7 PM na at kakarating ko lang sa bahay. Ang hirap ng buhay OFW kasi
kayod kalabaw ka palagi. Pero ano naman ang iisipin mo kung ganito ang
datnan mo pag uwi mo ng bahay.
Uy, andyan ka na pala, buti at kakaluto ko lang ng hapunan
Kakahiya naman sa iyo, sabi ko naman wag mo na akong isali sa luto mo
kasi may sarili naman akong budget
Ito naman, nagsi share ka naman sa akin every month kaya okay na rin
Sige, ako na lang ang maghuhugas ng pinggan mamaya at maglilinis ng
kusina..OK?
Mas okay yon Pre
Masarap magluto si Jason for a guy. Na meet ko sya 2 years ago ng
humanap ako ng kwarto sa Al Khobar. Sya kasi ang flat holder at timing na
naghahanap din sya ng ka share nya. One door 2 bedroom apartment kasi
ang tinitirhan naming apartment. 30 years old sya, binata at isang
engineer sa isang Aramco Contractor na company kaya malaki ang sahod nya.
Five years ang tanda nya sa akin at ako ay isang accountant sa isang
industrial firm sa 2nd Industrial City ng Dammam. Sabi nya noon sa akin,
wala daw kaming pakialaman at bahala daw ako kung ano ang gawin ko
basta daw magbabayad lang daw ako ng share ko quarterly ay okay na.
Pero, naging magaan ang loob namin sa isat isa habang tumatagal ang
aming pagsasama. Naging constant companion ko sya at gumanda ng gumanda
ang aming pagkakaibigan. Every night ay sinasamahan ko syang mag
fishing sa Corniche at every weekend ay nag dya jogging naman kami. Since
may sasakyan sya palagi na lang kaming gumagala kahit saan. Sa huli ay
nag suggest na rin sya na mag share na lang kami sa food para daw mas
makatipid kaming pareho.
Maganda ang samahan namin at wala naman kaming problema sa isat isa ng
nagsimulang hindi na naglalagi sa bahay si Jason. Halos hindi ko sya
mahagilap palagi sa bahay. Ang mga niluluto kong pagkain ay hindi
nagagalaw hanggang umabot ng umaga. Nag patuloy ang pag uwi nya ng mga
madaling araw at ang hindi pag kain sa bahay kaya tinigil ko na rin ang
maghanda ng hapunan. Kuntento naman kasi ako kahit na noodles lang kainin
ko at tinapay. Hindi na rin kami nag uusap kasi hindi na kami halos
nagkikita araw araw.
Shit, Kaya pala di ko mahagilap ang Jason may kinalolokohan na pala
itong iba. I mean nalulong na pala ito sa sugal. Napag alaman ko lang
ito sa isa naming common friend. Nag aalala daw ito kay Jason kaya
sinabi sa akin. Bilang kaibigan ni Jason, ang magagawa ko lang ay ang pagsabihan syang mag ingat kasi mainit sa mga Police ang sugal. Kaya noong
nagkatagpo ang landas namin ay hindi ko na rin inaksaya ang pagkakataon
para pagsabihan sya.
Jase, sana wag mo lang masamain, at hindi ako nanghihimasok sa buhay
mo, kaya lang may narinig akong nalololong ka daw sa sugal
Napatingin lang ito sa akin na parang sinusukat ako. Bigla tuloy akong
umatras kasi baka sapakin ako. Malaki pa naman ang mga katawan niya at
siguradong matutumba talaga ako pag inupakan nya ako. Pero hindi naman
nya ako sinuntok. Ngumiti lang ito ng napakalungkot na ngiti.
Salamat sa pagpapa alala mo Pre At bigla na lang itong pumasok sa
kanyang kwarto.
Maya maya lang ay kumatok ako sa kanya.
tuloy, bukas yan
Jase, Kaibigan kita Pre kaya nag aalala na ako sa kalagayan mo. Kung
may problema Pre pag usapan natin
Masakit lang ang likod at batok ko, pamasahe naman please at ngumiti
ito.
Sya, sige, pumuwesto ka na nga dyan
Mukhang pagod na pagod nga itong si Jason. Napapahalinghing sya sa
sarap ng masahe ko sa kanya. Lumipas din ang 25 minutes na pagmamasahe ko
sa kanya ng namalayan ko lang na naka idlip na pala sya. Pinatay ko na
lang ang ilaw ng kwarto nya at tumungo na ako sa sarili kong kwarto.
Ginabi na naman ako galing sa office kaya mga 7PM na ako nakarating sa
bahay. Sinama ko si Edward ang ka officemate ko na manghihiram ng mga
pirated VCD ko. Hindi ko inakalang andoon pala sa bahay si Jason since
hindi naman ito naglalagi.
Good Evening! Jase, si Edward pala
Tumango lang ito at dagli dagling pumasok ng kanyang kwarto. Nakaka
panibago itong si Jason na ito since matagal tagal na rin kaming
magkasama nitong dalawa. Pero lately, hindi na maganda ang pinakikita nito.
Halika, Edward, pasok ka sa kwarto
Ano? Dito ka na maghahapunan? Kasi magluluto ako kung gusto mo
Sige, para hindi na ako magluluto sa bahay
Ito yong mga VCD, pumili ka na dyan. Pero dapat isauli mo yan, kung
hindi, papakulam talaga kita
Nang matapos na akong magluto ay kinatok ko si Jason para sumabay na sa
aming kumain pero tumanggi ito.
Galit yata ang ka flatmate mo eh sabi ni Edward sa akin.
Wag mo ng pansinin yon, palibhasa, youngest kasi yon kaya napaka moody
Masayang kasama si Edward, palibhasa bata pa kaya masayahin. Hindi na
rin ito tumagal sa bahay at umuwi na rin pagkatapos naming maghapunan.
Nagligpit na rin ako ng pinagkainan namin at nagpahinga na.
Hindi na kami masyadong nag uusap ni Jason kahit na nasa bahay ito
palagi itong nagkukulong sa kanyang silid. Nagkakamabutihan na rin kami ni
Edward at palagi itong namamasyal sa aming bahay. Minsan ay doon ito
nakikikain kasi tamad nga itong magluto kasi nag iisa lang rin siya sa
kanyang flat.
May mga pagkakataon na hindi ako kinikibo ni Jason. Kahit na masakit
sa akin deadma na lang ako. Hinahanap hanap ko ang mga sandali noong
masaya kaming dalawa at hindi katulad nitong walang kibuan. Pero nasanay
na lang rin kasi ako sa set up namin na iyon. Noong nakahanap ulit ako
ng pagkakataon ay tinanong ko si Jason ng masinsinan.
Jase, galit ka ba sa akin?
Bat mo naman natanong yan?
Kasi malaki na ng pinagbago ng pagkakaibigan natin
Wala Pre., Ako ang may problema, napakabigat na problema
Pre dapat ilabas mo yang nasa loob mo kasi mahirap na may kinikimkim sa
suliranin. Tandaan mo, malayo tayo sa ating pamilya
Salamat Pre pero kaya ko pa
Hindi na ginagabi si Jason ng mga sumusunod na araw. Palagi itong
maaga at kung minsan pa nga ay nakapagluto na ito. Minsan, ginabi ulit ako
kasi sa labas na kami kumain ni Edward. Sumama sa bahay si Edward para
makikinood ng TFC.
James, Pre, tamang tama ang dating mo nakapag luto na ako
Jase, sorry nag dinner na ako kasama ko si Edward. Pero sige, samahan
kita sa mesa
Sinamahan ko lang sya sa mesa para hindi naman awkward na pinagluto nya
ako tapos hindi lang naman pala ako kakain. Napansin ko lang na medyo
nag iba na ang mood ni Jason. Parang nag ngingitngit ito sa galit kaya
medyo kinabahan ako.
Jase, pasensya na ha, hindi ko kasi alam na maaga kang umuwi eh
Ganyan ka naman talaga James eh! galit na sumbat ni Jason sa akin.
Napatingin ako sa kanya kung bakit biglaan na lang siyang nagalit sa
akin. Jase, sorry talaga, hindi na mauulit
Nakilala mo lang yang Edward na yan, nakalimutan mo na ang pinagsamahan
natin Tumulo na ang kanyang mga luha habang nakayuko ito sa mesa.
Hindi naman ako nakalimut Jase, Ikaw pa rin ang kaibigan ko na matagal
ko ng hindi nakakasama. Ironically, nasa iisang bahay lang tayo
nakatira
Siguro narinig ni Edward ang pagtaas ng boses ni Jason kaya lumabas ito
sa kuwarto ko at nagpaalam na uuwi na daw.
James, uwi na ako. Salamat
Sige Edward, hindi na kita pipigilin
Bumalik ako sa Dining kay Jason ng matapos kong ihatid sa pintuan si
Edward.
Jase, Pre, sabi ko naman sa iyo kung may problema sabihin mo. Hindi na
kasi kita maiintindihan eh
Nagligpit ito ng kinainan at hindi ako pinansin. Nang matapos ay dumiritso na ito sa kanyang kwarto at sinarado ang pintuan. Ngunit hindi ko
na papalampasin ang ganitong klaseng sitwasyon kaya kumatok ako.
Jase, Pre, ako to, papasukin mo ako
Binuksan niya naman ang kanyang kuwarto at pinapasok ako. Umupo siya
sa kanyang kama at naki upon a rin ako. Nanonood siya ng TFC pero sa
wari koy wala dito ang kanyang isipan.
Jase, Pre, matagal tagal na rin ang pinagsamahan natin. Ni minsan
hindi tayo nag away. Kilalang kilala mo na ako at ganoon din ako sa iyo.
Pero nakakapanibago itong nangyayaring ito sa atin ngayon. Ano ba
talaga ang problema? Kung meron pag usapan natin
Pre sorry, lately kasi ilang beses akong na bigo sa pag ibig. Palagi
lang akong on the rebound nakayuko pa rin ito at may namumuo na namang
mga luha sa kanyang mga mata.
Ganyan talaga Jase sa pag ibig. May mga sinusuwerte, may minamalas
Pare, bat ganoon? Lahat ng minahal ko ay ginagago ako? tumulo na rin
ang kanyang mga luha.
Gusto ko siyang batukan at kahit na umiiyak siya ay hindi ko mapigil
ang mapa ngiti sa inis. Matagal ko na rin kasi siyang mahal pero
dinideadma ko lang.
Hindi naman lahat ay gagaguhin ka Safe na sagot ko sa kanya.
Sino sila at nasaan sila?
Nasa tabi tabi lang siya Jase, hindi mo na sila kailangang hanapin
Medyo may pinapahiwatig na he he he he he
What do you exactly mean? tinitigan niya ako ng napaka lagkit na titig.
Ako ang unang bumawi.
Naku, huli na, kaya nagdahilan na naman para lumusot Jase, magpahinga
na tayo, may work pa tayo bukas
James, wait biglang naiba ang facial expression niya. Parang
umaliwalas ito at ngumingiti na.
Lagot. Baka paalisin na ako dito sa bahay. Kakahiya talaga ang
pinagsasabi ko pero deadma. Tumayo na ako para maka iwas sa awkward na
sitwasyon pero hinila nya ako paupo.
James, I heard it, sino ang siya?
Hala ka, bakit hindi niya pa rin binibitawan ang aking kanang kamay at
palapit na palapit na siya sa akin. Titig na titig pa rin siya sa akin
at ang gwapo gwapo niya.
Eh.errrahhhh.ang ano?
Hindi pa rin niya binabawi ang tingin niya sa akin habang higpit na
higpit naman ang hawak niya sa aking mga kamay.
Pre, alam mo naman na espesyal ka sa akin
Palapit na siya ng palapit sa akin at niyakap na niya ako ng mahigpit.
Pilit ko siyang tinutulak pero mas malakas naman siya sa akin.
Sabihin mo kung sino siya Pre, kung hindi, magdamag kitang yayakapin
ErrrrJase, ano ba, hindi ako makaka hinga
Wala na akong kawala pa! Kung sa mga suspek nga eh, bistado na ako kaya
kakanta na lang ako di ba? I hate to admit it but its true Pre, mahal
kita noon pa! Hindi mo ba nahalata? tumulo na rin ang luha ko sa di ko
maintindihang kadahilanan.
Pinahid niya ang aking mga luha Bakit ba kamo ako nagkakaganito James?
Mahal kita noon pa. Hindi ko lang alam paano ko sasabihin kasi bago sa
akin ito at ang weird ng pakiramdam. Kakalalaki kong tao pero umiibig
ako sa isa ding lalaki. I was so confused and I tried vices and tried
courting girls na pumalpak din para lang makalimutan kita
Kinilig ako sa pinagsasabi ni Jason sa akin. Grabe! Ginawadan niya na
rin ako ng napakasuyong halik.
Now that I know the score, kailangan pa ba kitang ligawan James?
Ewan! humahagik hik ko ng tawa.
Pero ayokong Makita ang pagmumukha ni Edward dito. Parang sasabog ang
dibdib ko sa selos everytime na dinadala mo siya dito.
Jase, Edwards just a friend, parang little brother, Hes safe OK?
I love you Pre
I love you too Jason
ayus...
ReplyDelete