Friday, April 26, 2013

Bayaran - Part 4












Bayaran - Part 4



by: big boy




Pagpasok ni Enrico sa kanilang silid ay nakahiga na si Nico at nagtutulug-tulogan. Hindi na kinausap ni Enrico ang pamangkin kahit alam niya hindi pa ito tulog. Nagtanggal na lamang siya ng kanyang kasuotan maliban sa kanyang brief at natulog na lamang sa tabi ni Nico. Agad din naman nakatulog si Enrico kaya hindi na namalayan kung nakatulog nga si Nico o hindi. Kinaumagahan ay tanghali na siya nagising. Nagising siyang pinagmamasdan ni Nico habang hinihigop ang mainit na kape.

"O bakit ganyang na lang ang tingin mo sa akin?" ang tanong ni Enrico sa pamangkin.

"Wala lang. Nag-iisip lang kasi ako." ang tugon ni Nico.

"Iniisip mo pa ba yung nangyari sa iyo kagabi?" ang tanong muli ni Enrico.

"Wala na yun, tito. Iniligo ko lang naman iyon. Tapos wala na." ang tugon ni Nico.

"Eh anong iniisp mo?" tanong na naman si Enrico.

"Yung hirap ng buhay natin, lalung-lalo na kayo. Ang dami na ninyong pinagdaanan. Gusto ko sanang maawa sa inyo. Pero sa tingin ko masaya naman kayo sa buhay na pinili nyo." ang naging tugon ni Nico.

"Ganyan talaga ang buhay. Minsan sa buhay natin ay nangangarap tayo ng buhay na nais natin. Pilit inaabot ang pangarap na iyon. Mahirap. Kapag sumuko na tayo ay nakukuntento na lamang sa kung ano na ang ating narating. Ganoon nga siguro ako. Maagang sumuko sa hamon ng buhay. Kaya heto ako ngayon. Walang narating. Wala ring kinabukasan." ang seryosong nasabi ni Enrico sa pamangkin.

"Tama ka nga tito. Pero nasa tao na yun kung ano ang pipiliin niya. Ganyan talaga ang buhay. Walang katapusang pakikibaka sa lahat ng mga hadlang sa ating mithiin. Mahirap pero kailangan pagtiisan. Bukas natin ang nakataya dito. Yun bang walang sukuan. Matira ang ang matibay. Magtatagumpay ang matibay at matatag." ang nasabi naman ni Nico.

"Bata ka pa nga. Puno ka ng pangarap sa buhay. Sana matupad mo lahat iyon." ang sabi ni Enrico sa pamangkin.

"Tama na nga yang dramahan, tito. Maghilamos na kayo baka sumama pa ang muta sa luha ninyo." ang biro ni Nico sa tiyuhin upang mapukaw ang medyo seryoso nilang usapan.

Isang ordinaryong weekend sa magtiyo ang araw na iyon. Nagtulong sila sa paglinis ng silid. Namalengke ng kaunting mailuluto. Sinamantala ang buong maghapon sa pamamahinga at pakikipagkwentuhan sa iba pang nakatira sa paupahang iyon. Si George naman ay talagang nahiya sa nakaalam ng tunay na pagkatao niya kaya halos nagkulong ito sa loob ng kanyang inuupahang silid. Bago kumagat ang dilim ay nagsipag-alisan na naman sina Jojo, Berto at Jordan. Si Jordan ay pumunta sa club na pinapasukan nito. Sina Berto at Jojo naman ay malamang may mga kanya-kanyang kliyenteng pupuntahan. Freelancer na rin kasi sila tulad ni Enrico.

Kinaumagahan ay sinamahan muli ni Enrico ang pamangkin sa isang opisinang nakita nila sa dyaryo na nangangailang ng clerk. Nakapustura talaga si Nico na nagpalabas ng husto na kagwapuhan niya. Si Enrico naman ay suot ang nakasanayang hapit na maong pants at hapit din na t-shirt na nagpalutang naman ang kakisigan niya. Bago pa man magbukas ang opisinang pakay nila ay naroroon na sila. Marami-rami na rin ang mga applicant ng mga oras na iyon. Nang magbukas ang opisina ay grupo-grupo silang pinapasok sa loob. Isang lalaki ang nag-aasikaso sa mga applicant na namumukhaan ni Enrico. Hindi napapansin ng lalaking iyon si Enrico hanggang sa mapasama na sa grupo na papapasukin sa loob ng opisina si Nico. Natandaan din si Enrico na lalaking iyon at medyo nagulat ang lalaking ito ng makita si Enrico.

Ilang beses na rin palang naging kliyente ni Enrico ang lalaking ito. Inakala ni Enrico na makakatulong na ito sa kanyang pamangkin kaya ibinilin niya si Nico sa kanya. Ilang minuto din ang inilagi ni Nico sa loob ng opisina. Nang maglabasan na ang grupo ni Nico ay bakas sa mukha niya na hindi siya natanggap. Pilit inusisa ni Enrico ang pamangkin subalit hindi nagsalita si Nico. Umuwi na rin agad ang magtiyo. Oras na ng panghalian ng marating nila ang kanilang lugar. Niyaya na lamang ni Enrico ang pamangkin na kumain sa karinderya upang hindi na sila magluto. Subalit busog pa daw si Nico kaya nauna na itong umuwi sa kanilang tirahan.

Nang makauwi na si Enrico ay tinanong na naman niya ang kanyang pamangkin kung ano ang kanyang problema. Sa pagpipilit malaman ni Enrico ang bumabagabag sa kanyang pamangkin ay bumigay din si Nico na magsalita.

"Bakit ganoon sila tito. Kailan pa ako magkaka-experience sa trabaho kung walang kukuha sa akin. At yung lalaki na iyon. Sanabihan ba naman ako na mas bagay daw sa akin ang trabahong tulad ng sa iyo. Sayang daw ang gandang lalaki ko. Hindi ko daw kaya ang trabaho sa office nila dahil wala pa daw akong experience. Pero maaari pa rin niya akong tulungan kung papayag ako sa gusto niya. Alam nyo na ang nais ng lalaking iyon." ang nailabas na sama ng loob ni Nico.

"Walang hiya yun, ah. Mamura nga kahit sa text lang." ang paggalit na nasabi ni Enrico sabay kuha sa kanyang cellphone. " Nasaan na nga ba ang number ng mokong na iyon? Sino na nga ba iyon?" ang sinasabi ni Enrico habang pinipindot ang kanyang cellphone.

"Hayaan nyo na iyon tito. Bukas baka swertehin na ako na makahanap ng trabaho." ang sabi ni Nico sa tiyuhin.

Kinagabihan ay nagpaalam si Enrico na pupunta sa regular niyang kliyente. Kailangan din niyang kumayod kahit papaano kaya iniwan na naman niyang nag-iisa si Nico. Medyo naiinip si Nico kaya minabuti niyang lumabas ng silid at humanap ng makakausap. Nagkataon naman na paparating na si George. Nagkasalubong ang dalawa. Nagngitian. Tapos ay pumasok na sa kanyang inuupahang silid si George. Nagbakasakali si Nico na may makausap pa kaya kinatok niya ang silid nina Jojo at Berto. Subalit walang sumasagot dito. Sinubukan niyang puntahan sa kabilang silid si Jordan. Pero ganoon din. Wala ding tao dito. Kaya naupo na lamang siya sa hagdanan.

Mga ilang minuto din ang nakalipas ng lumabas ng silid si George. May tangan itong basyo na bote ng softdrinks. Nakiraan siya kay Nico dahil medyo nakaraharang ng bahagya si Nico.

"Excuse, bro." ang pakiusap ni George.

"Mukhang bibili ka ng softdrinks." ang naging tanong ni Nico.

"Medyo mainit at kailangan ng kaunting pampalamig." ang naging tugon naman ni George.

Ilang minuto ang nakalipas ay bumalik na rin si George bitbit ang isang litrong softdrinks at isang plastic na yelo.

"Tara sa taas ng makainom ng malamig na softdrinks." ang anyaya ni George kay Nico.

"Sige na nga. Wala rin akong magawa dito." ang naging tugon ni Nico.

Pagpasok nilang dalawa sa silid ay agad kumuha ng baso si George at inihampas ang yelo sa pader upang mabiyakbiyak. Nilagyan ni George ng yelo ang mga baso at ibinuhos ang softdrinks.

"Kumusta ka na?" ang tanong ni George kay Nico.

"Heto, wala pa ring trabaho. Ang hirap humanap ng trabaho ngayon lalo na at wala pa akong experience." ang tugon ni Nico.

"Huwag kang mag-alala, makakahanap ka rin. Magtyaga ka lang." ang sabi ni George kay Nico.

"Ikaw kumusta na ang pamilya mo?" ang tanong naman ni Nico kay George.

"Okey naman daw sila. Nagsisimula ng malakad daw ang bunso ko. At yung panganay ko ay matatas na rin sa pagsasalita. Miss ko na nga sila eh." ang naging tugon ni George.

"Tuwing kailang ka ba umuuwi?" ang tanong muli ni Nico.

"Kapag may sweldo na ay umuuwi ako ng weekend." ang tugon ni George.

"Ako rin miss ko na rin ang nanay at tatay ko pati na rin ang mga kapatid ko." ang nasabi naman ni Nico. "Magdadalawang Linggo pa lamang ako sa Maynila pero miss ko na rin sila." ang dugtong pa ni Nico.

"Sorry pala sa iyo sa nagawa ko noong isang gabi." ang paghingi ng paumanhin ni George kay Nico.

"Okey lang iyon. First time ko kasi iyon kaya nabigla din ako." ang tugon naman ni Nico.

"Pero pakiusap ko lamang na sa atin-atin lamang iyon. Matagal ko na rin kasing lihim iyon. Pati ang wife ko ay hindi alam na ganoon ako. Pilit kong pinaglalabanan ito pero madali pa rin akong matukso." ang nasabi ni George.

"Walang problema iyan. Basta ba hindi mo tatalikuran ang obligasyon mo sa pamilya mo." ang sabi naman ni Nico. "Lahat naman yata ng tao ay may tinatagong lihim. Minsan kasi ayaw natin sabihin ito lalo sa mga mahal natin sa buhay dahil magdudulot lamang ito ng sama ng loob sa kanila." ang dagdag pa ni Nico.

"Oo nga eh. Simula ng nagkapamilya ako ay umiwas na ako sa ganoong gawain. Magastos din ang manlalaki. Kaya inilalaan ko na lamang ang aking kinikita sa aking pamilya." ang nasabi pa ni George.

"So yung nangyari noong isang gabi ay libre iyon kaya okey lang sa iyo." ang pabirong nasabi ni Nico sabay tawa.

Nabago ang mood ng dalawa at naging masaya na ang kanilang kwentuhan. Nagsimula na rin biruin si George ni Nico tungkol sa kung ilan na ang lalaking dumaan sa kanyang bibig. Pati na rin ang pinakitang galing ni George sa pagsuso ng kanyang ari. First time niya iyon pero nasarapan daw siya. Nagpatuloy ang kantyawan ng dalawa hanggang sa alukin ni Nico si George na subukan daw nilang gawin muli yung ginawa nila noong isang gabi. Hindi na nagdalawang salita si George at sinimulan na niyang maghubad. Ganoon di naman si Nico. Niyapos agad ni George si Nico at sinimulang halikan sa kanyang mga labi. First time ni Nico na mahalikan sa labi ng isa ring lalaki kaya iniwas niya ang kanyang mga labi. Naintindihan naman ni George ito kaya hindi na siya nagpumilit na halikan muli si Nico sa mga labi. Iginapang na lamang niya ang paghalik sa leeg, sa dibdib at hanggang marating niya ang ari ni Nico na noon ay nagsisimula ng tumigas.

Sinimulan niya itong susuhin. Pati ang mga bayag ni Nico ay hindi nakaligtas sa bibig ni George. Bihasa na rin si George sa pagsuso ng ari kaya naman ginalingan niya iyon para lalong masarapan si Nico. Halos tumingkayad si Nico habang sinususo ni George ang ari nito dahil nakatayo si Nico. Kaya naman pinahiga muna ni George si Nico sa kama at muling sinuso ang ari niya. Halos mabaliw si Nico na nararamdaman nitong sarap. Di na rin napigilan ni Nico ang mapa-ungol ng malakas. Hanggang sa pumilandit ang katas mula sa ari ni Nico. Tuwang tuwa si George ng mga sandaling iyon kaya naman wala itong inaksayang katas ni Nico. Habang nakahiga pa rin si Nico sa kama ay nagsalsal naman si George habang hawak-hawak pa rin ng isa niyang kamay ang ari ni Nico. Di rin nagtagal at pumutok na din ang katas sa ari ni George na kumalat sa may puson ni Nico. Dahil dito ay kinuha ni George ang kanyang tuwalya at pinanasan niya si Nico.

Hindi pa rin kumilos si Nico at nanatiling nakahiga. Tinabihan naman siya ni George at muli silang nag-usap.

"Okey ka lang ba Nico?" ang tanong ni George.

"Okey lang ako. Di lang ako makapaniwala na nagagawa ko na ito." ang tugon ni Nico.

"Sorry ha kung nagawa kung muli ito sa iyo?" nagpaumanhin muli si George.

"Huwag ka mag-alala. Ginusto ko na ito. At nasarapan naman ako. Kaya okey na okey lang ako. Nagtataka lang ako sa aking sarili." ang tugon ni Nico.

"Sige, sekreto na lang natin ito kung gusto mo." ang sabi ni George kay Nico.

"Okey lang kahit malaman nila. Tutal nasaksihan na naman nila yung una mong ginawa sa akin." ang nasabi naman ni Nico.

Ipinikit ni Nico ang kanyang mga mata. Di niya namalayan na nakaidlip na siya sa kama ni George na wala pa ring saplot sa katawan. Hanggang sa gisingin siya ni George.

"Nico, nandyan na yata ang tito mo. Gising ka na." ang paggising ni George kay Nico.

"Sorry ha. Nakatulog na pala ako dito." Ang nasabi ni Nico ng magising habang pinupunasan niya ang kanyang mga mata sa pamamagitan ng kanyang palad.

Nang bumangon si Nico ay noon niya naalala na wala pa pala siyang damit. Dali-daling nagbihis si Nico at lumabas agad ng silid. Nakita niya ang kanyang tito Enrico na nakatayo sa tapat ng pintuan ng kanilang silid.

"Kanina pa ba kayo dyan?" ang tanong ni Nico.

"Kadarating ko lang. Bakit nanggaling ka dyan? Mukhang bagong gising ka?" ang mga tanong naman ni Enrico.

"Oo nga tito. Nakipagkwentuhan ako kay George at di ko namalayan na nakatulog na pala ako." ang tugon naman ni Nico.

No comments:

Post a Comment

Iputok mo ditto, Pre!