Sweethearts: You
Belong To Me (Franz & John) - Part 1
|
by: passionate cancer
|
Hi there!! I'm the one who wrote Mt. Romelo Nights, just as I am very
eager to share you my stories, I am also that excited to share my friends'
stories. They told me to write their stories here and so, I am hoping you will
love these stories as much as you loved reading Mt. Romelo Nights. Thanks!!!
----------------------------------------------------------------------------------------
"Bakit ang sama ng tingin mo?" Tanong kay John ng kaibigang si
Dino. Nabaling ang tingin niya sa kaibigang nagtatanong. "Hindi ikaw ang
kaaway ko!" paasik niyang sigaw kay Dino. "Ha, si John may
nakikipag-away?" may pagka-exaggerated na tanong naman ni Alex sa kanila.
Alam kasi ng mga ito kung gaano siya kalumanay na tao. Hindi naman sa
pagmamayabang, alam ng lahat kung gaano siya ka-friendly. Kung pwede nga lang
na manalo siya ng Ms. Friendship everyday baka nagawa na niya. In fairness, sa
loob ng maraming taon na ipinagsama nilang magkakaibigan sa publication company
na ito kung saan pare-pareho silang writers ay ngayon lang siya nagka-ganito.
Over one tiny thing na sa tingin naman niya ay reasonable kung ipagka-imbiyerna
niya.
"Yung hayop kong boyfriend, nakipag-break ba naman sa akin
kagabi!!" medyo pahingal pa niyang sagot sa dalawa. "Huh?! Yung
mayaman na may ari ng isang law firm?" tanong iyon mula kay KC na
kasalukuyang blooming dahil may bago na namang crush. "Oo, si Edwin nga at
walang iba. Yung gago ba namang iyon, sabihan ba naman akong frigid at wala man
lang daw akong kaunting passionate bone sa katawan. Eh samantalang sarap na
sarap naman siya kakahimod sa katawan ko!" sobra talagang nakaka-inis ang
nangyari sa akin kagabi. Para sa kaalaman ng lahat, isa akong Bi-discreet, pero
out ako sa mga kaibigan ko, halos lahat kami maliban kay KC na talgang
sumumpang hindi magapapatanso kahit kailan. Hindi niya raw feel ang "Kapwa
ko, Mahal ko". Hindi naman namin kinokontra ang opinion niyang iyon.
Masayang kasama si KC at hindi naman siya effem dahil parang kami din siya
mag-ayos ng sarili.
I stand 5'9" at medium built ang pangangatawan. Mahilig ako sa
iba't-ibang sports na dahilan para gumanda ang hubog ng katawan ko. Maputi na
mamula-mula ang kutis kaya madalas mapagkamalang foreigner ng karamihan. Hindi
naman daw kano ang tatay ko sabi ng nanay dahil bisaya pa nga iyon. Marahil
namana ko daw sa espaƱol kong lolo. Taga-bicol talaga kami, hinid na nga lang
kami nakabalik dahil sa mga personal na dahilan.
Pinaalalahanan niya ang sarili, hindi dapat ganito ang nangyayari. Bakit
ba palagi na lang akong palpak sa relationship. Ano bang hinahanap ko? Mula sa
katanungan na iyon. May naalala siyang isang taong matagal na dapat niyang
kinalimutan. Franz!! Sigaw ng puso niya. Ah hindi!! Sa pagkaalala ng kababata
lalong sumama ang loob niya. "Uuwi muna ako, Dino paki-sabi na lang kay
Boss na naghalf-day ako. Masama talaga ang pakiramdam ko eh." pgdadahilan
ko na ang katotohanan eh, gusto ko lang takasan ang mga katanungan nila. Isang
nakaka-unawang KC ang sumagot sa akin. "Alam namin friend na marami kang
iniisip ngayon and that you woke-up at the wrong side of your bed. Go home
sweetheart, kami ng bahala kay boss. "Thanks, sweetie, hindi talaga ako
nagkamali sa pagpili ng mga kaibigan." madrama kong sagot na ikanatawa
nila Alex, Dino at KC. "o siya, humayo ka na at magpahinga, at baka
magka-iyakan pa tayo dito." pagtataboy sa akin ni Alex.
Paglabas ko ng pinto ng office buong pagmamadali kong pinuntahan sa
parking lot ang sasakyan ko. Second hand Sentra lang iyon na nabili ko mula sa
dating naka-eyeball ko. Mahirap kasi ang walang sasakyan sa kagaya naming
writers ng isang Elite Magazine. Kung saan-saan kasi kami napapadpad. Mula sa
sasakyan narating ko ang apartment ko pagkaraan ng isang oras. Walang traffic
ng mga oras na iyon kaya mabilis akong nakarating sa bahay.
Ako na lang mag-isa sa buhay, namatay ang inay ng mga tatlong buwan pa
lang kami dito sa Maynila. Akala ko ng makarating kami dito ay mapapa-ayos
kami. Napag-tripan si Inay ng minsan siyang umuwi ng gabi. Limang taong na ang
nakararaan at masakit pa din ang maalala ang sinapit niya. Nawalan ako ng
ganang kumain. Nahiga na lang ako at sa pagkakahiga kong iyon. Nagbalik-tanaw
sa akin ang mga alaala na matagal ko ng ibinaon sa limot. Ngunit parang tukso,
nagpumilit sumiksik sa alaala ko ang imahe ng isang lalakeng nagturo sa akin ng
mga bagay na hinding-hindi ko rin malimutan. Ang naging dahilan ng lahat ng
nangyari sa kanilang buhay na mag-ina. Ang lalakeng nagtaksil sa kanya. Ang
kababata niyang si Franz. Kasabay ng paghiga ko parang tubig na umagos muli ang
mga ala-ala ng nakaraan.......
"Franz!!!! sabi ng 10 years old na si John, hinahabol niya ang
malaking bulto ng nagbibinatang si Franz. Franz was 15. Malaking bulas kaya sa
edad na iyon ay halos 5'8" na ang height. Mapupungay ang mata at may
katawang pang-atleta. Tawa ng tawa si Franz habang nagpipilit na makahabol sa
kanya si John. Sa liit ni John ay halos magkandaiyak na ito sa paghabol sa
kanya.
"Franz!!! Ang daya mo naman eh....!" nangingiyak ng wika ni
John, ng sa wakas ay tumigil si Franz at binalikan ang batang umiiyak. "O
wag ng umiyak ang sweetheart ko!" sabay kalong sa batang si John. Sa edad
kasi ni John para itong batang babae at may kahabaan ang buhok. Maputi at
parang batang-kana. Mahahaba ang pilik-mata at may taglay ng mga misty eyes.
"Kasi ikaw eh, sabi ko sama ako sa iyo maligo sa ilog eh." humihikbi
pa ring sabi ni John na medyo napayapa na ng balikan ng kaibigan. "Eh
matitiis ko ba naman ang sweetheart ko? Ikaw lang naman kasi, iyakin ka!"
tukso pa rin sa kanya ni Franz.
Nagtataka at hindi man naiintindihan kung bakit ganun ang tawag sa kanya
ni Franz ay gustong-gusto rin naman niya iyon. Sa murang edad niya. Parang may
nadarama na siyang kakaiba kapag kasama ang kaibigang si Franz. "Eh sabi
mo kasi sama ako eh..." misty eyed pa din si John. Natuwa na naman sa
reaksiyon niya si Franz ngunit tumigil na ito sa pang-aasar. Isinampa siya nito
sa likuran nito at inakay na siya papuntang ilog. Ang tinutukoy niyang ilog na
pagliliguan nila ay pag-aari nila Franz. Nagtatrabaho ang nanay niya sa mga
magulang ni Franz bilang kusinera.
Hindi naman hadlang para sa mga magulang nito ang makipaglaro sa kanya. At
dahil parehong nag-iisang anak, nagkahulihan sila ng loob at naging magkaibigan
sa kabila ng agwat ng edad. Lumipas ang limang mahabang pitong mahabang taon.
Ganun pa rin sila, tapos na ng college si Franz at siya naman ay 4th year high
school na ngunit magkasundo pa rin sila. Lumaking gwapo si Franz at halos hindi
na magkasya kapag sa pinto nila dahil sa katangkaran. 6'2" ang height
ngayon ni Franz. Pwedeng basketball player, ngunit kamalasan, siya ngayon ang
nagma-manage ng Mini-grocery Store ng pamilya sa bayan. Siya naman ay tumangkad
din ngunit hindi gaya ni Franz, hindi siya lumampas sa 6 feet. Pero okay lang
iyon. Hindi na nakakahiya ang height niya para sa isang high school student.
Isang araw papasok na siya ng makarinig nang busina. Beeepppp!!!!
Napahinto siya at napangiti. Kilala niya ang sasakyan na iyon. Kay Franz! Isang
nakangiting Franz ang nagbaba ng bintana ng sasakyan at binati siya.
"Sakay na Sweetheart!" napalingon siya. "Ssshh!! Baka may
makarinig sa iyo." nangangamba niyang paalala dito. Umiling lang ito at
nagwikang "Eh bakit ba? iyon na nakasanayan ko na itawag sa iyo ah, saka
alam ko na iyon. Kapag tayo lang naman dalawa kita tinatawag ng ganun ah."
medyo nakasimangot na sagot ni Franz.
"Eh hindi naman kita binabawalan Franz ang akin lang..." Baka
kung anong isipin ng makakarinig na mayroong dalawang lalakeng nagtatawag ng
sweetheart! koro pa kaming dalawa sa linyang iyon. Hindi na rin kasi namin
maalis ang tawagang iyon. Hindi ko alam pero wala naman akong nakikitang masama
sa tawagan namin. Yun nga lang awkward pakinggan......
Itutuloy...
No comments:
Post a Comment
Iputok mo ditto, Pre!