Sunday, December 14, 2014

ROOM 21 (Chapter 13)

CHAPTER THIRTEEN: “MALAMIG NA BAKAL”
By Iam Kenth

 

Pinalampas namin ni El ang ginawang iyon nila Dante at Jc. Kahit na ganid na sa galit si El at pinilit ko siyang huwag nalang lumabas, kahit man ako ay galit na galit na ng mga sandaling iyon. Sobra na kasi talaga, hindi na nagiging makatao. Sa unang araw ng pasukan ay hindi muna kami pumasok ni El. Dalawa kaming nag-ikot-ikot para makahanap ng malilipatan namin. Napagdesisyunan naming mas malayo sa Bording House para malayo narin kami kanila Dante at Jc. Hangang sa makakuha kami ng isang kwarto. Medyo malaki para sa dalawang tao. Malaki ang kwarto na pwedeng hatiin sa dalawa. May sariling banyo, kusina at may sala pa. Para talagang bahay. Inupahan na kaagad namin, nagbayad na kami ng one month deposit, one month advance. Naghati nalang kami ni El sa upa. Pero hindi pa kami nakalipat kaagad duon dahil aayusin pa yung bubong at yung kitchen sink. Bago kami umuwi ni El ay kumain na muna kami. Pinag-uusapan namin yung mga bibilhin namin gamit, nagbalak na din akong magtrabaho as working student sa isang fastfood chain para naman masyadong mabigat sa bulsa. Pagkatapos kumain ay gumala muna kami ni El, pero bago mag-gabi ay umuwi na kami dahil papasok pa siya sa trabaho nya. Pagpasok palang namin ay sumalubong kagad si Emil sa amin.

 

 

 

“Neth, El yung kwarto nyo. Pinasok ata.” sabi niya. Hindi na kagad nakasagot si El. Tumakbo na kagad sya sa kwarto namin, sumunod kami ni Emil. Sa hallway palang, kitang-kita na naming bukas ang pinto, sira ang door knob. Madameng borders ang nagbubulungan, basta dumeretcho kami kagad sa kwarto. Pumasok kagad si El. At ng masilip ko ang loob. Hindi talaga ako nakatagal. Mabaho, madumi, binaboy ang kwarto namin. May parang mga laman loob ng baboy, at dumi ng tao. Malangaw. Nakakadiri. Napansin kong may hinahanap si El. Kaya napatanong ako agad.

 

 

 

“Yung wallet ko Neth. Wala dito. Nandun lahat ng pera ko.” sabi nya. Kaya agad ko syang tinulungan hanapin. Pero wala talaga. Biglang lumabas si El. Kaya sinundan ko kagad. Ramdam ko ang sobra ng kaniyang pagkagalit. At kagaya ng inisip ko nuon ay kanila Dante sa taas siya pumunta. Sa hallway ng 4th floor nandun si Dante at Jc, meron pa silang ibang kasama. Kitang-kita ko na biglang sinapak ni El si Dante. Natumba kagad si Dante.

 

 

 

“Putang ina nyo! Ibalik nyo sa akin ang wallet ko. Mga Puki ng inang magnanakaw kayo!” gigil na sabi ni El.

 

 

 

“Eh Tarantado ka pala eh! Siguraduhin mong may katibayan ka sa pangbibintang mong hayop ka!” bumangon agad si Dante. Nakalapit na ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko,kinakabahan kasi talaga ako.

 

 

 

“Mas hayop ka Gago! Hindi ko kailangan ng ebidensya! Ilabas nyo ang wallet ko bago pa tayo magkagulo dito.” galit na pagkakasabi ni El.

 

 

 

“El, umalis nalang tayo dito. Pero lang yun, mapapalitan natin yun.” sabi ko kay El.

 

 

 

“Yan! Yang bosero mong kasama sa kwarto mo ang pagbintangan mo, hindi yung kung sino sino lang pagbibintangan mo. Atsaka, di ko kailangan ng pera mo! Baka doblehin ko pa nawala mo, ulol ka!” sabi ni Dante. Mabilis na sinapok ulit ni El si Dante at nagpang-abot na silang dalawa. Hindi ko sila magawang mapigilan dahil parehas silang malakas. Nagkakapalitan sila ng suntok hanggang sa mapatumba nd ulit ni El si Dante at mapailaliman ito. Tinatakpan na ni Dante ang mukha nya dahil nabubugbog na talaga siya ng husto. Tumulong nadin ang iba pang pigilan si El. Pero sobrang galit na galit talaga siya na para bang gusto nya ng patayin sa gulpi si Dante. Kaliwat kanang kamao ni El ang tumatama sa sa mukha ni Dante. Pero mas nabigla ang lahat ng maglabas ng baril si Jc at itinutok sa nuo ni El. Isang Revolver.

 

 

 

“Putang ina mo Mikel! Pasasabugin ko ang bungo mo pag di mo tinigilan si Dante!” malakas na pasigaw na sabi ni Jc. Napatigil si El at hinila ko siya kagad. Bumangon si Dante na duguan ang mukha, halos mabaliko ang kaniyan ilong.

 

 

 

“Akala nyo natatakot ako sa baril nyo? Mga gago! Hindi ako takot na mamatay.” pag-aangas pa ni El. Hindi ko alam kong saan hinuhugot ni El ang lakas ng loob nya, basta an alam ko, galit na galit sya.

 

 

 

“Gago wag mo akong sinusubukan! Ipuputok ko talaga to!” inihanda ni Jc ang galanting ng baril.

 

 

 

“Tang ina! Iputok mo!” sabi ni El. Napatulo na luha kasi natatakot na talaga ako. Saktong dumating ang may ari at agad na tinago ni Jc ang baril sa likod nya. Inawat ng may ari ang away.

 

 

 

“Mga gago, malaman ko lang na kayo kumuha ng wallet ko at bumaboy sa kwarto namin, wawasakin ko na mga bungo. Nagtitimpi lang ako, pero sumusobra na kayo!” sabi ni El.

 

 

 

“Ulol ka! Gaganti pa kami sa inyong dalawa. Hindi kayo makaka-alis dito agad agad!” paninindak ni Jc. Hinila ko na si El. At bumaba na kami sa kwarto namin. Nilinis namin ang aming kwarto na halos masuka na talaga ako sa baho kahit may takip pa ako sa ilong. Masang-sang na hindi ko maintindihan ang amoy. Mabaho, malansa. Hanggang sa malinis na namin ng tuloy. Pero nandidiri na akong humiga pa o matulog sa kwarto namin kahit pa bumili kame ng room freshener. Para kasing dumikit na sa bawat sulok ang dumi at baho.

 

 

 

“Neth, pasensya na sa nangyari kanina. Hindi ko na talaga napigilan pa ang galit ko eh. Sobra na kasi sila talaga, inaalala ko ngayon kung saan ako kukuha ng budget ko. Walang wala na talaga ako ngayon Neth.” malungkot nyang pagkakasabi.

 

 

 

“May natatabi pa naman ako, at magpapadala sila Mama sa akin. Pagkasyahin nalang muna natin yun.” sabi ko sakanya.

 

 

 

“Sige, salamat. Bale pagnakaluwag ako, babawe ako sayo.” “Matagal ka ng nkabawi sa akin.” sagot ko. Nang gabi ding iyon ay inampake na namin ang mga gamit ni El dahil balak na talaga naming maglipat. Hindi na kasi namin matagalan sila Dante at Jc. At para makaiwas narin sa gulo. Pero ng gabing iyon hindi papala sila tapos sa amin. Hating gabi na yun. Tulog na tulog na si El. Mula sa labas, sa pinto nagising ako sa bulong-bulungan. Nadidinig ko ang boses nila Dante at Jc, at meron pang isang, pero hindi ko talaga mabosesan. Ginising ko kagad si El. Pero bago pa man nagising si El sa lakas uga ko sa kanya ay bigla namang bukas ng pinto ng kwarto namin. Hindi kagad nakakilos si El dahil may sinalpak kagad sa kaniyang bibig. Hindi ako kagad nakasigaw para humingi ng tulong dahil sinalpakan din ako sa bibig pero nakilala ko silang tatlo. Si Dante si Jc At si Marvin Bago pa man nawala ang ulirat ko ay nadinig ko pa silang nagsasalita. Tang-ina ninyong dalawa. Dusa kayo sa amin ngayon. Nagising nalang ako na nasa isang kwarto kame. Sigurado akong nasa Room 53 kami,pero hindi ako makpagsalita dahil may nakasapal sa bibig ko. Nakita ko kagad si El sa kama, nakahiga. Nakaposas ang isang kamay niya sa stante ng kama, ako naman ay nasa sahig lang nakatali din ang kamay ko. Pinipilit kong magsalita pero garalgal ang pagsasalita ko. Maya-mayay nagising si El. At biglang pasok ni Jc sa pinto. Nakita ko kagad ang baril sa kaniyang tagiliran, kapansin pansin din ang namumula nyang mga mata.

 

 

 

“Putang ina nyo! Ano bang gusto nyong gawin samin!” galit na pagkakasabi kagad ni El kay Jc.

 

 

 

“Mikel, wag kang mag-angas-angasan hawak namin buhay nyo ngayon!” sabat ni Jc at siya namang pasok nila Dante at Marvin.

 

 

 

“There’s your boyfriend Marvs.” sabi ni Dante. Napatingin ako kay Dante. Pakiramdam ko pinaglalaruan nila kame at langong lango sila sa droga. Agad na kumilos bakla si Marvin at lumapit kay El.

 

 

 

“Lumayo ka sa akin!” iniwas ni El ang katawan niya kay Marvin.

 

 

 

“Papa Dante, ayaw akong lambingin ni Mikel oh?” nagboses bata siya na babakla bakla naka-eyeliner din sya pero kumukupas. Lumapit sa akin si Dante at bigla ako sinapal ng sobrang lakas na halos nabingi ako sa sobrang sakit. Nasigaw ni El ang pangalan ko pero di ko talaga na dinig. Ilang segundo din iyon. Maya pay bumalik ang pandinig ko. Bigla na ako uling naiyak.

 

 

 

“Subukan mong tanggihan si Marvin at masasaktan tong batang to!” galit napagkakasabi ni Dante.

 

 

 

“Mga hayop kayo, wag nyong idamay dito si Neth! Mga gago kayo.” sabi ni El.

 

 

 

“Pwes, wag kang papalag sa gusto ni Marvin! Diba si Marvin ang syota mo!” sabi ni Jc.

 

 

 

“Tang ina nyo!” sabi ni El. At muli akong sinampal ni Dante. Ang pakiramdam ko ay magang-maga na ang mukha ko sa dalawang sampal na iyon.

 

 

 

“SINO ANG SYOTA MO?” malakas na pagtatanong ni Jc kay El. Hindi makapagsalita si El. Nakatingin sya sa akin at ramdam na ramdam ko na naaawa na siya sa akin. Walang naglalakas loob na tumulong sa amin, ng gabi din iyon ay wala si Benjie at Emil. Takip tenga ang lahat. Pero sigurado akong dinig kami ng mga tao sa 4th floor.

 

 

 

“Tang ina! Ayaw mong sumagot!” hahampasin sana ako ulit ni Dante, umiwas pa ako pero alam kong tatamaan ako,pero natigil yun nang magsalita si El ng… “Si Marvin ang syota ko.” mahina at sapilitang sabi ni El.

 

 

 

“Hindi ko nadinig papa dante.” pabaklang sabi ni Marvin.

 

 

 

“Si MARVIN ANG SYOTA KO! TIGILAN NYO NA SI NETH!” matigas at malakas napagkakasabi ni El. Alam kong napipilitan lang siya at kapwa kame walang magawang dalawa. Lumapit sakanya si Marvin.

 

 

 

“Halikan mo ako.” sabi ni Marvin. Nakita kong tinikom ni El ang labi nya, pero sinindak ulit siya ni Dante na sasaktan ako., kaya kitang-kita kong sapilitang nakipaghalikan si El, napansin ko rin na naluha siya, napayuko at pero inangat ni Dante ang leeg ko para makita ko sila.

 

 

 

“Magsex kayo!” hirit ni Jc.

 

 

 

“Gusto ko yan!” sabi ni Marvin.

 

 

 

“Hindi ko na gagawin yan!” sabi ni El.

 

 

 

“Tang ina! Jc akina na baril!” sabi ni Dante at binigay ni jc ang baril kay Dante. Inalis ni Dante ang sapal ko sa bibig. At pilit niyan pinasok sa bibig ko ang dulo ng baril. Napakalamig ng bakal nayun.

 

 

 

“Pasasabugin ko ang bibig nito o makikipagsex ka kay Marvin!?” mapangahas na tanun ni Dante.

 

 

 

“Im sorry Neth. I love you” bigkas ni El at sinimulan nyang hubarin ang sinturon nya. Wala akong magawa. Awang awa ako sa amin dalawa. At mas masasahol pa ang ginawa nila sa aming dalawa.

 

2 comments:

  1. So untrue naman. As far as i remember 21 o 22 o student lang si jc at dante pero gnayan na kabrutal? Nd ko na tinapos basahin dahil nd na makatotohanan.. oa na. Ok lang sana kung squatters area naganap un. Eh nd eh, sa lugar ng mga studyante?! Be more realistic khit fictio lang ito.

    ReplyDelete
  2. grabe naman maka-squater. squater lang ba ang gumagawa ng kabrutalan?

    hindi OA ang pagkakagawa.
    nakapa-realistic nga kasi may mga tao talagang nagagawa ang lahat ng dahil sa kalibugan.

    may mga teenager nga na rapist na ngayon eh,what more pa sa edad na pino-portray ni JC at Dante.



    ang ganda ng pagkakasulat. pdeng pang-indi-film. (y)

    ReplyDelete

Iputok mo ditto, Pre!