Friday, January 23, 2015

Love Story

by: 09153838808
Where do I begin? To tell the story of how great a love can be,
The sweet love story that is older than the sea,
The simple truth about the love she brings to me,
Where do I start?
With her first hello!
She gave a meaning to this empty world of mine,
There’d never be another love, another time,
She came into my life and made the living fine,
She fills my heart...
Lahat may hinahanap, lahat may hinihintay, pero hindi lahat may naghahanap, at hindi rin lahat may naghihintay. Ako, sa kwento ko, normal lang; nagmahal, minahal, at patuloy na nagmamahal. Love story, bawat isa meron nyan, bawat isa may natatanging kwento ng pag-ibig. Sa akin, simple lang, hindi ako nagbibilang ng araw at oras, pinapanood ko lang ang puso ko na masaya sa bawat sandaling lumilipas at nauubos rin pala.
May kwento pala ang buhay ko, may saysay kung tutuusin. Pero sino naman ang mag-aakala na sa akin ito mangyayari. Walang kakaiba sa akin, tipikal at normal, may dalawampu’t apat na oras ako sa bawat araw. Pitong araw sa bawat lingo. Hindi ako nakakalipad, at higit sa lahat hindi ko kayang Makita ang buhay ko sa mga susunod na araw.
"May ipapakilala ako sa iyo, naala mo yung pinsan ko? Darating na sya, dito na daw muna sya, magpapahinga bakasyon na rin, excited na ako kasi magkakaroon na rin ako ng cellphone na tulad ng sa iyo." Siya si JJ, ang bestfriend ko, makulit sya, kalog, at higit sa lahat madaldal. Walang pinapalampas ang mga mata nya, lahat napapansin, ngiti o hikbi, minsan sa biro pa lang nya nasasapol na agad ang tunay na dahilan kung bakit ko nararamdaman ang mga bagay na ganun. Si JJ, kaunaunahang kaibigan ko, sa lahat siguro ako lang ang hindi tumukso na bakla sya, pero iba si JJ, matalino, Mabait, at sunod sa layaw. "Oo nga pala, sinabi ko na rin sa nanay mo na isasama ka namin kapag pumunta kami sa Duty Free ha, pumayag na rin sya, tsaka oo nga pala, pinagpaalam na rin kita sa kanya na sasama ka sa amin sa bakasyon sa Iloilo." Nakakagulat talaga tong kaibigan kong to, hindi man lang nya sinabi na ipinagpaalam na pala ako sa nanay ko.
"Kuya Lorenzo, siya po ang aking bestfriend, Mabait yan, tsaka siya lagi ang kalaban ko sa school, pero kahit kalian lagi nya akong pinagbibigyan, siguro kasi alam nya na aawayin ko sya kapag natalo nya ako.. hahah" Natawa ako, grabe talaga tong si JJ, sa loob ng isang minuto marami ng nasabi. "Kamusta ka? Wag namang Lorenzo, Enzo na lang, tsaka wag nyo ako ipopo ah, kasi 3 taon lang tanda ko sa inyo." Tinapik nya ang balikat ko, magkahawig rin sila ni JJ, maputi, mejo payat, at magaganda ang brown na mga mata nila. "Sobra ang excitement nyan ni JJ, noong isang lingo pa lang, sobrang naghahanda na siya sa Pagdating ninyo. Sana magustuhan nyo sa lugar namin." Nagbigay rin ako ng ngiti, at nagpaalam na mauuna kasi kailangan ko pang mag ensayo para sa oratiorical contest na sasalihan ko.
"Love can move mountain; so they say and so it does. Allow me to share an anecdote; Just Yesterday, I went to eat my favorite combo meal in my favorite fast-food chain, there was an old couple occupying the table in front of me. They look sweet as if they have just found love in their youth; regardless of their wrinkles you’ll see how love kept them strong and youthful. I was in the middle of enjoying my food when I saw them tickling each other, oh so sweet, but what caught my attention was; the old woman would take her part first, then she would give her false teeth to her husband, so the latter could chew the food. Funny? For shallow minds, yes, but if we internalized the message..."
Clap! Clap! Clap! "Naku, JJ napaka galing naman pala sa oratorical nitong bestfriend mo.. talo ka ah." Nahiya ako, ng paglingon ko naroon pala si JJ kasama ang pinsan nya at pinapanood akong solong nagrerehearse sa may likod ng bahay namin. "Ok lang yun Kuya, mas magaling naman ako sa Math, weakness nya Math eh." Nagtawanan kami lahat, at dumating ang nanay ko na may dalang merienda.
"Kasi, gusto sana ni kuya enzo maglibot-libot, eh sabi ko dapat kasama ka namin para masaya. Sige na panalo ka na naman eh, wag ka na magpractice." Kung sabagay, ayus na naman ang piece ko, memoryado ko na.. ni isang word wala na akong nakakalimutan. Kung kaya pumayag na rin ako na sumama sa kanila. "Ok lang ba talaga, baka naman naabala ka pa namin." Tanong ni Enzo. "Ok lang, saan mo ba gustong pumunta?" Tugon ko naman. "Kahit saan, basta gusto ko maganda, yung pwedeng mag relax..sana".. Nagkatinginan kami ni JJ, sa isip ko, doon na lang sa may likod ng bahay ng tita ko, maganda doon, malawak ang lupain nila, at may palaisadaan din. Sigurado akong matutuwa si Enzo kapag doon kami pumunta. "wow! This is a paradise! I never knew I could see a place like this" Sa isip ko, baliw ba to.. oh eksaherado lang talaga sya. Wala akong nakikita na kakaiba. Paraiso daw oh? Asus, para namang hindi nya naririnig yung malakas na chainsaw.
"Anong oras pala ang competition mo bukas?" Tanong ni JJ. "Sabi ni Ma’am, kelangan daw 8 am na sa school na ako kasi mag rerehearse pa kami, pero yung contest talaga 10 am pa. Kinakabahan nga ako, kasi naman 15 schools ang sasali so marami akong makakalaban. Hindi ko pa alam kung bagay sa akin yung piece kasi ang theme ng Rotary ngayon "Sow the Seeds of Love"..sagot ko.
"Ay ganun, wow, sige sige,, manonood kami ni Jj. Susuportahan ka namin." Ang malakas na sigaw ni Enzo habang naghahagis ng bato sa may sapa. "Wag ka lang kakabahan, isipin mo na lang yung mga taong nasa harap mo yun yung mga puno ngayon, isipin mo na andito ka, sa napakagandang lugar na to, For sure, mananalo ka." Lumaki ang ulo ko sa sinabi na yoon ni Enzo. Tama sya, hindi ako dapat kabahan.
".. Love will always point us to where we should be.. Let’s start sowing the seeds of love today, let’s start sowing the seeds of love in our hearts.. And tomorrow we will surely enjoy the benefits of love.. Ladies and Gentlemen, at this moment, take a look at the person beside you, behind you, and in front of you, and from that look let the loving begin. …"
Clap Clap Clap!!! Wohhooo! Ang galing,, yan ang bestfriend ko! Kahit kalian proud na proud talaga si JJ sa akin. Wala akong ginawa na hindi nya ako sinuportahan. Kaya nga solid na solid ang friendship namin nyan.
"And this year’s champion, candidate number 8…".. wohhoo! "Sabi ko sayo mananalo ka eh." "Salamat enzo, salamat JJ ha.. grabe.. buti na lang naalala ko yung sinabi mo." Sa totoo lang, sa mga mata ni Enzo ko nakita ang paraiso, habang nagsasalita ako, wala akong eksena na nakikita kung hindi sya, masaya na nakatayo sa gilid ng sapa. Yun yung eksena kahapon. Sa mga mata nya nakuha ko ang aking comfort zone. "Salamat talaga Enzo ah".. sobrang saya ko hindi ko na namalayan na napaakap na agad ako sa kanya.
Sumunod na araw, walang pasok. Pumunta ako sa bahay nila para manghiram ng notes kay JJ, pero wala pala sya doon kasama daw ng tita nya sa grocery. Ang nadatnan ko dun, ilang mga taohan ng daddy ni JJ, nagkakatay sila ng baboy. Busy ang lahat, may malaki atang handaan. "Oh, kakaalis lang ni JJ, di mo na naabutan?" Mukhang bagong gising si Enzo, pero ganun pa man, mukha pa rin syang bagong paligo. "Pasok ka, sabayan mo na langa ko mag-almusal, tapos kung wala ka namang gagawin ok lang ba kung balik tayo dun sa lupa ng tita mo?" Marami naka handa sa lamesa kaya na engganyo na ako kumain. "Ano Ok lang ba kung punta tayo ulit doon?" Tanong nya ulit. "Ah oo naman walang problema. Teka ano bang meron ngayon bakit busy ang mga tao?" "Birthday ko ngayon, eh gusto ni Tito handaan ako kasi first time ko lang dito sa kanila." Nagulat ako at napatigil sa pagkain, "Birthday mo? Ah talaga, Hapi Birthday Enzo. Ilang taon ka na pala?" Tumingin sya sa akin, "Twenty…..One..debut ko ngayon eh." Nagtawanan kami pareho.
"Tingnan mo dito, halika ka" sabay kabig sa braso ko. "Kahit saang sulok ka ng U.S wala kang makikita na ganyan.. tinangnan mo yung mga paru-paro dun, tara habulin mo." Grabe tong taong to, ang laki ng fascination sa nature, sa edad na bente-uno sino mag-aakala na ang laking amerika na ito ay simpleng bukurin lang ang kaligayahan. "ENzo, sa unahan, may mga mangga, tara baka merong mga hinog kuha tayo." "Ok lang ba? Baka Magalit yung tita mo?" Hinila ko na sya sabay takbo.. mejo malayo layo pa kami ng bigla nyang sinabi na hinto. Hingal kabayo sya. Napagod daw sya, akala ko naman kung anong nangyari. Pagdating namin dun, ako ang umakyat kasi hindi daw sya marunong. Mga anim na piraso din suguro yung nakuha namin. Apat ang nakain nya, grabe sobrang sarap daw ng mangga. Mga ala una na, nakita ko padating na si JJ, tatago nga sana kami kaso nakita na nya kami. "Kuya, tawag ka na ni daddy, tsaka ikaw tawag ka na ng nanay mo, sa akin ka pa hinahanap eh di pa naman kita nakikita."
Mga 7 pm na noon, dumating na ulit sa bahay si JJ. Pormado sya, "Ano bakit hindi ka pa gayak? Party ni Kuya Enzo ngayon di ba nya sinabi?" "wala naman syang sinabi eh, tska nakakahiya hindi naman ako imbitado, tas wala pa akong regalo." "Tanga ka ba, papaimbita ka pa eh araw-araw ka naman sa bahay. Lika na bihis ka na." Pagdating namin sa bahay nila, wow, anong meron parang kasalan ata. Nasa Garden ang buffet table, marami na ring mga bisita, Karamihan mga classmates namin ni JJ mukha tuloy party nya to. "Lika, puntahan natin si Kuya sa taas, tayo ang susundo sa kanya.? Nagulat ako bakit may ganun pa? "Kelangan talaga susunduin pa sya?" "wag ka na maarte basta sumama ka na lang."
Pagpasok namin sa kwarto, nakaharap sa salamin si Enzo. Naka black ng long sleeves, tapos naka slacks ng grey, leather black shoes na sobrang kinang. Gwapo sobra, lalo syang pumuti. "Kuya, maglagay ka ng lipstick para hindi ka mamutla." Ang comment ni JJ. Pagbaba namin sa garden, nagpalakpakan lahat ng guests. Si Enzo, kumaway kaway pa,, at biglang bumulong sa amin ni JJ. "Sino ba yang mga yaan, di ko naman sila kilala" Nagtawanan kami ni JJ kasoi naman puro classmates nga namin ang andun, pati mga teachers namin. "Eh mukhang party mo to JJ eh, hahaha" Pang asar ni Enzo.
Noong matapos ang party, mag aalas tres na ng umaga. Nagpaalam na ako. Hinatid ako ni Enzo sa bahay, "Bukas paggising mo punta ka ulit sa bahay. Punta ulit tayo kina tita mo ah." "Sige walang problema, bukas na lang, Happy bIrthday ulit Enzo."
Kinaumagahan, pumunta ako sa kanila. Tahimik. Malinis na agad. Parang nung nakaraang gabi lang, nagulo ang bahay nila, at ngayon balik na ulit sa ayos. "Oh, nasa kwarto si JJ punatahan mo na lang, ikaw na bahala iho ha may pupuntahan pa kami." Yun yung daddy ni JJ, ewan ko ba pero nagmamadali eh at mukhang tensyonado.
Tok,, TOk.. "JJ, ako to. Pwede ba pumasok?" "SIge pasok ka!"
Nakaupo sa kama nya si JJ, umiiyak, tila wala pang tulog simula kagabi. "JJ, ano nangyari, okay ka lang bakit ka umiiyak?" Lumapit ako sa kaibigan ko, nararamdaman ko ang pagkabagabag sa kanya. Sa bawat pagpatak ng luha nya, nadudurog ang puso ko. Kinakabahan ako. "Kasi si Kuya Enzo, intake kagabi, mga ilang minuto pagbalik mula sa bahay nyo, napagod na siguro," Naguguluhan ako, ako ba ang may kasalanan. "JJ anong inatake baket?" "Bata pa lang si Kuya Enzo may sakit na sya sa puso, sabi nung doctor malala na daw. Sabi nung tita ko, yung mommy ni Kuya, gusto daw ni kuya enzo umuwi kasi pakiramdam daw nya dito nya mahahanap yung gusto nyang kamatayan eh." Sa mga tinuran ni JJ halos habulin ko na rin ang hininga ko. May kung anong kumurot sa puso ko. Parang nanglulumo ako, wala akong lakas tumayo. "Natatakot ako para kay Kuya, sabi noong tita ko, ngayon lang daw nya nakita na masaya si kuya enzo." Hindi ko na napigilan ang luha ko, Tuloy tuloy sa pagpatak. Masakit malaman ang mga ganoong bagay. Ilang araw pa lang kaming nagkakasama ni Lorenzo, pero parang tinuring ko na ring syang matalik na kaibigan. Marami akong natutunan sa kanya. Marami akong nakita sa mga mata nya, Karamihan doon sagot sa mga tanong na matagal ko ng hinahanap. "O bakit kung makaiyak ka jan para kang nawalan ng asawa?" Tanong ni JJ. "Syempre.. kaibigan ko rin yun noh."
Mga alas kwatro ng hapon dumating kami sa ospital. Nakahiga si Enzo. Halata talagang namumugto ang mga mata namin. Si JJ lumapit agad sa ulunan ni Enzo. "Oh, bakit malungkot ka, diba usapan natin bawal ang malungkot? Tsaka mamaya lang lalabas na ako." Naiiyak ako habang kinakausap ni Enzo si JJ. Hindi ko na alam kung paano ako hahakbang, gusto ko sanang lumabas pero hindi ako makagalaw. "Ikaw, ba’t anjan ka, lapit ka nga dito. Bukas na lang tayo punta doon sa tita mo ah, napagod ako eh, napaka hyper ko kasi nitong mga dumaang araw ayan tuloy." Lumapit ako sa kanya. Umupo sa gilid, "Enzo, paglabas mo meron pang mas magandang lugar na alam ko, magpagaling ka agad ha."
Sa mga sumunod na araw. Bibihira na kung lumabas si ENzo. Kaya madalas ako ang pumupunta sa kanila. Kwentuhan lang kaming tatlo nila JJ. Nag aaminan ng mga sekreto, pero nagugulat si enzo sa mga rebelasyon namin ni JJ. One Friday night, Naisipan namin mag bonfire, noong una kami lang tatlo. Pero nung tumagal nakisali na rin yung parents ni JJ pati yung ilang taohan nila. Kanya kanyang kwento about their love stories. Tapos kantahan, si Enzo magaling kumanta. SI jj naman grabe, napakahusay tumugtog ng gitara. Hiniram ni Enzo yung gitara, inabot yun ni JJ, pero inaalalayan pa rin nya ang kuya nya. "JJ, okay lang ako, kaya ko." Nung magsimula sya tumugtog. Inakap nung daddy ni Jj ang mommy ni jj. Yung mga taohan nagkatinginan. SI Jj nakiakap sa parents nya. Nagsimulang kumanta si Enzo…
Where do I begin?
To tell the story of how great a love can be,
The sweet love story that is older than the sea,
The simple truth about the love you bring to me,
Where do I start?

With your first hello!
You gave a meaning to this empty world of mine,
There’d never be another love, another time,
You came into my life and made the living fine,
You fill my heart . . .

You fill my heart with very special things,
With angels’ songs, with wild imaginings,
You fill my soul with so much love,
That anywhere I go, I’m never lonely,
With you along, who could be lonely ?
I reach for your hand, it’s always there . . .

How long does it last ?
Can love be measured by the hours in a day ?
I have no answers now, but this much I can say,
I know I’ll need you 'till the stars all burn away
And you’ll be there . . .

you’ll be there . . .
Sa gitna ng kanta, hindi ko napigil tumayo. Lumapit ako sa kanya. Lumuhod ako sa likod nya. At nilagay ang right arm ko sa may leeg nya. Wala akong nahiya. Tumulo ng tumulo ang luha ko. Pakiramdam ko ano mang oras babagsak na sya. Nakita ko ang ilan, umiiyak din sila. Pero si Enzo, sinandal ang ulo nya sa dibdib ko at tuloy tuloy sa pagkanta. Wala kang lungkot na makikita sa kanya. Pagkatapos kumanta, umupo ako sa tabi nya, noong mga oras na yun, natutunan ko na ang nararamdaman ko.
Kinaumgahan. Dinaanan ko si JJ sa bahay nila para sabay na kami pumasok sa eskwela, at para madalaw ko na rin si Enzo. Malakas si Enzo ngayon, nanonood sya ng tv. Dinala ko sya ng mangga. Pagkatok ka, sya mismo ang sumalabong sa akin, nagulat ako ng akapin nya ako. Naramdaman ko ang tibok ng puso nya. Hindi ko alam kung bakit ganun kabilis, dahil ba yun sa sakit oh dahil sa may nararamdaman din sya para sa akin. "Salamat kagabi, sobra mo akong pinasaya." Nagtataka pa rin ako, ano nga ba yung ginawa ko kagabi. "Enzo, hindi ko alam, pero kung ano man tong nararamdaman ko para sayo.. masaya ako, gusto ko sana dito lang sa tabi mo."
Noong hapon, umuwi ako sa bahay, Nagpaalam ako sa nanay ko na doon muna ako kina JJ at baka gabihin ako. Pero bago pa man ako lumabas, kinausap ako ng nanay ko. Tinanong nya ako kung totoo daw yung sabi nung isang katulong nila JJ na may relasyon kami ni Enzo. Natahamik ako, pero ngayon pa na sure ako sa nararamdaman ko, "Nay, mahal na mahal ko po si Enzo,"
Naging kami nga ni Enzo. Legal kami, sa lahat ng nasa bahay. MAski si JJ alam nya, masaya sya kasi masaya ang kuya nya pati na rin ako na bestfriend nya. May nangyari din sa amin ni Enzo. Nagsimula sa halikan, hanggang sa maging isa kami. Ilang ulit din yun, at para sa akin, hindi kabastusan o kahalayan ang ginagawa namin. Mahal na mahal ko si Enzo.. Mahal na mahal ko si Enzo. May mga araw na pakiramdam ko kami lang dalawa ang tao sa mundo. Madalas din syang kumanta, at lagi nyang kinakanta yung Love Story.
Dumating ang araw, na kailangan bumalik ni Enzo sa Amerika. Susubukan nila ang isang medical procedure. Pero hindi ganun kalaki ang chance. Desididong gumaling ang boyfriend ko, para daw sa akin. Malungkot man, pero tanggap ko bago pa man na lilisanin din ako ng taong to. Noong gabi bago sila umalis papuntang Manila. Magkasama kaming tatlo sa kwarto, ako, si JJ, at si Enzo. Masaya si Enzo, marami syang paalala kay JJ. Solong anak si JJ kaya naman lagi syang naghahanap ng brother figure. Sa bawat binibitawang salita ni Enzo may kumukurot sa puso ko. Pero hindi naman pwedeng panghinaan ako ng loob, kailangan kong ipakita na pwedeng pwedeng kumuha ng lakas sa akin si Enzo. Nong gabi, lumabas na si JJ, iniwan kami ni enzo. HInalikan ko si Enzo. Hindi ako iiyak. Nag-usap kami, halos buong gabi kaming nag-uusap. Tinanong nya ako kung saan yung lugar na sabi ko na mas maganda kaysa doon sa pinupuntahan namin. Sabi ko, sa bubong ng simbahan, madalas kaming tumambay ni JJ doon kasi marami kaming mga classmates na sacristan. "Gusto ko rin Makita yun, pagbalik ko doon mo agad ako dalhin, gusto ko sa lugar na yun doon mo ako ilalagay sa puso mo." Naiiyak man ako pero pinipigilan ko.. Ayaw kong isipin nya na nalulungkot.
Dumating na ang oras. Ako ang nagbihis sa kanya. Hanggang airport sumama kami ni JJ. Si JJ, alam ko, pagod na pagod na sya sa kakaiyak. Walang minutong hindi tutulo ang luha nya, walang sulyap kay Enzo na hindi pwedeng hindi sya iiyak at sasabihing "Mahal na mahal ka namin Kuya Enzo." Pagdating namin ng airport, bumaba na sya ng Van. Malakas sya kung titingnan wala kang makikitang sakit na onti onting lumulumpo sa mahal ko. Sa huling yakap, mas mahigpit, matagal.. kumanta pa sya ng pabulong… "How long does it last ?Can love be measured by the hours in a day ?I have no answers now, but this much I can say, I know I’ll need you 'till the stars all burn away And you’ll be there . . .you’ll be there . . ."
Dito ko na naramdaman ang bigat na sanhi ng isang paglisan. Babalik sya kung sya lang ang masusunod. "Kuya, babalik ka agad ah."………..Pagsakay nmin sa Van, kinausap kami ng daddy ni JJ. Wag daw kaming mag-alala, wala daw mangyayari kasi andun ang mga espesyalista. Ganoon pa man, maiaalis mo ba sa akin na hindi mag isip na baka bukas ang sunod kong matatanggap na balita eh wala na ang mahal ko.
Lumipas ang mga araw, tanging kay JJ lang ako nakakatanggap ng balita. Lagi nyang sinasabi so far so good. Natutuwa ako, labis labis ang pagdarasal ko na ipahiram pa nya sa akin si Lorenzo. Madalas, pag magkasama kami ni JJ, sya lang ang pinag-uusapan namin. Wala ng iba. Madalas din ako pumunta sa may sapa. Dito ko nakita ang isang napakagandang litrato ng paraiso. Kung saan naroon ang isang taong nakikita ang ganda ng buhay habang onti onti itong nauubos.
"Padating na si Kuya, sa makalawa makakasama na natin sya." Sobrang saya ko, Pumunta agad ako ng simbahan para magpasalamat. Alam ko na ang ibig sabihin ng kanyang pagbalik, ay ang kanyang paggaling. Tatlong araw absent si JJ, sa isip ko, baka inabangan nila sa Maynila si Enzo. Nangani ako ng Mannga, ang matatamis at malalaki lamang ang kinuha ko para sa kanya.
Pagpasok ko sa bahay nila, maayos ang lahat. May mga gamit. Excited ako, tumaas ako sa kwarto ni JJ, at dito sya, mugto ang mata, halos tulala. "Hindi na nya kinayang bumalik, hindi na kinaya ni Kuya." Lumapit ako sa kanya at inakap ko ang best friend ko. Alam ko na ang ibig sabihin nun, matagal kong inakap ang bestfriend ko. "Pero alam mo, kahit pag tumatawag sya, ikaw lagi ang tinatanong nya. Ayaw ka nya kausapin kasi, tinapat sila ng doctor na wala ng pag-asa. Hindi ko nasabi sayo kasi gusto ng kuya ko maghihintay ka sa sapa." Hindi ako makapagsalita, pinutol ng dalamhati ang dila ko. Inabot nya sa akin, ang isang necklace na may malaking pendant. Salamin ang gitna ng pendant, at doon, andun ang bahagi ng katawan ni Lorenzo na binibigay nya sa akin. "Hijo, binilin sa akin ni Enzo, na ipasunog ang puso nya at ibigay sayo ang abo, bago sya nawala nagpagawa pa sya ng isang pendant kung saan gusto nyang ilagay ang abo ng puso nya." Dito.. sa tagpong ito. Nalaman ko kung gaano ako kamahal ni Lorenzo. May bumalik sa aking alaala ng marinig ko ang kampana ng simbahan.
"Lorenzo… nakikita mo ba ako? Naririnig mo ba ako? Andito na ako sa bubong ng simbahan, ang ganda ganda dito diba?" Kinakausap ko ang puso ng mahal ko. At naala ko na gusto nya kapag nilagay ko sya sa puso ko, gagawin ko yun sa bubong simbahan.
Sa ngayon… kung love story lang ang pag-uusapin alam ko meron din ako. Hindi man ganun kaganda, pero para sa akin, nagbukas ito sa mas marami pang love stories ng buhay ko. Nasa puso ko pa rin si Enzo… pero ngayon, maligaya ako.. masaya sobra, sa feeling ng bagong love story ko, ang bagong musika ng buhay ko, si JJ.. ang bestfriend ko..

4 comments:

  1. how touching!!!! the story was great!!! it made me cry a lot. while reading this, i played the song and listened to it..... lalo aq n-inspired sa buhay khit pa maraming problema....

    ReplyDelete
  2. pinaluha mo ako sa story mo...of all the story na nabasa ko dito,sa story mo ako napabilib...walang sawa kung inulit-ulit sa pagbasa ang story na to... (y)

    ReplyDelete
  3. nakakaiyak naman ng story na ito,,,nakakaasar ayaw tumigil ng luha ko.

    ReplyDelete

Iputok mo ditto, Pre!