasan din nya kung paano ang magmahal at ang mahalin. Katwiran ni Lito tama na ang isang pag-iyak, kaya lahat ng sumunod na lalaki sa buhay nya ay pawang libog lang ng katawan ang kanyang habol. Hanggang makilala nya si Rogie. Nikilala ni Lito si Rogie ng lumipat siya ng apartment at gawing nyang parlor business ang ibaba nito (para naman mabawi yung pinang-uupa nya sa apartment).

Si Rogie ay masasabi nating talagang pinapangarap ng mga bading sa lugar na nilipatan ni Lito. Matangkad (5'10"), may pagka mestizo, makinis ang katawan at mukha, matangos ang ilong, and with athletic body. Kaya lang barumbado, siga sa kanilang lugar, palibahasa kapitan de barangay ang tatay nya sa lugar nila.

Kaya ang mga bading ay hanggang pangarap na lang kay Rogie, kasi ng minsang may nagtangka sa kanya ay nakatikim ng sapak sa kamao ni Rogie ang pobreng bakla (ito ay ayon sa mga kwento sa lugar nila). Nagtataka nga ang karamihan, oo nga barumbado/basagulero si Rogie, pero nasa college na ito at talagang nag-aaral, hindi addict, hindi umiinom at hindi rin nanigarilyo, talagang mahilig lang sa gulo, kung saan may gulo o away asahan mo andoon si Rogie.

Pero nagtaka ang mga bading naging close si Rogie kay Lito. Ang alam ng mga bading hindi talaga nakikipakwentuhan sa bading si Rogie pero bakit madalas nilang makita si Rogie na nakikipagkwentuhan kay Lito. Masaya silang nag-uusap palagi. At doon din kung minsan natutulog si Rogie sa parlor. Tinanong nga ng mga bading kung may relasyon sila, pawang tanggi lang ang sagot ni Lito.

Ang totoo wala naman talaga silang relasyon. Ang katwiran naman ni Rogie ng tinanong siya ng mga bakla sa tanong na "akala ko ba galit ka sa mga bading", "hindi ako galit sa mga bakla, si Lito ay hindi chismoso, professional (Lito is working in an office in Makati bukod sa business nyang parlor), alam nya ang kahulugan ng kaibigan, at marunong siyang magdala ng pagiging bakla".

Sa mga kwentuhan nila, napag-alaman ni Lito na may problema pala ito sa pamilya. Ang panganay na kapatid nito na nag-tratrabaho sa isang malaking hotel sa Makati ay isa pa lang addict (pero hindi halata kasi maganda ang katawan ng kuya nya). Ang tatay nya ay masyado daw violente pag nalalasing kaya nasasaktan ang nanay nya wala naman daw siyang magawa, away mag-asawa daw iyon. Doon naintindihan ni Lito ang pagiging barumbado ni Rogie.

Lahat ng problema ni Rogie sa bahay ay kay Lito nya sinasabi. Nakikinig lang si Lito at magbibigay lang ng opinion pag hiniling ni Rogie ang kanyang opinion. Alam din Rogie na halos gabi-gabi ay iba - ibang lalaki ang natutulog sa apartment/parlor ni Lito. Halos lahat yata ng barkada nya ay natsupa ni lito.

Madalas din namang matulog si Rogie sa parlor pero maski magkatabi sila ni Lito sa kama wala talagang nagyayari sa kanilang dalawa. Doon lalong humanga si Rogie kay Lito, ni minsan hindi nag attempt si Lito sa katawan nya.

Nagdaan ang ilang buwan na ganoon ang naging relasyon ng dalawa. A very cose friends indeed. Hanggang isang gabi, bumaba si Lito (hindi naman stay-in yung mga beautician sa parlor) ng may marinig siyang kumakatok sa ibaba ng parlor. Pagbukas nya ng pinto, si Rogie ang nabungaran nya, parang lasing, bakit anong problema (first time na pumunta si Rogie ng apartment ng ganoong oras na naka-inom).

"May away na naman sa bahay, dito muna ako matutulog", sagot ni Rogie.

Matapos mapunasan si Rogie ng mainit na tubig para mawala ng kaunti ang kalasingan nito ay inayos na ni Lito ang sofa para makatulog na si Rogie. Gustuhin man nyang sa itaas, sa kwarto matulog si Rogie ay nagtatalo ang kalooban at isip nya, natatakot siya, lasing si Rogie
at iba na yung mga akbay nito at yakap sa kanya ng napatumba ito sa sofa. Natatakot siya baka hindi nya mapigil ang sarili ano pa ang mangyari.

"Lito pwede tabi na lang tayo, may kasama ka ba sa kwarto mo ngayon, ang alam ko wala kasi kumpleto ang lahat ng barkada sa inuman".

Wala ng magawa si Lito kundi isabay na sa pag-akyat si Rogie sa kwarto. Ilang beses din naman silang nagtabi at nakaya naman nyang mag pigil at tutal Sabado naman bukas, pwede siyang mapuyat at hindi matulog para bantayan lang ang sarili. Pagkahiga nilang dalawa ay nagtaka siya naghubad si Rogie ng damit (dati naman hindi nya ito ginagawa), aninag nya ang katawan (may liwanag ng buwan na pumasok sa kwarto nya) ng huli. Pumasok din ito sa loob ng kumot nya (maski bingyan nya ito ng sariling kumot).

Maski malamig sa loob ng room (because of air-con) ay parang ang init-init ng pakiramdam ni Lito. Patihaya pa si Rogie ng nahiga (normally palagi itong nakatalikod sa kanya pag magkatabi silang natutulog) sa kama na parang nag-aanyaya. Siya na lang ang tumalikod at niyakap ang kanyang unan. Mga ilang minuto ganoon ang ayos nila, pakiramdaman.

"Lito, sobrang bang pangit ako at maski pasaring man lang ay hindi mo magawa", tanong ni Rogie.

"Nakakainsulto ka naman eh, ako na nga ang lumalapit ayaw mo pa", maktol ni Rogie.

Doon biglang natauhan si Lito. Humarap siya kay Rogie at wala ng salita, yumakap na siya sa katawan nito. Yakap lang ay okay na sa kanya. Matagal na nyang mahal si Rogie, ayaw lang nyang aminin sa sarili. Natatakot siyang magmahal muli, pero may nagsabi sa kanyang its better to love and lost it (again and again) than not falling in love at all.

Humarap si Rogie sa kanya, nilapit nito ang mukha at hinalikan ang kanyang labi. Doon pa lang ay parang gusto ng umiyak ni Lito sa tuwa, naramdaman nanaman nya ang tamis na dulot ng isang halik sa taong mahal mo. Oo nga, ilang lalaki na ang nakatabi (halos gabi-gabi iba ibang tite) ni Lito, pero iba talaga ang damang ligaya pag ang taong katabi ay mahal mo.

Doon muli siyang natakot, mahal talaga nya si Rogie, at tumulo ang kanyang luha.

"Bakit"? pagtatakang tanong ni Rogie. "Wala, masaya lang ako, ang tagal ko ding hinintay ang taong muli kong mamahalin, it took seven years at naramdaman ko rin ulit ang ligaya pag may minamahal ka", sagot ni Lito. At muli silang nagyakap ni Rogie upang pag saluhan ang unang gabi nila ng pagmamahalan.

Hindi na takot si Lito na magmahal ulit. Hindi mo pwedeng ipagpalit ang ligayang iyong nadarama sa piling ng iyong minamahal. Alam din nyang may hangganan o katapusan pa rin ang relasyon nya kay Rogie. Hindi na mahalaga iyon, ang mahalaga ay maligaya siya ngayon, at bawat segundo, minuto at oras na pagsasama nila ni Rogie ay papahalagahan nya. Masarap talagang magmahal ang tangi nyang nasabi.
______________________________________________________________________

Nagsama na si Rogie at Lito at naging maganda ang samahan nilang dalawa. Hindi nila itinatago ang kanilang relasyon, maging ang magulang ni Rogie ay alam ang relayon nito kay Lito. Maraming nanibughong bading sa samahan ng dalawa.

Ang akala ni Lito ay wala ng katapusan ang kanyang kaligayahan, subalit isang gabi hindi umuwi si Rogie. Nag-alala, siya. Pinuntahan nito ang mga barkada at walang gustong magsalita. Parang may tinatago ang mga ito sa kanya.

"Lito, kausapin mo na lang si Rogie pag-uwi sa inyo bukas, umuwi ka na gabi na, may pasok ka pa bukas di ba, baka napasama lang sa mga classmate si Rogie?", si Dante ang pinakamalapit na barkada ni Rogie.

Nang wala na si Lito ay lumabas sa kinatataguan si Rogie.

"Pare, umuwi ka na, bakit hindi mo sabihin ang totoo, baka maintindihan ka naman ni Lito", mungkahi ni Dante kay Rogie.

"Oo nga dre, na-aawa kami kay Lito, alang-alala sa iyo yung tao, kung alam lang nya ang totoo", dugtong ng isa pang barkada ni Rogie.

Walang nagawa si Rogie kundi ang umuwi na sa apartment ni Lito. Andoon pa rin si Lito naghihintay sa kanyang pag-uwi.

Sumalubong sa kanya si Lito at pumasok na sila sa loob.

"Kumain ka na ba", saan ka ba galing, asan ang mga gamit mo sa school"? dugtong - dugtong na tanong ni Lito.

"Kanina pa ako umuwi mga bandang hapon, kumain na rin ako ng hapunan sa bahay nina, nina....... Sarah", huminga ng malalim si Rogie pagkasabi ng pangalan ng babae.

"Sinong Sarah", kinakabahan na at parang sasabog na ang didbib ni Lito sa nadinig. Noon pa may nagsasabi na sa kanya na may nililigawan si Rogie na babae sa kabilang bayan. Pero hindi iniintindi ni Lito ang chismis, inggit lang kayo sa amin ni Rogie yung ang palagi nyang tugon sa mga bading na nagsususmbong sa kanya.

Bigla siyang niyakap ni Rogie at sabay sabing "mahal kita Lito di ba alam mo naman yun", pero lalaki ako may mga bagay na hindi mo kayang ibigay na maibibigay ng babae", mahigpit ang yakap ni Rogie sa kanya habang nagsasalita ito.

"Sssssshhhhh, tama na Rogie, huwag ka ng magpaliwanag, naiintidihan kita, yung minahal mo ako ng tunay ay sapat na maski sa sandaling panahon, binuksan mo ulit ang puso ko at tinuruan ulit mag-mahal", umiyak na si Lito at yumakap na rin kay Rogie.

"Lito, mahal kita, pwede naman di ba, gusto ko walang mabago sa ating samahan, gusto tayo pa rin, pero si Sarah, pinapipili na nya ako," umiyak na rin si Rogie habang nakayakap sa kanya.

"Bakit, kilala nya ako, nagkita na ba kami ng babaeng yan", tanong ni Lito.

"Sila yung may-ari ng pawnshop dyan sa tapat ng parlor mo", tugon ni Rogie.

Naalala na ni Lito ng minsang pagtawid nya ay may kotseng bumusina sa kanya na naka park sa harap ng pawnshop, sabi ng beautician nya, yun daw ang babaeng niligawan ni Rogie na hindi naman inintindi ni Lito.

Hindi na tinanong ni Lito si Rogie tungkol sa pilian, yung hindi nya pag-uwi ay tanda na si Sarah ang pinili nito.

"Mahal kita Rogie, pero nakapamili ka na, hangad ko na lang ang ligaya nyong dalawa, sana nga kayo ang magkatuluyan pag dating ng panahon", tumayo na si Lito.

"Bukas ko na lang ihahatid yung mga gamit mo sa inyo, sige na, umuwi ka na, matutulog na rin ako", hawak na ni Lito ang pinto at hinihintay na lang na lumabas si Rogie para isara ito.

"Lito, mag-usap pa tayo, please, ang labo naman, akala ko ba naiintindihan mo ako", paki-usap ni Rogie.

"Kaya nga binibigyang laya na kita dahil naiintindihan kita, bakla ako, babae si Sarah ano pa ba ang dapat kong asahan", sagot ni Lito.

"HIndi mo man lang ako ipaglalaban", sabi ni Rogie.

"Anong ipaglalaban, wala akong laban, tinapos mo agad ang laban, paano ako makakalaban", umiiyak na naman si Lito.

"Please Rogie hanggang kontrolado ko pa ang sarili ko, umalis ka na", medyo sumisigaw na si Lito.

Doon na lumabas si Rogie at sinara na ni Lito ang pinto.

Sa loob ng bahay ay napahagulgol na si Lito ng iyak. Pangalawang pag-mamahal, panglawang pag-patay nanaman sa puso nya.

The End

 

No comments:

Post a Comment

Iputok mo ditto, Pre!