by: bellposh
Ang sumusunod na salaysay ay kathang-isip lamang. Anumang pagkakahawig sa pangalan ng mga tauhin at lugar, at sa mga pangyayari sa salaysay na ito ay pawang pagkakataon lamang at hindi tumutukoy sa mga totoong tao o lugar o pinangyarihan.
Panahon na naman ng eleksyon sa ating bansa. At kanya-kanya tayong manok kung sino ang ating iboboto para sa halalang ito. Ngayong din masusukat natin ang pagiging tapat ng isang taga-suporta sa kanyang kandidato. Iilan lamang sa mga ito ang masasabing iaalay ang kanilang buhay para lamang sa kanilang tumatakbong kandidato.
Isa na rito si Raymond del Rosario na tumatayong campaign manager ng isang nag-aambisyon muling maging senador sa nalalapit na halalan sa 10 May 2004.
Bata pa si Raymond nang magsimulang magtrabaho para sa naturang senador, si Jorge Salvador. Katutuntong lamang niya ng edad 21 nang matanggap siya sa munisipyo. Sa katunayan ay katatapos lamang niya ng kolehiyo sa isang universidad sa Central Visayas nang mapasok siya bilang isang researcher sa noo’y konsehal ng kabisera ng naturang lalawigan. Matalino at maambisyon si Raymond kung kayat sa murang gulang ay kinakitaan na agad ito ng kakayahang humawak ng mabigat na tungkulin para sa kanyang amo.
Mula sa pagiging researcher ay naging executive assistant agad siya ng noo’y konsehal at naging kasa-kasama sa lahat ng lakad nito. Hindi naman siya kinainggitan ng ibang kasamahan dahil nga para sa kanila’y talagang deserving naman si Raymond sa posisyong ibinigay sa kanya. Lumipas ang termino ni konsehal at tumakbong kongresista para sa unang distrito ng lalawigan nila. Dahil sa tulong ni Raymond ay nanguna pa si Jorge sa bilangan at nahirang nga kongresista.
Lalong naging malapit ang dalawa at kahit sa mga lakad sa abroad ay laging kasa-kasama ni Jorge si Raymond. Labis naman ang pagpapasalamat ni Raymond dahil sa naitutulong din sa kanya ni Jorge. Ilan na nga ba sa kanyang mga kamag-anak (tiyuhin, pinsan at mga kapatid) ang nailapit niya dito at nabigyan naman ng mga hanapbuhay, liban pa sa ilang tulong pinansyal na magkaminsan ay naiiabot sa kanila ng butihing kongresista. Nakapagpundar na rin ng sariling bahay si Raymond dahil sa tulong ni Jorge.
Lingid sa kaalaman ng mga kamag-anakan ni Raymond, lahat ng ito ay may kapalit. May lihim na itinatago sina Jorge at Raymond. Naganap ang lahat ng ito sa isang trip nila abroad kung saan nagkasama sila sa iisang kwarto dahil sa dami ng attendees sa isang symposium na kanilang sinalihan bilang representative ng ating bansa at hindi kaya ng hotel na kanilang tutuluyan para ma-accommodate lahat ng guests.
Napagod ata ng husto sa biyahe si Jorge kung kayat tinanong niya si Raymond kung marunong itong magmasahe. Idinahilan niyang nag-inquire na siya sa reception kung pwede ang kanilang sauna at nalaman niyang fully booked na ito ng ibang hotel guests. Kahit hindi maalam ay sinabi ni Raymond na pilitin niyang gawin ang nararapat para sa kanyang amo.
Naghubad na nga ng kasuotan si Jorge at itinira na lamang ang kanyang underwear at saka dumapa sa ibabaw ng kama. Kinuha naman ni Raymond ang baby oil na nasa katabing mesa at saka naglagay sa kanyang mga palad at ang iba ay ibinuhos sa likuran ng kongresista. Nagsimula siya sa may balikat ni Jorge at saka minasa-masahe ang mga muscles nito doon. Napapa-ahhh si Jorge sa sarap ng paghagod ng kamay ni Raymond. Kahit hindi bihasa ay nadarama niyang nawawala ang pagod na kanyang dinanas dahil sa haba ng kanilang biyahe.
Bumaba pa ang mga palad ng binata at ganon din ang ginawa nito sa kanyang likuran hanggang baywang. Ngayon nga ay nasa may bandang pwet na niya ang mga kamay nito at unti-unting hinubad ang kanyang suot na briefs. Iniangat pa ni Jorge ang kanyang katawan para malayang mahubad ni Raymond ang kanyang manipis na saplot. Minasahe rin ni Raymond ang pwet ni Jorge at halos makagat niya ang kanyang labi dahil sa kakaibang sensasyon na nadarama ng mga oras na iyon.
Itinihaya siya ni Raymond at hindi nakawala sa mata ng binata ang naninigas na bahagi ng katawan ni Jorge. Bago pa tuluyang lagyan ng baby oil ang dibdib niya at hinila niya ang binata at saka siniil ng halik. Nabigla man si Raymond ay hindi niya nagawang tumutol dahil kahit siya ay matagal nang may paghanga sa kanyang amo.
Sino nga ba naman ang hindi magkakagusto kay Jorge. Bukod sa mestiso ito kahit may-edad na ay matalino pa. At isa iyon sa weakness ni Raymond… ang katalinuhan ni Jorge. Di nga ba’t ilang beses na niyang napatunayan ang katalinuhan nito sa twing magkakaroon ng deliberation sa congress chamber para sa ilang panukalang batas at laging nakakapuntos si Jorge sa mga tinatalakay na issues.
Nakipaglaban na rin ng halikan si Raymond sa kongresista at bago pa matapos ang gabi ay naipadama niya ang kanyang pagmamahal dito. Ilang beses nilang pinagsaluhan ang init ng pagmamahalan at nangakong hinding-hindi siya pababayaan ng kongresista. Bilang ganti ay nangako rin si Raymond na ang loyalty niya ay kay Jorge.
Simula ng mangyari ang bagay na iyon ay gumaan na ang buhay sa pamilya ni Raymond. Halos lahat ay nabigyan ng hanapbuhay o kapital para sa maliit na negosyo. Ilan na rin sa mga kababayan niya ang lumapit at nagpatulong sa kanya. At bawat tulong na ibinibigay ni Jorge ay sinusuklian ni Raymond ng ibayong paglilingkod para sa minamahal na si Jorge.
Natapos ang termino ni Jorge sa congress at muli ay inambisyon ang mas mataas na posisyon sa lipunan. Hindi naman maipagkakaila na nasa dugo na nila ang pulitika. Di nga ba’t pangulo pa ng ating bansa ang kanyang kamag-anak noong unang panahon. At ang ilan pa sa kanyang kamag-anak ay humawak ng iba’t ibang posisyon sa gobyerno kahit ang kanyang anak na ngayon ay bise-gobernador ng kanilang lalawigan.
At ngayon nga ay muling nahaharap sa isang pagsubok si Jorge Salvador. Muli niyang tatangkaing maglingkod sa ating bansa bilang senador. Kung tutuusin ay re-electionist siya dahil dinala na siya ng mga tao nuong nakaraang eleksyon bilang senador. Malaki ang papel na ginampanan ni Raymond sa nakaraang eleksyon na iyon. Siya ang naghanap ng mga political strategists para sa kanyang amo at marami rin siyang naging inputs kung paano palulutangin ang pangalan ng senador. Di naman nagkamali ang mga tao sa pagboto kay Jorge dahil sa talagang ginawa nito ang lahat ng makakaya para mabigyan ng mga tamang paglilingkod ang sambayanan.
Nasa kasagsagan na sila ng pangangampanya ng isang malaking balita ang nagpayanig ng kampo ni Jorge Salvador.
Headline di lamang sa lahat ng pahayagan, ngunit maging sa mga news program ng lahat ng TV at radio stations ang paratang ng isang call boy.
I WAS RAPED BY THE SENATOR
Ito ang nagdudumilat na frontpage news ng lahat ng diaryo. Isang callboy ang nagpaparatang sa kilalang senador na ginahasa daw siya nito.
“Damn it! Who the hell is that guy?” galit na galit si Sen. Jorge nang mabasa ang balitang ito. “Raymond, can you check on the veracity of this news item,” utos agad niya sa kanyang ngayon ay chief of staff na si Raymond del Rosario.
“Yes sir. In fact I’m calling the reporter of Inquirer to ask him where did he get the news,” sagot naman ni Raymond.
Gulung-gulo ang lahat ng mga tauhan sa kampo ni Senador. Isang malaking dagok nga naman ito para sa kanilang kandidato kung mapapatunayang may katotohanan ang lahat ng sinabi ng isang Bryan Castillo na ito.
Ayon pa sa balita ay sa isang kilalang hotel sa Tagaytay nangyari ang sinasabing panghahalay sa kanya ng batikang senador.
Sinikreto ni Raymond si Jorge at dinala sa isang silid ng kanilang campaign headquarters. Masinsinang silang nag-usap tungkol sa isyung ito at makikita sa mga pagpapalitan nila ng salita na may namumuong pag-aaway sa kanila. Halos ipagbatuhan pa sa mukha ni Jorge ang hawak na diaryo ni Raymond at gayon na lamang ang galit nito. Hindi rin naman patatalo ang senador at bawat tirada sa kanya ni Raymond ay sinasagot din niya ng kanyang mga tirada. Sa huli, naging mahinahon si Raymond at pinakiusapan si Jorge na huwag magsasalita sa media at hayaang siya ang humarap sa mga ito. Walang nagawa si Jorge kundi ang sumang-ayon. Alam niyang sa mga ganitong sitwasyon si Raymond lamang ang tanging makagagawa ng paraan. Subok na niya ang taong ito, dahil sa kung ilang beses na rin namang nalagay sa alanganin ang pangalan na kanyang dinadala at laging may naiisip na paraan si Raymond para isalba ang kanilang iniingatang apelyido.
Nang lumabas ng kwarto si Raymond ay takbuhan kaagad ang mga reporters at tv crew para tanungin kung nasaan si Sen. Jorge Salvador.
“I’m sorry but the senator is in total shock of the news we just read from the papers. He can’t be interviewed at the moment and we shall issue our own statement the soonest possible time. Or we can even invite you all to a press conference to clear things up. Thank you.”
Iyon lamang ang sinabi niya at muli siyang nagbalik sa kwarto kung saan naroroon ang senador. Walang nagawa ang mga reporters at tv crew kundi mag-alisan at hintayin na lamang ang mga susunod na pangyayari.
Naging usap-usapan sa lahat ng panig ng kapuluan ang mga binitiwang salita ng callboy na si Bryan. Ngayon pa lang ay hinusgahan na nila ang senador. Marami ang nagsabing talagang bakla ito pati na ang kanyang anak na vice-governor. May ilan pang nag-post sa internet ng kanila daw karanasan din sa nasabing senator bilang pagpapatunay na talagang totoo ang bintang ng callboy na si Bryan na nilapastangan siya ni Jorge Salvador.
Kasama sa kanilang campaign schedule ang pagpunta sa mga probi-probinsya bilang pagpapahayag ng kanilang plataporma sakaling maluklok sila sa posisyong kanilang inaasam. At sa linggong pumutok ang balita tungkol kay Sen. Jorge Salvador ay tamang-tama naman na ang kanilang pupuntahang lugar ay ang Region IV kasama na rito ang Tagaytay City, kung saan nangyari daw ang ipinaparatang na panghahalay.
Isang araw bago dumating ang takdang schedule ng kanilang pagkakampanya sa Tagaytay City ay nag-check in na ang campaign delegates ni Sen. Jorge Salvador sa Day’s Inn Hotel sa Tagaytay. Alas-2 pa lang ng hapon ay nanduon na si Raymond para i-check ang seguridad ng nasabing hotel pati na rin ang tutuluyang kwarto ng senador na katabi rin kanyang kinuhang kwarto.
Madalas na ganito ang set-up nila sa twing pupunta sila sa mga campaign sorties. Laging adjoining rooms ang kinukuha nila dahil mas madali para sa kanila ang mag-discuss ng mga bagay na naaayon sa mga issues na kailangang sabihin sa isang particular na lugar.
Sa pagkakataong ito ay naging mahigpit ang pag-inspeksyon ni Raymond sa nakuhang mga kwarto. Tiningnang maige kung walang mga butas ang mga kwarto, kung hindi naka-tap ang linya ng telepono, kung hindi tagusan ang ingay sa loob. Pati ang kurtina ay pinapalitan niya ng mas makapal na tela na hindi talaga tatagos ang liwanag mula sa loob ng kwarto. Nang maayos na ang lahat ay tinawagan niya si Sen. Jorge Salvador at sinabing maaari na siyang pumunta sa Tagaytay.
Bandang alas-8 ng gabi nang dumating si Sen. Jorge Salvador sa Tagaytay. Tuluy-tuloy ito sa kanyang assigned room at saka nilagay ang “DO NOT DISTURB” sign sa labas ng pintuan.
Walang ibang makakalapit sa kwarto kundi mga tauhan ni Raymond at mismong si Raymond. Pati ang mga hotel workers ay hindi pinayagang makalapit sa kwartong iyon. Ang pagkain na inorder para sa kanya ay kailangang dumaan muna kay Raymond at isa sa kanyang trusted aide ang siyang magdadala sa loob nito.
Mababakas sa mukha ng senador ang pagod at nerbyos. Ilang taon na nga ba siya? Ilang taon na siyang naglilingkod sa bayan? At dahil lamang sa isang balitang iyon ay mawawasak ang lahat ng kanyang pinagpaguran. Parang hindi niya kayang tanggapin na dito magwawakas ang kanyang iniingatang pangalan.
Nasa gayong anyo siya nang bumukas ang pinto at pumasok si Raymond. Bandang alas-10 na iyon ng gabi.
“Pagod na ako, Mon. Hindi ko na ata kaya ang dagok na ito,” pauna niyang sabi nang maisara na ang pinto ng kwarto.
Lumapit sa kanya si Raymond at saka pumuwesto sa kanyang likuran. “Gusto mong masahihin kita tulad ng dati, Jorge?”
Hindi na hinintay pa ni Raymond na sumagot ang senador. Unti-unti niyang hinubad ang kasuotan nito hanggang sa wala nang natira pa. Hubo’t hubad na dinala niya ang senador sa kama at saka sinimulang masahihin ang katawan nito.
“Tensyonado kang masyado Jorge,” sabi niya habang minamasahe ang mga balikat nito.
“Sino naman ang hindi mate-tensyon, Mon. Parang sa isang iglap mawawalan ng saysay ang lahat ng pinagpaguran ko.”
“Wag mong intindihin iyon…malulusutan mo rin yon,” pang-aalo sa kanya ni Raymond.
“Ilan taon ka na bang naglilingkod sa akin?” paibang tanong ni Jorge sa kanya.
“Matagal na rin. Twenty-five years na to be exact,” sagot sa kanya ni Raymond.
“Ah oo nga pala. Totoy na totoy ka pa nuon nang magsimula ka sa opisina ko sa munisipyo,” napangiting sabi ni Jorge, “hindi ka ba napapagod sa akin?”
“Alam mong mula’t sapul ay isinumpa ko na sa iyo na paglilingkuran kita, Jorge. Bakit mo ba itinanong iyan?”
“Bale, 45 years old ka na pala. At hindi ka na rin nag-asawa pa,” parang wala sa sariling sinabi ng senador sa kanya.
“Ano ba ang nasa isip mo at pati di ko pag-aasawa ay inungkat mo pa?”
“Wala naman. Bakit di ka nga pala tumakbo sa ating lalawigan? Sa palagay ko, sa dami ng natulungan mo ay kayang-kaya mong maging isang board member na duon.”
“Natulungan? Ikaw ang tumulong sa kanila, Jorge, hindi ako,” sansala ni Raymond sa kanya. “At iyan ang hindi nalalaman ng mga tao.”
Tuluyan nang idinapa ni Raymond ang katawan ni Jorge sa kama at saka ipinagpatuloy ang pagmamasahe dito. At naulit ang nangyari maraming taon na ang nakalilipas.
Sinimulang halikan ni Raymond ang labi ni Jorge. Pinapag-init niya ng husto ang senador at sa buong magdamag ay pinagsaluhan nila ang matagal na nilang ginagawa na kung tutuusin ay pangkaraniwan na lamang sa kanila. Subalit sa pagkakataong ito ay napaka-espesyal ng gabing ito. Sila lamang sa silid na ito. Tahimik at tanging mga impit na daing at ungol lamang ang maririnig. Ni hindi kaya ng lamig ng aircon ang init na nagmumula sa kanilag mga katawan. Inubos nila ang natitirang lakas at katas sa kani-kanilang katawan. Nang pasukin ni Jorge si Raymond ay buong laya siyang nagpaubaya. Hindi ganito ang madalas na nangyayari sa twing sila’y nagse-sex. Sa kanilang relasyon ay si Raymond ang parating pumapasok sa senador. Ngunit sa pagkakataong ito, para sa Raymond, ito ang katuparan ng matagal na niyang pangako sa senador ang ipagkaloob ang sarili nang buong-buo. Kahit masakit ay tiniis niya ang nararamdaman para sa pinakamamahal na senador. Lubus-lubos naman ang kasiyahan ng matandang senador dahil sa ginawang ito ni Raymond.
Matapos ang mainit na pagniig ay nakahilig si Jorge sa dibdib ni Raymond. Pantay na muli ang kanilang paghinga at nag-uusap lang sila.
“Natatakot ako para sa kampanya bukas, Mon,” muling salita ni Jorge.
“Ano ang ikatatakot mo? Maging focused ka lang sa iyong speech at wag kang padadala sa mga bulung-bulungan o kung ano ang sasabihin ng mga tao sa yo,” sagot naman ni Raymond habang hinahaplos ang buhok ng kausap.
Lalong nagsumiksik si Jorge sa katawan ni Raymond at isa-isang hinihila ang mga balahibo nito sa dibdib.
“Mabuti pa ay ipikit mo na iyong mga mata at matulog. Mahaba pa ang gabi at kailangan mong magpahinga. Wag kang mag-alala dito lang ako sa tabi mo at hindi na ako lilipat sa kwarto ko. Babantayan kita buong magdamag,” utos sa kanya ni Raymond sabay halik muli sa kanyang mga labi.
Napanatag ang kalooban ni Jorge at tuluyan nang ipinikit ang mga mata.
----------
Umaga. Mga alas-8. Pagmulat ng mata ni Jorge ay wala na sa tabi niya si Raymond. Tinawagan niya ito sa cellphone at tinanong kung nasaan siya.
“Dito ako sa conference room at inaayos ang pagdarausan ng isang mini-press con?”
“Presscon? Para saan?”
“Para sa yo? Para mawala ang mga agam-agam mo.”
“Ano? Hindi ko ata maintindihan? What’s going on here?” medyo napalakas na tanong ni Jorge.
“Don’t worry, Sir. I have already arranged everything. Just relax and leave everything to me. Ok Sir?” naging pormal na ang tinig ni Raymond at saka isinara ang cellphone.
Makalipas ang 30 minutes ay pumasok si Raymond sa kwarto ni Sen. Jorge. Galit na sinalubong siya nito at tinanong.
“What’s the presscon all about?” sigaw nito sa kanya.
“Jorge, calm down. Damage control yon. I have thought about it for days and I guess this is the perfect timing.”
“Damn it! Why didn’t you tell me all about this?”
“Relax, everything’s under control. Wala ka na bang faith sa akin?” nakangiti pang sagot sa kanya ni Raymond.
“Arrrgghhh we were so happy last night and now I’m getting nervous again. Can you just give me a hint at what will happen in this press conference?”
“Sorry, Jorge. But you’re speech will be handed out to you by Caloy once we’re inside the conference room and after I talked to the media. Better get going dahil by 10am ang press con and I want you to be in your best attire. This is your moment, Jorge.”
Pagkasabi noon ay hinalikan siya sa pisngi ni Raymond at saka lumabas ng kwarto.
----------
Around 7:30 pa lang ay naroon na ang mga tv cameras and reporters ng iba’t ibang tv stations para i-set up ang kanilang mga camera na maghu-hook para sa live feed ng nasabing press conference. Maging ang mga radio stations ay naroon na rin at ilang sandali pa ay nagdatingan na rin ang mga newspaper reporters at ilang foreign correspondents. Talagang tiniyak ni Raymond na maririnig ng buong sambayanan ang mga sasabihin ng senador para sa ikalilinaw ng isyung kanyang kinakaharap.
Buo na ang plano ni Raymond sa pagkakataong ito. Hindi sapat na ibinigay niya ang kanyang sarili para sa senador nung nakaraang gabi. Malaki ang utang na loob niya dito at lahat ay gagawin niya bilang tanda ng kanyang loyalty sa kanyang pinakamamahal na senador.
Eksaktong alas-10 ng umaga nang dumating sina Raymond at Sen. Jorge Salvador sa conference room. Nagkagulo ang mga cameramen sa pagkuha ng magandang anggulo para sa kanilang inaabangang senador. Nang maupo ito sa gitnang bahagi ng table ay kanya-kanya nang lapitan ang mga reporters at kanya-kanyang lagayan ng kanilang mga mikropono.
Dire-diretso namang tumayo sa podium si Raymond at tiningnan ang kabuuan ng conference room. Umaapaw sa dami ng tao—lahat ata ng mediamen ay narito para marinig ang sasabihin ng senador. Lihim na napangiti si Raymond.
“Good morning, ladies and gentlemen. Thank you so much for coming over to this place despite the short notice we sent you,” panimula niya.
“We all gathered here because of a particular issue that we want to shed light on. In fact, everybody knows why we are here for,” muli ang pagtingin niya, una sa senador na tutok na tutok sa kanyang mga sinasabi, pangalawa sa mga presspeople na halatang pagod na sa kahihintay sa kanila.
“As you all know, for the past few days, Senator Jorge Salvador’s camp has been silent about the alleged rape case filed by a certain Bryan Castillo, a service boy whom according to the reports were contacted by the Senator and was asked to come over here… (binigyang diin pa ni Raymond ang salitang “here”) in this hotel.
“And what is more an appropriate time to reveal the truth about this alleged rape than to be in this same hotel,” muling tumingin si Raymond sa kapulungan. Tumikhim muna siya at huminga nang malalim bago muling nagsalita.
“Ladies and gentlemen, I want you to know that the alleged rape is… (ibinitin ni Raymond ang mga salita at saka tumingin ng diretso sa senador)
“TRUE”.
Halos mabitiwan ng senador ang kopita na kanyang hawak at muntik na siyang mabilaukan dahil sa narinig na iyon. Hindi siya makapaniwala na iyon ang sasabihin ni Raymond.
Biglang nagkagulo sa loob ng conference room at lahat ay nagkadarapa sa pagpunta sa lugar ng senador para maitanong ang buong katotohanan. Pati ang mga camera ay nag-zoom in para makunan ng husto ang facial reaction ni Sen. Jorge Salvador.
Ang ingay-ingay at naggigitgitan ang lahat. Nang biglang itinaas ni Raymond ang kanyang mga kamay at sumigaw ng “Silence please!!!”
Nahinto ang lahat sa kanilang ginagawa at napasulyap kay Raymond. “I’m not yet through!!!” halos maglabasan ang litid ni Raymond sa pagsasalita dahil sa ingay ng mga tao roon.
Nang makuha na nya ang attention ng lahat ay saka siya nagpatuloy ng pagsasalita.
“Bryan Castillo’s allegation is true. There was rape committed. But it was I who did the rape,” at pagkasabi nito ay biglang umiyak si Raymond.
Napanganga ang lahat ng nakikinig. Panay ang click ng mga camera para makunan ng larawan ang mukha ni Raymond na para bang sinasalamin ang katotohanan sa kanyang revelation.
“Senator, I’m so sorry for dragging you into this mess,” patuloy niya habang panay pa rin ang daloy ng luha sa kanyang mga mata. “I was part of the advanced party for the senator’s campaign sorties in Tagaytay that time. Prior to that, I have already contacted Bryan and since I know that Senator Jorge Salvador will be coming in the day after I arrived, I asked Bryan to proceed to the senator’s billeted room when he arrived. I was there waiting for him and I purposely closed all the lights. And that’s how the rape happened,” tuluy-tuloy niyang salaysay.
Click! Click! Bawat isa’y gustong makarating sa malapit sa podium para makuha ang bawat salitang sinasabi ni Raymond. Nagkakagulo ang lahat. Nabago ang ihip ng hangin dahil sa ginawang pag-amin ni Raymond ng kasalanan.
“I’m so sorry, Senator. And because of this, I am tendering my irrevocable resignation as chief of staff and concurrent campaign manager. I have already given instructions to Caloy, my able assistant, to help you in the remaining days of the campaign.”
Matapos niyang sabihin ang lahat ng ito ay ibinigay niya sa senador ang kanyang resignation letter at kinamayan ito. Tuluy-tuloy siyang lumabas ng conference room habang patuloy ang pag-iyak.
Lumapit si Caloy sa senador at ibinigay ang isang folder. Naruon ang kanyang prepared speech at sinabing kailangan niyang basahin ito.
Tumayo si Senator Jorge Salvador at saka lumapit sa podium at nagsimulang magsalita.
----------
Sakay ng kotse si Raymond at binabagtas ang daan patungong airport nang mag-ring ang kanyang cellphone.
“Raymond,” salita ng nasa kabilang linya.
“Sir?” sagot niya.
“Why did you do that?”
“Sir, I have to, for the country. I cannot let anybody tarnish the good name you have built and the people needs you. I’m on my way to the airport now and I’m leaving you for good. I have informed a friend in the states that I’ll be there for an extended vacation and he knows everything. Sir, I’m so thankful for all the wonderful things you’ve done to me and to my family and the other people in our province.”
“Raymond, I don’t know how to thank you. If that’s your plan, then go ahead. I’ll visit you after the elections,” at ibinaba na ni Jorge ang receiver ng telepono.
--wakas--
No comments:
Post a Comment
Iputok mo ditto, Pre!