Monday, February 9, 2015

Fairytale: Sa Mga Mata Ng Pag-Ibig

by: Ay-Za-Ak
Sa panahon kung saan ang lahat ay naghahanap ng tunay na pag-ibig sa mga lugar kung saan mahirap matagpuan ang hinahanap na pagmamahal, mapapatunayan ang talinghaga ng buhay. Maraming sasang-ayon sa akin kapag sinabi ko na kung minsan isusugal natin kung ano man ang meron tayo, basta lang alam natin na kahit papaano’y nararanasan natin ang pag-ibig. Wala sa panahon o sa oras, sa taon o sa araw, wala sa langit o sa empyerno, pero nasa puso, mamimili ka nga lang. Isang maling pagpili pwede mong ikawala, pwedeng mong ikabuhay sa kawalan, pero kahit ano pa man ang mangyari, kapag ang pag-ibig ay nasumpungan ka, babangon ka, magsisimulang mabuhay muli, at higit sa lahat hihinga ka sa ngalan ng pag-ibig.
"Oh Heaven, what happened to her? Can we do something… Please Doc do something I want my wife alive." Magulo ang isip ko noon, sino ba naman ang hindi magugulat kapag nalaman mo na ang asawa mo ay naaksidente. Isang tawag mula sa ospital, narealize ko na lang nandito na ako. "Sa sobrang lakas ng pagbangga ng ulo ng asawa nyo, naapektuhan ang kanyang mga mata, she’s not in a stable condition, if she could surpass it I am afraid she can no longer see." Ano pa bang mararamdaman ko kapag nalaman ko yun, halos gumuho ang mundo ko. "Daddy is mom going to be okay?" Isa pa to, paano kami ng anak ko. Bata pa si Aina, 4 years old, paano ko ipapaliwanag ang nangyari sa mommy nya, paano ako, paano kami?
Dahil sa internal bleeding, 3 days in coma ang asawa ko. Tatlong araw ng pagdarasal, talong araw nang pangamba na baka mawala sya. "Dad, until when are we gonna stay here, my mom doesn’t want me to be absent in school." Matatanggap ko ba kung mawawala ang asawa ko? Makakaya ko bang harapin ang buhay na dalawa lang kami ng anak ako? Noong ika apat na araw sa ospital tinapat na kami ng doctor, hindi nagrerespond sa gamot ang asawa ko, malaki na rin ang nagagastos namin, oo kaya ko, kaya ng pamilya ko, pero hindi naman kayang makita na nahihirapan pa sya. Noong dumating ang mga magulang niya from the states, napagpasyahan namin na itigil na ang paghihirap nya. Yoon na ang pinakamasakit na araw sa buong buhay ko.
"Dad, Mamita told me not to cry anymore kasi mom is in heaven na, I think she is now my guardian angel." Inakap ko ang anak ko, sa kanya na lang ako kumukuha ng lakas. Alak, alak, alak, yoon lang ang naging sandalan ko. Sobrang sakit, sobrang paghihirap ang naranasan ko. Masyadong gumulo ang buhay ko, wala akong araw na nakikitang sumisikat lahat yun palubog. "Dad, can you read me a story, mom used to read a lot for me when she was still with us.?"
"Halika dito, daddy will tell you a story. Wag mong kakalimutan ang kwentong ito ni daddy ok." Umupo sa tabi ko sa couch ang anak ko. "Once upon a time, there was a beautiful princess named Anya. She belongs to the royal family, and everyone in the kingdom considered her as the most beautiful and charming among the children of the royal couple. Then she met her prince, Prince Raymund lives in the palace located in a far away kingdom. They got to know each other, the prince asked the princess to marry him, and so they got married. After two years, they were blessed with a beautiful daughter named Princess Aina. Aina is a very intelligent cute girl, she has the eyes of her mom, the lips of her dad, and she bears the beauty of a genuine princess. But life is tough, Aina’s mother had to go to heaven. Aina and her father were left in the castle, her father was so down, but the cute little princess cheered her father up. Nakatulog rin ang anak ko. Nasaan na si Anya, sana kasama pa rin namin sya.
Now, Aina has bloomed into a beautiful young lady." 10 YEARS, sampung taon ang lumipas. Si Aina, nasa mga lola nya sa Amerika, ako naiwan sa Pilipinas para ipagpatuloy ang nasimulang negosyo namin ng asawa ko. Malaki na rin ang negosyong ito, siguro hindi rin ito pinabayaan ng asawa ko. Dalwang beses sa isang taon kung dalawin ko ang anak ko, masuwerte ako sa kanya, matalino, maganda, at higit sa lahat mabait at mapagmahal na anak.
Bagong asawa? Wala akong kabalakbalak paltan ang reyna ng buhay ko. We may not have lived happily ever after, pero alam ko may continuation ang sa amin ni Anya, hindi nga lang siguro dito.
"Excuse me I think that is my seat, it says here my seat number is 18." Pauwi ako ng Pilipinas noon mula sa pagdalaw sa anak ko. "It says here that my seat number is also 18, oh man, I think it’s gonna be a big problem. "Excuse me gentlemen, is there something wrong?" "look, we have the same seat number" Pinaliwanag ko sa steward na nag-aasist sa amin. Pilipino din yung mama na nakapareho ko ng seat number. Hindi naman nagkaroon ng problema, naayos namin kaagad, nagkamali lang ng pag encode ng number, sya 18 ako naman 19. Matagal ang byahe, minsan nag-uusap kami. Siya si Rafael, 30, dumalaw lang daw sya sa pamilya nya kasi sya na lang ang naiwan sa Pilipinas. So sinabi ko na ganun din ako. Tinanong ko sya kung may asawa na sya, wala daw pero may anak daw syang sinusuportahan. Halos pareho kami, ang kaso lang sya hindi kinasal pero ako oo. Ok tong si Raf, kalog, iisipin mo nga teenager. Hindi naman sya ganoon kagwapuhan pero alam mong malinis sa katawan. "Siguro madalas ka sa states hirap malayo sa asawa eh?" Tinanong ako ni Raf, ayoko naman sanang magkwento ng kahit ano tungkol sa asawa ko pero parang yoon ang hinihingi ng panahon. "She has passed away 10 years ago." Nagulat sya at mukhang nadismaya sa sinabi ko, "Sorry Raymund, I thought she was with your daughter." OK lang sa akin yun, tuloy tuloy ang kwentuhan namin ni Raff. Ilang oras pa nasa NAIA na kami. Nagpalitan kami ng numero, at minsan daw ilalabas nya ako. Nagpaalam na sya.
"Good Morning Raymund, this is Raf. It’s Friday, would you like to have some fun tonight?" Gimik ba ang iniaalok sa akin nitong si Raf? Tagal na rin kasi noong huling beses akong lumabas. Bago pa ang kasal ko, sa Malate kasama ang mga barkada. Sa tingin ko, Raf is the perfect person to be with, tsaka mukhang ito na yung time na kailangan ko na namang mag-enjoy.
"Raymund, I am a gay.."
"No way man, look at you.."
"I am a discreet gay."
"Gimme a break man, why are you fooling around?"
"Honest! I am gay, but don’t be afraid I’m not gonna eat you"
"I am not homophobic, at least I know what you really are, meron nga iba jan, binabakla ka na pala di mo pa alam."
"Maraming diecreet gay ngayon, it has become a trend. Mas Masarap mabuhay, kapag takot ka sa commitment, everything is casual, nasayo na yun kung i-elevate mo sa mas mataas ang sarili mo." Ewan ko ba, bigla akong nag ka interes sa sa mga sinasabi ni Raf. Kahit minsan sa buhay ko, hindi ko pa naranasang makipagsex sa kapwa ko lalaki. Hindi ako homophobic, naiintindihan ko ang mga bakla. Marami rin akong kaibigang bakla nung high school at college, pero ni sa hinagap hindi ko naisip na magbabago din pala ako.
Sa BED kami pumunta ni Raf, napakakulay ng mundong ito. Tila napakalaki, walang inhibitions ang mga tao, lahat masaya, lahat nakaladlad kung sino man at ano man ang mga kulay nila. Masayang tugtugin, iba’t ibang palabas. "Raymund, these are my friends" Pinakilala ako ni Raf sa mga kaibigan nya. Kung titingnan mo sila, sino bang bakla sa mga ito. "Raf, mga bakla ba talaga yang mga yan, eh ang mamacho eh." "ganoon talaga Raymund, kasi pag baklang-bakla ka walang magkakainteres sayo dito liban na lang kung mamamahagi ka ng kayamanan mo.. hahahha" Marami akong natutunan sa mga oras na yun, ang mundo ng mga silahis, ng mga paminta, ito ang lugar kung saan sila nagpapakatotoo. Mula sa baba, matatanaw mo ang mga tao sa taas, sabi nga ni Raf, kapag umakyat ka jan dapat ready ka sa mga makikita mo at sa mga pwedeng mangyari sa iyo. Dito ko nakilala ang kaibigan ko, totoong tao, napakahusay magdala. Tama nga sya sino bang mag-aakalang bakla sya kapag wala na sya sa labas ng BED.
"Raymund, nag-enjoy ka ba? Friends pa din ba tayo?" Tanong ni Raf na akala’y magbabago ang pakikitungo ko sa kanya. "Ano ka ba, masaya, natuwa nga ako, tsaka gusto kitang kaibigan kasi totoo ko, no pretensions.." "Akala ko kasi lalayo ka, and oo nga pala may gusto sana akong ipakilala sa iyo, ito si Mike boyfriend ko, sana maging friend din kayo ni Mike." Nakipagkamay nman ako kay Mike. Kung tutuusin mas mukhang lalaki pa nga si Mike kaysa sa akin. Pagdating ko sa bahay, tinanong ko ang sarili ko kung bakit hindi ako nandiri sa mga lalaking naghahalikan kanina, kung bakit may libog akong nadarama sa mga nasusulyapan kong may ginagawang kakaiba. Bakla ba ako?
Nakailang balik din kami ni Raf doon kasama ang bf nya, masaya katuwaan lang. haggang nood lang naman ako. One time naiwan ako sa table, may lumapit sa akin nagpakilala, sya daw si Miguel, Miggs daw sya kung tawagin sa BED. Madalas ko na rin syang nakikitakita dito, parang kandidato tong taong tao ang daming kakilala sa lugar. "Boyfriend ka ba ni Raffy?" sabay turo sa kasama kong si Raf. "Ah hindi, kaibigan ko lang, si Mike ang bf nya yung kasama nya ayon sila oh." Gwapo si Miggs, simple lang sya kumpare sa mga kumalat na vain na pamhinta sa lugar. "Nag-eenjoy ka ba sa ginagawa mo lagi ka lang taga nood dito?" Sa totoo lang nag eenjoy naman talaga ako, siguro may mga inhibitions pa ako noon. "Gusto mong tumaas, mas makakapag-usap tayo dun?" Ewan daw ba, basta sumunod na lang ako sa kanya. Inakbayan nya ako, sa may gilid pa lang ng stairs meron ng mga nakatambay na may kung anong ginagawa.
Pagtaas namin, masaya, pamilya ang bawat isa. Hinalikan ako ni Miggs, nagulat ako hindi na ako nakatanggi, mga sampung Segundo rin siguro yun. "Masarap diba, ngayon ka lang ba nakatikim nyan?" Gulat ako, sobrang sarap, iba ang dating eh. "Baba na ako baka hinahanap na ako ng mga kasama ko. "Anong hinahanap si Raff mismo nagsabi sa akin na lapitan kita, alam mo, type kita wag mong sabihin str8 ka?" Arogante tong si Miggs, maangas man ang dating nya, pero parang nagugustuhan ko yan. "Doon na lang tayo sa baba Miggs, inuman tayo." Pumayag naman si Miggs, pagbalik namin andun na mga kasama ko. "Ano Raymund, nag-enjoy ka ba kay Miggs? Magaling yan, marami ng nabinyagan dito sa Bed yan, kaya nga kilala syang The Great One dito eh." Mejo mag aalas tres na ata noon, kaya nagpaalam na ako na mauuna na ako. Pumayag naman sila, hinatid ako ni Raff sa kotse at tinanong kung kaya kong magdrive, onti lang naman ang nainom ko at walang tama sa akin yun.
Kinaumagahan naisipan kong pumunta sa Rob. Manila para makipagkita sa mga classmates ko nung high school, unfortunately late ako dumating at wala na sila sa starbucks, naiwan ko palang nakasilent mode yung phone ko kaya hindi ko napansin ang nga tawag nila. Nagkape na muna ako sa starbukcs, umupo ako facing the glass wall kaya kitang kita ko ang mga palabas at papasok ng mall. Nag-iisip isip ako noon ng mapansin kong may isang mama sa labas na kumakaway sa akin. Pumasok na sya at umupo sa harap ko. "Ang aga mo mag-layas ah? San ka pa ba galing nyan Raymund?" Si Miggs, mukhang bagong work out, pero mali ako magwowork out palang daw sya sa Fitness First sa taas ng Rob. "Meet ko kasi dapat mga friends ko eh mukhang naiwan ako, ikaw san ka pupunta?" "Jan lang sa Fitness First magwowork out, ikaw san ka nagwowork out?" "Ako hindi naman ako nagwowork out eh, pero nagbabadminton ako yung na yung pinka work out ko." Matagal din kaming nagkausap ni Miggs, marami syang kwento about his self. Talaga namang nakakatuwa, napaka vocal nya Pagdating sa lovelife at sex life nya. Naikwento ko rin sa kanya ang tungkol sa asawa ko at sa anak ko, at mejo nalungkot sya. "Kaya pala, noong hinalikan kita para akong humalik ng virgin sabay tawa."
Isang professional photographer si Miguel, meron syang studio, marami din daw ang kumukuha sa kanya sa mga pictorials, at iba’t ibang events. Inimbitahan nya ako sa studio nya na malapit lang din sa Rob. Ang gara ng lugar, he’s more of an artist than a photographer. My mga international competitions din siyang sinalihan at napagtagumpayan. "Jan ka, kukunan kita." Ano ba ito, 2x2 at 1x1 lang ang pictures ko eh. "Wag na, sayang lang ang effort mo, hindi ako photogenic" Pero insistent si Miggs kaya pumayag na rin ako para walang gulo. "Sinong nagsabi na hindi ka photogenic, look at these pictures, mukhang model ah." "Sira ulo ka rin, sympre kuha mo yan kaya nagagandahan ka."
Halos kalahating araw ako sa studio ni Miggs, iba’t ibang klase ng tao ang pumasok. Meron para sa wedding, pictorial for debut, meron naman studio shots lang panlagay daw sa friendster. Nakakatawa kung minsan, pero matutuwa ka sa mga kwento behind those shots. "Raymund, lika kunan na tin yung sarili natin." Pumayag ako, at pagkatapos noon nagpaalam na ako na uuwi na kasi mag-oonline ang anak ko at gusto ko ring makausap sya. Sunod na araw, tumawag si Miggs, tinatanong kung pupunta ba ako ng BED kasi GoGo Night daw ang Friday. So sabi ko ok lang. kahit kung minsan 3x a week na ako kung pumunta ng BED. Basta may kakaibang pwersa na humihila sa akin.
Masaya noong gabing iyon, ang daming tao, meroon ding mga babae. Basta masaya, dumating sila Raff at Mike, may mga bitbit pa silang ibang kaibigan. Masaya ang grupo namin, pero itong si Miggs ewan ko ba mukhang ipapakilala ako sa lahat ng kaibigan nya. Hindi ko alam kung anong special noong gabing iyon sa BED, andun ang mga lalaki sa ledge na sumasayaw, cool ang lahat, cool ang party. Mga 1:30, biglang dumilim, ang tanging ilaw yung nangagaling sa may screen malapit sa ledge. Nagulat ako ng magsimulang lumabas ang slide. Puro muukha ko ang nakita ko, merong pictures na alam kong stolen shots sa loob mismo ng bar na yun. May mga studio shots na alam ko kung saan at sino ang kumuha. Umikot ang spotlight, tila may hinahanap sa grupo ng mga taong andun, nagulat ako ng tumigil sa mismong pwesto namin ni Miggs ang ilaw. Sabay palakpakan ng mga tao. "Siguro naman alam mo kung anong ibig sabihin nito Raymund?" Ang tanong sa akin ni Miguel. Natuwa ako sa totoo lang, kinilig, nahiya, at higit sa lahat kinabahan. Iniisip ko, saan nga ba papunta ang mga susunod na tagpo. Hinawakan nya ang kamay ko, dito tuloy tuloy na nag kasiyahan ng lahat. Maraming bumulong na nakakakilig daw. "Raymund, if you are not happy doing it, you can always say no." Yoon ang sinabi ng kaibigan kong si Raffy, si Raf na nagbago ng direksyon, at nagpakilala sa akin ng ibang ako.
Thirty two years of thinking na straight ako, thirty two years of committing myself to nothing except to my daughter. Pero eto ako ngayon, kakaiba ang tinitibok ng puso ko. Parang baliktad ang mundo na ginagalawan ko pero masaya ako.
Sex? Ilang beses na naming nagawa yan ni Miggs. Kailangan ko pa bang mag dagdag ng isa pang paulitulit na senaryo dito. Pareho lang ang kwentong kama ko sa kwento ni Roman, ni Dustin, ni Pretty Boy. Pareho lang ang ungol na.. ahhhhhh uhhhmmmm… oh ang mga nadarama kapag ayan naaaa ahhhhhh malapit na. Paulit ulit lang. Yung sa amin ni Miggs, may pagkakaintindihan man kami pero parang casual pa rin. Nagkikita kami, minsan magkasama kami sa bahay. Pero sabi ng kaibigan ko, depende na nga sa akin kung gaano ko kataas gustong i-elevate ang kung ano mang meron kami ni Miguel ngayon.
Halos makalimutan ko na ang bahagi ng buhay ko na matagal ko ng iniingatan. Matalinhaga ang buhay, may mga nangyayaring magbabalik at magpapaala-ala sa iyo ng nakaraan. Marami kang oras pagsisihan ang lahat pero ni minsan hindi mo na ito mababalikan.
"Raymund, naaksidente daw si Miguel kaninang madaling araw?" Ano naman ba ito? Walang katapusang pangangamba? "Paano? Anong nangyari?" Kung alam lang ng lahat kung paano umalis ng bahay si Miggs kagabi, magkagalit kami; marami kaming pinagtalunan. Isa lang ang natatandaan kong sinabi nya sa akin, "Kung kailangan kong tanggalin ang mga mata ko para ikaw na lang ang makita ko, maniwala ka lang na ikaw lang ang mahal ko."
Pagdating ko ng ospital nasa labas ang mga kaibigan namin, umiiyak si Rafael. May kung anong kabang bumalot sa akin. Para akong nananaginip at nakikitang muli ang isang eksenang nagbago sa akin. "Kamusta sya, anong lagay nya ngayon?" Buo, matatag, tila hindi apektado. Pero ang puso ko durog, mahina, at talagang apekatdo. "Ok na daw ang kalagayan ni Miggs, pero the doctor told us he can no longer see, mamaya lalabas na sya ng ICU." Minabuti kong hindi pumasok at tingnan ang mahal kong si Miggs. Alam ko noong mga oras na yun, tinutoo nya nag sinabi nya, o kung hindi ako nagkakamali nagkatotoo ang mga sinabi nya.
"Raymund, ikaw ba yan?" May benda sa mata si Miggs, ano bang nakikita nito. "Miggs, sorry, sorry..." "Raymund, iiwan mo na ba ako? Di na kita makikita, di ko na makikita yung mga ngiti ng mga tao na kinukunan ko ng litrato." Umagos ang luha ko sa mga sandaling ito, nauuanawan ko kung gaano ako kamahal ng taong ito, para ipagpalit nya ang mga mata nya sa pag-ibig ko. "gagawa tayo ng paraan, makakakita ka ulit Miggs." "Hindi na, mas mahalaga alam ko na anjan ka lang, alam ko na alam mong ikaw lang ang nais kong makita."
Ngayon, alam ko na kung saan ko ilalagay ang sarili ko. Lumilipas ang oras kasabay nito, nabibilang ang mga sandali ng buhay ng tao. Ako si Raymund, madalas hawak ko ang mga mata ni Miguel, ang mga matang kumukuha ng mga magagandang larawan. Gamit ang pag-ibig, gamit ang pag-ibig na nakatagpo sa akin, nakikita ko rin ang ganda na minsan nang tinalikuran ni Miggs para sa pag-ibig, para sa tiwalang hinihingi nya mula sa amin. Ito ang kwento ko, ang fairy tale ng buhay ko. Meron akong apat na bagay na di ko kayang mawala sa buhay ko ngayon, ang anak ko, ang mga mata ni Miguel (cameras), si Miggs, at ang mga mata ko. Masaya kami ngayon, tanggap ko kung ano ako, tanggap ko kung sino ang mga kasama ko, at higit sa lahat tanggap nila ako. Minsan ko ng natutunan na hindi ko kailangan magdamit baba para marealize na isa akong binabae, pwede akong magtago sa loob ng t-shirt at pantalon, at higit sa lahat pwede ko rin itago ang sarili ko. Pero masaya ako sa buhay ko, lalaki kong titingnan, at lalaki rin ang nag mamaya-ari sa puso ko. Sa mga mata ko, nakikita ko ang pag-ibig, pero sa puso ko nararamdaman ko ito ng husto. Ano bang kaya kong isakripisyo para sa pag-ibig at para sa mga mahal ko. Kung ano man yun, basta ang alam ko, hindi mo kailangan mabulag para makita mo ang mga bagay na minsan sa likod ng mga mata mo nagtatago.

No comments:

Post a Comment

Iputok mo ditto, Pre!