Friday, October 25, 2013

MY LIFE IN KSA

MY LIFE IN KSA

Ilang Ilang <notso_ez2bme@y...

Undergrad ako noon at wala ng pera para makatapos kaya nagtrabaho na muna para makapagpatuloy. Taon1980. Kainitan ng pag-aaply papuntang abroad lalong lalo na sa Saudi, ang pinaka mabiling location ng panahong iyon. Wala naman akong balak mag-abroad dahil wala ngang pera no at ni pamasahe ay di alam kung saan kukunin tapos mag-aabroad pa, ngek! Nasa Malate area ako ng panahong iyon at tag ulan talaga, mga buwan ng June tapos habang naglalakad ako sa Bocobo papuntang quiapo (walk lang akish dahill ang pamasahe ko ay good from quiapo to qc lang, you know). I preferred to take Bocobo then turn right sa may Ramada to Taft at presto, malapit na ko sa quiapo. Nang nasa may kanto na ako ng Ramada,nagkakagulo ang mga lalaki, karamihan ay tipong blue collar ang drama dahil iyon pala, patapos na ang interview ng isang employer at siempre, yong mga di pa nakakausap na karamihan ay galing pa sa mga probinsya ay siksikan sa may gate ng recruiment agency. Ang agency ay isa sa mga top labor exporter ng MOLE noon at malapit sa dating kalihim nito (MOLE is DOLE na ngayon). Tumunganga muna ako habang nagpapahid ng pawis at inisip ko kung may pera lang ay mag-aapply na rin ako kahit na underage pa ako, i was only 17 non.

Sa hindi kalayuan sa kinatatayuan ko, may isang foreigner na naglalakad palabas ng gate ng agency, casual ang suot at hindi mukhang middle eastern. Dumiretso ito sa Ramada Hotel at nakita ko ng pumasok ito sa main lobby. Ako naman ay nakatunganga pa rin at tuloy sa paglilibang ng isip dahil ang layo ng lalakbayin ko ay hindi biro and
its on foot noh. Mga 15 minutes ang lumipas, lumabas ulit ang taong galing sa agency at tumayo sa may harapan ng hotel at tinanaw ang pinanggalingan niya. Andoon pa rin ako at nagtama ang tingin namin. Very obvious na tumingin siya ng matagal sa akin at pag tapos ay kumaway at pinalapit ako.

Medyo nairita ako pero baka kako turista ito na magpapa-tour sa manila, eh di samahang bigla.
Tinanong niya ako kung nag-apply din ako ng trabaho sa agency na pinanggalingan niya. Sabi ko ay hindi dahil local employment lang ang hanap ko dahil walang pera at isa pa, wala akong experience. Ang resume ko kako ay baka di pa mapuno ang half-sheet of A4 size bond paper he he he. Tawa siya at gusto niya daw ang sense of humor ko. Say ko naman ay natural ko iyon at kahit na medyo serious ang usapan, di ko maiwasang mag-inject ng konting humor dahil ayaw ko sabi ko ng mada-dramang usapan. Di ko siempre sinabing dahil bading ako noh! (By the way ang kabadingan ko ay alam ko na since elementary at ayaw kong pabukish till now sa family and immediate family friends kaya sa malalayong lugar ako "nagsasabog" ng lagim todate).

Inimbita niya akong magkape at nag-offer pa ng sigarilyo. Geeh, i've been smoking since i was 13 dahil feel ko ay napakasosyal ko at mala-Ate Vi pag Saratoga ang ang nasa mouth ko. Marami siyang tanong like kung ano ang pinag-aralan ko at kung ano-anong trabaho na ang napasukan ko. Although maigsi lang ang sagot ko dahil di pa nga ako graduate, napahaba ko iyon at pati na sa trabaho kuno dahil na rin siguro sa medyo maboka din naman ako. Sa mahigit na 1 hour naming pag uusap, in between ay kung ano-ano ang pumapasok sa utak ko like, baka bading ito at hadahin ako or sana bigyan ako ng pamasahe pag tinanong kung saan ang lakad ko after this or baka masamang tao ito at gagamitin ako sa kawalanhiyaan
niya. Magulo. Pero halos mahulog ako sa silyang kinauupuan ko ng sinabi niyang siya ang employer na
nag-iinterview doon sa agency at gusto niya akong i-hire! Siya na daw ang bahala sa lahat ng gastos,
wala daw akong gagastusin kahit sampera basta pumunta lang daw ako sa agency tommorow at give siya ng business card niya para papasukin agad daw ako ng receptionist. O di ba ang hirap isipin noon? Matapos akong mag isip ng kung ano-anong masama sa kapwa ko ay may maganda palang plano sa akin. Sa tuwa ko, ni hindi ko na tinanong kung anong trabaho. Ang kaba sa dibdib ko ay napalitan ng mas malalaking kaba dahil ako,
mag-aabroad? naku titilian ako ng mga kapitbahay naming inggetera dahil ang alam nila ay talagang
wala kaming pera para sa ganitong gastusan. Kasi nakatira lang ako sa isang kapatid kong may-asawa.

Naghiwalay kami ng foreigner na may selyo ng handshake ang usapan namin at tapos lumabas na ako ng coffee shop. Ang ginawa ko, naglakad ako ng konti hanggang St. Paul college tapos ay bumalik sa may area ng Ramada para makita ko kung tutoo ang taong nakausap ko. From the school side, nakita kong bumalik na ang foreigner sa agency at
sinalubong siya ng isang staff ng agency (i can tell na staff yon dahil naka uniform ang loka) at tapos,
nagkagulo na naman ang mga tao. Lumapit ako sa crowd ng makapasok na sya sa gate. I was shocked (again) ng malamang tutuo ang drama sa akin ng taong
iyon dahil siya pala ang director ng isan malaking proyekto sa saudi at personal niyang kinakausap ang mga engineer at surveyor na gusto niyang i-hire.
Hindi niya iniinterview ang mga mason/carpenter/laborer, agency na daw ang bahala sa mga ito. Iyon lang at lakad takbo na ako papunta sa quiapo at parang may pakpak ang mga paa ko. Nang
sasakay na ako ng jeep pa quezon city, natigilan ako dahil nabawasan ko pala ng 25cents ang pamasahe ko at wala ng piso ang pera ko sa bulsa. Kaya ang ginawa ko, buy na lang ako ng storck candy sa natitirang
barya at anofah, eh di walk na lang ako hanggang bahay. Napagalitan pa ako ng kapatid ko pag dating ko dahil inabot ako ng hapon dahil ang alam niya kasi ay mag-aaply lang ako ng trabaho as waiter sa may Sky Room (yong jai alai building noon). Nang sinabi ko ang dahilan at pati na ang taong nakausap ko, nakalmante na siya at di na galit. Very supportive naman ang kapatid ko at mag-ingat lang daw ako. Kahit naman kasi wala kaming pera, may
trust sa akin ang kapatid ko at alam niya ang determinasyon ko sa buhay. Bibigyan daw niya ulit
ako ng pamasahe para sa kinabukasan.

Kinabukasan, alas otso ng umaga ay go na ako sa malate. Masaya ako dahil limang piso ang binigay ng kapatid ko at sobra-sobra para sa araw na iyon. Dahil sa traffic, almost 10am na ng dumating ako sa agency. Malayo pa lang ako ay kitang kita na ang kapal ng tao sa gate at iniisip ko kung pano ako
makakasingit at makapasok sa loob. At dahil walang maniniwala kung sasabihin ko sa mga tao ang lakad ko, nakiusap ako sa isang nagbabantay at ang sabi ko
ay hindi naman ako aplikante, kaibigan ako ng isang empleyado doon at may pinakukuha lang sa akin. Mga 10 minutes lang kako ako sa loob. Ayaw pa rin ng lokong maniwala buti na lang lumabas ang foreigner na papunta na pala sa airport. Ng makita ako sa may gate ay dali-dali akong pinatawag sa may-ari ng
agency at yong may ari mismo ang kumuha sa akin sa may gate. Gusto kong irapan ang bantay kaso baka maging komedya ang dating kaya pinalampas ko na lang
kagaguhan niya at ang bulong ko ko sa sarili ko ay "day, ang naaapi ay pinagpapala kaya patawarin mo na ang gagong yan". Maganda ang loob ng opisina, gwardiyado talaga ito kalmante ang atmosphere dito. Aba naku, pinapipirma na ako ng contract at ang trabaho ko pala ay Aide niya sa bahay niya - KATULONG! he he he pinaganda pa ang job title sabi ko but in reality, domesticated helper ang dating noh. Natawa ang boss-to-be ko at ang may ari ng agency sa tinuran ko. Medyo magdadalawang isip pa sana ako dahil sa edad na 17 at badidash pa, hindi yata katanggap-tanggap na maging Myla (chimay) Gumila ang beauty ko. Binasa-basa ko kunyari ang contract at nang magawi ang mata ko sa monthly
salary, aba naku, nasaan ba ang ball pen nyo at magpirmahan na agad tayo no....Ang rate ko ay
$300.00/month at libre pa lahat. Take note ang dollar exhange noon ay 1:7 lang ata at ang minimum wage ay he he he, Ten Pesos a day! o, laban ka, bakit di mo pa tanggapin di ba. So to make it short, in a week or two ay naayos ang passport ko and visa
and ticket reservation. Expedite lahat at lumipad ako bago matapos mag second week.

2 comments:

  1. AYUS AH LGI KANG MAY KADYUGDYUGAN

    ReplyDelete
  2. Bakit parang hindi magkarugtong yung unang part sa last? May mga ">" kasi?

    ReplyDelete

Iputok mo ditto, Pre!