Thursday, March 26, 2015

Sbarro Closed






Sbarro Closed

by: Jere


Kung akala mo hindi na matatapos, akala mo lang yoon. Akala mo minsan pang habang buhay, pero magugulat ka na lang, isang araw wala na siya. Kung may isang bagay akong pinagsisihin yoon siguro yung katotohanan na kahit ilang milyong beses ko mang pilitin alisin sya sa isip at puso pati na rin sa buhay ko hindi ko yoon magagawa.

Nagbuo ako ng napakaraming pangarap, halos lahat nabago sa akin. Nagkaroon ako ng mas maayos na pananaw sa buhay, at higit sa lahat ang dami kong bagay na nalaman. Akala ko, kapag maayos ang usapan ok na lahat. Nagkamali ako, akala ko kasi lahat ng akala ko tama.

Si Cavino, ang dating waiter si Sbarro. Natatandaan ko pa kung paano kami nagkakilala, sa simpleng pagpapabalot ng natirang pagkain, hanggang sa di sinasadyang pagkakasabay sa escalator. Ang daming nagbago ng mga sumunod na pangyayari. Nakita ko na lang ang sarili ko na sa loob na ng bahay nya, tapos hindi ko na Malayan, naging isa na pala ang mga mga sarili sa napakasarap na pangyayari. Noong araw din na yun, hindi ko pinalampas ang isa pang umaga, dahil ang gusto ko akin na sya pagkatapos ng araw at gabing iyon……..

Marami kaming ginawa, napakaraming ala-ala na alam kong sasaksak sa puso ko sa bawat araw na dadaan. At kung sakaling mapadpad ako sa mga lugar na minsan naming pinuntahan, alam ko kung gaano kabilis dadaloy ang mga luha sa mata ko. Alam ko masasaktan ako, kung maisip ko na may iba syang kasama, at masaya sila sa mga lugar na minsan na naming napaggawan ng mga maliligayang bagay…….

Ako si Jere, isang brat sabi nga nila, pero dati yoon, Nabago ng isang tao, isang napaka ekstra-ordinaryong nilalang. Isang taong may napakalawak na pag unawa sa mga bagay-bagay. Isang taong hindi ko kalian man nais na mawala sa buhay ko.

“Jeh, musta ka na? Malamig pa rin ba jan, tumawag ako kay Cav, kaso sinigawan nya ako sa phone eh, may problema ba kayo?” Hindi na ako nagulat sa balitang yoon ni Anthony, ang kaibigan kong halos nakakaalam ng lahat ng nangyari sa amin ni Cav. “Wala na kami ni Cav, hindi ko alam kung anong dahilan nya pero wala na kami.”

“Bakit nag away ba kayo?” tanong niya. “Wala kaming pinag-awayin na kahit ano, alam mo yun, basta napapansin ko na lang na nanlalamig na sya sa akin, when I asked him why, sabi nya wala naman daw.” Hindi ako handa sa mga pangyayari, pero minsan naisip ko na rin na maaring mawala ang taong ito. Alas 7 ng umaga OZ time, halos hindi ko maigalaw ang buong katawan ko, siguro dahil sa lamig, at sobrang pag iyak bago ako matulog… Pero ang lahat kailangang harapin ko, maraming magtatanong at magtataka, pero hindi ako handing mag-isaisa sa kanila…

“Ano, bakit naman?” si Bon, ang kaibigan kong halos kapatid na ang turing ko. “Siguro we had enough” sagot ko. Minsan na rin naming nakasama ni Cav si Bon, halos naging Magkasundo sila tulad din namin ni Bon. Alam ni Bon lahat ng ginagawa namin, dahil bago pa man malaman ng buong mundo, naikwento ko na lahat yun sa kanya. Minsan nga tinatablan na rin si Bon sa mga kwento ko. “Jeh, okay ka lang ba jan, solo ka lang kasi jan, alam ko you’re strong, but if you need to cry iiyak mo lang ha”.. “Salamat ha, hindi na lang ako papasok ngayon, it’s gonna be my first absent, kung pipilitin ko lang pumasok baka makaapekto sa trabaho to.”

“Hello Ezer, kamusta na?” Si Ezer, ang kaibigan ko, alam ko kung nabasa nyo yung isang kwento ko, matatandaan nyo sya. “Jere, napatawag ka may problema ba, sinisipon ka ba, bakit ngongo ka?” “Ezer, wala na kami ni Cavino?” Gulat na gulat si Ezer, ang inakala nyang forever nauwi din sa never. “Alam mo ba, kahapon pumunta kami si Rob Ermita, naalala ko nga kayo ni Cav eh, tapos kakain dapat kami sa Sbarro, ngek eh sarado na pala yoon, pero for renovation lang ata di ako sure eh.” Nagulat din ako, pumasok sa isip ko na halos sabay nagsara ang sbarro at ang puso ni cavino. Nalulungkot ako para sa sarili ko, pero iniisip ko kung yoon din ba ang nararamdaman ni Cav.

Noong isang buwan lang, tatlong araw pagkatpos ng birthday ko, magkasama pa kami ni Cavino. Walang kakaiba, walang nabago, ni hindi ko nga naisip na sa loob ng pag ikot ng araw sa isang buwan, mawawala lahat ng mga pinapangarap ko. Tinanong ko rin ang sarili ko ano ang naging kasalanan at pagkukulang ko. Kung sa pagmamahal lang, alam nya lahat ng ginive-up ko for him, alam nya at kaya kong isa-isahin lahat ng binago ko sa sarili ko. Ang saya ko noong malaman kong pinayagan syang magkaroon ng 3-day vacation. Walang sinayang na sandali, in less than 24 hours narating nya ang Canberra. Malungkota ko noong birthday ko kasi I was alone celebrating it, pero 3 days after it and 2 days after our anniversary dumating sya, at lahat ng lungkot na naramdaman ko ay napawi ng ligaya.

Sabi nga nila Ezer, naghoneymoon daw kami sa Canberra. Sa totoo lang, nagpalitin kami ng mga cooking ideas, desserts, appetizers, main dishes, at higit sa lahat kisses… Kissing as if there’s no tomorrow. Gwapo ang bf ko, mejo tumataba nga lang, at least hidni na sya yung payatot na tulad dati. Wala akong sinayang na oras, halik doon halik dito, madalas namin yun gawin pag magkasama kami, pero napansin ko mas intimate sya ngayon, siguro dahil tagal na namang hindi nagagawa yoon. Nauwi yoon sa making love, maligaya ako, maligaya sya…. Kung alam ko lang na huli na yun, sana pinatay ko na sya at nagsuicide na ako pagkatapos….

Hindi ako masyadong naluha noong pabalik na sya sa Singapore, kasi alam ko, in no time magkakasama na kami. Hindi pala, nang makabalik sya ng Singapore, it took me 8 days bago ko sya nakausap sa telepono, Walang emails at walang ym msg. Doon ako nagsimulang magtaka, baka may nakasakay sya sa eroplano at nainlove sya dati. Baka naisip nya na hindi ako ang tama para sa kanya… Kung ano man yoon, sana’y hindi ko na lang malaman… Noong makausap ko sya, wala sya halos masabi, walang matanong hindi tulad noong dati,,, Nakakalungkot man, pero noong mga sunod pa namang pag-uusap, dead air frequented us…

Tinanong ko sya kung may problema, hindi sya umiimik. Tinanong ko sya kung may nagawa ako, wala daw. Tinanong ko sya kung ano kailangan kong gawin wala na naman daw… Ilang ulit ganun, ilang beses akong nagmukhang baliw kakakombinsi na kausapin nya naman ako. At noong huli nga, tinanong ko sya kung ano ang gusto nya, sinagot nya ako, “pagod lang siguro ako, tawagan mo na lang ako kapag… kapag”… inintay ko kung ano ang karugtong noon, pero wala naman syang sinabi. Pinilit ko syang sabihin lahat, kung may gustong tapusin tapusin na namin ngayon… Pero buntong hininga lang at kunting pag singhot ang naririnig ko mula sa kanyang linya.

“Kung napapagod ka na sa akin, sabihin mo lang, titigilan na kita. Kung ayw mo ng makipag usap, sige lang okay lang sa akin, pero sana sabihin mo talaga kung ano gusto mo kahit wag mo na sabihin kung anong dahilan.” Pagkatpos kong sabihin yoon, binabaan nya ako ng telepono, onti onti bumagal ang pagtibok ng puso ko, mabagal pero sobrang lakas ng kabog. Siguro, sinabihan na ng puso nya ang puso ko ng bye bye na. Nang mag busy tone ang linya nya, unti-unti nang pumatak ang mga luha ko. Pakiramdam ko dumilim sa buong apartment na tinutuluyan ko…

Nagsimula akong maghanap ng ano mang bagay na pwede kong mahawakan dahil hindi ako halos makatayo.. hanggang ngayon wala pa ring linaw ang nangyari sa amin ni Cav… Marami akong hinigan ng tulong… si Kuya Ghian, at si Kuya si Jayson… lahat sila sinusubukang ikalma ako, pero mismong ang utak ko ang nagsasabing hindi ko makakalma ang sarili ko.

Hindi ko na gustong makausap pa sya.. pinapalinis ko na ng bahay ko sa Makati, ayoko makakita na kahit anong bagay na magpapaalala sa akin tungkol sa kanya. Subalit, kung may isnag bagay na gusto kong hilingin ngayon, sana sa muling pagbubukas ng sbarro, makita ko syang muli, makasama, at ulitin lahat ng minsan na naming nagawa. O kung may nakalaan man para sa akin na iba, sana isang tulad din nya na matagal na akong minanmanan sa sbarro bago pa man ako naging kanya...

Kung magulo man ang pagkakasulat ko, alam ko naiintindihan nyo ako!


 

2 comments:

Iputok mo ditto, Pre!