Mata Sa Sinehan |
by: Vhino Serrano |
Hindi ko alam ang gagawin ko. Magagalit ba ako? Magmumura? Hahayaan ko bang balutin ako ng emosyong kasalukuyang umaakap sa akin? Ang alam ko, hindi ako naging kanya at hindi siya naging akin. Ngunit sa bawat sandaling magtatama ang aming mga mata, may kung anong bagay na nagtatali sa amin. Ang bawat paghinga. Ang bawat pagpikit ng aming mga mata. Pilit kong iniiwasan na mabasa niya ang bawat paggalaw ko. Na tila bang konting kibot ay may katumbas na kahulugan.
Kasalukuyan akong nasa loob ng taong nakilala ko. Sa gitna ng kasarapang nadarama ko, isang anggulo ang pumukap sa aking sapantaha. Isang bagay na nagbigay sa akin ng interes at ganang lumiko at magbukas ng panibagong kapitulo. Tumabi siya sa akin. Sa sandaling iyon, nagtalik ang aming mga mata. Nagsasabi kung ano ang gusto niya. Nagsasabing na kaya niyang punan ang kakulangang ibinibigay ng nakilala ko kanina.
Binigyan ko siya ng garantiya. Matapos, mabilis siyang umupo sa tabi ko. Hinawakan ang kabuuan ko at dali-daling inangkin. Iba nga siya. Iba siya sa taong nakilala ko kanina. Masasabi kong isa na siya sa pinaka perpektong taong nakilala ko. Walang kapintasan. Walang kamalian.Sinasabiha n ko ang una sa ituon na lamang niya ng pansin ang lalaking iyon. Agad naman siyang sumunod.
Ramdam namin ang init na namamagitan sa aming tatlo. Unti-unting dumami ang mga butil ng pawis sa aming noo. Ang panglalagkit sa aming mga katawan ang nagbigay sa amin ng garantiya. Agad niyang hinubad ang polong suot niya.Ganun din at ang isa. Matapos, mas umigting ang bawat eksenang nagbibigay lalim sa kabanatang ito.
Iba ang amoy niya. Iba ang karaniwan. Langit umanong ituring ang singaw na lumalabas sa kanyang katawan. Nakakagana. Nakakagana.
Binulungan niya ako. Gusto raw niyang ilabas ko ang init ko sa loob niya. Ngumiti lang ako. Ngiting nagpapakita ng isang pangitaing makahulugan. Sinagot ko siya. Gusto ko siya, sabi ko. Ngiti rin ang itinugon niya.
Hindi ko ininda ang mga matang nakatingin sa amin. Manhid ako ng mga panahong iyon. Walang pakiramdam. Walang nararamdaman.
Naramdaman kong ang pag-aalburuto ng aking puson. Marahil sa nalalabing segundong pamamayapa nito ay bigla na lamang itong sasabog. Isang bulkang may init na itinatagong galit mula sa puson nito.
Hinawakan ko siya sa ulo. Idiniin. Isinalampak. Ipinagtulakan. Ibinaon ko sa limot ang nakaraan at kasalukuyang hinaharap ang isang pagsasamantala.
Matapos, isang halik ang huling pinakita niya sa akin. Hindi ko alam kung masasaktan ako, o dili kaya'y maghihinayang. Siguro nga. Siguro nga. Ngunit hindi ko sinasadya. Iba ito sa mga taong hinarap ko. Walang alinlangan. Ngunit ngayon? Marahil nga, nahulog ako. Nahulog ako ng hindi sinasadya. Dahil sa mga matang ito, nagkasala ako. Nang hindi sinasadya. Nang hindi sinasadya.
putcha ang galing ng pagkagawa- ikaw ay isang henyo at makata...
ReplyDelete