Monday, December 10, 2012

HIGH SCHOOL LIFE

HIGH SCHOOL LIFE

 

--- In kwentongnakakalibog@yahoogroups.com, Mark Jeffrey Gonzales
<bot272@y...> wrote:
>
>
>
> My first two years in high school was still focused on
> Michael. I don't want to loose my friendship with him.
> But then, the time that has been too kind with us,
> became an enemy. Di na umaayon sa sked ng pagkikita
> namin. Truly, there's nothing constant in this world
> except change.
>
> My high school days wasn't coated with chocolate and
> decorated with fireworks. But somehow, someone makes
> it worthwhile... and at least, memorable.
>
> I came to know Bill, the son of my Father's
> officemate. Kalilipat lang nila nun malapit sa amin.
> Niyaya ng  mother ko nanay niya for a lunch sa bahay
> minsan.. siya lng din kasama ng nanay niya nun.. kaya
> sama na rin siya lunch sa bahay. Syempre kwentuhan
> sila, ako naman tahimik lng. mahiyain ako by nature.
> Bill is really cute. Kung si Michael cute tumawa, si
> Bill naman, mata ang nangungusap. Bill was a hunk. Eye
> Catcher. Bata pa siya nun at kagra-graduate lng namin
> ng elementary, at di ka magugulat kung 3years later
> any magiging campus crush siya. Mahilig siya mag
> t-shirt ng plain white, tucked in his tight jeans too.
> At pag dun lang sa kanila, shorts lng kadalasan bare
> sa pang-itaas. He was a good basket ball player
> too.Pambato ika nga. Mapa Baranggay man yung laro o
> inter campus, di nawawalan ng cheerer si Bill. Nung
> first time na punta niya sa amin ay dun ko lang
> nalaman na incoming freshman din siya. In fact,
> kaklase ko pa. Everything was casual then. saglit na
> tanguan lng, di na ako naglagi sa living room. pasok
> na ako kaagad sa room ko(suplado no?)
>
>
> Two years passed ng high school life ko. Di kami
> naging close ni Bill. Nafocus attention ko nun sa
> crush ko. Si Kate. Siya pinakamaganda sa room. During
> period breaks, lagi kami kasama. upo sa damuhan.
> kwentuhan. I think i feel so madly in love with her.
> Pero di ako naging ganun ka vocal sa kanya. (10 years
> later pa, naging GF ko siya.. Anyways, ibang story na
> to. just in case gusto niyo malaman yung how i chased
> this girl.. let me know lng)
>
> Naging close kami ni Bill ng minsan nakisuyo sa amin
> yung caretaker ng malaking bahay sa amin (4 story old
> house) na bantayan yung bahay for one week. Na ospital
> kasi mister niya at at matanda na rin sila, so walang
> tatao sa bahay. 3rd year na kami nun. kahit papano,
> magkakilala na din kami, though not that close.
>
> It is thrilling, at nung time na yun katatapos ng ng
> bagyo sa amin. Kadalasan sa probinsya, it takes time
> bago makumpuni yung mga linya ng kuryente, so we have
> to settle using kerosene lamp. pero sa di kalayuan,
> may ilaw na rin.. pero not enough to illuminate the
> house. Kanya-kanya kami dala ng unan at kumot. We both
> accepted it at parang thrilling nga naman.. new
> experience 'ika nga. We're young and quite
> adventurous. Yung barkada niya nun is link sa nasty
> activities daw, like inuman after school, or watching
> bold movies dun sa bahay ng bading din namin na
> kaklase(pero hanggang ngayon di naamin na bading
> siya,cguro gaydar instinct ko lng). pero ako naman si
> wholesome image. Bahay at school lng talaga.
>
> Malaki ang Bahay. Almost all rooms are closed. Parang
> abandonado. We were lead sa 3rd floor. Nandun yung
> main living room. In there ay isang kama sa gitna. dun
> na lng  daw kami matutulog.. tabi na rin daw at malaki
> din yung kama. tapos may maliit na table at yun na ang
> first night namin. It's my 2nd night to be with
> another guy. Syempre kabilaang dulo ng bed ang higa..
> konting kwentuhan lang,at isang ihip sa lampara, tulog
> na agad at may pasok pa kami kinaumagahan. it's not
> totally dark. napagtanto ko, kahit gaano kalayo ang
> source ng light, basta walang harang, total darkness
> could never exist.(hanep, may insights pa hehehehe)
> Kasi kita ko pa silhouette niya. Well, clear na
> salamin yung bintana at nasa bintana side siya. i
> would be a liar kung sasabihin kong di ko siya
> tiningnan, hehehe...
>
> On the second night, its not totally boring at all.
> may dala-dala siyang chess board. 2 games man lng daw
> bago matulog. of course, with only the two of you
> buong gabi at wala kang choice na kakausaping iba...
> mapipilitan kayo talaga na maging close.
>
> Two nights... three nights passed. nagkakaroon na ng
> asaran. nag simulang mag kantiyawan sa laro. dayaan.
> damutan ng moves. walang bigayan. Malaki ang bahay,
> pero napuno ito ng tawanan. Nagkaroon ng buhay. Simula
> ng naging magkasama kami sa bahay na yun, naging
> magkasama na rin kami papuntang school. I can always
> see him  waiting for me sa labas ng bahay nila. Normal
> na departing words na namin ang "40 minutes tol ha"
> That is, 40 min after, dapat nakaligo at breakfast ka
> na..kita na kayo nun sa labas.Bill became an ally. in
> some way, nadadala na rin ako sa kasikatan niya. uso
> kasi nun yung slum book sa mga girls (parang
> authograph ba yun?) so pag nagpapasulat sa kanya, at
> nandun ako, ako na rin kasunod nun hehehe. but don't
> get me wrong, meron di namang instance na ako ang
> nauna no! hehehe pag may sinusulatan pa si bill, di
> ako muna nauna. Many high school  girls are flirty.
> There's an instance na sa "Who is your  crush?" field
> ay ibang initial yung sinulat ko at hindi initial nung
> may-ari..hahaha, ofcourse, pinunit at pinasulat ako
> ulit.
>
>  I remember one night na dinala niya yung lampara
> malapit sa balcony ng bahay para umihi. He put it
> behind him. Na badtrip ako't naiwan ako sa dilim.
> Slowly, pumunta ako sa likod niya at sabay itinakbo
> yung ilaw..Di ko alam kong natapos pag-iihi niya basta
> bigla na rin siya kumaripas ng takbo papasok ng
> bahay.Hahaha noon ko nalaman na takot siya sa dilim.
> Guys, i feel proud na di ako takot sa dilim. at least
> may hinangaan din sia sa akin no.
>
> Never did our bodies touched sa bed, kahit na
> pumapagitna na ako minsan, pero wala e.. di gumagalaw
> sa pwesto niya. :D
>
> Naging close na kami ni Bill. Normal routine na rin
> ang sabay pumasok. We became seatmate na rin sa
> school.Normal arrangement?? 3rd row, 2nd-3rd seat from
> the aisle. hahaha... yeah.. tandang-tanda ko yan. We
> have 6 major subjects ata at 6X rin na lipat-lipat ng
> room yun. At yun lagi ang upuan namin. At school,
> nagiging partner kami, in doing projects and doing
> assignments. Sarap. paunahan ng kopya ng assignment,
> to the point na kung wala ka, may assignment ka pa
> rin, dahil iginawa ka niya. I just don't know kung
> hindi nagwa-wonder yung teacher namin, when you're
> late or absent, may assignment ka.
>
> Late part of our 3rd year, apply kami ng officership
> sa CAT(CMT ata sa iba).Lalong naging close kami. We're
> giving tips sa mga pagsubok na ginagawa sa mga
> applicants katulad namin. Ex-officer yung ate niya.
> ako naman yung pinsan ko. That was the toughest part
> of my high school life. Meron pinakita sa amin na
> inodorong punong-puno talaga ng dumi, then naka
> blindfold ka na pahihipuin daw dun. Am sure
> pinapalitan nila yun. so nagsuka man yun iba, sa amin
> parang wala lang.May pasahan ng candy at mouth to
> mouth, tiempo ko nun siya ang before sa akin hehehe.
> bad nga lng, di naglapat lips namin. merong kumain ng
> isang kutsarang raw egg pero may sili at marami
> pa.gapang dito, talon doon. Challenging at stressful
> training.
>
> Doon nabuo ulit ang isang pangarap.Nautical kukunin
> namin pag college. Rent kami ng isang room. dalawa
> lang kami dapat. Then, anong cooking utensils yung
> bibilhin ba o dadalhin. Pati set-up ng room, naisama
> sa plano. He end up to be our adjutant, Major ata rank
> nun.. next sa Batallion Corp Commander. Bagay na bagay
> sa kanya ang fatigue uniform sa built ng katawan niya
> at pagkagwapo niya. Ako naman Alpha Company Commander.
> Dalawa kami ang may pinakamaraming sigaw na command
> during presentations. At 4am every  morning, we have
> to dip our body at neck-level sa ilog at
> magpa-practice ng sigaw. then nguya ng luya buong
> araw. I found a partner in him. A source of strength
> and encouragement. Siya ang nag persuade sa akin na
> tapusin yung training when am about to give up. He
> became my regular jogging partner. We need to prepare
> ourselves well, at mahirap pag di ka prepared, else
> uuwi kang gumagapang lalo na after nung initiation.
>
> I remember one time when my father was involved in a
> tragic vehicular accident. Biglang nawala nanay ko
> nung marinig  sa radio, takbo puntang ospital. Naiwan
> akong tulala. Binalita sa radyo, patay na daw tatay
> ko. My tears is pouring out from my eyes. I don't know
> anymore what tommorrow holds for me and my family. I
> am the eldest and still on my 3rd year. Makakatapos ba
> ako?
>  Papano ang gising sa umaga na walang tatay?
> Could i ever see a smile from my siblings?
>  Papano ako magtatrabaho? Ano ang ipapakain ko sa mga
> kapatid at nanay ko?
> Ano ang gagawin ko para di matigil sa pag-aaral ng mga
> kapatid ko?
> At that moment i felt overwhelmed sa nakaabang na
> responsibility sa akin. I walk slowly, nakayuko. I
> even did not care to wonder na pwede pala maging gripo
> ng luha ang mata. Mahirap akong paiyakin. But at that
> moment, lahat na ata ng body fluids ko ay naging luha.
> Nag-uunahang lumabas sa mata ko.
>
>
> Nakasalubong ko si Bill. He's so worried seeing me cry
> na naglalakad. Maraming tao sa daan. All are asking
> lot of things. I'm not answering them. Bill is keep on
> following me. Inaakbayan niya ako at pilit tinitigan
> sa mata. "Wala na akong tatay, Bill", sabi ko sa
> kanya. "Tangina Mark, bakit? Ano ang nangyari? Ano ang
> ibig mong sabihin?" Kabado siya sa narinig niya. Alam
> niya di biro yun. Hindi ako humahagulgol. tahimik ang
> iyak ko, pero tuloy-tuloy at tahimik lang na
> bumabagsak ang luha ko."Bill, samahan mo ako, punta
> tayo ng ospital" Hindi request yun. Utos ko yun sa
> kanya. Alam niya wala akong pera, wala din siyang
> pera. But then, he find ways. Alam niya kailangan
> namin sumakay ng bus, papuntang ospital. Di ko alam
> kung papano niya hiningan yung mga nakasalubong namin
> ng pamasahe, basta ni-lead niya na lng ako sakay ng
> bus. Wala akong paki-alam sa mundo ng mga oras na yun.
> everyone in the bus is asking, kahit saan naman talaga
> daming usesero e. Dinaanan namin yung site ng
> accident, tangina,nakita ko, natupi yung sasakyan ng
> tatay ko. kita kong dikit yung manibela sa upuan.
> syet! no one can survive with that fuckin' situation.
> Nanghina ako, nandilim yung paningin ko. Bill was
> there. Niyakap niya ako. Kahit siya di makapaniwala sa
> bilis ng pagyayari. Naging basahan ang balikat niya sa
> dami ng luha ko. But he did not care. He knows i need
> to be comforted than to keep himself dry.Di na ako
> kumawala sa kanya throughout ng biyahe. Pagdating sa
> ospital, siya na rin nagtanong kung nasaan tatay ko.
> The nurse give us the room number. Akyat kami. i don't
> know about elevators at that time. 3rd floor naabot
> namin, si Bill na nakakaalam ng room. patakbo kami
> papunta sa binigay na room number. There, nakita ko
> ang nanay ko, pinupunasan yung tatay ko. Naka oxygen
> ang tatay ko.
>
> Nabigla ako, buhay ang tatay ko. Napangiti si Bill,
> natingin sa akin. Alam ko tuwang-tuwa siya sa nadatnan
> namin. Dun na ako humagulhol ng iyak. My heart can't
> contain the gratitude i'm feeling right there and
> then. My father's second life was a gift.  Niyakap ako
> ng mahigpit ni Bill, napayakap na rin ako sa kanya sa
> tuwa.
>
> He stayed there with me for two more days dahil nauwi
> nanay ko para kumuha ng gamit. There he assisted me
> taking care of my Father. Kahit absent equivalent nun
> sa school.
>
> After that, hanggang nag 4th year kami, naging best of
> friends kami. Kinakantiyawan kami ng mga kaklase ko na
> mga bading na mag-asawa daw kami. Sino ba daw talaga
> sa amin.Naka dalawang girlfriend siya ata nun. ako
> naman, tuloy lang nun kay Kate. Everyone knows na
> nababaliw ako kay Kate nun, but i never dared na
> magtapat. Bill seems not to care sa mga pang-aasar.
> Hindi naman nila naranasan yung naranasan namin no.
> We're partners sa planning sa CAT nun. At siempre
> back-up pag medyo nagkakaroon ako ng kaaway sa mga
> suordinates ko. We do nature trips at gala sa urban
> places. Dalawa lng kami. KKB pa yun... estudyante e.
>
> Comes college, dinaya ako ng tatay ko. I told him
> already of my plans na gusto ko maging marino. But he
> tricked me na kumuha ng entrance exam ng engineering
> sa isang school, then hindi niya na ako pinakuha ng
> exam sa nautical school at mahirap daw sumakay sa
> barko ang nautical. I told my father na walang sisihan
> kung magkabagsak man ako sa college, balak ko na
> talagang tatarantaduhin yung pag-aaral ko. May bagsak
> nga ako, isang subject nung first year college. Natulo
> ang luha ng tatay ko nun kasi hindi naman daw
> kapani-paniwala na mabagsakan ako. He's doing
> everything daw para makapagtapos ako, pero di ko
> naapreciate hirap niya, while siya is a
> self-supporting student dati. Naantig ang puso ko at
> nakatapos ako.
>
> Bill pursued His Nautical course. Nahiya ako sa kanya
> nun. But he said na parents naman namin ang gagastos,
> so ok lng na sundin ko ang tatay ko. Sa sobrang tight
> ng sked sa school, every weekend na lng kami
> nagkikita, minsan once a month na lng. Nakailang beses
> din akong natulog sa kanila at siya sa amin pag
> nagkasabayan kami ng uwi sa amin.
>
> Nakagraduate ako ng college at nakapagtrabaho. But
> every time na nauwi ako, pinapauwi ko rin siya sa amin
> para ma-ikot namin mga bahay ng high school classmates
> namin. Hindi ko alam,nagloloko pala sa school si Bill.
> Matalino siya. Star section kami nung high school.
> Pero napabarkada ata at di pala naka pagtapos. worse,
> nag-asawa ng selosa ng maaga.
>
> Naawa ako sa kanya. gusto ko siyang tulungan, kaso
> pano ba ako makatulong. I'm trying to keep our
> communication open para malaman ko status niya..  Pero
> wala akong access sa kanya. Wala siyang cellphone,
> pati bahay nila malapit sa amin, ay binenta na rin ng
> parents niya. Nalaman ko sa ibang kaklase namin na
> pinapag-aral siya ng misis niya.
>
> I just hope, he still have a bright future ahead of
> him. Sana, may maitutulong din ako para mabago ang
> takbo ng buhay ng mahal kong kaibigan.
>
>
>
> feedback po pls. para naman malaman ko if the most
> painful and happy college friendship i've encountered
> ay pwede ko pa ikwento. :D

No comments:

Post a Comment

Iputok mo ditto, Pre!