Wednesday, March 13, 2013

Huling Gabi Bago Ang Palabas












Huling Gabi Bago Ang Palabas



by: kulit




“I love you.”

Pati ako nagulat n’ung lumabas ang mga salitang ‘yun sa bibig ko. Hindi ko na lang pinahalata.

Natigilan din si Kiko, saka umubo-ubo. Nahirinan yata.

Lahat ng mga kaklase namin eh natigilan din. Tumahimik bigla ’yung hilera ng table na kina-uupuan namin sa canteen.

“Huwag ka ngang ganyan,“ ang sabi ni Ella, sabay subo ng kinakain niyang adobo. “Baka mamaya may ibang makarinig sa ’yo, kung ano pa ang isipin,“ ang dagdag pa n’ya.

Natawa ng kaunti si Kiko, sabay inom ng tubig. ”Buti na lang sanay na ako sa iyo. Kung hindi baka atakihin ako sa puso.”

Tumahimik na lang ako at walang ekspresyon ang mukha na bumalik sa pagmememorya ko ng script.

“ANTIGONE“ by Jean Annouilh. Ito ang produksyon nang aming University Theater group sa taong ito.

Alam naman ng mga classmates ko ‘yung eksenang minememorya ko. Ako si Haemon, ang anak na Prinsipe ni Creon, ang bagong Hari ng Tebas. Umiibig ako kay Antigone, ang rebeldeng anak na dalaga ng dating haring Edipo. Si Antigone ay nakababatang kapatid ni Ismene na siyang napili ng aking mga magulang upang aking maging kabiyak. Pero hindi matuturuan ang puso ng isang prinsipe, at handa siyang ipag-laban ang pagmamahal niya kay Antigone.

Gaya na rin ng matatag na paninindigan ni Antigone na ipaglaban ang karapatan ng kanyang mga namatay na mga kapatid na magkaroon nang matahimik na kaluluwa sa kabilang buhay. Ito ang dahilan kung bakit niya sinusuway ang utos ni Creaon na pagkaitan ng libingang bangkay ng isa sa kanyang kapatid matapos itong mamuno sa isang malawakang pag-aalsa laban sa Tebas.

”T’was my father who made the choice, not I. My heart beats only for you,” ang sabi ko nang pabulong, habang parang nagko-concentrate ako na nakatutuk ang mata sa harapan ko. Paminsan minsan ay sinusulyapan ko si Kiko.

Hindi na ako pinapansin ng mga kaklase ko.

Hindi na rin ako pinansin ni Kiko. Itinuloy na niya ang pagkain.

“Alam mo, kumain ka na kaya,” ang sabi ni Hope. “Nalilipasan ka na yata.”

“You send me to where my heart does not wish to be,” ang sagot ko kay Hope na parang naiiyak. “Ismene is but like a sister to me. I wish to be your protector,” sabay bigay ng script kay Kiko na umiinom na ng tubig.

“Buti naman tapos ka na,” ang sabi ko na medyo seryoso. “Dali, throw lines tayo.”

“Mamaya na pag rehearsal,” ang sagot n’ya.

“Ikaw ang SM,” ang paalala ko sa kanya. “Kasama sa trabaho mo ang tulungan akong mag-memorya. Dali, basa!”

“A married life is not for me. For I have chosen a path only I can take,” ang sabi ni Kiko habang binabasa ang lines. “Go to her.”

“Let me follow you,” ang sabi ko na nag susumamo.

“We all have roles to play in our lives. And we must all play them to the end. Just as your father must play the King and enforce the law, so has it fallen to me to protect my kin. Your role is to marry Ismene. To be a husband to her, and to inherit your father’s crown. Take your lot in life and live with contentment.”

“You lie, for you love me too,” ang sagot ko kay Kiko.

“I know. And that is what makes our story sad…” ang sagot naman ni Kiko habang binabasa ang linya ni Antigone.

Ang cheap ng thrill ko, noh.

But at least, and let me point this out, no one will accuse me of not attempting to make my fantasy a reality.

Kina-career ko talaga ang tragic persona ni Haemon. In all things, nakaka-identify ako sa kanya. In preparation for my role, i walked around the campus with a tortured look on my face.

Kung minsan, hinahayaan kong medyo magulo ang buhok ko, tapos parang laging nag-iisip.

“Ano na naman ang nahitit mo?” ang laging pabirong bati sa akin ni Kiko. Ewan ko kung naaliw siya sa gimik ko, o talagang concerned lang siya.

At least, masaya ako na lagi kong kuha ang attention n’ya.

Tatlong taon na kaming magkasama ni Kiko sa Teatro. Nag-umpisa kami na parehong assistant stage managers. N’ung katagalan na, eh hindi na nabibigyan ng roles si Kiko. Talaga yatang wala siyang talent sa acting.

Pero magaling siya sa ibang bagay. Marunong siyang magtimpla ng kulay ng mga ilaw at mag-design ng gobo. Maganda rin ang mga nade-design niyang mga stage at furniture props. Pero ang talagang talent ni Kiko ay sa stage management. Nang tumuntong na kami sa Third Year, siya na ang resident Stage Manager namin.

Sinubukan kong sumawsaw sa trabaho niya pero madalas akong pumalya. Matapos ng isang produksiyon, ayaw ko na.

“Umarte ka na lang,” ang sabi pa niya sa akin n’un. “Pa-iilawan na lang kita kay Jun nang magandang-maganda.”

Lumulukso ang puso ko kapag nagsasalita siya ng mga kagaya nun. Kahit pabiro, sineseryoso ko ang mga yun.

Taga-Zamboanga si Kiko, kaya likas na malambing. Halatang-halatang nalahian ng Kastila ang dugo nila. I love his big light brown eyes at ang lips niya na medyo manipis. Tuwang-tuwa ako kapag ngumingiti siya dahil hindi niya ibinubuka ang labi niya. Nagmumukha tuloy siyang pilyong bata.

Kapag sobra na siyang natatawa, eh pipikit na lang siya at saka tutungo.

Hindi rin masyadong masalita, ‘di gaya ng karamihan sa mga laking-Maynila na masyadong opinionated. May breeding talaga ang probinsiyanong ito. Napaka-polite. Napaka-pino.

Natawa nga ako nung minsang nag-Chavacano siya habang kausap niya ang sister n’ya sa cell phone. “Parang halo-halong bisaya, Ilonggo at Spanish ang narinig ko, ah,” ang sabi ko pa.

Hindi naman artistahing gwapo si Kiko, pero tama lang ang timpla ng pagka-mestisuhin n’ya. Hindi siya dapat mag-exert ng effort para maging malakas ang appeal. Kahit sa pagdadamit, hindi siya maporma. Sa simpleng puti itim na de kuwelyo, lutang na agad ang kakisigan n’ya. Kampante si Kiko sa sarili niya kaya kaya niyang dalhin ang kahit ano’ng suot niya. Hindi niya iniisip kung ano ang isusuot niya. Kung ano ang nahablot niya sa cabinet n’ya, ’yun na ’yon.

Kahit ang buhok niya, hindi sunod sa uso. Pagkatapos naming mag CMT, pinahaba na niya ito. Natural siyang kulot at balingkinitan ang katawan. Bilugan ng kaunti ang mga pisngi n’ya, at may malalalim na biloy sa magkabila kapag siya ay ngumiti. Kaya pag nakita mo siyang naglalakad sa malayo, iisipin mo tomboy. Mabuti na lang ngayun at medyo hinahayaan na niyang magka bigote at goatee siya nang kaunti. Kung minsan, gumagamit siya ng leather na tali para i-pony tail ang buhok niya.

But what makes him truly endearing eh yung kanyang peaceful nature. Para s’yang malamig na hangin sa gitna ng summer.

Tuwang-tuwa nga ang mga ka-klase naming babae sa kanya dahil ang dali niyang madrastahin. Hindi siya pumapatol kapag inaaway siya ng babae nang walang kadahi-dahilan. Utusan mong bumili nang meryenda at susunod lang siya. Ito naman ang dahilan kung bakit paborito siyang biruin ng mga girls.

Paborito rin siyang imbitahing escort sa mga parties kapag walang ka-date ang mga babae naming classmates.

Ang mga mata ni Kiko ang bumubuhay sa buong mukha niya. Nasanay kasi siya na makipag-titigan sa kausap niya. Hindi niya ‘yun consciously na ginagawa. Kahit kapag may pinag didiskusyunan kayo sa libro, titingin lang siya sandali sa libro, bago titingin uli sa ‘yo. Basta’t hindi tapos ang usapan ninyo, hindi niya aalisin ang tingin niya sa mata mo.

Kung may sasabihin ka sa kanya, tititigan ka rin niya sa mata. Mararamdaman mo na para bang napaka-importante mong tao, at mahalaga ang mga sasabihin

Pamatay ‘yun. Kahit teacher namin sa Math, kinikilig sa mga mata ni Kiko.

Minsan, tinitingnan ko siya kapag naka-suot siya ng ear monitor sa backstage at matamang sinusundan ng mga mata niya ang script, gusting gusto ko siyang halikan.

Simpatiko at charming. ‘Yun na siya.

Hindi naman talaga umiinog ang buhay namin sa kanya. May kanya-kanya kaming buhay, at mga relasyon. Natutuwa lang talaga kami kay Kiko kapag kasama namin siya. Kung wala siya sa paligid-ligid, hindi naman naming siya hinahanap, o nami-miss.

At least, ‘yun ang paniniwala naming lahat, hanggang ‘nung may i-announce si Direk nuong n’ung Dress and Technical rehearsal naming.

No comments:

Post a Comment

Iputok mo ditto, Pre!