Saturday, April 4, 2015

My Bestfriend


My Bestfriend
by: Greg

Hi! I just want to share my story with you. Sorry but there’s no signs of sex here. I just want you to be inspired and tell you that sex is not always important in a relationship. Ang mahalaga na minahal mo yung tao ng buong puso mo. This is a real story and I hope you will like it. Okay lang kahit mababa ang rating basta nag-share ako at para sa kanya ito. Pasensya ndin kung hindi ako marunong magkwento at pasenya nadin at masyadong mahaba. Tnx
----------------------------------------------------------------------------------------

2002 nung una ko siyang makilala. We were on our second year in college, taking engineering course and he’s been my classmate. I can’t remember kung kailan kami naging close but definitely not that close. I don’t know why but sa bawat araw na napasok ako sa school ay gusto ko siyang makita at makausap. Naisip ko nga na bakla ba ako (but definitely now I know that I’m a bisexual but mas prefer ko parin ang mga babae). Honestly kung idedescribe siya ay ang unang-una kong masasabi and definitely na hinangaan sa kanya ay yung kanyang mapupulang labi. Yes, he’s cute and handsome. Siguro nga humahanga lang ako sa kagandahang lalaki nya (yan ha pinuri na kita, kung mababasa mo lang ito ay siguro matatawa ka…hehe).

Dumaan ang mga araw at iyon naging malapit ako sa kanya but that time ang akala kong pagkakalapit ko sa kanya ay yun din yung mga araw na lumalayo siya. Hindi ko na matandaaan pero ang naging dahilan ko sa paglapit sa kanya ay yung pagkakakita ko sa kanya ng una kong naging bestfriend. Yun nga lang may mga pagkakataon ako na gusto kong gawin nya sakin bilang kaibigan ko or bilang bestfriend nya. Mahirap ipaliwanag but ang alam ko lang ay nauulila lang ako sa una kong bestfriend at iyon ang hindi nya maunawaan at mahirap talagang unawain.

Dumaan ulit ang mga araw. Palayo na sya ng palayo sakin. Masyado kasi akong demanding kaya iyon lumayo siya. Minsan nga sa sobrang desperate ko ay gusto ko ng magpakamatay kasi sa dami ko nong problema at dagdag pa sya.hehe hanggang matapos yung second sem ng 2nd year namin ay hindi ko na siya nakakausap. Ito ang malupit, after school ay araw-araw ako pumupunta sa simbahan to pray na magkaayos kami. Masakit para sa akin na lumayo siya pero hindi ko alam kung bakit. Siguro mahal ko na siya pero lalaki ako at hindi pwedeng main-love sa kapwa nya lalaki.

Dumating na ang pasukan for 3rd year. That time ay pipili na kami n gaming imamajor sa course ng engineering. Gusto ko sana mag COE but sabi ng cousin ko na teacher dati sa school namin na masama yung course na yun kung doon ko kukunin. So I decided na mag-electrical nalang (although sa ngayon hindi ko parin magustuhan yun course ko.hehe) kasi nandun yung pinsan ko and meron din akong mga kilalang instructor dun and specially yun din yung kinuha nya. Nakita ko siya that time ng enrolment pero hindi parin nya ako pinapansin. Di naglaon ay natutunan ko narin at hindi na umasa na magkakaayos pa kami. I just focused myself on my studies.

Pero dumating ang isang araw na hindi ko malilimutan. It was a fine day dun sa una kong boarding house na malapit sa school namin. Hindi ko malimutan yun kasi that time ay pumayag kami ng mga co-boarders ko na classmates ko din na sumali sa isang frat. Medyo napilitan kasi yung tinutuluyan namin ay lahat ng kasama namin ay mga myembro ng frat na yun. I was shocked ng malaman ko at makita ko siya na nandun sa bhouse namin. Sasali din pala siya. Medyo natuwa ako at kinabahan.

To cut the story short, nung time na kailangang magdecide na kung sigurado na kaming sumali ay nagusap-usap kami sa kwarto namin. Walang sinuman ang nagsimulang magsalita, so I decided to be the speaker (naging officer din kasi ako ng klase at ng aming department kaya malakas ang aking loob na magsalita in front of many people). Pinangunahan ko sila then finally dumating sa time na kailngan ko siyang makausap. Tahimik siya nung sabihin ko sa lahat ng nandun na hindi siya magdedecision dahil nandun ako kundi magdedecision siya dahil yun ang ginusto niya. Hindi parin siya umiimik nun hanggang matapos yung oras ng decision making.

Habang lumabas na ang lahat sa kwarto, bigla kong inaabot ang aking kamay sa kanya to shake my hand. Hindi ko inaaasahan na iniabot din nya ang kanyang kamay at nagkamayan kami ng mahigpit at nagkatawanan. That’s my unforgettable moment at napakasaya ko dun. Natapos yung mga ginawa namin sa frat. Halos mamaga ang aming mga mukha dahil sa sampal. Siya nga ay nagdalawang isip pa nun mga oras na yun at gusto ng magquit kasi di nya maatim yung mga ginagawa nila samin. That day ends at umuwi kami sa aming mga bahay-bahay. Tinext ko sya at nagtext din sya sakin at sinabi na kalimutan na namin yung mga nangyari noon.

Di din kami nagtagal sa pagpasok namin sa frat na yun. We decided narin to quit kasi may mga dahilan kami na naintindihan naman nung mga nakakataas sa frat. Kasama ng mga co-bhouse ko dati na nagquit din nabuo yung barkada namin although sa isang section siya kasama ay sinama ko parin siya. Masaya na sana pero dumating na naman ang araw ng kalokohan ko. Siguro nga mahal ko talaga siya pero hindi ko inaaamin sa kanya (syempre nakakahiya at alam kong walang patutunguhan yun). Ganon na ulit ang nangyari. Lahat ginagawa ko sa kanya. Tumutulong ng kusa kahit hindi nya naman kailnganan ng tulong ko. Basta alam nyo na ang mga ginagawa kapag special yung tao sayo. Pero ang habol ko lang talaga ay maging bestfriend sya. That time also nagkagusto ako dun sa isa sa mga kabarkada kong babae. Siya pa nga ang naging consultant ko. Ginagawa nya ang lahat para matulungan ako at sabi nya sakin na sa babaeng iyon ko nalang ilaan yun ginagawa ko sa kanya. Sinunod ko naman siya at nagging masaya din ako sa piling nung babae. Natutuwa din ako kasi tila ba matatawag ko narin siyang bestfriend.

Di nagtagal ganon na nga ang nangyari. Natutuwa din sa ako sa kanya dahil that time, nun time lang siya nakapanligaw sa sang babae. Yung gwapong iyon ay hindi nanligaw at nagkagirlfriend man lang.hehe E ako nga nakailan na.hehe naaalala k pa tuloy nun nasa bundok ako dahil mahal na araw at nagtext siya sakin at may gusting sabihin. Bad trip ako nun kasi magkagalit kami nung gf ko nun araw na yun. Itanong ko nalang at itxt sa gf ko kung ano yun (that time hindi ko kasama sa pagakyat yun gf ko). Sinabi ko sa kanya na kung ano man yun ay wala sakin yun kung ano man yung ibabalita nya (sama ng ugali ko.hehe). Nagtxt back siya at sabi nya OK. Pero hindi din siya nakapagpigil at sinabi din sakin na siagot na siya nung nililigawan nya at sabi ko naman Ok, congrats (sama ko talaga.hehe). Pero di din nagtagal at nagkaayos kami ng gf ko at balik na ulit ako sa pagiging mabait.hehe

JS nun at tinupad ng bestfriend ko na ipakilala sakin yung gf nya. Magaling ding pumili ang ulol.hehe And days gone by naging close kami. Kumpare’t kumare pa nga mga tawag namin sa isa’t isa. Nakakatuwa talaga yung mga araw na iyon at alam kong masaya siya sa buhay nya at masaya din siya na maging bestfriend ako na dati ko pang inaaasam. Sapat na sa akin yun at yung dating pagmamahal na naramdaman ko sa kanya ay hindi parin mawawala. Dinadaan ko nalang sa mga tulong at payo. Madami din akong natutunan sa kanya. Pero dumating yung araw na hindi ko parin makakalimutan hanggang ngayon.

Nagkalabuan kami ng aking gf non at as in hindi na kayang ibalik yung dating pagsasamahan. Napalayo narin ako sa bestfriend ko dahil lagi nya akong pinipilit na makipag-ayos sa gf ko. Ayoko ng makipagbalikan kasi hinid ko na na-take yun ginawa ng gf ko non. Sumuko na ako. Pati barkada ko ay napalitan nadin. Hanggang mapalayo na ako sa kanila. Wala na akong balita sa kanila kahit na alam kong nandyan sila at kaklase ko pa. Pero minsan nabalitaan ko na nagkalabuan din sila ng gf nya at tuluyang mag-break pero binalewala ko yun.

Hanggang maging 4th year kami. Simula nung mga nangyari ay malimit kong Makita yung dalawa na magkasama. Wala lang at wala akong pakialam lalo na sa ex ko. Hanggang dumating yung 2nd sem na mag-oojt na kami.

November 6, 2005, Sunday. Masaya ako non kasi sa magandang company ako napapunta at malayo sa amin. Papunta na ako sa bhouse na tutuluyan naming mga classmates ko. Naghakot na kami kasi kinabukas ay magsisimula na ang OJT namin. On the way na kami noon ng may biglang nagtext saking kasama na classmate namin na there’s one person na namatay. Hindi sinabi ang pangalan pero engineering student. Ayos lang sana but when my classmate said na place kung saan nakatira yung student. Bigla akong kinabahan dahil taga dun yung bestfriend ko pero I tried to calm myself at isipin yung ayaw kong isipin. Dumating na kami sa place at habang binababa na yung mga gamit namin ay biglang tumawag ang aking mommy sakin. That time I forgot to bring my cellphone. May nagtxt daw. Yung ex ko at sabi patay na daw ang bestfriend ko. I was so shocked at hindi ko alam ang gagawin. I was barely crying at hindi mapakali. I decided to txt my ex to confirm at totoo ang sabi nya. Inalam ko sa kanya kung anong dahilan. Sabi bangungot daw.

Madami ako sinabi at tinatanong habang tumutulo ang aking mga luha. Gusto kong bumalik sa Batangas that time pero tomorrow ay start na kami n gaming OJT malayo ang byahe pauwi. Nanlalambot ako at gusto ko siyang makita. Naalala ko pa nung muli ko siyang nakausap sa matagal naming di pag-uusap, Wednesday nun at nagkausap pa kami at nakatxt ko siya nung gabi. Ang hindi ko malilimutan ay nung sinabi nyang huling tanong nya sakin yung lagi nyang tinatanong sakin tungkol sa issue naming ng gf ko na magkabalikan. Lahat kasi ng paraan ay ginawa nya para magkaayos kami.

Pumunta ako at umabsent para makita sya at makasama sa huling hantungan nya. Iyak ng iyak ako ng sobra at may halong pagsisisi. Sana natulungan ko siya tungkol sa gf nya dahil lagi kong hangad sa kanya ang maging masaya siya. Alam ko gusto nya kaming magkaayos-ayos dahil nabanggit nya ito sa ex nya. Siguro kung nandon ako ay napayuhan ko siya at nagging maayos sila pero nasaan ko. Wala akong kwenta. Pano pa ako makakabawi ngayong wala na siya.

Sa ngayon nandito parin sa puso ko ang sakit. Yung nya pag-iwan samin ang hindi ko matanggap. Naalala ko pa na sabi nya ako ang bestman nya sa kasal nya at ninong ng anak nya pero hindi na mangyayari yun. Hanggang ngayon kasabay nyang mawala ay ang hindi na naming pagkakaayos ng ex ko. Wala na lahat. Inaaamin ko na minsan hindi ako masaya sa pamilya ko. Feeling ko ngayon ay mag-isa ako. Ayokong isip-isipin sya kasi nasasaktan lang ako. Ayokong mag-atempt ulit kasi natatakot ako na baka iwan ulit ako. Pero sabi ko sa sarili ko nandyan lang sya sa tabi ko at nagbabantay. Hindi na ako umaasa na meron pang makakahigit at makakapalit sa bestfriend ko. Sa dami naming pinagdaanan ay walang makakahigit pero minsan lang siya dumaan sa buhay ko at nandito parin siya sa puso ko.

WAKAS

 

No comments:

Post a Comment

Iputok mo ditto, Pre!