by: nic
Life is short, so I enjoy it to the fullest. Kasabihan yan, kaya sa buhay, wala akong pinapalampas na mga pagkakataon. I enjoy life and I'm happy. At my young age, 22, I have a very good career, I have so many friends and financially, okay din naman. Sex life? Of course it's doing good na dumadagdag pa sa kaligayahan ko sa mundong ito. I can say na I am so blessed na nga. I'm actually living independently. Biyuda na ang mommy ko and she's living in Canada with her sisters. Yung two elder sisters ko may pamilya na. Kaya naiwan na lang yata akong mag-isa, thus, I support myself alone. But I don't feel lonely naman kasi sabi ko nga, I have so many friends who are always there for me. My family knows that I'm gay, of course my friends does too. But take note, I'm not the type who's vulgar. Meaning a gay who dressed like girls or yung kekendeng-kendeng sa daan. Plus, I don't dreamt to be a woman, wala sa pangarap ko sa buhay na balang-araw, magiging babae ako. I'm happy with who I am now. Discreet gay kung matatawag. First impression sakin kung makikita ako ay lalaki talaga ako but once you met me na, malalaman mo na kapederasyon pala ako nina Sweet at Chokoloeit. Hindi naman sa pagmamayabang coz I can say that I'm good looking naman. Ilang beses na rin ako nakarinig sa ibang tao na sayang daw bakit pa ba ako naging bakla. Well, that's life.
As I've said, I really enjoyed life. Honestly, aside from career and friends ay priority ko na rin ang sex. I admit that I love having sex. Part na ng buhay ko ang sex and masaya ako before and after kong makipagsex sa kung sino-sinong lalaki. I have many experiences in sex. I already tried quickie and all the way. Of course, masarap, enjoy and para kang nasa heaven. Malibog lang talaga kasi akong tao kaya madalas yata yung mga guys na namee-meet ko pa lang, sa chat or somewhere ay di pwedeng di ko sila maka-sex. But it doesn't go to the point na nagbabayad na ko ng callboy. Never kong gagawin yun. Besides, di pa naman ako ganon kadesperado kasi may mga pumapatol naman sakin kahit papaano. First sex experience ko ay nung 2nd year highschool, too young, sa classmate ko at sa school pa namin mismo ginawa. Kaya siguro naging ganito ako kasi namulat ako sa sex in an early age. Elementary din kasi ako when I started na makaramdam ng attraction sa guys. Attraction na di nagtagal ay naging libog. I know what might be the consequence of what I'm doing. I mean, one day baka malaman ko na lang may sakit na ako. 'Wag naman. Yes I'm afraid but I still keep doing it. Sex is like drugs kasi na nakaka-adik. But sex is better than drugs diba?!
Love, masasabi kong ito na siguro ang pinaka-pinagkakait ng mundo sa ating mga bakla. Honestly, I dont believe na may true love pang darating sa ating mga gays. Naiisip ko na talaga palang kasalanan ang pagiging homosexual kaya pagdating sa love ay pinaparusahan na tayo ng diyos. I really don't believe that gays deserved to be love. Ewan ko ba pagdating sa love ay I'm not that serious and hanker. Totoo nga siguro yung isang movie line na "Love is saying goodbye to your fondest dreams and hello to your worst nightmares." Hindi ko na rin expect na may darating pang true love. Para bang, hello bakla ako, as if naman no?! Siguro dahil na rin sa past relationships ko. I went to a lot of relationships na. Those relationships ended up na ako palagi ang luhaan and nasaktan, as usual. I was hurt a lot of times coz naranasan ko nang maperahan, magamit, maloko at magparaya. What I feel in those relationships ay naglalaro lang kami at wala naman yatang love, kasi puro sex lang ang hanap ko. Alam ko naman pinaglalaruan lang ako so nakikipaglaro na lang ako. Maybe it's just sex that what I want to them, at ganon din naman siguro yung iba sa akin. Yung iba naman pera, ginagamit lang ako na usual na sa ating mga bading. Matapang ako sa mga pagkakataong ito. Sinasabi ko "Pinaglalaruan niyo'ko, so makikipaglaro ako.." Kaya talagang walang kwenta. Pero ang ending kapag natapos na ang laro, as usual, ako ang talo. Uuwing luhaan at nasaktan at thankfully ay dadamayan ng mga tunay na kaibigan.. I'm hurt not because of losing the guy, I was hurt because I'm the loser. But I accept all of those things because I know it's the consequence of being gay. So, you can't blame me of being a hopeless romantic. It's not the end of the world every after worst relationships. Iniisip ko na lang, atleast natikman ko sila kaya patas lang ang laban para sa'kin. Life goes on. In work, as a columnist in a magazine, with my friends, tuloy pa rin ang mga gimiks, night life, shopping etc., and of course my sex life continues too. It also came to my mind na maybe kaya I'm so loveless is because of this lust. May kasabihan nga na 'man learns love through sex'. However, those thoughts did not changed me.
Life started to change when one person came to my life. Hindi ko nga alam pero hindi naman ako ganon kabuting tao para biyayaan ng diyos ng ganitong regalo. For once, naramdaman ko na ang feeling na never pang dumadapo sa puso ko. Akala ko masaya na ako sa buhay ko pero hindi pala. May mas masaya pa palang darating na babago sa ihip ng hangin. How, when, where, and who? You better read my story..
Mid ng March 2004, finally, pinakilala na din sa amin ni Meg yung dahilan kung bakit palagi siyang blooming palagi at masaya. Noon, pa-secret secret pa siya pero di nagtagal napilitan na siyang ipakilala si Jessie, yung 23 y/o guy na nanliligaw sa kanya. Totoo nga ang sinasabi niya, talaga namang gwapo itong lalaking ito. Kaya naman pala hindi maipinta ang saya palagi sa mukha ni Meg araw araw. Meg is one of my bestfriends since high school pa. I love her so much and I know she loves me too. Ganon kami sa barkada, nagmamahalan, nagbibigayan, nagdadamayan. Marami na ko naitulong sa bruhang yan at siya din, she was also very kind to me. Yung mga times na nagtatapang-tapangan ako pero bibigay din pala at iiyak, isa yan sa mga nagpatahan sa'kin kasama yung mga ka-pederasyon kong kaibigan. Mahal na mahal ko talaga itong babaeng ito, as a friend, kaya Im so happy for her na magkakaboyfriend na siya, at happy din ang buong tropa sa kanya.
The first time I've seen Jessie, he's really a good looking guy. Maganda ang katawan, hindi masyadong malaki or matigas, average lang. Yun kasi ang magandang katawan para sa 'kin, yung may muscles nga pero hindi over sa laki na parang nakakatakot na. I like the way he dress. Malinis, mukang mabango, my style. I could compare him the way he dress to Jericho Rosales kasi parang pareho sila ng built at porma. Mukha pa siyang mayaman, pero hindi lang mukha, mayaman pala talaga. He's managing a bar and resto business na gift sa kanya ng parents niya. Pareho pala kami ni Jes, living independently. Teka, bakit kami, eh diba si Meg na very good friend ko yung love interest niya. But I wanna clarify that on the first time I met Jes, hindi ko siya agad nagustuhan. Wala lang, he's gorgeous, ganon lang yun. Hanggang puri lang sa isip ko ang na-feel ko. Hindi naman kasi ako madaling na-aattract sa lalaki.
Nagsimula akong maging close sa lalaking ito nung sumasama sama na siya sa amin dahil na rin nga sa panunuyo niya kay Meg. Dun ko na siya unti-unting nakikilala. Marunong makisama, masayahin, very kind, very nice and talagang mabait. One time, I was in the mall, mag-isa lang and nagkita kami co-incidentally. Nagbatian, nagkumustahan hanggang nauwi sa yayaan na magsama na lang daw kami. Nahihiya pa ako pero close na rin naman kami ng lalaking ito. He was so supportive sa mga binibili ko sa mall. He suggests things to me na sobrang nakakatulong. Like kung ano mas bagay kung ano mas magandang bilhin. Medyo nagmamarunong or nakikiaalam nga pero okay naman kasi I like what he's doing. Masarap siyang kasama. Nagkakasundo kami sa maraming bagay, like sa mga books na gusto naming binabasa, sa movies, sa clothes. Halos buong araw kami sa mall so afterwards naisipan naming kumain.
Gumaan agad loob ko kay Jes na para bang we're not just close friends, we're really friends na and feeling ko ganon din siya sa akin. Sobrang madaldal lang talaga ako kaya andami ko kinukwento sa kanya and natutuwa naman siya. Nung kumain na kami inamin niya na nagulat siya sa akin kasi matagal na kaming nagkakasama sa mga gimiks naming magkakaibigan pero di ko siya ganon kinakausap. Inamin ko rin na siyempre nahihiya pa ako sa kanya dahil di pa kami ganon ka-close. Pero ngayon, close na kami. In just one day, we became this super close. "Okay lang ba?.." tanong ko sa kanya the same time habang kumakain. "Okay lang ang alin?" parang natatawa pa niyang tanong din sa akin. Parang ayaw ko pa sanang ituloy yung itatanong ko pero confident na naman ako sa lalaking ito. "Okay lang ba, kasi ako kasama mo... bading?" nahihiya ko pang tanong. Natawa siya and sinagot ako: "Ano ka ba? Okay lang kaya. Ito naman, hindi ka na ibang tao. So ano ngayon kung bading kasama ko. Hindi na big deal. It doesn't bother me anyway." Naalala ko pa yung mismong sagot niya sa akin that time. So, nagulat ako, okay lang sa kanya ang bading, na kasama pa niya. Flattering. Pansin niya siguro na wala na akong imik pero medyo ngumingiti-ngiti. "There's nothing wrong of being gay and believe me, okay lang sa aking na magkaroon ng friend na gay. It's not an issue for me." Mas tumamis yung ngiti ko, nagpasalamat and mas lalong gumaan ang loob ko sa gwapong mokong na ito. I think I'm starting to like this guy.
Parang naging part na ng barkada itong si Jessie. Medyo naiilang lang nga siguro siya kasi siya ang nag-iisang lalaki sa amin. Pero siguro dahil seryoso siya kay Meg, lahat ng kaibigan ni Meg ay gusto niya ring maging kaibigan. And I can say na I'm lucky kasi ako na yata yung pinaka-close niya sa mga friends ni Meg. Ordinaryong tao na lang sa akin si Jes. Meaning, talagang kaibigan ko na siya, hindi na ako nahihiya, confident na ako sa tuwing kasama siya and at the same time masaya rin. Wala naman talaga akong gusto kay Jessie, pero unti-unti ko na siyang nagugustuhan habang nagkakalapit kami. One night, nagkayayaan ang grupo na magnight-life sa may Timog.
Nagkainuman, nagsayawan, katulad ng madalas naming ginagawa. Pero iba 'tong gabing ito sa nakasanayan na namin. Ibang iba siya para sa'kin. Naparami ang inom ni Jes kaya medyo nag-iiba na ang timpla ng mood niya. Yung iba kong friends kasama si Meg nagkayayaang magsayaw. Niyaya sana ako pero nahihilo na ako, kahit si Jes niyaya din kaso nga lasing na baka maging wild pa sa dance floor. Tatlo kaming naiwan sa mesa, ako, si Jessie, at yung gay friend ko pang si Steve. Dahil nga medyo wala na sa sarili si Jes, nakuhang magbiro ni Steve. "Uy Nic. Suwerte ni Meg dito no?! Papang papa ang dating. Sana akin na lang siya.." sabi ni Steve. "Ano ka ba?! Ambisyosa.." pabiro ko ding sagot. "Pansin ko lang din na close na kayo ah. Uyyy, may bagong prospect ang bakla. Ano bang balak mo? Natikman mo na ba siya?" nakakainis pa niyang tanong. "Gaga! Sira ka talaga! Excuse me, for your information wala akong balak na ahasin 'tong lalaking ito kay Meg no?!" sagot ko naman.
Hindi ko alam kong naririnig or naiintindihan ni Jes yung pinag-uusapan namin. Maingay sa bar at nakapatong lang ang pisngi niya sa palad niya na na nakapatong naman ang siko sa mesa. Parang wala sa sarili at napapansin kong sumasabay ang bibig sa tugtog ng music, kumakanta siya. "Feeling ka! Alam ko lukso ng dugo mo bakla. Wala kang pinapalampas na lalaking hindi mo natitikman. Sinong maniniwala sa'yo na di ka nakaramdam ng libog sa lalaking 'yan?! Hello, super close kayo at minsan magkasama." dugtong pa ng bakla. Hindi na ako nagsalita pero it doesn't mean na galit na ako. Ganon lang talaga kaming magkakaibigan kung manalita pero hindi kami nagkakapikunan. Naisip ko rin yung sinabi niya. Tinitigan ko si Jes habang tahimik siya at walang imik. Naisip ko, bakit nga kaya wala akong libog na nararamdaman sa kanya? Gwapo siya, type ko ang katawan niya at mukha namang masarap. Pero ilang beses na kaming magkasama pero bakit hindi pumasok sa isip ko na tikman 'tong lalaking ito? Sophisticated at may pagka-liberated akong bakla pero bakit iba ang feeling ko sa lalaking ito. Ah.. baka siguro dahil kaibigan ko siya. Hindi na ako nag-isip ng kung ano pa kaya inalis ko na ang mga mata ko sa kanya.
It's a weekend kaya wala akong trabaho. Katulad ng nakagawian, nasa bahay lang ako, nanonood ng mga VCD's. Naalala ko pa, that rainy day, "Hot Chick" pinapanood ko nun kaya tawa ako ng tawa. Hapon nun, matatapos na sana yung movie nang may nagtext. "It's Jes' birthday. May party sa kanila mamayang gabi." Mga 8pm punta daw ako. Si Meg ang nag-text at invited nga daw ako sa birthday ni Jes. Birthday pala ni Jessie that day, hindi ko alam. Wala nang kaso, kahit hindi pa ako imbitahin, pupunta talaga ako. Kasi Jes to me is a very good friend na and hindi na siya ordinaryong lalaki for me. Two months na pala kaming magkaibigan nitong lalaking ito. Two months na rin siyang nanunuyo kay Meg. I wonder kung bakit hindi pa sinasagot ng Gracielle na ito ang may pagka-boy next door appeal na si Jessie. Bilib din ako kay Jes, matatag, mukang hindi susuko, seryoso talaga siya sa pretty friend ko. Kaya hindi na ako nagdalawang isip, mamaya 8pm punta ako kina Jes, birthday niya, party na naman ito!
I did not expect na maraming tao pupunta sa birthday niya. Nandun yung nag-iisa niyang ate but his parents can't come kasi nasa ibang bansa nga. Nandun din ang mga kaibigan niya. Marami din pala itong friends, puro gwapo at di man lang nagawang ipakilala sa'min noon. May mga magaganda ding babae in fairness. Baka ilan dito ang ex ni Jes. Kaya yung mga friends kong bakla ay excited kasi maraming gwapo guys. Masaya ang party, di naman na-out of place ang barkada namin kasi Jes and her sister treated us well also. Hindi ko nga lang sinasadyang marinig ito. "Jessie, mukhang may bago ka nang barkada ha?! Pansin ko mga tagilid ang gender nung iba. Baka naman nag-iiba na ang kulay mo at nahawa ka." biro ng kaibigan niya habang nag-uusap sila. "Oo pare mga kaibigan ko na din yung mga yun, barkada ko na ring matatawag actually. At first, Im doing this for Meg kaya kinaibigan ko na rin mga friends niya, girls man, o gays. Pero talagang naging close ako sa kanila kaya wala na sa isip ko na para kay Meg ito." sagot ni Jes sa friend niya. Natawa yung kaibigan niya. "Tol, sana don't put any meaning on this. There's nothing wrong naman. Don't worry, kaibigan ko pa rin naman kayo." sabay akbay dun sa kaibigan niyang lalaki. Maiinis dapat ako sa narinig ko dun sa kaibigan niyang lalaki na hindi naman kagwapuhan. Pero nawala inis ko sa narinig ko kay Jessie. Napangiti na naman ako at pagaan na naman ng pagaan ang loob ko sa lalaking ito.
Hating gabi na, tapos na ang party. Pinaiwan kaming magkakabarkada ni Jes sa kanila. Umalis na rin ang ate niya kaya kami na lamang dun sa bahay nila. Iba ito, magpopropose na kaya siya kay Meg? Proposal? Hello e hindi pa nga sila nagiging mag-on no?! May second round pa daw na party, made especially para sa mga bago niyang kabarkada. Touch naman ako. Kung titignan ko sila ni Meg ay parang mag-on na sila. Baka naman sila na at itinatago lang nila. Habang nagkakasayahan sa may sala nila ay biglang humingi ng atensyon si Meg. Mukhang masayang masaya ang pretty friend ko. Medyo lasing na pero nasa tamang katinuan pa naman. I think she would like to announce something. At ang announcement ngang iyon ay sinabi niyang sinasagot na daw niya si Jessie. Naghiyawan ang lahat pero di ako kasali. Sumali na lang ako sa palakpakan. Obviously, Jes was so surprised pero bakit parang di siya ganon kasaya, at matamis na ngiti lang na may kasamang gulat ang pinakita niya. Siguro expected na niya ito. Nag-hug yung dalawa at cheer naman sa kanila ang barkada. But, why am I not happy? Meg is one of my bestfriends. Nung ipinakilala niya si Jessie sa amin few months before, honestly, I was so happy for my friend. Masaya naman ako ngayon pero hindi kasing-saya nung malaman ko na may bagong lalaki sa buhay ni Meg. Siguro nga kaya ganito ang feeling kasi masaya ako para kay Meg. Nakikita kong masaya ang best friend ko kaya siguro kakaiba ang feeling ko. Hindi pumasok sa isip ko na baka nagseselos ako. Why should I be jealous? Anyway, Im not interested with this guy! Basta, masaya ako, masaya ako, masaya ako.
Mga 3am na yata ng matapos ang second round ng party namin kina Jes. It's time to go home! Siyempre, binati namin isa-isa si Jessie ng happy birthday. He looks so happy now compared kanina. Finally, nakuha niya na ang puso ni Meg. He thanked us so much after kissing Meg sa lips, smack lang. Surprised na lang kami nung nagsimula niyang i-hug ang bawat isa sa barkada namin. Parang dampi lang naman, paraan daw ito ng thank you niya. Siyempre nag-expect ako na darating din siya sa akin at ako yayakapin. Like what I expect, he offered his arms to me. So hinug ko na rin ang loko. Tinapik niya ako sa likod sabay sabing "Salamat talaga tol..". My god, iba ang feeling, ang weird, ang bilis ng heartbeat ko! Hindi ako nakapagsalita, nakangiti lang ako. Parang ayoko pa sanang tanggalin yung pagkakayakap sa kanya pero dapat sandali lang kasi baka kung ano isipin nila. Saka ako nagsalita, "Ito naman.. wala yun! Para ka namang hindi friend!" Yun ang sabi ko kahit hindi ko alam ko saan siya nagpapasalamat. I swear, ang weird talaga ng feeling, kakaiba, to the point na parang I wanted to cry. Why cry? Hindi ko rin alam basta iba talaga ang nararamdaman ko. I've never felt this before.
Lumipas ang araw na nakalimutan ko na ang mga nangyari. Boyfriend-girlfriend na sina Jessie at Meg. Pero parang wala namang differences sa connection at ipinapakita nila dati before maging sila. Wala na sa akin yun basta I'm happy for her and him. Wala ding pagbabago sa relationship sa amin ni Jes. Proof lang na hindi niya kami ginamit para mapasagot si Meg. Magkakaibigan pa rin kami at join pa rin siya madalas sa amin. Sa amin, yes, where still very good friends. Napansin ko lang kung ako pa ba ito? Unlike before, hindi na ako ganong naghahanap ng lalaki para maka-relasyon and usually maka-sex. Behave yata ako ngayon. Bakit kaya?
Isang gabi galing ako sa work. Malamig ang gabi at parang uulan. Naghiwalay na kami ni Yvette, yung isa ko pang friend na girl, kasi may daraanan pa daw siya. So mag-isa na lang ako umuwi. Maya-maya, nagutom ako kaya naisipan kong bumili ng burger at coke. Buti na lang nadaanan ko ang SM Manila so pumasok ako at pumuntang McDo. After kong kumain, lumabas na ako and then biglang may tumawag sa akin. Gwapong lalaki, pero bakit niya ako kilala? Naalala ko, isa siya dun sa mga kaibigan ni Jessie na dumalo sa party. So lumapit ako and nagtanong kung bakit. Mabuti na lang daw at may nakita siyang kaibigan pa ni Jessie. Sinabi niyang lasing daw si Jessie dahil nagkainuman daw silang magkakaibigan. Tatlo lang sila at yung isa niyang kasama ay kasama si Jes dun sa may Padi's Point. Pauwi na sana siya pero nag-aalala daw kung paano uuwi si Jessie. Hindi pwedeng magmaneho dahil lasing. Yung isa pa nilang kasama ay kasama yung girlfriend. Kaya daw buti ay nakita niya ako.
So sinamahan niya ako sa Padi's Point. Nakita namin sa di-kalayuan na inaalalayan na nung isa pang friend niyang guy si Jessie sa kotse. Sila na dapat ang maghahatid. Nagagalit na yung girl kasi masisira yung lakad nila ng bf niya dahil kay Jessie na lasing. Sabi nung kasama kong guy, wag na lang daw kasi naririto na daw ako. Oo nga naman, medyo lasing din kasi yung isang lalaki tapos siya ang magmamaneho. Pinakiusapan ako nung dalawang friend niyang lalaki na ipagmaneho ko daw si Jessie pauwi kasi lasing daw ito. Yung lalaking nakita ko sa SM, di pa pala marunong magdrive, yung isa naman delikado din kasi medyo lasing at kinukulit na ng nagbubunganga niyang girlfriend. Pasalamat kayo marunong ako mag-drive, kaso nga lang wala pa akong lisensya kaya mag-ingat na lang. Nabuwisit pa ako dun sa isang kaibigan ni Jes na nakita ako sa SM, biro kasi niya: "Ingatan mo yan ah. Baka pagsamantalahan mo ha!" Tawanan silang magkakasama pero nakisama na lang ako at sumakay sa biro kahit nakakainis ang biro niya. Di ko naman yata kayang gawin yun kay Jessie na kaibigan ko. Nagpaalam na ako sa kanila at pare-pareho lang ang sinabi nila: "Ingat!" Sino kaya ang mag-ingat daw, kami sa pagda-drive, o si Jes sa akin?!
Maganda ang kotse ng lalaking ito. Hindi ko first time na magamit yun kasi ito ang pinag-papraktisan kong i-drive tuwing pinapahiram niya. Naiinggit tuloy ako pero plano ko talaga bumili ng sarili kong kotse. Pansin ko hindi pala tulog itong si Jessie. Parang tipong nakahiga lang sa front seat at halatang lasing. Tapos bigla siyang may sinabi: "Oy.. Ikaw na naman. Thank you ha." parang inaantok pa niyang sinabi. "Okay lang! Ikaw kasi inom ka ng inom." sagot ko. Hindi na siya kumibo at parang di niya na kaya.
Nakarating din kami sa wakas sa bahay niya. Inalalayan ko siya at sinalubong naman ako ng maid niya na nag-iisang kasama niya sa bahay nila. Hindi na ako bago dun, kahit sa maid nila, kilala na ako kasi madalas din kami doong magkakaibigan. Inutusan ko yung maid na pakipunasan na lang si Jessie at uuwi na ako. Napansin ko, naglalaba pala si yaya tapos inutusan ko pa. Gabing-gabi naglalaba siya? Hindi ko na inusisa, hindi na rin siya kumontra sa utos ko sa kanya. Gagawin niya na dapat pero sabi ko ako na lang, tapusin na lang niya yung ginagawa niya. Naihiga ko na pala sa kama si Jessie bago yun. At pagbalik ko ng kwarto, mukhang nakaidlip na siya. Pinakain ko muna siya ng mainit na noodles, kaya naman gumising siya dahil mukhang gusto din niya ng mainit na sabaw. Pagkatapos medyo nahimas-masan na siya, humiga at nakaidlip uli.
Pupunasan ko na sana siya pero parang ayoko. Bukas na ang unang tatlong botones niya sa polo kaya makikita yung maganda niyang dibdib. Nahihiya akong gawin ito sa kanya baka kung ano isipin ng maid nila at isipin niya kapag nalaman niya. Pero hindi, wala naman akong gagawing masama, kaibigan ko naman siya. So pinunasan ko muna kamay niya. Pagdating ko sa pangalawa niyang kamay, napatingin ako sa mukha niya. Napakaamong mukha, halatang mabait, gwapong gwapo. Pinagpipilitan ko pa na hindi naman ako attracted sa kanya, gusto ko lang yung ilan sa mga features niya. Ang gwapo pala talaga niya, ngayon ko lang siya natitigan ng ganon at ang sexy niyang tignan habang bukas yung ilang botones sa polo niya. As I've said, maganda ang built niya. Average lang, hindi masyadong malaki ang katawan, pero maganda, may muscles pa rin. Para talagang katawan ni Echo (Jericho Rosales), tamang tama lang at yun yung type kong mga katawan. Si Jericho kasi isa sa mga pinagnanasaan ko na artista.
Napangiti ako nung naisip ko yun habang nakatingin ako sa buo niyang katawan. Nasabi ko sa isip ko, "This guy is so perfect." Talaga naman, mula sa itsura, sa ugali at sa status, lahat perfect. Pumasok pa sa isip ko, "Yakapin kaya kita." I think gusto ko talaga siya, kasi ang bait na niya gwapo pa. Kaya siguro iba yung feeling ko sa kanya recently. Ginawa ko nga. Niyakap ko siya habang yung ulo ko nakapatong sa dibdib niya. Iba na naman ang pakiramdam. Hindi libog ang naramdaman ko. Hindi ganito ang nararamdaman ko sa tuwing may ka-sex akong lalaki dati. Yung init hindi nanggagaling sa baba ko, sa dibdib ko yata nanggagaling, sa puso. Hindi ko na pinatagal ang pagyakap. At ewan ko ba, parang may nagtulak sa akin na halikan siya sa lips. Dahan-dahan kong inilapit yung labi ko sa labi niya na amoy alak pa. And so I started kissing him. Hindi french kiss ang ginawa ko, matagal ko lang na idinikit ang lips ko sa lips niya. Pagkatapos, kinabahan ako, bumilis ang heartbeat. Iba talaga yung init na nararamdaman ko. Hindi libog ito eh, mukhang galing na sa puso, love na. "God! Im in-love with this person!" parang sumigaw kaagad sa isipan ko habang halos matunaw na siya sa pagtitig ko.
Ang weird ng mga nangyari at mas weird yung naramdaman ko. Pinipilit ko yung kalimutan at mas lalong pinipilit kong dayain ang puso ko. Pero hindi ko magawa, talagang mahal ko na pala si Jessie. Kaya ba ang saya saya ko tuwing kasama namin siya, kaya ba napakagaan ng loob ko sa kanya, kaya ba di ako nakaramdam ng saya nung marinig ko na sinagot na siya ni Meg, kaya ba bumilis ang heartbeat ko at kakaiba ang feeling ko na parang naiiyak nung first hug niya sa akin na may kasamang pasasalamat, kaya ba hindi ako nakakaramdam ng libog sa kanya, kaya ba ganon? Katulad ng sinabi ko, I've never felt this before. Yung mga sinasabi kong minahal kong lalaki noon na ang ending ay ako ang nasaktan ay hindi pala talaga love, infatuation nga lang siguro. Ito na nga ba talaga yung sinasabi nilang love? Ito na ba yung nararamdaman nung mga characters sa mga pinapanood kong romantic movies? I never expected to be in-love. Never.
Weeks passed na parang walang nangyari. Walang pinagbago sa connection ko kay Jessie. Kung iiwas kasi ako ay obvious na na may ginawa ako kaya ako parang guilty. Ganon din naman siya sa akin, walang pinagbago, sobrang close pa rin kame at magkaibigan. Kaya naman confident ako na wala siyang nalalaman sa nangyari. Na ninakawan ko siya, ng yakap at halik. Wala akong planong sabihin ito sa kahit sino sa mga kaibigan ko dahil magkakagulo lang lalo pa na boyfriend na ni Meg si Jes. Kaya inilihim ko na lamang ang lahat. Birthday ni Steve kaya nagyaya siyang mag-beach. Masaya na naman yun, buong barkada. Siyempre buong barkada kasama na dun si Jessie kasi kabarkada na namin siya.
Yung iba kong friends na girls, nagsama naman ng boyfriend, pero okay lang kaya may mga partner partner sa grupo, including Meg and Jes. Subic ang napagkasunduang puntahan. Excited kami kasi minsan lang kami nagbi-beach magkakabarkada. Konti lang ang tao sa beach resort, hindi pa kasi summer, kaya parang solo namin ang lugar. Unang gabi namin, after swimming nung umaga, ay nagkayayaan ng isang game. Truth or Dare. Bote pa ng redhorse ang ginamit na pang-spin. Unang tumutok kay Alexis, yung isa ko pang friend na girl na kasama ang boyfriend niya, nag-truth siya, and then kay Meg na nag-truth din.
Ang tanong kay Meg na nagmula sa isa ko pang friend na gay na si Owen, "How much do you love Jessie?" Ngumiti muna si Meg at sumagot, "Sobrang sobra ko siyang love. Kaya nga matagal bago ko siya sinagot because ayokong fake yung nafe-feel ko sa kanya. And suddenly, nalaman ko, this is for real na, mahal ko talaga siya." Tandang tanda ko pa yung sagot nun ni Meg. Parang kinilig ang lahat sa grupo and touch naman ako. Touch na may kasama yatang hurt. Hindi lang ikaw nagmamahal sa lokong yan, ako din! Sa pangatlong spin, unexpectedly na si Jessie ang naturo. Kauna-unahan siyang pumili ng dare. Ang dare nung una ay i-kiss niya sa lips ang gf niyang si Meg. Nag-react yung isa ko pang kabarkada. Hindi na daw bago, usual na, kaya ano pang exciting kung magkiss sila e madalas na silang magkiss. Si Alexis ang napagkaisahan nung pangalawa kaso medyo delikado kasi kasama ang boyfriend.
Nagulat ba naman ako na ako itinuro ni Steve. Ito talagang baklang 'to! Nag-agree naman ang karamihan tutal dare lang naman daw. Todo kontra ako, hindi makatitig kay Jessie at ayokong makita kung ano reaksyon niya. Pinipilit nila ako, keso killjoy daw ako e dare lang naman daw. "Ayoko nga! Ano ba? Hello?! Please lang ah. Ayoko! May girlfriend..." hindi pa ako natatapos magsalita ng bigla na lang akong ini-smack ng mabilis sa chicks ni Jessie. Nagulat ako parang di ako makapagsalita at para akong matutulala. Iba na naman ang feeling, mabilis ang heartbeat, kinikilig ako. Itong lalaking mahal ko kusa akong hinalikan. Hindi ko yun inexpect. Napaka-special ng moment na yun. Kung sa romantic movie, yun yung scene na tutugtog na yung love song kaya mas nakakakilig. Grabe, I really love this guy. "Sus, dare lang naman e!" sabi pa ni Jes after niya akong i-kiss. Nanunukso pa yung mga kaibigan ko na kinokontra ko naman. Tama na okay, nahihiya na ako! Napatitig ako kay Jes at nagkangitian kami. Yung expression ng mukha niya sa akin ay nagsasabing "Okay lang yun!" Pero nung kay Meg na napatitig ang mata ko, ngumiti din siya. Pero kakaiba ang ngiti niya parang may ibang halo. Na-feel ko, hindi nagustuhan ni Meg yung nangyari.
The other night, I grabbed the opportunity na kausapin si Meg. Pansin ko kasi after last night ay parang tumatabang na siya sa akin. Hindi naman sa hindi niya ako pinapansin or tinatarayan, paranoid lang talaga ako. Habang nag-iihaw siya ng barbecue, kinausap ko na siya. "Oi girlfriend, galit ka ba sa akin?!" tanong ko agad sa kanya. "Bakit naman ako magagalit sa'yo gayfriend!" masiglang sagot niya kaya nawala yung kaba ko na galit siya sa akin. "Okay lang ba yung kagabi." Alam na niya yung ibig kong sabihin kaya sumagot kaagad siya. "Okay lang sana. Pero di ko maiwasan na mag-worry. I noticed kasi na parang iba yung expression ng mukha mo. Parang may iba sa'yo palagi pagdating kay Jes."
"Bakla, baka may gusto ka sa boyfriend ko ah or baka pinagnanasaan mo siya!" pabiro na medyo seryoso din niyang tanong. Hindi sana ako makakapagsalita pero baka makahalata siya. Totoong mahal ko yung boyfriend niya pero ano magagawa ko e gago kasi yang boyfriend mo! Yun dapat ang gusto kong sabihin. Pero nagsinungaling ako siyempre. "Gaga ka ba! Ano ka ba?! Hello?! Alam mo, siyempre nahihiya lang ako sa nangyari. Nahihiya ako sa kanya, alam mo naman na first time ko magkaroon ng kaibigan at kabarkada na straight guy since highschool diba?! Kilala mo ako, hindi ako masyadong lumalapit sa mga lalaki nun kasi nga iba ako kaya wala akong kaibigang lalaki?! Diba?!" mabilis kong sagot. Pero kahit mabilis yung pagsasalita ko ay naintindihan pa rin niya ako. "Talaga ah! Promise?!" tanong pa niya. "Sure Meg, wala akong balak ahasin yung bf mo sa'yo. Sorry na lang kung ako nagustuhan niya. Joke! Pero wala talaga akong gusto sa kanya, baka pagnanasa meron pa!" pabiro kong sagot sa kanya.
Nagkatawanan na lang kami habang parang kinukusensiya ako ng puso ko dahil nagsinungaling ako. "Sige nga.. kung hindi mo siya gusto, puntahan mo nga siya sa kwarto niya sa taas at tawagin mo dahil kakain na tayo!" pahabol pa ni Meg. So sure naman ako kaagad para di makahalata. Pero sa loob ko, shit nakakahiya after what happened last night. Hindi, hindi ako magpapahalata, everything will be fine. Ang hindi ko alam ay parang tinulak pa pala ako ni Meg sa isang pangyayaring di ko inaasahan at ikagugulo ng lahat.
Kumatok ako sa room ni Jessie. Yung kinuha niyang room sa resort kung saan magkasama sila ni Meg. Habang ako naman ay kasama yung mga bading kong kaibigan. Pagbukas niya, naabutan ko siyang parang may ginagawa. Agaw pansin agad sa akin yung sexy niyang katawan. Suot ang fitted na sando, beach shorts at may anklet pa sa binti. Pero hindi ko na gaanong binigyang pansin yun. "Halika na, kakain na daw.." yaya ko agad sa kanya. Pinapasok niya muna ako. Hintayin ko lang daw siya dahil may ginagawa siya. Gumagawa siya ng isang simple art craft gamit ang ilang shells sa beach. Artistic pala itong si Jes. May nakasulat dun at para daw yun kay Meg. Gusto daw niyang magpasalamat dahil he found out how much Meg loves him. He also wanted to express his love through something nice.
Nakakakilig naman, ang sweet talaga nila, how I wish that time sana ako na lang yung bigyan niya nun. Na alam kong malabong mangyari. Pinagmamasdan ko lang siyang gawin yung ginagawa niya. Hanggang sa imbis na yung ginagawa niya ang pagmasdan ko, siya na ang natitigan ko. Mahal na mahal ko itong lokong ito. Pero hindi ko pwedeng sabihin at habambuhay ko na lang ito itatago. Ayoko na sanang masaktan pero lintik kasi itong pusong ito e! Lintik ka ding lalaki ka kasi di ko alam kung anong meron ka bakit kita mahal. Malabong mangyari ang gusto ko kaya as usual, magpaparaya na lang ako at hahayaang masaktan, sanay na ako. Yan ang mga nasa isip ko habang nakatingin sa kanya. Hanggang nagulat na lamang ako dahil nahuli niya pala akong nakatitig sa kanya. "Hoy! Baka matunaw ako nyan!" gulat niya sa akin. Shit! Nahuli niya akong nakatitig sa kanya. "Ah wala wala.. Napatitig lang ako! Sorry." nahihiya ko pang sagot. Tinanong ko sa kanya yung tungkol kagabi at kung bakit niya ginawa yun. "Wala lang naman yun. It's just a dare and it's for fun! Okay lang yun kahit pa iba ka, magkaibigan naman tayo no."
Marami pa sana akong gustong itanong at sabihin pero hindi na ako makapagsalita. Kinikilig ako sa mga pagkakataong iyon na magkasama kami sa iisang kwarto na kami lang. And believe it or not, walang malisya yun sa akin, wala akong libog na nararamdaman. Lahat ng feelings ko that moment, hindi sa baba nanggagaling, galing sa puso. Bigla na naman siyang nagsalita kaya nagulat na naman ako. "May gusto ka sa akin no?!!" alam kong birong tanong lang niya iyon. Kaya kahit totoo ay pabiro ko din siyang sinagot "Oo kaya! Gusto kaya kita!." Nagtawanan kami pareho kahit alam kong totoo sinasabi ko at hindi talaga yun biro. Bigla ba namang nakipag-shake hands sa akin. At biglang yumakap, yung hug na panglalaki at tinapik-tapik na naman ako sa likod sabay sabing "Okay lang 'yan tol!" Gusto ko sanang mainis kasi tinawag na naman niya akong "tol" pero nangibabaw yung feelings ko that time.
Sandali lang 'yun, parang beso beso lang, basta sandali lang talaga. Iba na naman yung impact sa akin. Pagkatapos na pagkatapos nung quick hug niya, nagkatitigan kami at ewan ko parang sinaniban ako at sinabi kong "Gusto kita.. mahal kita.." Seryosong seryoso ako nun na kulang na lang isugod ako sa ospital. Nakatitig lang siya at halatang nagulat sabay tawag sa pangalan ko na parang nagtatanong kung okay lang ba ako. Nagkatitigan lang kami at ba yung titig niya parang may gustong sabihin. Iba sa karaniwan na titig niya sa akin. Iba na ito. Hindi ako nakapagpigil, bahala na, basta mahal ko'tong lalaking ito. Napasandal siya sa pader sabay yakap ko sa kanya ng mahigpit and afterwards I kissed him. Doon ko napansin na hindi lang ako ang humahalik sa kanya, humahalik na din siya sa akin. Hindi gaanong nagtagal dahil bigla niya akong itinulak na parang nagsasabing tama na, huwag.
Biglang tumulo luha ko at sobrang lumambot ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. And I was so amazed when he started to cry. Bakit? Umiiyak talaga siya. Pumatong yung ulo niya sa dibdib ko at yung kanang kamay ay nasa balikat ko. Parang gusto ng masasandalan dahil tila yata nanghihina at baka tumumba. Hindi ko maintindihan. "Sorry.. sorry talaga.. sorry." mahina kong sabi sa kanya. Habang nasa ganon siyang pwesto ay patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Ngayon ko lamang siya nakitang umiyak at talaga namang lumambot ng todo ang puso ko that time when he's crying. Di nagtagal umalis siya sa pwesto niya sa harapan ko at dali-daling lumabas ng kwarto. Sa di inaasahan, nagkasalubong sila ni Steve sa may pinto dahil balak yata ni Steve na tawagin na kame. Palabas na rin ako ng makita ko si Steve kaya nagtanong siya kung ano ang nangyari kay Jessie na parang masama daw ang loob.
"Nag-away ba kayo? Ano nangyari dun? Bakit ang tagal niyo, kanina pa namin kayo hinihintay." tanong pa ni Steve. Hindi ako makapagsalita at napansin niya kaagad na tumutulo ang luha ko. Bestfriend ko si Steve at palagi 'yang concern sa akin kahit may pagka-lukaloka. Kaya parang lumambot ang puso niya nung makita niya 'kong umiyak. "Bakit?! Bakit anong ginawa niya sa'yo? Sinaktan ka ba, inaway ka ba? Bakit ka umiiyak friend?.." Finally, naging open na'ko sa isa sa mga bestfriends ko sa feelings ko. Ikinuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari sa simula pa lang at ang pagmamahal ko kay Jes. Hindi na siya nagulat, inamin niya na noon pa man ay napapansin niya na yun sa akin. Nakita niyang malaki ang pinagbago ko simula noon at dahil pareho kaming bakla, alam niya na kung anong ibig sabihin nun at di nga siya nagkamali. Kaya pala ang inutos niyang dare last night ay ang i-kiss ako ni Jes. Ito talagang bestfriend ko.
Natapos ang halos isang linggong stay namin sa Subic ng malungkot. Nagkakailangan na kami ni Jessie at nasasaktan ako dun. Alam na rin ni Steve ang lahat kaya di rin niya alam ang gagawin sa nakikita niya sa amin. Maraming nangyari sa Subic na 'yun na hindi ko makakalimutan. Kung mayroong koreanovela na "Memories of Bali", yung sa akin naman "Memories of Subic". Si Jessie si Ryan at ako si Erika. I can still afford to make a joke. Kasi kung di ako magbibiro, maiiyak lang ako sa tuwing maalala ko yun.
After few days, wala na kaming gaanong communication ni Jes at di na rin kami nagkikita. Pati ang barkada, hindi na rin gaanong nagsasamasama. Kasi pare-pareho kaming busy sa trabaho, matagal din kaming nag-leave. Si Steve ang palagi ko na yatang kasama kasi siya ang nakakaalam ng lahat. Napansin niyang parati akong malungkot at parang walang gana palagi sa araw-araw. Iniisip ko kasi si Jessie at yung nangyari. Siguro ay galit siya sa akin. Siguro kaya siya umiyak nung gabing iyon sa resort room nang hinalikan ko siya ay dahil natakot siya sa ginawa ko. Baka idemanda niya ako ng sexual harrasment na hindi niya alam ay pangalawang beses ko na yung ginawa sa kanya. Tuluyan nang nasira ang maganda naming friendship dahil sa shit na pusong ito. Makikita ko pa kaya siya? Ang daming negative na pumapasok sa isip ko after those Subic moments. Hindi ko alam kung ano ang mga susunod na mangyayari at natatakot ako. Baka kasi, like before, in the end, ako na naman ang masaktan, ako na naman ang talo. Ayoko na, pagod na ako.
Surprised ako one night nang bumisita si Meg sa bahay. Alam kong galing pa siya ng trabaho at sinadyang dumaan sa akin. Masama ang timpla ng mukha niya, halatang may problema, parang masama ang loob. Hinarap niya kaagad ako. "Oh Meg, anong nakain mo at bumisita ka?!" warm pa ang pagsabi ko nun kasi di ko naman iniisip na malalaman niya yung nangyari sa amin ng boyfriend niya kaya confident ako sa pagharap sa kanya. "Alam ko na yung nangyari.. Yung ginawa mo.." naiiyak niyang sinabi. Alam ko na kung ano yung ibig niyang sabihin but still i asked what was it. "You know what I mean! Yung nangyari sa inyo ni Jes! Yung ginawa mo sa kanya! Nic bakit?! Bakit Nic?!" Umiiyak na si Meg at doon ako nakaramdam ng awa kaya naiyak na rin ako. Wala na akong magagawa.
Ang kapal naman ng mukha ko kung magmaang-maangan pa ako. So I started apologizing. "Meg, sorry. Sorry talaga ah. Sorry talaga. Please sorry. Pero minahal ko yung tao e. Hindi ko sinasadya. Ewan ko. Pero na-inlove ako e. Sorry Meg. Sorry." Panay sorry ako kay Meg kasi wala na akong masabi. Umiiyak na ako kasi alam kong nasaktan ko na ang bestfriend ko. "Alam ko namang magagawa mo yun. Pero hindi ko inexpect na sa boyfriend ko pa magagawa yun! Bakit ako Nic, bakit!" sumbat pa ni Meg. Magsasalita sana ako pero naunahan niya ako. "Alam mo bang napakasakit nung sinabi niya sa akin ang nangyari sa inyo at ang ginawa mo. Masakit. Pero ang pinakamasakit, yung sabihin niya na may nararamdaman din siya sa'yo bukod sa akin!" Napatigil ako sa narinig ko. Hindi ko alam kung totoo ba ang mga narinig ko. Hindi naman siguro magagawang magsinungaling ni Meg kasi seryoso siya at umiiyak pa. Ano ito? "Im sorry.." yun lang ang nasabi ko kay Meg pero after nun ay nagmamadali na siyang umalis. Siguro'y hindi na niya nakayanan. My god, sinaktan ko ang bestfriend ko. Pero ang mas nangibabaw sa isip ko, mahal din pala ako ng lalaking yun.
Two nights after. Wala na rin kaming communication ni Meg after pati ng barkada na hindi na rin gaanong nagkikita-kita. Isang gabi ding iyon, hindi ko malilimutan, "Lovers in Paris" pa ang pinapanood ko nun. Biglang nag-text sa akin si Jessie, for the first time, after nung Subic days ay nagparamdam na ang gago. At ito ang eksaktong message niya sa text: "If you don't mind, pwede bang punta ka dito. Gusto ko lang ng kausap. Mag-usap sana tayo." Mukhang may something na sa sinabi niya. Huminga ako ng malalim at sinabi kong kaya ko ito. Naghanda ako at tuluyan nang umalis at pumunta sa kanila. Pagpasok ko sa bahay, yung maid ang sumalubong sa akin. Umakyat na lang daw ako sa taas dahil yun daw ang utos ni Jes. So, umakyat ako ng kinakabahan, kung ano man 'to, handa na ako. Naisip ko na siguro ito na ang ending kung saan ako na naman ang talo at uuwing luhaan. Kumatok ako at agad niya akong pinagbuksan na para bang matagal na siyang naghihintay sa akin. "Musta?!" yun kaagad ang bungad niya sa akin. So sinagot ko siya na okay lang ako.
Parang walang nangyari sa amin. Pumasok ako na pareho kaming tahimik. Wala sa amin ang gustong magsalita. Hindi na ako nakapagpigil sa katahimikan kaya ako na ang naunang nagsalita. "Bakit mo ba ako pinapunta dito?" tanong ko sa kanya. "Ahmm.. Alam mo na siguro yung.." hindi ko na siya pinatapos at um-interrupt na kaagad dahil alam ko na yung gusto niyang sabihin. "Totoo ba yun? Ako totoo sinabi ko sa'yo, mahal kita pero sorry." naiiyak ko ng sinabi. Pinipilit kong tapangan yung boses ko para di niya mapansin na naiiyak na ako. "Bakit ka nagsosorry eh wala namang masama dun. Each one of us has the right to love." Oo nga naman, lahat naman tayo may karapatang magmahal at masaktan. Nagpatuloy siya, mga sinabi niyang di ko malimutan. "For years, hinahanap ko yung sarili ko. Naguguluhan ako. Yung one night na lasing ako, alam ko yung ginawa mo sa akin pero hindi ko alam kung bakit nagustuhan ko yun. I want you to know na iba din ako. Ayoko sanang tanggapin at first dahil natatakot ako. Kaya ako naiyak at parang nagalit sa'yo nung halikan mo ako sa resort, kasi Im scared to accept na iba din ako tulad n'yo. Pakiramdam ko kasi noon, abnormal ako kasi Im attracted to both sexes. I tried to stop it pero hindi ko magawa. Nung mga times na nagkakalapit tayo alam ko na may ibig sabihin na 'to. Ayokong ma-in love sa lalaki, natatakot ako pero di ko alam napalapit ako sa'yo ng sobra.
Simula nun napakahalaga mo na sa akin at masaya ako pag kasama ka. When you kissed me dun sa resort, oo nagalit ako. Kasi ayoko tanggapin sa sarili ko na bisexual ako at pareho ko kayong mahal ni Meg." Tahimik ang paligid. Pareho na kaming umiiyak. Nakikinig lang ako sa kanya at di ko alam kung ano isasagot ko. Gising pala siya nung time na I hugged and kissed him habang lasing siya. Pero iba din pala si Jes. Hindi man siya tulad namin na homosexual, iba pa rin siya kasi bisexual pala siya. Binasag niya muli ang katahimikan at nagsimulang magsalita. "Pero ngayon, wala na yung fear na yun kasi dumating ka. Ikaw ang nagpabago sa akin Nic. Wala sa'kin ngayon kahit bakla ka. Maniwala ka, hindi ko rin sinasadya pero mahal kita. Mahal na mahal ko din si Meg. Pareho kayo kaya masakit. Yun siguro ang consequence nito. At ang masakit din, na i-give up ako ni Meg para sa'yo."
Nagulat ako sa sinabi niya. Si Meg nagparaya para sa akin. Kung naroroon lamang si Meg ng mga pagkakataong iyon ay yayakapin ko siya ng mahigpit at magpapasalamat. Tumayo na ako sa pagkakaupo ko sa kama at tinungo si Jes na nakaupo sa sofa sa kwarto niya. Ako lang sana ang yayakap sa kanya pero niyakap din niya ako. Napakasarap na yakap na alam kong totoo na at pwede nang patagalin. Pagkatapos naming magyakapan ay saka kami nag-kiss. Halik na hindi na nakaw, ngayon, we're really kissing na. Sa mga pagkakataong iyon, wala na akong iba pang iniisip kundi mahal na mahal ko ang taong ito. Isang napakagandang gabi. This is the happiest day of life.
Oo, mag-on na kami ni Jessie. Siya na siguro ang first boyfriend ko. I mean first true boyfriend. If I would compare, ibang iba ang relasyong ito sa past relationships ko. Kasi noon ay nakikipaglaro lang ako at palagi akong talo. Ngayon, hindi na ako nakikipaglaro pero panalo pa rin ako. Napakasaya ko. And yet, alam ko na may isang tao akong nasaktan na gustong gusto kong pasalamatan. After so many days, it's Christmas na pala! So dahil halos lahat naman sa aming magkakabarkada ay living independently, nagkayayaan na magcelebrate kami ng Christmas ng magkakasama.
Bahay ng isa naming friend ang ginawang venue and pare-pareho kaming gumastos na magkakabarkada. Hindi na bago kasi nagawa na namin ito dati. I think this is also the time para magkaharap uli kami ni Meg. Nagkakantahan yung mga friends ko habang sinasabayan nila yung kanta sa radyo. Nilapitan ko na si Meg habang kumukuha ng pagkain sa mesa. "Thank you ha." yun kaagad ang sinabi ko sa kanya. Ngumiti lang siya at tumawa. Kaya tinanong ko kung bakit siya tumatawa. Kasi daw kung di siya tatawa ay maiiyak lang siya. "Basta thank you." nagsalita uli ako. "Ano pa ba magagawa ko. Dati parati mo na lang ako tinutulungan. Ikaw na lang palagi nagbibigay. So I think this time ako naman magbigay sa'yo." Sobrang touch ako sa sinabi niya. "Sorry.." sabi ko pa. "Bakit ka nagsosorry e kasalanan mo bang tumibok yang puso mo. Wala na rin akong magawa kasi nakikita ko masaya ka at nag-iba ka dahil sa kanya." Hindi na rin namin napigilang maluha pareho. "Basta ba mahalin mo yung mokong na yun ah! Jackpot ka dun kaya alagaan mo!" pabiro pa niyang habol. Nagkatawanan na lang kaming dalawa habang pinupunasan ang luha. "Pa-hug nga." request ko pa sa kanya.
Natatawang naiiyak pa kaming nagyakapan ng mahigpit. At sa yakap na yun paulit-ulit kong binubulong sa kanya ang "I love you friend." Biglang lumapit sa amin si Jes na talaga namang napakaguwapo sa itsura niya. Kaya nga ang swerte ko boyfriend ko 'to. Natahimik ako at napatitig sa kanilang dalawa. Kaya nagsalita uli si Meg "Nag-usap na kame. Okay na." Umalis na si Meg sa pwesto niya at habang papalayo siya ay sumenyas ako sa kanya ng 'Thank You' na sinagot naman niya ng ngiti. "Merry Christmas!" sabi kaagad sa akin ni Jessie. "Merry Christmas and.. I love you!" natatawa ko pang sinabi sa kanya. So ano pa bang sagot niya edi "I love you too!" Nagtawanan na naman kami at nag-hug. Pagkatapos, inakbayan ba naman ako kaya wala akong naggawa kundi akbayan na rin siya. Sa ganong ayos ay saka kami tumungo papunta sa group of friends namin na nagkakasayahan sa may garden. Alam na ng barkada ang tungkol sa amin kaya naman tanggap at naiintindihan nila ito. Ito na ang pinakamasayang pasko ng buhay ko.
Kaya ngayon, ang saya saya ko. I think wala na akong mahihiling pa. Mula sa career, sa status, sa mga kaibigan at siyempre sa love life. Im so blessed. Kumpleto na ang buhay ko. Parang pwede ko nang sabihing, pwede na akong mamatay. But it's a joke. I still wanted to live longer in this world with this guy. Mahal na mahal ko si Jes, sobra at natatakot akong mawala siya. Hindi ko nga lang alam kung bakit niya kaya ako mahal. Pero siguro yung ipinapakita at ipinaparamdam niya ay simple proofs na kung bakit niya ako mahal. I want him to be the first and the last. Babaeng babae ako sa kanya kasi ba naman hindi mo makikita ng kahit anong bakas na silahis siya unless na lang sinabi niya sa'yo. Kahit saan ko siya tignan, he is so perfect and wala na akong mahihiling pa. Minsan dumapo sa isip ko, hindi kaya katulad din siya nung mga boyfriends ko dati? Pero kung titignan, kahit kailan ay hindi siya nanghingi sa akin. Walang dahilan para gamitin niya ako kasi mayaman siya. Hindi din priority ang sex sa relationship namin unlike sa mga past relationships ko. Sex is never the purpose of this relationship. And most of all, he cares so much about me which I've never felt in my entire life with those guys I get rid of. Kaya nga Jessie is so special to me. He changed me a lot. As I've said, I don't prioritize sex in our relationship and wala na rin yung mga negative sights ko sa buhay. Parang palagi na akong masaya, mas masaya compared noon, at dahil yun sa lalaking yan. Because of him my life had really changed. Hindi man maniwala yung iba pero alam ko at God knows that this man loves me so much and I love him so much too. Narealize ko din na Im much happier now than lately before Jes came. Kasi akala ko masaya na ako ng ganon lang puro sex lang pero pinakamasaya pala kapag may love na. And all I want to say is Thank God. He gaved me the most precious gift of life.
I hope you liked my story. Siguro may mga nagtataas-kilay diyan pero sana happy din kayo for me. I think this could serve as an inspiration and hope to all gays. And at the same time, aral, na sana'y hindi puro libog lang ang nararamdaman. Okay lang naman ang lust, pero too much is dangerous. Especially to those hopeless gays like me before. Maniwala lang kayo, someday you'll find him. Like what Jessie told me before, each one of us has the right to love. Dugtong ko pa, each one of us deserved to be love, contrary sa pinaniniwalaan ko noon. Inalis ko na rin sa sarili ko ang paniniwalang 'man learns love through sex'. God loves us so much and he wanted us to be happy. Like me, I am so happy up to this very moment. As of now, nagli-live in na kami ni Jessie sa isang condominium na pareho naming binabayaran. My family knows about it na just few months before and also Jes' sister. Ang problema nga lang ay dun sa parents niya abroad but he's really trying to tell the truth to them na. This month, one year na kami at sana more years to come. Thank you. - Nic
No comments:
Post a Comment
Iputok mo ditto, Pre!